Xia Rose Uy Monticello Pov “I have already received a text from JM winery and they are sending me for my interview tomorrow at 9 am.” Pagbibigay alam ko kay Hector. Agad naman siyang tumingin sa akin. Kita ko sa mata niya ang pangamba. Hindi ko alam kung para saan ang pangamba na nakikita ko sa mata niya. “Talaga bang hindi na kita mapipigilan pa sa gusto mo?" Aniya na agad na lumapit sa akin para yakapin ako. Para bang sa pag yakap niya sa akin ay hindi na niya ako pakakawalan pa. “Babe, diba nag usap naman na tayo tungkol dito?" “I know pero hindi ko mapigilan na mag alala na baka bumalik ulit ang pagmamahal mo sa kanya. Paano kung kunin ka niya sa akin? Hindi makakaya Rose, mahal na mahal kita at natatakot ako na baka sa sobrang pagmamahal ko sayo ay magagawa pa rin kitang ipaubaya