CHAPTER 4

2388 Words
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang saad ni Brianna habang walang kurap na nakatitig sa mukha ng lalaking nasa kanyang harapan. She must be mistaken with what she heard. Baka nakaringgan niya lang iyon o 'di kaya naman ay niloloko lang siya ng lalaking ito. Hindi maaaring tumakas siya sa yate para lang din mapunta sa lalaking nakabili sa kanya. "You heard me," anito sa mapanganib na tinig na halos magpakaba sa kanya. "I was at the auction, obviously. And I was the one who bought you." Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid kasabay ng disimuladong pag-atras ng kanyang mga paa. Halos mangilan-ngilan na lang ang mga taong nakikita niya sa daan dahil sa halos madaling-araw na rin. Ang mini gorcery store na pinuntahan nila kanina ay pasara na rin. Pagak pa siyang natawa bago lumingon ulit sa estranghero. "N-Nagbibiro ka. Hindi---" "One million is not a joke, baby," wika nito na wari ba ay isa talaga siyang batang kausap nito. "So, if I were you, you will come with me now." Agad na nakadama ng kaba si Brianna dahil sa tinuran nito. Dumoble pa iyon nang mabilis na inabot ng lalaki ang kanang palapulsuhan niya at basta na lamang siyang hatakin palapit sa sasakyan. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay mula dito ngunit sadyang malakas ang lalaki. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya nang magpumiglas siya. "Please, nakikiusap ako," pigil niya dito. "Hayaan mo na akong umalis." Ipinasok pa muna siya ng lalaki sa loob ng sasakyan bago ito tumugon. Nakatayo lamang ito sa may entrada at nakatukod pa ang isang kamay sa may bubong ng naturang sasakyan. His eyes were intently darted at her as he spoke in a very serious tone. "I am a businessman, miss. Hindi ako basta-basta nagsasayang lang ng pera. I made sure that every penny I spent was well compensated." Iyon lang ang sinabi nito bago sumakay na rin sa kanyang tabi. Pabalang pa nitong isinara ang pinto dahilan para magsumiksik si Brianna sa may panig niya. Basa pa siya sanhi ng paglangoy nila sa dagat kanina. Totoong nakaramdam siya ng lamig dahil doon pero pakiramdam niya ba ay mas nanginginig siya ngayon dahil sa kaalaman na ang lalaking kasama niya na nakaligtas mula sa sumabog na yate ay ang mismong lalaking nakabili din sa kanya. Waring may mga dagang naghahabulan sa kanyang dibdib at hindi siya makapag-isip nang maayos. Ang buong akala niya ay ligtas na siya mula sa mga lalaking pinagbentahan sa kanya ng Tiya Nimfa niya. Hindi pa pala. Because right now, the man who actually bought her was beside her. At kung saan man siya nito dadalhin ay wala siyang ideya. "Sa bahay tayo sa Laguna, Lemuel," narinig niyang utos pa ng lalaki. His voice was full of authority na kung sakali sigurong nagtatrabaho siya dito ay pangingilagan niya ito bilang amo. Slowly, Brianna turned to look at him. Kasalukuyan itong may pinindot sa may harapan nito matapos nitong magbigay ng utos kay Lemuel. Ang ginawa nito ay nangpangyari upang bumaba ang mistulang harang sa pagitan ng driver's seat at backseat. Naging dahilan iyon para hindi na niya makita pa si Lemuel. The car she was in right now showed luxury. Alam niya na kung hindi napapabilang sa may kayang angkan ay hindi basta-basta makakabili ng ganoong uri ng luho. At ang lalaking kasama niya ngayon ay ganoon ba? Gaano ba ito kayaman? Naalala niya pang tinawag itong sir ni Lemuel? Empleyado ba nito ang lalaking nagmamaneho sa kanila? And if he was really