Chapter 6

1006 Words
After 5 years Xia Rose Uy Monticello pov. “Are you ready babe?" Tanong sa akin ni Karson. May boyfriend. Yes sa loob ng limang taon na paninirahan ko dito sa Davao ay may naging karelasyon ako at si Karson yon. Nung unang lipat ko dito limang taon na ang nakaraan ay si Karson ang umaalalay sa akin. Nahihirapan akong mag adjust nung unang dating ko lalo na at sobrang stress ko. Buti na lang ng mga panahon na iyon ay nandyan si Karson para gabayan ako. Pinsang buo ni Kurt si Karson at pinag tiwala ako ni Kurt dito. Nung unang malaman ni Kurt na may relasyon kami ng pinsan niya ay tumutol siya. Baka daw may masaktan lang isa sa aming dalawa ni Karson lalo na at kasal pa rin ako kay Justin dahil asawa pa rin naman niya ako. Pero dahil kami ng dawala ni Karson wala na rin siyang nagawa kundi ang supportahan kami, lalo na ay si Karson ang kinilalang ama ng anak kong si Kyrie John. Yes may anak ako pero si Justin pa rin ang ama niya, hindi ko akalain na nagbunga ang huling pagtatalik namin. Pero pasalamat na din ako dahil kay Kyrie nabigyan ng saya ang buhay at nabawasan ang lungkot at pagkamiss ko sa isang anak ko. Pero pagkatapos ng limang taon, haharapin ko na siya at kukunin ko na siya sa daddy niya. Alam ko na hinihintay niya ako, at gusto na rin niya akong makasama. “Yes, babe I'm ready. Si Kyrie ba naasikaso na ng ng yaya?” Nakangiti kong tanong sa kanya. Ngayon ang araw na babalik na ako ng Manila. Pero ngayon kasama ko na si Karson at si Kyrie. “I think, ready na siya. Tara bumaba na tayo para mapuntahan natin ang anak natin." Hinawakan na niya ang kamay ko.at hinila ako pababa ng hagdan. “Ano ang plano mo pag dating natin sa Manila?” Naitanong pa ni Karson sa akin habang pababa kami ng hagdan. " Tulad ng sinabi kong plano, yun ang gagawin, I already send my resume on his company at hinihintay ko na lang tawag nila. But hopefully ako ang mapili ng hr niya na maging secretary niya.” Sagot ko naman sa kanya. "Sure ka na ba sa gagawin? Pwede naman natin kunin ang anak mo at hindi mo kailangan magpanggap sa kanila.” Aniya. Sa totoo lang tutol siya sa gusto ko na mag apply ako bilang secretary sa opisina ng dati kong asawa. Ang alam niya lang kasi ay kukunin ko si Christy pero para sa akin gusto ko mag higanti. Gusto ko ibalik ang sakit na nararamdaman ko noon dahil sa kanya. “Babe, napag usapan na natin to hindi ba? Please after nito at kapag na pa annual na ang kasal namin babalik na tayo dito." Ani ko at pinisil ang kamay niya. Buo na desisyon ko na mag apply bilang secretary ni Justin. And I know kapag nabasa niya ang resume ko at makita ang picture ko alam ko na magugulat siya. At yon ang gusto kong makita, gustong makita kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong buhay na buhay. “Mommy alis na po ba tayo dito?" Napatingin ako sa anak kong si Kyrie, apat na taon na siya ngayon at matalas na mag salita. Tanging mata niya lang ang tanging nakuha niya sa ama niya. “Yes, son. Mula ngayon sa manila na tayo titira. Makikita mo na ang ate mo pati na rin ang lolo at lola mo. Gusto mo ba yon?” lumapit ako dito at ginulo ang buhok niya. Agad naman siyang sumimangot sa akin dahil sa ginawa konsa kanya. “Mommy naman eh. Ginulo mo ang buhok ko.” Asik niya at muling inayos ang buhok niya. Agad naman na lumapit dito si Karson at binuhat ito. “Bakit ang sungit sungit ng anak ko hmm?" Malambing na tanong nito sa bata. “Dad, I don't want to go to Manila, I want to stay here.” Ungot naman ni Kyrie kay Karson. " But we need to go there, son. Isa pa may work ang mommy mo doon kaya kailangan niyang pumunta dun.” Pinaintindi ni Karson ang lahat kay Kyrie kaya napapayag din ito na sumama sa amin. Sandali lang din naman si Karson sa manila dahil babalik din agad ito dito para asikasuhin ang kanilang farm na siyang namamahala isa pa may mga hotel and resort na pinamamahalaan si Karson na kailangan niyang asikasuhin. Pagkatapos nilang mag usap na dalawa ay nag handa na rin kami para sa flight namin ngayong araw. Alam ko na hinihintay din kami ni Kurt sa manila at excited na rin siyang makita ang anak ko. Magkasundo na magkasundo kasi silang dalawa bat spoiled din si Kyrie sa kanya. *** Justin Monticello pov It's been 5 years wala ng pumanaw ang asawa kong si Xia Rose. Kahit masakit pinilit kong na bumangon para sa anak namin. Kahit galit na galit sa akin ang anak ko ay pilit ko pa rin pina unawa sa kanya na wala na ang mommy niya at kailangan makinig siya sa akin dahil ako pa rin naman ang daddy niya. “Excuse me po sir, ito na po ang mga nakapasa sa hr na mag apply ng secretary niyo. Pinadala po dito para kayo na daw po ang bahala kung sino ang pipiliin niyo para sa interview.” Saad sa akin ng pansamantala kong secretary habang wala pa akong nakikita na papalit sa pwesto ni Minerva. Nakapag asawa kasi ito ng isang foreigner at dadalhin na siya ng asawa niya sa ibang bansa kaya kailangan ko mag hire ng bago mapagkakatiwalaan ko. “Please tell them na itext ang lahat ng nakapasa sa kanila para sa interview sa mondy. Hindi ko na kamu iyan matitignan dahil sa dami ng gagawin ko, isa pa may meeting ako ngayon sa school ng anak ko.” saad ko na hindi man lang tinitignan ang mga resume na nasa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD