Halos mabalot ng sindak si Brianna habang nakatayo sa gitna ng bulwagan at napapalibutan ng mga lalaking puro pagnanasa ang nakarehistro sa mukha. Hindi niya mapigilan ang paglandas ng mga luha sa magkabila niyang pisngi kasabay ng marahan niyang pag-ikot ng kanyang paningin sa paligid.
Hindi niya alam kung nasaan sila. Matapos niyang mawalan ng malay ay nagising na lamang si Brianna na nasa loob ng isang silid. A woman on her late twenties approached her and gave her clothes. Isang uri ng kasuotan iyon na sa hinagap ay hindi niya maiisipan na suotin.
Pero walang nagawa si Brianna nang pagbantaan siya ng isang lalaki. Katulong ang babae ay inayos niya ang kanyang sarili matapos makapaligo. The woman put a makeup on her face. Hinayaan nitong nakalugay lang ang hanggang balikat niyang buhok. Then, she was instructed to put on the clothes.
Ni wala nang natakpan ang kasuotan sa kanya. It was a tube dress that almost showed her cleavage. At hindi man lang umabot sa gitna ng kanyang mga binti ang haba niyon.
Sa edad niyang disiotso anyos ay nabiyayaan siya ng magandang hubog ng katawan at dibdib. At sa suot niya ngayon ay halos litaw na ang mga iyon. Kung hindi lang sa pagbabanta ng lalaking kasama nila sa silid ay nunca siyang lalabas nang ganoon lang ang saplot niya sa katawan.
Nang makalabas ng naturang kwarto ay saka lamang napagtanto ni Brianna na nasa isang yate sila at ang silid na kinaroroonan niya kanina ay isa sa mga private cabins niyon.
Inakay siya ng babae na magtungo sa bahagi kung saan may mistulang ginawang center stage ang mga ito. At dumoble pa ang kanina ay nadaramang kaba ni Brianna nang makita roon ang ilang mga kalalakihan. Karamihan sa mga iyon ay mga banyaga.
Ni hindi pa man maproseso ng isipan niya ang mga nangyayari nang magsimulang magsalita ang isang lalaki. And her eyes widened when she witnessed as the man sold the women she was with. Mistula iyong isang bidding na kung sino ang may pinakamataas na presyong maibigay ay siyang mag-uuwi ng naturang babae.
Nagpumiglas siya nang siya na ang tawagin at aakyat sa gitna. Sa lahat ng babae ay mistulang siya lamang ang nagpakita ng pagprotesta. Ngunit dahil sa lakas ng lalaking humaltak sa braso niya ay wala rin siyang nagawa.
Sindak pa ang nadama ni Brianna nang magsimulang mag-ingay ang mga kalalakihan. Wari ba ay natutuwa pa ang mga itong makita ang pagluha niya sa gitna. And the fear on her chest doubled when they started to give their prices.
Hindi niya pa maintindihan kung paanong nagagawa ng mga itong magbitaw ng ganoong kalaking halaga para lang makuha ang isang babae. Some rich men's luxury!
The bidding went higher to two hundred thousand. Alam ni Brianna na kung tutuusin ay kulang pa nga iyon sa halagang nakuha ng Tiya Nimfa niya para sa operasyon ni Kristy. Pero kailangan ba talaga na siya ang maging kapalit ng perang iyon?
Feeling helpless, Brianna just closed her eyes tightly. Kung maaari lang hilingin na maglaho siya sa lugar na iyon ay ginawa niya na.
"Okay," mayamaya pa ay nagsalita muli ang lalaking may hawak ng mikropono. "One bid for one million! Any higher amount?"
Marahas siyang napamulat muli ng kanyang mga mata kasabay ng paglakas ng ingay mula sa mga taong naroon. Ang ilan ay nagpakita ng pagkadismaya dahil sa laki ng huling halagang binitawan.
"Any higher amount?" ulit ng lalaki sa tanong nito. Nang walang sumagot ay inilahad nito ang isang kamay patungo sa kanya. "Sold!"
Stunned by what was happening, Brianna was not able to move even the man was instructing her to exit. Nang hindi siya tuminag ay muling lumabas ang lalaking may hawak sa kanya kanina at basta na lamang siyang iginiya pabalik sa cabin na pinanggalingan niya.
"Bitiwan mo ako! Gusto ko nang umuwi, utang na loob!"
"Tumahimik ka, miss. Nabenta ka na at wala ka nang magagawa pa," wika nito sa malamig na tinig.
Sinubukan niyang manlaban habang inaakay siya nito sa paglalakad. Ang bidding ay nagpatuloy pa habang siya naman ay pilit na ibinabalik ng lalaki sa silid na pinanggalingan niya kanina.
