"What can you say, Brianna?" tanong ni Alejandro sa kanya nang hindi siya nakaimik. "Don't you think it was a---" "Hindi," mariin niyang sabi dito na ikinahinto ng binata sa pagsasalita. Tumayo siya nang tuwid at itinuon ang kanyang pansin sa niluluto. Hindi niya pa maunawaan kung bakit mistulang nagulo ang sistema niya dahil sa naging tanong nito. Nababaliw na ba ito? Ano ba ang akala nito sa inaalok? Isa sa mga properties ng mga ito na ibinebenta sa mga kliyente? Ganoon lang ba? "Brianna---" "May usapan tayo, Alejandro," putol niya ulit sa ano pang sasabihin nito. Pinatay niya ang stove at seryosong hinarap ang binata. "Pumayag ako sa nais mo dahil tumupad ka sa usapan na hindi mo pababayaan ang pamilya ko. Umaasa ako na kapag natapos ang kasunduan natin ay hahayaan mo na akong maka