Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Alejandro sa mukha ni Carlo dahilan para humandusay ito sa lupa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses nang tumama ang kanyang kamao sa mukha nito ngunit hindi niya pa rin ito tinitigilan. May umaagos na rin na dugo mula sa sulok ng bibig ng binata dahil sa panununtok na kanyang ginagawa. Yet, Alejandro still can't find the satisfaction. Kung posible siguro na durugin ito gamit lamang ang kanyang mga kamay ay ginawa na niya. Sukdulan ang galit na nadarama niya para dito dahil sa paglagay kay Brianna sa alanganin. Pinagkatiwalaan niya ito, ipinaalam ang katotohanan na buhay pa siya at maging ang kaligtasan ni Brianna sa pagtungo sa kanilang kompanya ay hinayaan niyang sa mga kamay nito nakabase. Kaya naman, matapos niya malaman ang pagtatraydo