SINFUL CEOS SERIES 5:
Passionate Deception
Chapter 3
HINIHINGAL na umusal ng pasasalamat sa hangin si Chantara nang sa wakas ay nagawa niyang sirain ang lock ng french door ng kanyang kuwarto na magdadala sa kanya patungo sa balkonahe.
Ilang buwan na ring naka-lock ang pinto na iyon buhat no’ng isang beses na tumakas siya para lamang makipagkita sa nobyo niyang si Lance Buenaflor sa kaarawan nito. Daig pa nga niya ang preso sa loob ng sarili nilang pamamahay.
At ngayon ay tila may malaking bahagi ng kanyang sarili ang nabubuhay sa ideyang makakaalis na siya sa bahay na iyon. Though a little pain began to grow as well but she doesn't have a choice but to choose what she thought would make her happy and free. Iyon ay ang makaalis sa poder ng kanyang mga magulang. At buo na ang kanyang pasya.
Bumalik siya para itago sa ilalim ng kanyang kama ang mga tools na ginamit niyang panira sa padlock atsaka dinampot ang isang duffle bag sa ibabaw ng kama. Maingat siyang tumungo sa balkonahe.
And there her boyfriend was, patiently waiting for her. Nagmamatyag ito sa paligid ngunit kaagad ding tumingala nang sitsitan niya ito.
“Mahal, mag-iingat ka sa pagbaba.”
May gumuhit na excitement at pananabik sa puso ni Chantara nang marinig ang boses ni Lance. Inalis niya ang nakatabing niyang buhok sa kanyang mukha at nakangiting kinindatan ang binatang naghihintay sa kanya sa bakuran.
“Siyempre, mahal ko. Ako pa ba. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko dahil pakakasalan mo pa ako, hindi ba?” She naughtily spoke back and giggled afterward.
“Aprobasyon mo lang naman ang hinihintay ko matagal na, mahal ko.” Matamis na saad ni Lance at kaagad niya itong sinenyasan na babaan ang boses.
Nasa kalapit lamang ng bahay nila ang tirahan ng kanilang mga kamag-anak. Tiyak magkakaroon ng gulo oras na ma-spot-an na naroon si Lance Buenaflor sa kanilang bakuran. Lalo na kung mahuli siyang nagbabalak na sumama kay Lance at lumayo sa bayan nila.
Kalahating oras mula nang lumakad ang Mama’t Papa niya kasama ang kanyang kakambal na si Chandra ay naglakas-loob na si Chantara na i-text si Lance.
Katunayan niyan ay matagal na nilang binabalak ni Lance na magtanan at makipagsapalaran sa isang lugar na malayo sa bayan nila. Ngunit palagi siyang kumukontra roon dahil sa puso niya, umaasa siyang isang araw ay magiging maayos ang turing sa kanya ng kanyang mga magulang. Ang hindi niya inaasahan ay naging mas mahigpit pa ang mga ito sa kanya. Mas naging malupit.
Kanina nga nang maiwan siya ng mga ito ay ni-lock ng kanyang Papa ang kanyang silid upang tiyakin na hindi siya makakaalis sa bahay na iyon. Ang totoo ay palagi naman iyong ginagawa ng kanyang Papa sa tuwing may lakad ang mga ito at naiiwan siyang mag-isa sa bahay.
Ilang sandali lang ay napagtagumpayan ni Chantara na makababa sa wooden ladder. Nauna na niyang hinagis pababa ang kanyang bibitbiting duffle bag na sakto namang nasalo ni Lance.
Halos mapaluha siya nang sugurin siya ng mahigpit na yakap ng nobyo.
“I miss you so much, mahal ko. Halos mabaliw-baliw ako sa kaiisip saiyo dahil ilang araw mo ring hindi sinasagot ang mga tawag ko.” May tampong wika ni Lance.