the one who bought her, he must be really that rich. Ganoon lang kasi kadali para dito ang magbitaw ng isang milyon para sa isang babae. "What is your name?" Agad pa siyang napapitlag nang marinig ang tinig nito. She swallowed hard. Gusto niya man itong sagutin ay waring nanunuyo ang kanyang lalamunan at walang tinig na nais lumabas mula sa kanya. The man looked so lethal. Kanina pa lang sa yate ay napansin na niya iyon ngunit nang tulungan siya nitong makaahon mula sa dagat ay gusto niyang magbago ng pananaw dito. Tinulungan siya nito dahilan para ligtas at buhay niya ngayon. With that, she wanted to think that he was nice after all. But she was mistaken. Ngayon ay napakamapanganib nito kung magsalita. Maging ang mga titig na iginagawad nito sa kanya ay nagbibigay ng kakaibang kaba kay Brianna. "I said what is your name?" ulit nito sa tanong. "B-Brianna..." "Brianna," he parroted. "Ilang taon ka na?" She was not able to answer. Gusto na lang niya matapos ang gabing ito at makauwi na sa kanila. Pero paano nga ba ang dapat gawin? Does she really need to give herself to this man because he bought her? Isipin niya pa lang na aangkinin nito ang kanyang katawan ay nahihintakutan na siya. Nang hindi siya sumagot ay marahas ang ginawang paglingon sa kanya ng lalaki. Anger was registered on his face as he looked at her. "Do I really need to repeat every question to you, Brianna?" angil nito sa kanya. Her face hardened. Hindi niya maiwasang makadama ng paghihimagsik. Wala sana siya sa ganoong sitwasyon kung hindi dahil sa kanyang tiyahin. "Disi-otso..." pabulong niyang sabi dito. The man stared at her intently. Kung ano man ang iniisip nito ay hindi niya masabi. Ipinagdadasal niya pa na sana ay magbago ito ng isip ngayong nalaman nito ang edad niya. Though eighteen was considered as legal age, Brianna was still young for him. Looking at the man, he looked matured. Sa tantiya niya ay nasa bente-nueve o trenta na ito. Siguro naman ay hindi nito nanaisin na angkinin ang isang mas bata at wala pang karanasang katulad niya. Pero ano mang pag-asa na gusto niyang isiksik sa kabado niyang dibdib ay agad na rin nawala nang isang tipid na ngisi ang namutawi mula sa mga labi nito. "Too young... but I guess, it is worth a million. By the way, I am Alejandro." ***** PABAGSAK na ibinaba ni Alejandro ang baril na ibinigay sa kanya ni Lemuel sa ibabaw ng mesang nasa harapan nila. Nangangalaiti siya at nagtatagis pa ang mga ngipin dahil sa labis na galit na nadarama. "They are traitors!" puno ng emosyong saad niya kay Lemuel na ngayon ay tahimik lamang sa kanyang harapan. Nakarating na nga sila sa kanyang bahay sa may Laguna. Nang tingnan niya ang oras kanina ay pasado alas-kwatro na ng madaling araw. Ang bahay na iyon ay pag-aari niya. Mula sa sariling pera niya at hindi sa kanyang ama. Aside from earning millions from their illegal business, Alejandro also got money for himself as the new CEO of their company. Iyon ang sanhi kung paano niya naipatayo ang bahay na iyon. Pasikreto niyang nabili ang lupang kinaroroonan nila at dahil sa nagustuhan niya ang lugar ay agad niyang pinatayuan ng sariling bahay. It was done secretly. He purposely did that to surprise someone. Isang bahagi iyon ng buhay niya na gusto niyang ibaon na lamang sa limot. Sa halip kasi na maging matagumpay ang pagpaplanong sopresa para sa isang tao ay nauwi iyon sa wala. Dahil sa masalimuot na pangyayaring iyon ng buhay niya ay kinalimutan niya ang properiadad na