“Babe, aalis na ako." Nakangiting paalam ko kay Karson. Ngayon ang unang araw ko sa pagpasok sa opisina bilang secretary ng aking dating asawa. Kinakabahan man sa muli namin pagkikita pero nilalakasan ko ang loob ko para sa anak kung si Christy. Kailangan makuha ko ang loob ni Justin para makuha ko muli sa kanya ang anak ko. Ito lang kasi ang paraan na alam ko para makaganti sa panloloko niya sa akin. “Mag ingat ka and please babe huwag kang masyadong lumapit sa kanya wala akong tiwala sa dati mong asawa." Ani sa akin ni Karson kaya lumapit ako sa kanya at humalik sa labi niya. Gusto ko na mag tiwala siya sa akin at wag siya mag isip ng kung ano pa. “Don't worry bean wala na akong nararamdaman sa kanya kung meron man nandidiri na lang yun na palitan mo na siya dito." Aniko sabay turo sa