Alejandro's teeth gritted in anger as he looked at their yatch. Palaki nang palaki na ang apoy sa bahaging pinagdausan nila ng bentahan ng mga babae, waring sinadya na roon nga pasabugin ito. And he now realized why. Kung sino man ang nasa likod ng pangyayaring iyon ay may motibong pumatay.
Umahon mula sa kanyang dibdib ang hindi maipaliwanag na galit. Muli siyang lumingon sa kinaroroonan ng jet boat kung saan lulan ang kanyang Uncle Dimitri at si Konstantin. Sa likod ng dalawa ay ang tatlo sa kanilang mga tauhan, mga tauhan iyon na alam niyang nasa panig ng kanyang tiyuhin.
Nag-uusap ang mga ito at nakarehistro sa mukha ng kanyang Uncle Dimitri ang mala-demonyong ngisi. Maging si Konstantin ay kababakasan ng galak.
And he can't help but to close his fists tightly. Kapatid niya ito ngunit pakiramdam niya ba ay ikinagalak pa nitong nasira, hindi lang ang kanilang yate, kung hindi maging ang isang transaksiyon na pinagkakakitaan ng kanilang pamilya.
And looking at them now, he can't help but to overthink. Hindi mahirap hulaan na ang mga ito ang nasa likod ng nangyari. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng mga ito mula sa bulwagan. Hindi niya na napansin pa ang maitim na plano ng mga ito.
Malamang na umalis muna ang mga ito sa yate bago pasabugin iyon. If not, they could have been there and might be one of those who died.
At kung bakit ginawa ng dalawa ang bagay na iyon ay hindi niya alam. Wala siyang alam na rason upang magplano ng ganoon ang kanyang tiyuhin at kapatid. Pero sisiguraduhin niya na aalamin niya kung ano man ang dahilan ng mga ito.
Marahas na niyang nilingon ang dalagang kasama niya sa tubig. Natitigilang nakamasid pa rin ito sa yate na ngayon ay tinutupok na ng malaking apoy.
Halos matigilan pa si Alejandro habang nakatitig siya sa mukha ng dalaga. She has very expressive eyes, that right now, mirrorred terror and fear.
Mabilis niyang inabot ang isang kamay nito saka nagsimulang lumangoy sa tubig. Dama niya ang pagpitlag ng dalaga at ang takot na mayroon ito.
"S-Sir..." pagsinghap nito sa tubig. "Bitiwan mo ako at---"
"Shut up!" he hissed, intended to make her stop talking. Hangga't maaari ay hindi niya nais na mapansin ninuman na may dalawang taong nasa tubig at nakaligtas sa pagsabog.
Hindi na niya pinansin ang dalaga. Ni hindi niya ito binigyan ng pagkakataon pang makapagprotesta. Nagpatuloy siya sa paglangoy habang akay-akay ito. Naging mahirap pa para sa kanya ang pagkilos dahil sa pansin niya ang hirap ng dalaga sa paggalaw sa tubig. Kung dahil sa hindi ito masyadong marunong sa paglangoy o sa nahihirapan ito dahil sa damit na suot ay hindi niya masabi. He just found himself helping her to get out from the water.
Alam niya kung nasaang partikular ng dagat nakadaong ang yate nila. Hindi iyon nalalayo mula sa Batangas Port kung saan madalas nilang pag-iwanan ng naturang sasakyan.
It was only few meters away from the shore. Kung sa biyahe ng yate ay baka humigit-kumulang isa't kalahating oras ang kailanganin para makarating sa kalupaan. Pero kung lalanguyin nila ang pabalik sa lupa, it would take them two hours and more. At hindi malayong ganoon nga ang mangyari sa uri ng kilos ng dalagang kasama niya.
Nang marating nga nila ang baybayin ay agad na ibinagsak ng dalaga ang katawan nito sa mabatong parte sa gilid ng dagat. Si Alejandro ay pasalampak din na naupo sa tabi nito.
