May kung ilang saglit na hindi nakakibo si Brianna matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Alejandro. Nakipagtitigan lamang siya dito habang unti-unti ay pinoproseso sa kanyang isipan ang mga binitawan nitong kataga. "Hindi mo ako pag-aari," sambit niya dito. "So, we are back to square one again, huh?" he said. "Napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na iyan, Brianna. Akin ka hanggang sa panahon na itatakda ko." "At ano? Dahil diyan ay pinoprotektahan mo ako? Sa pamamagitan ng pagpatay, Alejandro?" "Why do you keep on defending Carlo? Halos ipahamak ka ng taong iyon, Brianna." "Pero hindi pa rin dahilan iyon para patayin siya! Para manakit ka, Alejandro!" "Fvck!" mahina nitong pagmumura na halos umabot pa rin naman sa kanyang pandinig. "Fvck you ka rin!" balik niya sa mura nito