iyon. Natengga lamang ang bahay at kahit tapos na iyon ay hindi niya tinirhan. But now, he was just too glad that the house was built. Ito ngayon ang pansamantalang magiging taguan niya habang pinag-iisipan niya pa kung ano ang susunod na gagawing hakbang. Not only him, actually. Maging ni Brianna na rin. Dinala nga niya ang dalaga sa bahay na iyon kahit pa kita niya ang pagprotesta nito. He has to do that not only because he bought her from the auction. Ginawa iyon ni Alejandro dahil kasama sa yateng iyon ang dalaga. Everyone has saw her. At panigurado siyang maging ang kanyang Uncle Dimitri at si Konstantin ay nakita si Brianna bago naganap ang pagsabog. She has became the center of that transaction. Sa dalaga mas nag-ingay ang kanilang mga parokyano kaya imposibleng hindi ito napansin nina Dimitri at Konstantin. Iyon ang dahilan kung bakit nais niya itong manatili sa kanyang poder. Katulad niya ay hindi ito maaaring makita ninuman. Everyone should think that both of them were included to those who died. Sa ngayon ay nasa isang silid ng bahay na iyon si Brianna. Mula sa mga gamit na nasa guestroom ay may mga damit itong maaaring masuot. He advised her to clean herself and change her clothes. Matapos masiguro na sinunod nito ang utos niya ay kinausap niya naman si Lemuel. "Kinausap mo ba si Carlo matapos kitang tawagan kanina?" usisa niya dito sa mariin na tinig. "Yes, sir," sagot naman ni Lemuel habang nakatungo pa ang ulo. "He confirmed that Sir Dimitri and Sir Konstantin are alive. Nang kausap ko siya ay kasalukuyan nang nagbibigay ng pahayag ang dalawa sa mga awtoridad tungkol sa nangyari sa yate." "Fvck them!" galit niyang sabi sabay pukpok ng kanyang kamay sa mesang nasa harapan nila. "They planned it all! Sila ang may gawa ng pagsabog." Napatitig si Lemuel sa kanyang mukha na wari ba ay nag-iisip. "A-Ano ho ang... ang motibo nila?" He gritted his teeth again. "The hell if I know, Lemuel! Konstantin is my brother, for goodness sake!" "Ever since, Konstantin has been envious on everything that you have, sir. And---" Agad itong natigil sa pagsasalita nang marahas siyang lumingon. "I-I... I am sorry, sir. Hindi niyo ho hinihingi ang opinyon ko." Muling napayuko si Lemuel dahil sa nakitang galit sa kanyang mukha. Galit iyon na kung tutuusin ay hindi laan para dito. Hindi niya lang maiwasang umusbong ang ganoong damdamin mula sa kanyang dibdib dahil sa isang realisasyon na nakuha niya matapos marinig ang mga sinabi nito. Yes, Alejandro knew about that. Konstantin envied him. Mula pa man pagkabata ay dama na niya ang ganoong damdamin mula sa kanyang kapatid. They were just half-brothers and Alejandro noticed that their father, Alexei, favored him more than Konstantin. Sa maraming pagkakataon ay iyon ang pinagpuputok ng butse ng kanyang kapatid. Lagi na lamang daw siya ang tama. Lagi na lamang daw siya ang magaling sa mata ng kanilang ama. At ang nagpasidhi pa ng inggit ng kanyang kapatid ay ang katotohanan na siya na ang namamahala sa kanilang kompanya, maging sa organisasyon na binuo ng kanilang ama. Kung tutuusin ay wala itong karapatang kuwestiyunin ang pagbigay sa kanya ng posisyong dati ay sa kanilang ama. As the eldest son of Alexei, all his positions were automatically passed onto him. Hindi man nakarinig ng ano mang pagtutol, ngunit damang-dama niya ang paghihimagsik ni Konstantin dahil doon. His brother wanted to be the boss of their mafia clan. Bago pa man niya iyon hawakan ay pauna na nitong ipinaalam iyon