He almost lost his breath. If he was not an expert swimmer, they could have died there. Maipagmamalaki niyang mahusay siya sa larangan na iyon. Mas nahirapan pa siyang akayin ang dalaga kaysa ang lumangoy.
"Buhay pa ba tayo?" narinig niyang sabi ng dalaga na ikinalingon niya dito.
Nakahiga ito sa isang hindi kalakihang bato habang siya ay nakaupo sa may bandang kaliwa nito. Ramdam niya ang pagod sa bawat hiningang ibinubuga ng dalaga.
And Alejandro can't help but to roam his eyes on the woman beside him. Her eyes were closed as she was still catching her breath. Baba-taas ang dibdib nito dahil sa paghabol ng hininga. At hindi maiwasang paglakbayin ni Alejandro ang kanyang mga mata sa kabuuan nito.
She was still wearing the clothes that she wore at the auction. He has a glimpse of her cleavage and nice view of her legs. And this woman was not even aware that she looked like a nymph with dishevelled hair and water dripping from her body as she was lying there with closed eyes.
Hanggang sa mayamaya ay iminulat nito ang mga mata at bumaling sa kanya. Marahas itong bumangon nang mapansin ang paninitig niya. Uneasiness enveloped her as she sat and fixed herself.
"N-Nasaan tayo ngayon?" tanong nito sa mahinang tinig.
Tiim-bagang na itinutok niya ang kanyang mga mata sa dagat. Mula sa kinaroroonan nila ay hindi na tanaw ang kanilang yate. Sinadya ni Alejandro na mas tahakin ang daan na sigurado siyang hindi dadaanan nina Dimitri at Konstantin. Doon ay hindi sila makikita ng mga ito.
"Nasa parteng Batangas tayo," aniya sa baritonong tinig.
"Batangas?!" hindi makapaniwalang saad nito. "Mula sa Caloocan ay nadala ako dito ng mga lalaking iyon?"
She was like speaking to herself. Nang muli niya itong sulyapan ay nakita niya pa ang takot sa mukha nito. She must be referring to Marshall and his men. Ayon kay Arthur ay si Marshall ang nagpasok nito sa kanila.
And he already knew how Marshall got her. Nabanggit na sa kanya ni Arthur ang tungkol sa bagay na iyon bago pa man niya nakaharap ang dalaga sa yate kanina.
Nang bumalik si Arthur sa kanyang tabi matapos nitong sundin ang utos niya kanina ay naikwento nito sa kanya ang background ng dalaga. Pumasok ito sa kanilang underground business dahil sa kagipitan.
Arthur told him that Marshall paid her family. Mahigpit na pangangailangang pinansiyal ang naging dahilan. Ibig sabihin, bago pa man ito sumabak sa gabing iyon ay bayad na ng kanilang organisasyon ang dalaga. Kabayaran iyon na mababawi lamang nila oras na nabili na ito, na sa ano mang kabaliwaang pumasok sa isipan niya ay siya ang gumawa.
He bought her, for whatever reason that he can't understand.
He stood up abruptly. Ang ginawa niya ay nagpangyari upang tingalain siya ng dalaga. Pagkabahala pa ang nasilip niya sa mukha nito nang makitang tumayo siya.
"S-Saan ka na pupunta?" maagap nitong sabi sa kanya.
"I know this place. May malapit na establisimiyento dito na maaaring puntahan para makitawag sa isa kong kaibigan. He could help us to get out of this place," saad niya dito habang kinukuha ang kanyang pitaka sa likod na bulsa ng kanyang pantalon.
Naroon pa rin ang lahat ng laman ng kanyang portamenada pero dahil sa ginawa nilang paglangoy ay basang-basa na iyon.
"Fvck!" nangangalaiti niyang mura dahil sa sinapit ng kanyang pitaka.
Sukat sa mga sinabi niya ay marahas na napatayo ang dalaga. "Isasama mo ako sa pag-alis? Tulungan mo akong makauwi. Tatanawin ko talagang malaking utang na loob sa iyo."
