Xia Rose Uy Monticello POV
Kahit medyo nahihilo, pinilit ko pa rin makababa ng kotse. I want Justin to think that I'm dead, I want him to be surprised when I come back. But for now I have to stay away from him. Pero babalik ako at kukunin ko ang anak ko. Hahayaan ko silang magpakasaya ng kanyang babae. Kinuha ko ang cellphone ni Christy sa aking bag at tinawagan ang isa pang tao na malapit sa akin. Si kurt, my childhood friend kaibigan din ito ng pinsan ni Justin na si Jeff. Lumayo lang si Kurt sa akin nung umuwi ang mommy niya sa Davao dahil nakipaghiwalay ito sa daddy niya. At nagkakilala naman sila ni Jeff dahil sa hotel na pinatayo ni Jeffrey sa cebu kung saan naging kasosyo nito si Kurt. Kaya bumalik ang communication namin ni Kurt dahil kay Jeff. Nagkita kami ulit Kurt nung na imbitahan kami ni Jeff sa opening ng hotel niya sa Cebu.
“Hello?" Sagot nito sa tawag niya.
“Kurt…!" Tanging sambit ko sa pangalan niya.
“Rose, is that you?” Tila nabigla pa ito ng marinig niya ang boses ko. Saka ko lang na alala na number ni Christy ang ginamit ko sa pagtawag sa kanya.
“Help me please.. Kurt puntahan mo ako." Pakiusap ko sa kanya.
“What happened? Nasaan ka?"
" Naaksidente ako, please puntahan mo ako dito.”
" Nasaan ka? Alam na ba ni Justin ang nangyari sayo?” Aniya. May narinig pa akong kalabog sa kabila linya.
“No no, hindi niya alam. And please don't tell him.” bigla akong nataranta. “Dito ko na ipapaliwanag ang lahat pero please huwag mong sabihin sa kanya.” Ulit na pakiusap ko sa kanya.
“Okay, okay, send me your address." Iyon lang ang sabi niya at pinatay na agad ang tawag. Agad naman ako nag padala sa kanya ng location kung nasaan ako at umupo muna ako sa may gilid ng daan habang hinihintay ko si Kurt. Buti na lang at masyadong liblib itong lugar na napili kong pagbungguan ng kotse at walang CCTV. Wala din masyadong may dumadaan na sasakyan dito. Mga bente minutos din ang paghihintay ko bago dumating si Kurt.
“What happened?" Agad na tanong niya sa akin ng dumating siya.
“Kurt, please help me.” Ani ko at lumapit sa kanya. Binuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pag iyak sa dibdib ni Kurt.
“Come on, let's go to my car.” Agad niya akong hinila papasok sa sasakyan niya.
" Now tell me, ano ang nangyari?” Inisa isa ko ang lahat ng nangyari sa amin ni Justin. Wala akong kalimutan na kwento sa kanya. Pati na ang paghuli ko kay Justin sa mga text at kausap nito sa cellphone nito pero nag bulag bulagan ako dahil naniniwala ako na hindi niya ako lolokohin dahil mahal niya ako.
“Damn him! Pagkatapos ng lahat lolokohin ka lang niya.” Kuyom ang palad na saad niya.
" Please, Kurt, Ilayo mo ako dito. Tulungan mo ako please.”
" Ano ang gusto mong gawin ko?" Tanong pa niya sa akin.
“Please help me, tulungan mo ako na palabasin na kasama ako diyan sa kotse at patay na ako. Gusto kong isipin ni justin na wala na ako.” Ani ko pa sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng plano ko. Pumayag naman siya at siya na daw ang bahala sa lahat inuwi na muna niya ako sa mansion niya at sinabi niyang dadalhin niya ako sa Davao at doon muna ako magtatago habang hindi pa ako handa makipagkita may Justin. Alam ko rin na kokontakin ni Justin ang pamilya ko kaya mas maganda na hindi na rin ako kokontak sa pamilya ko.
“Ito na muna ang magiging kwarto mo dito, sa ngayon ay mag pahinga ka na lang muna at sasabihin na lang kita mamaya kung ano na ang balita.” Tumango ako sa kanya at pumasok na sa kwarto na higa na muna ako sa kama. Pero maya maya ay napabangon ulit ako ng may kumatok sa akin.
“Ma'am, pina bibigay mo ni sir Kurt, ito daw po ang magiging bihisan niyo.” Ani sa akin ng katulong.
" Salamat po ate ha.” naka ngiti kong sabi sa kanya at tinanggap ko ang binigay niya.
***
JUSTIN MONTICELLO POV.
