"Uncle Lucio..." mahinang sambit ni Alejandro sa pangalan ng matandang lalaki kasabay ng paglipat-lipat niya ng kanyang paningin dito at kay Brianna. Hindi niya pa maiwasang magtaka kung bakit magkasama ang mga ito ngayon. Paanong nagkakilala ang dalawa? At bakit kasama ito ngayon ni Brianna? Bumaba pa ang kanyang mga mata sa kamay ni Lucio na nakahawak sa palapulsuhan ng dalaga na wari ay nasa aktong inaakay ito sa paglalakad. Magkasama ba ang dalawa mula pa sa loob ng LRE? Out of an emotion that he could not give a name, Alejandro moved in a swift way and held Brianna on her other hand. Basta na lamang niya itong hinila patungo sa kanyang panig dahilan para mabitawan ito ng matandang lalaki. "Aray, Alejandro! Ano ba?!" daing ni Brianna nang makuha niya ito. "Buhay ka nga, hijo," nar