He stopped checking his wallet and looked intently at the woman in front of him. Hindi niya alam kung matatawa o maaawa dito dahil sa mga biniwatan nitong kataga. Wala man lang ba itong ideya kung sino siya?
In the end, he just smirked. "Then, let us just call and wait for my friend."
*****
AGAD NA napatayo nang tuwid si Brianna nang isang magarang sasakyan ang tumigil sa harapan nilang dalawa ng lalaking kanina niya pa kasama.
Dahil nga sa pagtalon niya mula sa yate ay nakaligtas siya sa pagsabog na naganap. Halos mahintakutan pa siya sa tuwing naiisip niya na paano kung hindi siya nagtangkang tumakas? Paano kung matagumpay siyang naibalik sa cabin ng lalaki kanina?
Isa sana siya sa mga namatay sa nasusunog na yate. Ni hindi niya pa nga alam kung may nakaligtas ba mula roon. Napakalakas ng pagsabog na naganap na agad pang nagpasimula ng sunog.
At ang pagtalon sa dagat kanina ang nagligtas sa kanya sa tiyak na kapahamakan. Maging ang lalaking kasama niya ngayon ay hindi napasama sa mga napahamak dahil sa pagsunod na ginawa nito sa kanya.
Matapos nga ng mga nangyari ay ilang oras nilang nilangoy ang patungo sa pinakamalapit na baybayin. Pinagtaka niya pa kung bakit hindi sa daungan ang tinahak ng binata. Kung doon ay mas madali sana silang makakahingi ng tulong.
Sa halip ay sa bahaging halos mabato na at bihira ang bahay at establisimiyento ang pinili nitong pag-ahunan nila. Tuluyang nagpahinuhod na lamang siya dito. Katunayan ay halos ang binata na lamang ang gumagawa ng paraan upang makaalis sila sa tubig habang siya ay akay-akay nito.
Saka niya lang napatunayan na ang yateng pinanggalingan nila ay hindi naman halos nalalayo sa daungan nito. Madali lang kasi silang nakarating sa baybayin. Pakiramdam niya pa, kung hindi lang dahil sa kanya ay baka mas mabilis silang nakaahon. Hindi lang kasi siya makalangoy nang maayos dahilan para matagalan silang dalawa ng lalaki.
Katulad niya ay napatayo na rin ang estrangherong lalaki at napatingin sa bagong dating na sasakyan. Mula sa may driver's seat niyon ay lumabas ang isang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa binatang kasama niya.
Kanina nga, mula sa may batuhan ay nilakad pa nila ang isang establisimiyento na ilang metro din ang layo sa pinag-ahunan nila. Pakiramdam pa ni Brianna ay nagkasugat-sugat na ang kanyang mga paa sa paglalakad na ginawa.
Dahil nga sa pagtalon na ginawa niya ay wala na siyang suot na ano man sa kanyang mga paa. Nakayapak na lamang siya habang ang lalaking kasama niya ay suot pa rin ang sapatos nito.
Tulad ng sinabi ng binata ay may isang establisimiyentong maaari itong makitawag. He paid for a payphone and called someone. Naghintay lamang siya dito habang nakikipag-usap ito sa kung sino man. Pag-uusap iyon na hindi naman niya napakinggan sapagkat nasa may entrada lamang siya ng mini grocery na iyon.
Nang matapos ay sinabi ng lalaki na hintayin nila ang kakilala nito. And the man from the car must be the one he was referring a while ago.
"Sir," saad ng bagong dating na lalaki nang tuluyan itong makalapit sa kanila.
Agad pang napaangat ng kanyang isang kilay si Brianna nang marinig niya ang itinawag dito sa kanyang katabi. Sir? Bakit ganoon ang pantukoy nito sa lalaki?
"Did you get my instruction, Lemuel? Sinunod mo ba ang mga sinabi ko?" wika ng kasama niya sa napakaseryosong tinig.
"Yes, sir. Maayos na ho ang lahat," saad naman ng kausap nito bago nabaling ang paningin patungo sa kanya. Nasa mukha nito ang pagtataka at marahil ay nag-iisip kung sino siya.
