Xia Rose Uy Monticello pov.
“Ano na ang plano mo ngayon? Alam mo ba na parang baliw ang asawa mo, nakatingin sa kabaong na akala niya'y ikaw. Gusto ko siyang suntukan pero pinipigilan ko ang sarili ko.” Ani sa akin nick heart na makauwi siya galing sa kunwaring damay ko. Hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng bangkay na nilagay sa sasakyan ko noon at at pinalabas na nahulog sa bangin ang sasakyan ko kung saan malapit sa may puno na nabangga ko.
“I don't know Kurt, kung gusto ko lang gawin ngayon at makita ang anak ko dahil alam ko na hindi siya okay. Alam ko na mahirap sa kanya na tanggapin na wala na ako nang malaman niyang wala na ako. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya o ano?" Sagot ko sa kanya dahil sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko.
" Pero alam mo na hindi ka pwedeng magpakita sa kanila o sa anak mo. Kung talagang gusto mo alamin ang kalagayan niya ako ang pupunta doon at kakausapin ko ang anak mo para kamustahin siya.” Aniya pa sa akin.
" Pwede bang gawin mo yun sa akin Kurt? Gusto ko lang talaga alamin kung okay si Christy. Pero kung okay naman siya bukas na bukas din lilipad ako papuntang davao.” Sabi ko sa kanya. Nakapag desisyon na rin kasi ako na Davao ako mananatili hanggang sa maging okay ang lahat sa akin at kaya ko nang harapin si Justin at ang kabit niya.
“ Sige, ipapahanda ko na rin ang hacienda para sa pagdating mo doon, ipapasama ko na rin si yaya mameng para may kasama ka habang nandoon ka.” aniya.
“Thank you so much, Kurt. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung wala.” Saad ko at yumakap sa kanya. Kung wala dito si Kurt hindi ko na alam pa kung saan ako hihingi ng tulong. Ayaw mo rin ipaalam sa pamilya ko ang nangyari dahil noon pa mang nag aaral kami ni Justin ay ayaw na nila dito dahil nga daw sa babaero ito. Pero hindi ko sila pinakinggan at mas pinili kong pakinggan amg puso ko dahil mahal ko siya at naniniwala ako noon sa kanya na hindi niya ako lolokohin dahil mahal niya ako. Pero ngayon duda ako kung mahal pa nga ba ako, totoo bang minahal niya ako. Mula kasi ng magbago ang hugis ng katawan ko at tumaba ako nag iba na ang pakikitungo niya. Naging malamig na siya sa akin mula noon at tanging anak na lang namin ang nilalambing niya.
“Alam mo naman na para na kitang kapatid hindi ba? At ayaw ko na nakikitang nasasaktan ka. Sabay na tayo lumaki, at naghiwalay lang naman tayo nung nag college tayo, pero kapatid pa rin ang turing ko sayo.” Aniya at gumanti ng yakap sa akin.
***
Justin Monticello pov
" What are you doing here?” Galit na hinaklit ko ang braso ni Eunice ng pumunta siya dito sa burol ni Xia. Tumawag sa akin ang police at sinabing na aksidente ang asawa ko ay hindi agad ako naniniwala. Ang buong akala ko nagkamali lang sila pero ng sabihin nila ang plate number ng kotse doon ko na kumperma na sasakyan nga ni Xia iyon. Pero ang pinag tataka ko lang kung paano napunta si xia sa lugar na yon, papunta na iyon ng batangas kaya nagtataka ako bakit siya napadpad doon. Ang isa pang pinag tatakhan ko tinanong ko ang teacher ng anak ko at sinabi ko dito na nag madali umalis ang asawa ko sa opisina dahil sa tawag niya na mag emergency sa school. Pero sinabi naman ng teacher sa akin na hindi siya nag text o tumawag man lang kay Xia. Makikita rin sa cctv ang pagmamadali niyang pumasok sa kotse niya mula sa kumpanya at nagtagal ng ilang minuto bago ito pumunta sa school ng anak naming si Christy. Mula din sa school ng anak namin ay makikita rin na hindi bumaba ang asawa ko at nanatili ito sa loob ng sasakyan niya bago ito umalis sa lugar. Napapaisip rin ako na baka ka nakita niya kami sa loob ng opisina ni Eunice kaya nag madali siyang umalis noon sa opisina. Kung iyon man ang nangyari at dahilan ng kanyang pagka-aksidente, hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili.
“Masama bang bisitahin ko ang boyfriend ko? Babe, wala na ang asawa mo kaya malaya na tayo. Hindi ba dapat mag celebrate tayo dahil wala na ang asawa mo at wala nang hahadlang sa relasyon nating dalawa.” Aniya na lumapit sa akin at agad akong niyakap.
" Pwede ba Eunice, huwag dito. Nandito ang pamilya ng asawa ko. Sana naman bigyan mo naman ako ng kahihiyan.” Galit na binaklas ko ang kamay niyang nakapulupot sa leeg ko.
“Anong gusto mong gawin k? Ang pumunta sa loob at kunwaring umiyak sa burol ng asawa mo't magpasalamat sa kanyang kasi iniwan ka na niya sa akin ganun ba? No way! Hindi ko gagawin iyon, nararapat lang naman na mawala siya dito sa mundo dahil salot siya sa akin, at bakit ba nagi-guilty ka? Huwag mong sabihin sa akin hanggang asawa mo?”galit na sigaw niya sa akin. Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang aming sarili. Ayaw ko na magwala dito at ipahiya siya, ayaw ko din malaman ng pamilya ng asawa ko ang kalokohan ko.
“Eunice please—” pero bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay agad na niyang sinalubong ang labi ko. Nung una nagulat pa ako pero kalaunan ay gumanti din ako sa halik niya sa akin. Naging mapusok ang mga halik ni Eunice sa akin at naging mapaghanap ang nga kamay niya.
“ I really, really, miss you babe." Aniya na muling binalikan ang labi ko.
“Daddy?" Bigla naman ako natauhan ng marinig ko ang boses ng anak ko.
“C-christy– princess, kanina ka pa dyan?” tanong ko at agad ko naman tinulak palayo si Eunice sa akin. Kinakabahan na lumapit ako sa anak ko.
“Hi, Christy, ako nga pala ang mommy Eunice mo. Ako ang magiging bagong mommy mo.” Sabi ni Eunice na mas nauna pang lumapit sa anak ko.
“Eunice!" Saway ko sa kanya.
“No, hindi ikaw ang mommy ko. Buhay pa ang mommy ko at hindi ikaw papalit sa kanya." Umiiyak nasaad ni Christy kay Eunice.
" What? Sinasabi ko lang naman sa kanya ang totoo para maging handa na siya.” Sagot pa ni Eunice sabay ikot ng mata.
“You cheated on mommy, daddy? Kaya pala minsan nakikita kong, umiiyak si mommy pero mas pinipili niya na ngumiti sayo.” Ani ni Christy.
" No, no, princess! Please let me explain okay." Saad ko qt lumapit sa kanya.
“No, I hate you daddy, galit ako sayo. Ayaw ko na sayo." Aniya na tumakbo na palabas ng funeral. Sinubukan ko pa siyang tawagin at hinabol pero agad na itong yumakap sa kaibigan nitong si Rissa. Dahan dahan akong lumapit dito at lumuhod sa harap niya. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya amg lahat lalo na at napaka bata pa niya.