sa kanilang ama, bagay na hindi naman nasunod. It was meant for him as the eldest heir of the Lebedev. Mapupunta lamang iyon kay Konstantin kung mamamatay siya nang walang anak na magmamana ng kanyang maiiwang posisyon. And that hit home for him. Ang pagsabog... ang pagkasunog ng yate... ang pagsira ng mga ito sa gabing iyon--- it all meant for him. Gusto ng mga itong patayin siya upang mawala siya sa landas ng mga ito? Para makuha ang lahat ng mayroon siya? At hindi niya lubos na maisip na magagawa iyon ng sarili niyang kadugo, ni Konstantin. Kahit pa sabihin na kapatid niya lamang ito sa ama ay hindi niya inaasahan na kaya nitong gawaan siya ng masama. Though, sa maraming pagkakataon noon ay sinubukan na nitong saktan siya. Lahat ng mayroon siya ay sinubukang agawin nito, mula sa mga laruan niya nang mga bata pa silang dalawa hanggang sa mga bagay na nagkaroon siya nang magbinata sila ni Konstantin. Hindi lang sa materyal na bagay, maging sa mga taong malapit sa kanya ay ganoon ito. Even to Kendra, his ex-girlfriend. Konstantin deliberately seduced her to get her attention just to spite him. Alejandro wanted to hate him for that. Pero sa kabilang banda, gusto niyang mas kamuhian si Kendra. Hindi ito papatol kay Konstantin kung totoong mahal din siya nito. At iyon ang pangyayaring naging dahilan para mapabayaan niya ang bahay na ito. Walang silbi na iyon sa kanya sapagkat wala na sila ni Kendra. In the end, he just let them. He focused on his job and their organization. He swore not to show them, especially Konstantin, that he was hurt. Siya na si Alejandro Lebedev ay hindi masasaktan ninoman nang ganoon-ganoon lang. Pinalampas niya ang ginawang iyon ni Konstantin kahit pa alam niya na sadya nitong inagaw si Kendra para masaktan siya. He let that passed. Pero hindi sa pagkakataon na ito. Hindi niya kayang palampasin ito! To plan to kill him was too much. At ang kaisipan na kasabwat pa nito ang kanilang Uncle Dimitri ang mas lalong nagpaahon ng galit sa kanya. He closed his fists tightly. "I want to know all their plans, Lemuel. All!" mariin niyang sabi dito. "What would we do, sir? Ipapalaam ho ba natin kay Sir Alexei na narito ka?" "No," mabilis niyang tugon dito. Kasalukuyang nasa Russia ang kanyang ama kasama si Nadia, ang ina ni Konstantin. Alam niyang kapag nabalitaan nito ang nangyari ay magmamadali itong umuwi ng Pilipinas at hindi niya nais na matuklasan nitong buhay pa siya... hindi muna sa ngayon. "Maliban sa iyo at kay Carlo ay wala kang ibang pagsasabihan na buhay ako at narito sa lugar na ito. Mas madali para sa akin ang manmanan sila kung aakalain nilang patay na nga ako. Let everyone think that I am dead. Do you get me?" Tumango ito sa kanya. "Yes, Sir Ale. Kung iyon ho ang nais mo ay---" Hindi na nito natapos pa ang mga sinasabi nang makarinig sila ng isang malakas na ingay na sanhi ng waring natumbang isang bagay. Napalingon sila ni Lemuel sa pinanggalingan niyon at agad pa siyang napatayo nang tuwid nang makita ang sanhi ng ingay. "Sir, ang babaeng kasama mo..." Lemuel said. Mula sa salaming sliding door na patungo sa lanai ay nakita niya si Brianna na nasa aktong tatakas. Napatiim-bagang pa siya dahil doon. "Sh!t!" he cursed loudly. Marahas niyang inabot ang baril mula sa mesa at mabilis na kumilos upang lumabas. "Brianna!" She abruptly turned to look at him as she heard his voice. Ngunit sa halip na matigilan ay mas pinili nitong tumakbo palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD