Xia Rose Uy Pov “S-sandali po sir! Hindi ko po kayo kilala.” Tinulak ko kaagad si Justin ng yakapin niya ako. Kay bilis ng t***k ng puso ko ng naamoy ko ulit ang paborito kong pabango na binibili ko sa kanya. Pinakalma ko ang sarili ko at pilit na siniksik sa isip ko ang pinunta ko dito. " X-xia?” Umatras ako ng humakbang siya palapit sa akin. " H-hindi ko po kayo kilala at pumunta po ako dito para mag apply ng trabaho. Pero aalis na lang po ako.” Kunway saad ko at hinigpitan ang hawak sa bitbit kong folder. " No stay please. I'm sorry na bigla lang ako.” Anito pero hindi pa rin makapaniwala na tinignan ako. " Please sit down miss Uy." Turo niya sa akin sa upuan sa harapan ng table niya. Tumalima naman ako at agad na upo doon dahil nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa titig niya sa