"Brianna!"
Agad na napapitlag si Brianna nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Alejandro. Napalingon siya sa direksyon ng mga ito. Kasama nito si Lemuel at mataman na nag-uusap.
Nang makita niyang mabilis itong kumilos upang sundan siya ay hindi nagdalawang-isip na pumihit si Brianna upang tumakbo palayo. Wala siyang tiyak na patutunguhan ngunit iisa lang ang nais niyang gawin--- ang umalis sa lugar na iyon, ang lumayo kay Alejandro.
Dis-oras pa at madilim ang buong paligid pero hindi na niya iyon alintana. Ang importante sa kanya ay ang makauwi na sa kanila. At kung paano niya iyon magagawa sa ngayon ay hindi niya pa alam. Ang gusto niya munang isipin sa ngayon ay ang kung paano makakaalis sa poder ng binata.
Dinala siya nito sa Laguna, base na rin sa narinig niyang utos nito kay Lemuel kanina. Malaki ang bahay na pinuntahan nila at kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka masiyahan pa siya na nakapunta sa ganoon kagandang bahay.
But not now that all she was thinking was to stay away from him... to stay away from the man who bought her.
Pagkarating kanina ay agad pa siya nitong hinawakan sa kanyang braso upang akayin paakyat sa ikalawang palapag ng bahay na iyon. Isang kwarto ang pinasok nila at basta na lamang siya roon isinalya ng lalaki. Hindi iyon kalakasan dahilan para mabawi niya naman agad ang kanyang balanse.
Inutusan siya nitong mamili ng damit na nasa malaking built-in cabinet saka pinayuhan na magpalit na. Sinunod niya ang mga sinabi nito, hindi lang dahil sa natatakot siya sa kung ano ang maaari nitong gawin. But Brianna followed him because she really wanted to change her clothes. Maliban sa basang-basa pa siya ay hindi niya matagalan na ganoon pa rin ang kanyang saplot habang kasama niya ang lalaking ito.
Iniwan siya ni Alejandro sa silid bago siya naghanap ng masusuot. Natagalan pa siya sa pagpili sapagkat ni walang pambabaeng damit sa loob ng cabinet. Ang mga naroon lamang ay ilang naglalakihang puting t-shirt at boxer shorts. Ni walang pwedeng isuot na panloob!
She has no choice but to choose the smallest boxer shorts. Malaki pa rin kung iisipin para sa kanya ngunit sapat na rin upang matakpan ang kanyang kahubdan. Pinaresan niya lang iyon ng isang cotton na t-shirt.
Hindi niya pa masabi kung may nakatira ba sa bahay na iyon. Maliban sa limitado lamang ang mga kagamitan sa loob ay bakas din ang hindi masyadong nalilinisan ang kabuuan ng bahay. Ang mga damit nga na itinuro sa kanya ni Alejandro ay waring kaytagal nang naroon.
"Brianna!" narinig niyang sigaw ulit ni Alejandro.
Ni hindi niya ito nilingon. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo upang makalayo dito. Ni hindi na rin niya alintana ang ilang ulit na muntikan nang pagkadapa dahil sa ginagawang pagmamadali.
Hindi pa alam ni Brianna kung saan patungo ang daan na tinatahak niya. Masukal na iyon at matataas na mga damo ang magkabila ng daan. Dahil sa anong oras pa lamang ay tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan ang tanglaw niya.
Pakiramdam niya pa ay mali ang pinuntahan niya. Mas pinili niya kasing dumaan sa likurang bahagi ng bahay sa pag-iisip na wala roon sina Alejandro. But she was wrong. Doon pa siya nakita ng dalawa na kasalukuyang nag-uusap nang masinsinan.
Mayamaya pa ay napalingon si Brianna sa kanyang likuran nang maramdaman niyang wala na ang presensiya ng binata. Gusto niyang makahinga nang maluwag pero hindi niya magawa. Hangga't hindi siya nakakauwi sa kanila ay hindi pa siya makakampante.
She continued running. Kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa ay bahala na. Nananakit na rin ang mga iyon dahil sa nakayapak lang din siya.
