Chapter 5

1339 Words
Third person pov Ngayon ang araw ng libing ni Xia Rose, at ang lahat ay lumuluha maliban sa anak niyang si Christy. Ngumiti ito na humarap sa tito Kurt niya at tila ba may sinasabi ang mga mata niya dito. “Let's go lolo, lola." Aniya sa kanyang lolo at lola. “Later apo, this is the last day we will see your mom, aren't you sad that this is the last day you will see her?” Aniya sa kanya ng kanyang lolo ang daddy ng kanyang mommy. "Why would I? Well, that's not my mom. My mommy is still alive and she will come back to me to take it from daddy.” saad naman ng bata at tinignan ng masama ang ama. “Christy, apo…” umiiyak na tawag ng matandang babae dito. Alam niya na nasaktan ang apo niya sa pagkawala ng mommy nito, pero hindi niya akalain na magiging ganito ang magiging reaksyon ng kanyang apo. Nasaktan din silang sa pagkawala ng anak niya at alam niya na mas masakit para sa apo niya ang pagkawala ng mommy nito kaya sumasakit ang kanyang puso na makita itong ganito. Nung una at pangalawang araw na naka burol ang mommy nito halos hindi ito umalis sa kabaong at hindi tumigil sa kakaiyak. “Christy princess, where did you get the news that your mommy is still alive?” Tanong ni Justin sa anak niya. Hindi ito nag salita at tinignan na naman siya ng masama. “And why should I tell you?” Pabalang na sagot naman ng bata sa ama. “Christy! Hindi ka dapat sumasagot ng ganyan sa ama mo." Saway ng tito ng bata na si Jonathan. “I'm sorry Tito, but I hate him! I hate him! Dahil sa kanya umalis ang mommy ko.” Galit na sigaw ng bata at tumakbo papasok sa loob ng sasakyan. " Christy, come here!” Sigaw naman ng matandang babae, pero tuluyan nang naka pasok ang bata sa loob ng sasakyan. *** Justin Monticello pov Napapikit ako at napahilot sa aking sentido ng tumakbo na si Christy sa loob ng sasakyan ko. Mula ng makita niya kami ni Eunice ay naging galit na siya sa akin at hindi na rin niya ako pinapansin. “Let's go, tol.” Aya sa akin ni Jonathan. Alam ko na masakit din sa kanya ang pagkawala ni si Xia dahil matalik niya itong kaibigan. "Mauna na kayo, susunod na ako. Pwede rin ba na isama nyo muna si Christy sa inyo?” Saad ko na humarap kay Reynold. Aalis na rin ito sa susunod na araw dahil pupunta ito ng US kasama ang anak nito. Alam ko na mas lalong malulungkot si Christy kapag umalis na ang kaibigan niya. Si Rissa lang kasi ang kaibigan niya at malayo na ito sa ibang tao. Pero hindi ko naman pwedeng pigilan si Reynold na umalis dahil kailangan ng anak nitong si Rissa mapagamot sa ibang bansa dahil sa sakit nito. “Sure, para makalaro din sila kahit saglit ni Rissa bago kami umalis sa susunod na araw." Sagot nito sa akin. “Mauuna na rin ako, dahil hinihintay na din ako ni Vanessa. Alam mo naman na maselan ang pinagbubuntis niya at kailangan ko rin bisitahin ang farm na binili natin sa Davao dahil sa nangyari.” Ani naman sa akin ni Jonathan. Nagkasunog kasi ang farm sa Davao. Iyon ang na binili namin para kanya dahil nanalo siya sa pustahan na makukuha niya si Vanessa. Pero sa kalaunay na inlove ito sa dalaga at binawi na ang pustahan namin. Pero binigay pa rin namin sa kanya ang farm na yon bilang regalo sa magiging anak nila ni Vanessa. Nang umalis sila umupo ako sa tabi ng puntod ng aking asawa. “Believe me hon, hindi kita niloko. Kung ano man ang nakita mo sa opisina ay mali iyon. Kung nandito ka lang sana ay ipapaliwanag ko ang lahat sayo. Tungkol naman sa nakita ni Christy, alam ko na maintindihan din niya balang araw ang ginawa ko. Mahal na mahal kita hon, at walang mababago doon. Sorry kung dahil sa akin kaya ka nandiyan, pero kung alam mo lang na mas gusto ko pa na ako ang nandyan at ikaw ang na dito. I'm so sorry hon, I'm sorry dahil sa ginawa ko sayo.” Umiiyak na saad ko. Sa ilang araw na burol niya hindi ako umiyak pero ngayon binuhos ko ang lahat ng sakit at luha ko. Kung alam ko lang na huling gabi ko na siya maangkin noon at iyon na ang huling araw niya sana hindi na lang ako umalis at pinasaya na lang namin ang isa't isa. Sana hindi ko na lang pinuntahan si Eunice ng umaga na yon at hinintay ko na lang siya magising. Napasapo ako sa aking mukha habang yumuyugyog ang aking balikat dahil sa aking pag iyak. “I promise honey, papalakihin ko si Christy ng maayos at aalagaan ko siya ng mabuti katulad ng pag aalaga mo sa kanya.” Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumayo na. Pinunasan ko ang luha ko at muli kong sinulyapan ang kanyang puntod. “Paalam mahal ko, alam ko na magkikita pa tayo, at sa muli nating pagkikita alam ko na panghabang buhay na. Dahil wala na pwedeng mag pahiwalay sa atin at habang buhay na tayong magkasama diyan sa taas.” Ani ko at tumingala sa langit. Umalis na ako sa sementeryo at dumiretso na sa bahay. Ang dating masayang bahay namin ngayon ay wala na. Wala na ang sigla sa bahay na to at wala na ring kabuhay buhay. Ang bigat ng dibdib ko habang papasok sa loob ng mansion naming mag asawa. Ang dami naming masasayang alaala sa bahay na to at hindi yun basta mabubura. “Babe! Oh my god! Finally you are here.” Agad nagdilim ang paningin ko ng makita ko si Eunice sa loob ng bahay namin ng asawa ko. “Ano ang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko sa kanya at inalis ang kamay niyang nakapulot sa leeg ko. “Ano pa nga ba ang gagawin ko dito? Total nilibing naman na ang asawa mo, kaya nakapag desisyon ako na dito na tumira para mag sama tayo.” Masayang saad niya sa akin. Napa pikit naman ako at kinuyom ko ang palad ko. " Hindi ka ba talaga nakakaintindi Eunice? Respetuhin mo naman ang asawa ko, at bigyan mo ng delikadesa ang sarili mo.” Galit na saad ko at umakyat sa kwarto namin ni Xia. "Pero gusto ko na magsama na tayong dalawa. Ano pa ba ang kinakatakutan mo ha? Wala naman na ang pangit at mataba mong asawa.” Bigla nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "Ano ang sinabi mo?” Galit na hinaklit ko ang braso niya. “Ano ba Justin nasasaktan ako. Bakit hindi ba totoo naman ang sinabi ko! She's f*****g ugly, mataba at losyang na. Ni hindi mo na nga madala ang asawa mo sa mga party dahil kinahihiya mo siya.” Asik niya sa akin kaya mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak ko sa kanya… “Kahit tumaba ang asawa ko, hindi mo mapapantayan ang ganda na meron siya. She's beautiful not only on the outside but also on the inside. Ngayon lumabas ka sa pamamahay namin ng asawa ko kung ayaw mo na ipaladkad kita sa sa mga guardia.” Inis na saad ko at iniwan siyang nakatulala habang nakatingin sa akin. “Aalis ako ngayon, pero babalik pa rin ako dito. Tandaan mo na may karapatan din ang anak ko dito. May karapatan kami ng magiging anak mo dito." Sigaw niya sa akin. Tumigil ako saglit at kinuyom ko ang aking palad. “Tandaan mo Justin na may pananagutan ka din sa akin, kaya babalik at babalik ako dito para sa karapatan ng anak ko." Dugtong pa nito, hindi na ako lumingon pa at tumuloy na ako sa kwarto namin ni Xia. Gusto kong sariwain ang mga magaganda naming alaala noong nabubuhay pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD