“Ano ang nalaman mo tungkol sa kanya?” Tanong ko sa PI kong si Alvin ng dumating ito sa bar ni Vince. Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko kasama pati na ang kapatid kong si Jonathan. “Ito lang po ang nalaman ko sa kanya boss." Inabot niya sa akin ang isang brown envelope kaya inabot ko ito at binasa isa isa ang nasa loob nito. “Nag sasama sila ng boyfriend niyang si Karson Allegrie. At may isa silang anak na si Kyrie Uy.” Biglang kumunot ang noo ko ng makita ko ang batang lalaki na nasa litrato. Kamukhang kamukha ito ni Xia pero ang mata nito ay hindi niya masabi kung kanino. Bumilis din ang t***k ng puso ko ng makita ko ang mukha ng bata sa litrato. “Kung anak nilang dalawa ang bata bakit Uy pa rin ang ginagamit niya at hindi Allegrie?” Tanong ni Jonathan kay Alvin. “Yan po ang su