Hanggang sa hindi pa man siya tuluyang nakalalayo ay agad nang natigilan si Brianna. Mula sa kanang bahagi ng daan ay bigla na lamang sumulpot ang lalaking tinatakbuhan niya.
She stopped on her track as fear and terror crept into her. Napalinga pa siya sa pinanggalingan nito at napapaisip kung paanong napunta na lamang ito agad roon.
But, of course, she would not doubt that. Pag-aari siguro nito ang lugar na iyon at kahit pa sabihing madilim ang paligid ay alam nito ang pasikot-sikot roon. Hindi na siya magtataka kung mabilis itong nakahabol sa kanya.
"A-Alejandro..." nauutal niyang sabi. Agad pang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "N-Nakikiusap ako. Hayaan mo na akong umalis."
"You really have the guts to escape from me," galit nitong sabi sa kanya.
Dahil sa nakikitang galit sa mukha nito ay agad na naihakbang ni Brianna ang kanyang mga paa paatras. Sadyang napakamarahan ng naging pagkilos niya na wari ba ay nawawalan ng lakas.
Pero hindi siya maaaring panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon.
Nagpatuloy siya sa pag-atras habang tinatantiya pa ang gagawin ng binata. Napapailing pa siya ng kanyang ulo bilang pagpapakita ng hindi niya pag-ayon dito.
"N-Nagmamakaawa ako sa iyo. Hindi ko ginusto ang mapunta sa sitwasyong iyon. A-Ang... Ang tiyahin ko lang ang dahilan kung bakit ako napunta sa yate. Hindi ko ginusto iyon, maniwala ka. Kaya please, hayaan mo na akong umalis."
"Don't move!" he hissed under his breath. Halos nadama niya pa ang pagkabahala dito nang sabihin iyon.
"Alejandro---"
"I said don't move, Brianna," anito sabay angat ng isang kamay nito.
Agad na pinanlakihan ng mga mata si Brianna nang makita ang bagay na nasa kamay ng binata--- isang baril! And Alejandro was pointing his gun to her that made her trembled.
"B-Bakit... Bakit may baril ka?" nahihintakutan niyang saad. "Ibaba mo iyan, utang na loob."
"You know what I hate the most?" wika nito sa mapanganib na tinig. "Mga taong hindi marunong sumunod sa nais ko."
"Huwag!" She instantly closed her eyes tightly as she shouted.
Ang kanyang mga kamay ay naitakip niya pa sa kanyang dalawang tainga nang mapagtanto niya ang gagawin nito. He's going to shoot. At agad pang lumukob sa kanyang dibdib ang labis na takot dahil sa kaisipan na ipuputok nga nito ang baril sa kanya.
Iyon na ba ang huling gabi niya? Papatayin ba siya ng lalaking ito? Hindi na ba siya makakauwi sa kanila?
Waring nais niya pang himatayin dahil sa takot nang marinig ang dalawang magkasunod na putok ng baril. Hinintay niyang makadama ng hapdi sanhi ng pagbaril na ginawa nito.
Ngunit lumipas na ang ilang segundo ay walang nadamang kakaiba sa kanyang sarili si Brianna. Maliban sa takot at sindak na kanina pa nasa dibdib niya ay wala na siyang maramdaman sa kanyang katawan.
Slowly, she opened her eyes. Agad niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Naibaba niya pa ang dalawa niyang kamay upang suriin kung may tama ba siya ng baril.
But there was none. Ni wala ngang dugo na umagos mula sa kanya tanda na wala siyang tama.
Still trembling with fear, Brianna's eyes darted to Alejandro. Nakataas pa rin ang kamay nitong may hawak ng baril pero hindi na iyon sa kanya nakatutok. Maging ang mga mata ng binata ay hindi sa kanya nakatuon.
His eyes were actually fixed to her left sides. Mabilis niya pang sinundan ang hinayon ng paningin nito at agad na napalayo sa kanyang kinatatayuan nang doon ay nakita niya ang isang patay na... ahas?