Napansin ng lalaki ang paninitig ni Lemuel. He stood up straight and spoke again in a very serious tone.
"Take off your jacket, Lemuel," utos nito.
"I beg your pardon, sir?"
"I said take off your jacket."
Nang gumamit na ng mariin na tinig ang lalaki ay agad na tumalima si Lemuel. Hinubad nga nito ang kulay asul na jacket na ipinatong sa polo shirt na suot nito. Iniabot iyon ni Lemuel sa kanyang katabi.
Si Brianna ay tahimik lamang na nakamasid at nakikinig sa palitan ng usapan ng mga ito. Hanggang sa mayamaya pa ay nagulat na lamang siya nang bigla ay iitsa sa kanya ng lalaki ang jacket.
Dahil sa hindi niya inasahan ang ginawa nito ay muntikan niya pang hindi masalo ang iniitsa nito.
"Wear that to cover yourself," saad ng lalaki sa mariin na tinig.
Gusto niyang pasalamatan ito ngunit dahil sa tono na ginamit at sa paraan ng pagbigay nito ng naturang kasuotan ay hindi niya magawa. Hindi ba ito marunong mag-abot nang maayos?
"Let us go," wika na nito.
"Sandali lang," mabilis niyang agap nang sabay nang pumihit ang mga ito upang lumapit sa sasakyan. Sabay din na napalingon sa kanya ang dalawa nang magsalita siya.
Tinapos niya muna ang pagsuot ng jacket bago nagpatuloy sa pagsasalita. Mas itinuon niya ang kanyang mga mata sa lalaking tumulong sa kanya na makaalis mula sa yate.
"G-Gusto kong magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa akin na makalangoy patungo sa baybayin. Pero," saad niya dito na sadyang ibinitin pa ang pagsasalita. Nahihiyang napatingin pa siya sa mga ito. "L-Lulubusin ko na sana ang paghingi ng tulong."
"What do you mean?" kunot-noong saad ng lalaki.
"Hindi na ako sasama sa inyo," aniya na itinuro pa ang sasakyan. "Kaya kong makauwi nang mag-isa. H-Hihingi na lang sana ako ng... ng pamasahe."
The man stared at her intently. Ni hindi kababakasan ng ano mang ekspresyon ang mukha nito. Lumingon ito kay Lemuel saka nagsalita.
"Mauna ka na sa sasakyan, Lemuel. We will just follow."
Tumalima ang lalaki at naglakad na nga patungo sa sasakyan.
"S-Sir, ang sabi ko ay hindi na ako sasabay sa inyo. Kung bibigyan mo ako ng---"
"Have you forgotten why you were at the yacht?" putol nito sa mga sinasabi niya. "Kasali ka sa mga babae sa auction, hindi ba?"
She swallowed hard. Paano niya nga ba makakalimutan iyon gayung labis na takot ang kanyang nadama dahil roon?
"H-Hindi ko ho makakalimutan," sabi niya pa. "Kaya nga ho nagpapasalamat ako sa iyo. Tinulungan mo akong makaalis mula sa dagat. Hindi lang sa sumabog na yate ako nakaligtas, kundi maging sa kung sino mang lalaking nakabili sa akin."
The man's one eyebrow arched because of what she said. Seryoso pa rin ang mukha nito ngunit pakiramdam niya ba ay may dumaan na kaaliwan sa mga mata nito dahil sa sinabi niya, kung bakit ay hindi niya alam.
"Kaya sana," patuloy niya pa. "Baka pwede na lang ako maka---"
"You can't just leave," awat ulit nito sa kanya.
Nagtatakang napatitig siya dito. The man walked closer towards her as his eyes surveyed her face. Hindi niya pa maiwasang maasiwa dahil sa paninitig na ginagawa nito.
"You heard me. You can't leave. Sasama ka sa akin ngayon."
"S-Sir---"
"I was the one who bought you a while ago, baby. So technically... you are mine."