Totoong sinadya niyang umiwas kay Lance nang nakaraang mga Linggo. Isang pinsan niya kasi ang nakahuli sa kanya noong huli siyang nakipagkita ng lihim kay Lance sa chapel.
Nakarating iyon sa kanyang ina at kaagad naman siyang pinagsabihan nito na sa susunod na may magsumbong dito na nakikipagkita siya ulit kay Lance ay sasamain siya. Masuwerte pa siya dahil hindi na iyon ipinaabot ng kanyang ina sa kanyang Papa.
“Pasensiya ka na, Lance.” She muttered her apology tenderly. Sandali pa ay maingat na silang naglalakad palayo sa bahay nila.
Hindi magawang lingunin ni Chantara ang kanilang bahay dahil kahit wala siyang maalalang masayang alaala roon ay kahit papaano ay ang bahay na iyon ang naging saksi sa kanyang paglaki.
Sa hindi kalayuan ay naroon ang isang kotse, nag-aabang sa kanila.
“Kinabahan ako sa inyo. Mga bente. Akala ko bulelyaso ang pagpuslit mo rito sa prinsesa mo, Buenaflor.” It was Lance’s childhood best friend, Jordan Palacio. Ito ang may-ari ng sasakyan na iyon at nabanggit na kanina ni Lance sa text message na kay Jordan sila sasabay patungong Maynila.
May talyer at car wash na pag-aari si Jordan sa Maynila. Ang kapatid nito ang nag-aasikaso niyon dahil wala pa raw balak si Jordan na iwan ang trabaho nito bilang seafarer.
“Mainam nang walang naging hadlang, Jords. Sabik na sabik na rin akong maging misis itong si Chantara Villaluna. Hindi na ako makapag-antay pa.” Balik na biro rito ni Lance.
Humahagikhik na kinurot ni Chantara ang tagiliran ng nobyo. “Ang usapan ay mag-iipon muna tayo, Mr. Buenaflor. Kahit maliit na tahanan lang muna bago ang kasal.”
“At paano kong desisyon na ng nasa Itaas na mauna muna ang baby bago ang bahay at kasal? Paano iyon?”
Sinamaan niya ng tingin si Lance na may pilyong ngisi sa mga labi. “Loko! We already planned for—”
Lance cut her off with a smack kiss on the lips. “Binibiro lamang kita, Ms. Villaluna. Basta’t sumama ka lamang sa akin, ipinapangako kong langit ang mararanasan mo sa aking piling.”
Hindi mapigilan ni Chantara ang kiligin sa mga ganoong uri ng banat ni Lance.
“Tangina! Itigil n’yo na iyan. Ayokong mahilo sa mga kabaduyan ninyo dahil magmamaneho pa ‘ko.” Reklamo ni Jordan atsaka ito padabog na pumasok sa driver seat.
Tahimik si Chantara sa backseat katabi si Lance na nakahilig ang ulo sa kanyang balikat. Hindi niya alam kung bakit unti-unti may umuusbong na takot sa kanyang dibdib.
Natitiyak niya sa kanyang sarili na mahal niya si Lance. Handa siyang bumuo ng pamilya kasama ito sa halip na magtiis sa malupit na trato sa kanya ng kanyang pamilya. Ngunit bakit pakiramdam niya ay mali ang ginagawa niya? Bakit may malaking pag-aalangan at takot sa dibdib niya? Bakit pakiramdam niya may mangyayaring masama?
“Bawasan mo na ang matinding pag-iisip, Chantara. Tuloy na tuloy na ang pagsampa ni Lance sa barko kaya iyong maliit na bahay na pangarap mo, kalimutan mo na. Don't settle for less. Kahit malaking bahay pa ay mapupundar ninyo.”
Natigilan si Chantara. Si Lance naman ay napaayos ang gulugod at napatitig sa kanya. His eyes became apologetic.
“Sasampa ka sa barko?” May gumuhit na pait sa dibdib ni Chantara. Bakit walang nababanggit si Lance tungkol doon?