Ngayon niya napagtanto na ang dalawang putok ng baril ay inilaan ni Alejandro sa ahas na iyon. And it was also the reason why he was telling her not to move. Isang maling hakbang niya pa ay baka naapakan niya ang naturang hayop. And who knows what could happen? Hindi kalakihan ang ahas ngunit nasisiguro niyang magsasanhi iyon ng kamatayan ng isang tao.
At hindi niya pa maiwasang mamangha kung paanong napansin pa iyon ng binata. Yes, the moon was shining brightly. Maaliwalas ang panahon dahilan para maliwanag ang buwan nang gabing iyon. Iyon pa nga marahil ang dahilan kung bakit malakas ang loob niyang tumakas kahit anong oras pa lang. Ang buwan ang tanglaw niya sa madilim na kapaligiran.
Pero sa gitna nang pag-uusap nila ay napansin pa talaga iyon ni Alejandro?
So, hindi nito binalak na patayin siya? Pero bakit may baril ito?
Muli siyang lumingon sa binata. Hindi na siya makakilos sa kanyang kinatatayuan at mistulang ipinako na lamang roon. Pakiramdam niya pa, ano mang oras ay bibigay ang mga tuhod niya dahil sa pinaghalo-halong pagod, gutom, takot at sindak.
Yes, kanina pa siya nakadarama ng pagod at antok. Anong oras na ngunit hindi pa rin siya nakakapagpahinga nang maayos. Sa sitwasyon niya ngayon ay parang hindi na iyon makapuwang sa isipan niya.
"A-Alejan---"
He started to walk towards her. Dahilan iyon para matahimik siya.
"I spent a million to buy you, Brianna. Hindi ko mapapayagan na mauna pang makakagat sa iyo ang ahas na iyan kaysa sa akin."
*****
KITA ni Alejandro ang sindak sa mukha ng dalaga dahil sa mga binitawan niyang salita. Pero hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin. Mabilis na niya itong nilapitan sabay hablot sa braso nito.
Agad pang nagpumiglas ang dalaga nang hawak na niya ito.
"Hindi! Bitiwan mo ako! Gusto ko nang umuwi, Alejandro."
Tuloy-tuloy na naglakad si Alejandro pabalik sa kanyang bahay. Hindi niya ito maaaring basta na lang hayaan na makaalis. Katulad ng naisip niya kanina, walang dapat makaalam na buhay pa silang dalawa. Kailangan niyang magkunwaring patay para mabilis na mabalikan ang kanyang Uncle Dimitri at si Konstantin.
At hindi iyon mangyayari kapag hinayaan niyang makaalis si Brianna. Baka magkaroon ng posibilidad na magkrus ang landas nito at nina Konstantin. Mahirap na magtiwala, mahirap na magbaka-sakali. Baka iyon pa ang maging rason para malaman ng dalawa na buhay siya.
Kaya naman, agad siyang naglakad patungo sa kanyang bahay upang ibalik doon si Brianna. Natigilan pa siya nang marinig ang mahinang pagdaing ng dalaga. Bahagya nang nahinto ang pagpupumiglas nito at wari ay nagpapatianod na lamang sa kanyang paghatak. Hindi pa nakaligtas sa kanyang pandinig ang mistula'y nasasaktan na pag-ungol nito.
He abruptly turned to look at her. Nakita niyang nakayuko ito. Hindi niya pa maiwasang mapamura nang makita ang mga paa ng dalaga.
"Fvcking sh!t!"
He grabbed her wrist that made her groaned more. Walang salitang basta na lamang niya itong binuhat at isinampa sa kanyang balikat na wari ba ay isa itong sako ng bigas.
"Ibaba mo ako! Ano ba, ibaba mo ako!" pagpupumiglas pa nito.
"Shut up!" pananaway niya dito bago tuluyan nang tinahak ang direksyon ng bahay. "Baka gusto mong tuluyan nang magsugat-sugat ang mga paa mo."
