"B-Bakit?" puno ng kalituhan na tanong ni Brianna sa kanya. Kita ni Alejandro sa mga mata ng dalaga ang kalituhan. Marahil ay iniisip nito kung bakit bigla na lang siya natigilan. Hindi niya maiwasan na ganoon ang maramdaman. Napakalawak ng mundo pero hayun at nakatagpo niya ang anak ni Anastacia Cervantes. Hindi lang basta nakatagpo--- bedded, as well. Tuluyan niyang kinalimutan ang paninigarilyo at lumapit nang muli sa kama kung saan ito naroon. Agad pang napayuko nang bahagya si Brianna at iniiwas ang mga mata sa kanya. He was still fully naked and as he walked closer to her, his manhood was almost levelled to her face. Kung sa ibang pagkakataon ay papansinin niya ang pagkailang nito sa kanya. May nangyari na sa kanilang dalawa ngunit hayun at ni hindi pa rin ito makatingin nang dire