Masaya akong gumising kinabukasan. Matagal din kasi bago ulit may nangyari sa amin ni Justin. Kagat ang ibabang labi na kinapa ko siya sa tabi ko pero ang anak namin si Christy, ang nakapa ko. Nang tingnan ko ang sarili ko nakabihis na din ako. Ang alam ko kagabi hindi nakatulog na lang ako na walang damit, siguro binihisan na niya ako para hindi makita ng anak namin. Bumangon na ako at pumasok ng banyo para maligo. Kailangan kapag luto na ako para sa almusal ng anak namin.
“Ate, ano oras po umalis ang sir niyo?” Tanong ko sa mga katulong namin.
“ Naku paggising po namin wala na si sir, wala na po yung kotse niya sa labas. Baka po maaga po siya umalis kanina.” Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ng isa sa katulong namin.
" Anong oras po ba kayo nagising kanina?”
" 5:00 a.m. po ma'am.” Sagot naman nito sa akin. Kung alas singko sila nagising at wala na si Justin ibig sabihin umalis ito ng sobrang. Pero saan ito pupunta?
“Ganun ba? Sige po, pahiwa na lang po ako ng bawang ate, para maipagluto ko po ng almusal si Christy.” Agad naman nilang sinunod ang utos ko, at habang nagluluto ako hindi maalis alis sa isipan ko ang biglang pag alis ni Justin ng madaling araw.
“Baka naman may importante siyang meeting na dinaluhan kaya napaaga ang alis niya.” Bulong ko pa sa aking sarili. “Siguro dadalhan ko na lang siya ng almusal sa office niya para makakain siya.” napangiti ako sa naisip ko kaya agad kong tinapos ang pagluluto ko para gising na ang anak ko at ihatid na siya sa school niya. 8 am ang pasok niya at alas 7 na. Pag akyat ko sa kwarto namin ay agad kong ginising ang anak kong si Christy at tinulungan maligo at mag bihis. Nagbihis na rin ako ng maganda para kahit papano ay presentable naman ako tignan mamaya kapag nasa office na ako ni Justin.
“Bye, anak, makinig ng mabuti kay teacher okay? At wag na wag kang lalabas ng school ng hindi pa ako dumating. Hintayin mo ako, do you understand?” Nakangiti kong bilin sa anak ko.
" Yes, mommy, bye po nandiyan na po si Rissa.” Aniya sa akin na agad tumakbo palapit sa kaibigan niyang si Rissa.
“Hi, Rissa, hi, Rey." Nakangiti kong bati sa kaibigan ng anak ko at sa kaibigan ko. Si Rissa ang naging bunga ng pagtataksil ni Reynold sa kaibigan namin si Jonathan. Anim talaga kaming magkakaibigan noong nasa college pa kami. Ako, si Vince, Reynold, Jonathan at si Joana, My girl Bestfriend. We're best friends back then pero nag bago ang lahat ng ma inlove si Jonathan at Reynold sa isang babae, kay Joana. Pero dahil mas pinili ni Joanna nun si Jonathan. Alam ko na nasaktan si Reynold ng mga panahon na yun dahil alam ko na mahal na mahal niya si Joana at ganun din si Jonathan. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag kakaayos kahit limang taon na ang lumipas kahit na wala na si Joana dahil namatay ito nung nanganak siya sa anak nila ni Reynold na si Rissa. Nag kalapit naman kami ni Justin, because of Jonathan. Palagi silang sumasama ng matalik niyang kaibigan noon sa amin na si Marco at ang kanyang pinsan na si Jeffrey, at ang isa pa nilang kaibigan na babae na si Karen. Kaya doon din lumaki ang aming grupo. Nanligaw sa akin si Justin at pinakita niya sa akin na nag bago siya dahil sa akin kaya naman sinagot ko siya at ng magtapos nga kami ay mag propose na siya sa akin kaya agad na rin kami nun nagpakasal dahil buntis na rin ako ng mga panahon na yun. Agad na akong nagpaalam kay Reynold at sinabi na pupunta muna ako kay Justin para hatiran ito ng almusal. Umoo naman si Reynold kaya sumakay na ako sa kotse ko para puntahan si Justin sa opisina niya.
***
“Hi Minerva, nasa loob ba ang si Justin?” Nakangiti kong bati sa secretary ni Justin. Bigla naman itong namutla at mukhang hindi alam ang gagawin niya dahil medyo nataranta pa ito.
“M-ma’am Xia, kayo po pala, s-sandali lang po ma'am tatawagan ko po si sir.” Nauutal at nervous na saad nito sa akin. Alam mong may tinatago siya sa akin kaya kahit na kinakabahan na ako ay pilit ko pa rin na ngumiti sa kanya.
"No need na Minerva, saglit lang naman ako dahil ibibigay ko itong pagkain na dala ko at aalis din agad ako.” Ani ko at pilit na ngumiti sa kanya. Nagtungo na ako sa pinto ng opisina ni Justin at dahan dahan kong binuksan kahit na nanginginig ang kamay ko.
“Kailan mo ba kasi hihiwalayan yang tabachoy mong asawa? Babe, naman buong magdamag akong nag hintay sayo tapos pumunta ka sa condo ko ng 4 am. Nasayang tuloy ang effort at niluto ko para sayo.” Saad ng babae habang nakaupo sa kandungan ng asawa ko. Biglang sumikip ang dibdib ko, at kinapos ang paghinga ko. Kinuyom ko ang palad ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin. Kaya ba nag bago na ang pakikitungo niya sa akin? Kaya ba maaga siyang umalis kanina? Ngayon ay alam ko na kung bakit late na siya umuwi sa bahay, kung bakit lagi siyang nagmamadali umalis sa umaga. Humugot ako ng malalim na hininga at muling sinara ang pinto. Pinunasan ko ang luha ko na dumaloy sa mata ko. Masakit, oo sobrang sakit pero ayaw ko na makita pa ako ni Justin na umiyak at magmakaawa sa kanya. Bumalik ako sa mesa ni Minerva at ngumiti.
“Minerva, pwede ba na ikaw na lang mag bigay sa boss mo mamaya? Bigla kasing tumawag ang teacher ni Christy kaya kailangan na bumalik ako ngayon sa school. Salamat ha.” Saad ko at nilagay sa mesa niya ang niluto ko para sana sa almusal ni Justin. Hindi ko hintay pa ang sagot ni Minerva at pumasok na agad ako sa private elevator.
Habang sakay ako ng kotse hindi ko mapigilan ang humagulgol mg iyak. Lahat ng sakit sa dibdib ko ay nilabas ko. Nakapag desisyon na ako, lalayo muna ako. Kailangan kong pahilomin ang sugat sa puso ko. Agad akong pumunta sa school ng anak ko at nanatili sa harap ng school niya.
“Pangako anak babalikan kita, at kukunin kita sa daddy. Sa ngayon patawarin mo ako kung maiiwan kita sa kanya. Dahil isasama kita baka pareho lang tayong magdusa." Mahinang usal ko at binuksan ko na ang makina ng sasakyan ko. Nag drive ako ng drive hanggang sa napagod ako. Hinigpitan ko ang pagkakaiba ng seatbelt ko at agad kong binunggo ang sasakyan ko isang puno na nakita ko.
“Aahh!" Napadaing ako ng nakaramdam ako ng kirot sa aking ulo. Medyon na hilo din ako pero kinaya kong tumayo para lisanin ang sasakyan ko.
“Ngayon ay patay na si Xia Rose Uy Monticello. Patay na ang asawa mo Justin, at babalik ako na iba na ang aking pagkatao. Babalikan ko ang anak ko sayo.” Ani ko at hinubad ang singsing sa aking kamay at iniwan sa loob ng sasakyan ko.
***
HI, PO PA ADD NAMAN PO SA LIBRARY NIYO ANG STORY NI XIA AT JUSTIN. SI JUSTIN PO AY ANG KAPATID NI JONATHAN MONTICELLO NA BIDANG LALAKI KO SA PAGSALUHAN ANG INIT. SA HINDI NAMAN PO NAKAKA BASAYA NG STORY NI JONATHAN AT VANESSA PWEDE NIYO PO SILANG BASAHIN.
(HOT SECRETARY SERIES)
"HOT SECRETARY SERIES 1. MY HOT NERD SECRETARY" MARYJOY AND JEFFREY
"HOT SECRETARY SERIES 2. PAGSALUHAN ANG INIT." VANESSA AND JONATHAN
"HOT SECRETARY SERIES 3. MY AMNESIAC SECRETARY IS MY WIFE." XIA ROSE AND JUSTIN