Patuloy ito sa pagpupumiglas hanggang sa makapasok siya ng bahay. Agad siyang sinalubong ni Lemuel. Inabot niya dito ang baril na hawak-hawak niya. Wala nang salitang nilampasan niya ang kanyang tauhan saka dire-diretsong umakyat sa hagdan.
Tinalunton niya ang daan patungo sa silid na pinagdalhan niya kay Brianna kanina. Nang makapasok roon ay basta na lamang niya itong ibinaba sa malambot na kama.
Pabalikwas na bumangon ang dalaga. Alam niyang naghihimagsik pa rin ito dahil sa ginawa niya ngunit sa halip na magsalita ay bahagya nitong niyuko ang mga paa.
Alejandro stared at her feet as well. Bakas na roon ang ilang sugat na sanhi ng paglalakad nito sa labas.
Matagal na ngang tengga ang bahay na iyon. Though, may mga gamit roon, kabilang na ang ilang damit niya na naiwan, ay bihira niya naman mapalinisan ang palibot ng kanyang bahay. At hindi na siya magtataka kung magkasugat-sugat ang dalaga dahil sa ilang ligaw na damo na nagsitubo na sa tinahak nitong daan kanina.
"How can you be so stupid to even try escaping?" galit niyang saad dito.
Totoong nagagalit siya. Maliban sa ayaw niya nga makita ito nina Konstantin ay hindi niya rin maiwasang magalit dahil sa paglabas nito nang dis-oras na.
Madilim sa labas at hindi gamay ng dalaga ang pasikot-sikot roon. Ang kinatitirikan ng bahay niya ay isang napakalawak na lupain. Malayo pa ang distansiya niyon mula sa isang kilalang subdivision. Sadyang binili niya nga ang malawak na lupang iyon para sana sa mga plano niya noon kay Kendra.
At kung sakali mang magtagumpay si Brianna sa pagtakas ay ilang minuto pang lakarin ang kailangan nitong gawin bago makarating sa isang highway. Bago pa man iyon mangyari, malamang ay nakasalubong na ito ng panganib.
Katulad na lamang halimbawa ng ahas kanina. Kahit pa sabihin na tanging liwanag ng buwan ang tanglaw nila sa labas ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang naturang hayop. At kung tuloy-tuloy pang umatras ang dalaga kanina ay baka kung ano na ang nangyari dito.
She was scared a while ago. He was so sure of that. Alam ni Alejandro na inakala ni Brianna na ito ang babarilin niya. Fear was visible on her face because of that.
Mayamaya pa, ang lahat ng tumatakbo sa isipan niya ay agad na naputol nang marahas na tumayo ang dalaga. Hindi nito inalintana ang iniinda sa mga paa at basta na lamang lumapit sa kanya. Sunod-sunod na paghampas sa kanyang dibdib ang ginawa nito dala ng bugso ng damdamin.
"Ano ba, Brianna?! Magtigil ka!" aniya habang pilit na hinuhuli ang mga kamay nito. Dahil sa labis na emosyon ay hindi na nito magawang makinig sa kanya.
"Anong karapatan mong gawin sa akin 'to? Anong karapatan mong pigilin ako sa lugar na ito? Dahil ba sa nabili mo ako? Huh?" sunod-sunod nitong tanong kasabay ng walang tigil na pagsusuntok sa kanyang dibdib.
Alejandro was able to hold her hands. Dahilan iyon para matigilan ito. Hinihingal pang napatitig ito sa kanyang mukha.
Walang sinayang na sandali si Alejandro. Nang hindi nakaimik si Brianna ay basta na lamang niya itong binitawan at itinulak sa may kama. Naging malakas pa ang pagtulak na ginawa niya sanhi para pasalya itong mapahiga roon.
"Tinatanong mo kung may karapatan ba akong pigilin ka sa lugar na ito? Yes, Brianna, I have. I bought you, remember?" saad niya habang nakatunghay rito. "Not only that, baby. I also have the rights to do this to you."
Bago pa man ito makabangon ulit ay mabilis na niya itong kinubabawan bago siniil ng isang maalab na halik sa mga labi.