Natigil sa paglalakad ang lalaki nang kalmutin niya ito. "Anak ng p*ta!" walang habas nitong mura sa kanya.
Ang ginawa niya ay nagpangyari upang mabitawan nito ang braso niya. Ni walang sinayang na sandali si Brianna at agad na tumakbo palayo.
There's nowhere to go. Ang yateng kinaroroonan nila ay nasa gitna ng dagat na kung saang lupalop man ng Pilipinas ay wala siyang ideya. Sa kabila niyon ay sinubukan niya pa rin lumayo sa lalaki hanggang sa humantong siya sa kabilang panig ng yate.
Railings na ang hinintuan niya at kadiliman sa karagatan ang sumalubong sa kanya nang huminto siya sa pinakadulong bahagi. Nawawalan ng pag-asa na itinukod niya roon ang dalawa niyang kamay.
"Wala kang mapupuntahan, miss," narinig niyang sabi ng lalaki na ngayon ay nasa likuran na niya. May inis pa sa mukha nito habang dinadama ang brasong kinalmot niya.
Marahan niya itong hinarap. "P-Please, parang-awa mo na. Tulungan mo akong makaalis."
"Lintik! Nag-iisip ka ba? Hindi---"
Nahinto ito sa paglalakad palapit sa kanya nang mula sa hagdan na patungo sa upper deck ay nagsalita ang isa pang lalaki. Kasalukuyan itong bumababa nang balingan ang lalaking humabol sa kanya.
"You can go."
"Bos---"
"I said you can go," mapanganib nitong ulit sa mga sinabi. The man was talking but his eyes were fixed to her.
Walang nagawa ang lalaki na napayuko na lang sabay hakbang palayo sa kanila.
Kanina ay nakadarama na ng takot si Brianna dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. But for some reasons, she can't explain the fear that crept into her as the man walked towards her. Nakahinang pa rin ang mga mata nito sa kanya habang dahan-dahang humahakbang patungo sa kanyang direksyon.
"P-Please, hayaan niyo na ho akong umalis..." saad niya kasabay ng muling pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.
"And where do you think you're going?" saad nito sa baritonong tinig.
Brianna stared at the man in front of her. Matangkad ito na sa hinuha niya ay hindi man lang siya aabot sa balikat nito oras na magtabi sila. Long-sleeved polo ang suot nito na bukas ang unang tatlong butones sa taas dahilan para masilip niya ang tattoo nito sa kaliwang dibdib.
He has a prominent jaw that made him even looked dangerous. And his eyes... the way he looked at her made her shivered inside for some reasons that she can't even give a name.
"Sinabi na sa iyo ng lalaki kanina, wala kang mapupuntahan," anito pa kasabay ng paglahad nito ng mga kamay, emphasizing to her that they were in the middle of the water and she can't go anywhere.
Pilit na pinatatag ni Brianna ang kanyang sarili sa harap ng lalaki kahit pa ang totoo ay labis na takot na ang kanyang nadarama. Pakiramdam niya ba'y lahat ng taong kasama niya sa yateng iyon ay mapanganib at hindi siya dapat na magtiwala kaninoman.
Nang hindi siya umimik ay muling nagsimula ang lalaki sa paghakbang palapit pa sa kanya. "It would be better if you go back to your cabin and---"
"Hindi," matatag niyang saad dahilan para mahinto ang lalaki sa pagsasalita nito. "Mas gugustuhin kong mamatay na lumalaban kaysa hayaan ang kung sino mang bumili sa akin na gamitin ang katawan ko."
Pagkawika niya niyon ay mabilis siyang tumalikod dito at isinampa ang kanyang mga paa sa railings ng yate.
"What the hell are you--- Damn it!"
Narinig niya pa ang malutong nitong pagmumura nang lakas-loob siyang tumalon sa dagat. Agad siyang nakadama ng lamig nang bumagsak siya sa tubig at nagsimulang lumangoy palayo sa yate. She knew how to swim but not good at it. At gusto pang makadama ng kaba si Brianna nang wari ay nahirapan siyang lumangoy sa gitna ng tubig.
Pero tulad ng sinabi niya sa lalaki kanina, mas gugustuhin niya pang mamatay nang sinusubukang ipaglaban ang kanyang sarili kaysa ang basta na lamang hayaan ang lalaking nakabili sa kanya na makuha ang kanyang katawan.
She was trying so hard to swim when all of the sudden, someone from the yacht jumped as well. Gumawa din ng ingay sa tubig ang pagtalon na ginawa nito.