Kagabi pa ako na stress dahil sa pangungulit sa akin ni Eunice. Kaya naman pinuntahan ko siya kanina sa condo niya para matahimik lang, tapos ngayon naman ay pumunta siya dito sa opisina para kulitin na naman ako.
“How many times I told you na wag na wag kang pupunta dito sa opisina ko." Inis na saad ko sa kanya.
“Nag madali ka rin kasi kaninang umalis eh, babe namimiss na kita at gusto din kita makasama" malambing na sabi niya sa akin. Napa hilot ako bigla sa sintido ko dahil bigla sumakit ang ulo sa pangungulit niya. Alam niya naman na may asawa akong tao at ayaw ko na malaman ni Xia ang tungkol kay Eunice. Speaking of Xia alam ko na ginagawa niya ang lahat sa akin kaya kung sakali lang ayaw na ayaw kong saktan siya. Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang asawa ko. Ang laki man ng pinag bago niya pero hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.
“Alam mo na hindi ka basta basta na pwedeng pumunta dito hindi ba? Any time pwedeng bumisita sa akin ang asawa ko.” Malamig na turan ko at bumalik sa pagkaka upo sa swivel chair ko. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa kandungan ko. Gusto ko siyang itulak at hilahin palabasin sa opisina ko pero pinigilan ko dahil iniisip ko pa rin na babae siya.
“Kailan mo ba kasi hihiwalayan yang tabachoy mong asawa? Babe, naman buong magdamag akong nag hintay sayo tapos pumunta ka sa condo ko ng 4 am. Nasayang tuloy ang effort at niloko ko para sayo.” pumikit ako ng mariin at pinigilan ko ang galit ko dahil sa sinabi niya. Wala siyang karapatan na laitin ang asawa ko.
“Look, babe, ang mabuti pa pupuntahan na lang kita mamaya sa condo mo dahil hindi nila tayo pwedeng makita dito. Ayaw ko na masira ang pangalan ko, at alam ko na ganun din ang sayo.” Mahinahon na saad ko.
" Hmm, sige na nga, basta ha sinabi mong pupuntahan mo ako mamaya. Miss na miss na kita babe." Aniya na kumapit sa leeg ko.
“Yeah, I promise." Sagot ko. ngumiti siya sa akin at ahad na hinalikan ako sa labi. Ang akala ko ay smack lang ang gagawin niya pero agad niyang pinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Tinugon ko saglit ang halik niya sa akin at agad ko rin siyang tinulak.
“Aalis na ako, basta ha ang promise mo sa akin." Ulit pa niya at muli akong hinalikan sa labi. Tumayo na siya at lumabas sa opisina. Buntong hininga na humarap ako sa computer at sa litrato namin ng asawa ko at ng anak namin na si Christy. Pinikit ko ulit ang mata at muli kong hinilot ang ulo ko.
“Sir?" Muli akong nag mulat mata ko ng marinig ko ang boses ni Minerva.
“Yes Minerva?" Ani ko sa aking sekretarya.
"Sir, dinaan po pala ni ma'am Xia dito kanina.” Bigla akong namutla sa sinabi niya ibig sabihin pumunta dito si Xia.
“Anong oras siyang pumunta dito kanina? P-pumasok ba siya dito sa opisina?” Kinakabahan na tanong ko. Paano kung nakita kami kanina ni Xia.
" Hindi ko alam sir, kung nakapasok po soya kanina dito. Pero ang sabi niya po kasi kanina ay papasok na siya dito pero agad din po siya bumalik sa mesa ko at binigay po itong dala niyang pagkain para sayo. Ang sabi niya po akonna daw po ang magbibigay sa inyo dahil bigla daw po siya tinawagan ng teacher ng anak niyo.” Napatingin ako sa pagakin na dinala ni Xia. Siguro iniisip niya na dalhan ako ng pagkain dahil maaga akong umalis kanina.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya pero out of coverage siya. Nang hindi ko siya makontak kinuha ko muna ang pagkain na dala niya at kinain. Napangiti pa ako ng matikman ko ang niluto niya. She's the best. Pagdating talaga sa pagluluto ng paborito kong pagkain ay kuhang kuha niya.
Napatigil ako sa pagkain ng nag ring ang cellphone ko. Ang buong akala ko ang asawa ko ang tumawag pero unknown number lang ang lumabas.
“Hello?"
“Hello, pwede po ba makausap si Justin Monticello?" Sagot ko sa lalaking nagtanong Sa akin.
“ Yes, speaking.” Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng marinig ko ang sinabi sa kabilang linya.
"No!” Hindi makapaniwala na saad ko at binitawan ang cellphone ko.