"Where is Kendra, Konstantin? Ilabas mo ang anak ko," matatag na wika ni Lucio kay Konstantin. Isang sarkastikong ngiti ang iginawad niya dito sabay hugot ng baril na nakasukbit sa may baywang niya. Nakita niya nang mariin itong napalunok. Ngunit sa halip na magpakita ng takot ay matatag pa rin na nakatayo sa kanyang harapan ang matandang lalaki. Somehow, he admired his courage. Matapang itong nakipag-usap sa kanya at hindi man lang natakot sa maaari niyang gawin dito. Gabi at kasalukuyan silang nasa may basement ng Lebedev Real Estate. Si Lucio ang kusang tumawag sa kanya at nakiusap na harapin niya ito. At iyon ay dahil sa isang rason--- hindi niya pinakawalan si Kendra mula nang araw na kinausap niya ito tungkol sa ginawa ni Lucio. He held her as his captive. Ginamit niya ito upang