It was the man she was talking to a while ago. Katulad niya ay tumalon din ito mula sa yate at ngayon ay lumalangoy na palapit sa kanya. She wanted to swim away from him. Ngunit bago pa man iyon magawa ni Brianna ay agad nang nakalapit sa kanya ang lalaki.
He held her tightly on her waist that made Brianna stopped on her track. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang dahilan para hindi na siya makalangoy pa palayo.
"How stupid can you get to just jump to the water!" galit nitong bulyaw sa kanya.
"Bitiwan mo ako! Hayaan mo akong umalis," saad niya kasabay ng pilit na paglayo dito.
"And where do you think you're going? Lalanguyin mo ang pinakamalapit na isla? Bago ka pa man makarating roon ay mamamatay ka na sa hypothermia."
"Wala kang pakialam! Mas gugustuhin kong mangyari iyon kaysa mapunta sa lalaking ni hindi ko kilala!"
She tried very hard to free herself from his hands. Ngunit sa tuwing nagpupumiglas siya ay mas humihigpit ang kapit sa kanya ng binata.
"You can't get away, lady. You---"
Ano mang sasabihin nito ay agad nang naawat. Kapwa pa sila natigilan at nagimbal nang makarinig ng isang malakas na pagsabog. The man, subconsciously, held her tighter as they heard the explosion.
Waring niyanig ng pagsabog na iyon ang dalawang tainga ni Brianna. Katulad niya ay napalingon na rin ang lalaki sa pinanggalingan ng pagsabog na kanilang narinig.
It was the yacht. Matapos ng malakas na pagsabog, ngayon naman ay nasusunog na ito. Mistula ba'y may bomba na itinamin sa naturang yate na nagpasanhi ng pagsabog na iyon.
"Son of a b***h!" narinig niyang pagmumura ng lalaki.
Looking at the yacht, Brianna doubted if there were still alive. Sa bilis ng mga pangyayari ay malaki na ngayon ang apoy na nagmumula sa bahagi kung saan nagaganap ang pagbebenta ng mga babae.
*****
ALEJANDRO hissed a series of curse as he looked at their yacht. Hindi niya alam kung saan nagmula ang pagsabog at kung paano iyon nangyari. Nasusunog na ang itaas na parte niyon, ang bahagi kung saan naroon ang mga taong kanina lamang ay kasama nila.
The explosion was too loud that now, it was already causing fire.
Marahas niyang nilingon ang babaeng kasama niya ngayon. Katulad niya ay nakatitig din ito sa nasusunog na yate. Bakas pa sa mukha ng dalaga ang labis na sindak dahil sa mga nangyari.
Hanggang sa mayamaya pa ay muling natigilan si Alejandro nang makarinig siya ng ingay na nagmula sa kung saan. It was a sound from a jet boat. Naglikha ng ingay ang bahagyang paglapit nito sa ngayon ay nasusunog nang yate.
And Alejandro's eyebrows furrowed instantly when he saw his Uncle Dmitri and Konstantin on it. Kapwa nakasakay roon ang dalawa at mataman na nakatitig sa yate. Ni hindi sila nito napapansin ng babaeng kasama niya ngayon sapagkat madilim, idagdag pa na bahagya na silang nakalayo sa yate dahil sa pagpupumilit na makatakas ng dalaga.
Hanggang sa ang pagdikit ng kanyang mga kilay ay napalitan ng pagtiim ng kanyang mukha habang nakamasid sa dalawa. Dmitri was now laughing devilishly as he was staring at the burning yacht.
A realization hit him.
Sinadya ang pagsabog na naganap! Sinadya ang pagsira ng kanilang yate! At malamang sa malamang ay ang dalawang nasa jet boat ang nasa likod ng mga nangyari. Nahihinuha na niyang ang dalawa ang nagplano ng lahat ng ito.
Naalala pa ni Alejandro ang narinig niyang usapan ng dalawa kanina. Ngayon ay napagtanto na niya na ang pinag-uusap ng mga ito ay ang tungkol sa planong gawin ngayong gabi. He was so sure that they were the one behind what happened. If not, Dmitri and Konstantin would have been one of those people who died at the yacht.
Agad pang natigilan si Alejandro dahil sa kaisipan na iyon. Hindi ba't ganoon din sana ang nangyari sa kanya at sa babaeng kasama niya ngayon kung hindi lang sila tumalon sa tubig? They would have died if this woman didn't try to escape... and if he didn't jump after her.
Marahas pa siyang napalingon ulit sa dalagang kasama niya ngayon. So, what they did a while ago saved both of them.