"Tiya, sandali lang ho!" wika ni Brianna habang pilit na binabawi ang kanyang brasong hawak ni Nimfa, ang kinakasama ng kanyang tiyuhin.
Marahas siyang hinarap ni Nimfa at sa galit na tinig ay sumagot. "Hindi na tayo maaaring umatras pa, Bria. Parating na ang van na susundo sa iyo. Gusto mo bang pareho tayong malintikan?"
Nagpumiglas pa siya dahilan para mabitawan nito ang kanyang braso. "Baka ho may ibang paraan para makabayad sa nakuha mong pera. Tiya, hindi---"
"Hindi, Bria. Kung hindi natin gagawin ito ay malamang na bangkay akong babalik sa atin. Hindi mo kilala ang mga taong iyon."
"Kung ganoon ay bakit sa kanila ka lumapit? Ang daming pwedeng gawin, tiya."
"At sa tingin mo ay ganoon iyon kadali?" naiinis nang wika sa kanya ni Nimfa. "Desperado na ako, Bria. Buhay ni Kristy ang nakataya dito," tukoy pa nito sa sariling anak.
Dose anyos na si Kristy. Nag-iisa itong anak ni Nimfa at ng kanyang tiyuhin na si Orlando. Maliit pa lang ay may komplikasyon na sa puso ang pinsan niya. Dahil sa kapos sila sa pera ay hindi matuloy-tuloy ang operasyon na dapat ay matagal nang isinagawa sa bata.
Until lately, napapadalas ang pagsumpong ng sakit ni Kristy. Lagi na ay nahihirapan itong huminga at nang nakaraang linggo nga ay isinugod nila ito sa ospital matapos mawalan ng malay.
Kinailangan na itong operahan at iyon ang isang bagay na labis na nakapagpabahala kay Brianna. Nagtatrabaho lamang sa isang maliit na talyer ang tiyuhin niya. Ang tiyahin naman niyang si Nimfa ay nasa bahay lamang at bantay sa anak. Samantalang siya ay paextra-extra lang sa isang maliit na karinderya malapit lamang sa kanila. Gasino lamang din naman ang kinikita niya roon.
She is only eighteen. Dapat ay nasa kolehiyo na siya ngayon ngunit dahil salat nga sa pera ay hindi na niya naituloy pa ang kanyang pag-aaral. Gusto niya mang makapagtrabaho ay hirap naman siyang makahanap sapagkat ni hindi siya nakatungtong man lang ng kolehiyo.
Lumaki siya na ang mag-asawang Orlando at Nimfa na ang kanyang kasama. Ni hindi niya kilala ang kanyang tunay na ama. Ang kanyang ina naman ay matagal na niyang hindi nakikita.
She was eight years old when her mother, Anastasia, never went back home. Ayon sa mga narinig niyang usapan ng kanyang Tiya Nimfa at ng ilang chismosa nilang kapitbahay ay baka raw sumama na sa mayaman nitong customer ang kanyang ina at basta na lamang siyang iniwan.
Hindi lingid sa kanya ang trabaho ng kanyang ina. Pilit man nitong itinatanggi iyon noon ay may ideya na siya kung ano ang pinagkakakitaan nito. She may be young that time but not stupid not to understand what was happening.
Sabi pa nga ng ilang kakilala nila ay baka raw isa sa mga customer ng kanyang ina ang tunay niyang ama.
She wanted to hate the life that she has. Gusto niya rin makaramdam ng galit para sa kanyang ina na basta na lamang siyang iniwan at hindi na binalikan matapos sumama sa kung sino mang naging customer nito.
But Brianna has enough burden to carry. Ang pang-araw-araw pa lang nilang kakainin ay lagi na niyang problema. Kung lagi pa siyang magiging negatibo sa buhay ay mas lalo siyang mababaon sa problema.
Idagdag pa ang sakit na mayroon si Kristy. Ayon sa mga doktor ay may maliit na butas ang puso nito. Ang gamot pa lang ng bata ay halos igapang na nila araw-araw.
She loves Kristy. Sa kabila ng masalimuot niyang buhay ay ito ang nagpapasaya sa kanya. At sa kabila din ng minsan ay hindi magandang pakikitungo sa kanya ni Nimfa ay hindi niya pa rin magawang iwan ang mga ito. They were the only family that she has.
May mga pagkakataon na maayos naman ang pakikitungo sa kanya ni Nimfa. Hindi lang talaga maiwasang magtatatalak nito sa tuwing walang pera.
At nang operahan nga si Kristy ay agad itong nakahagilap ng pera. Bagay iyon na halos ipagtaka niya pa at ng kanyang tiyuhin. Nimfa explained to them. Napilitan raw itong lumapit kay Marshall, ang matandang lalaki na siyang nagpasok din sa kanyang ina sa trabahong kinasadlakan nito.
And now, in return of the money that Nimfa has borrowed, she has to recruit one woman tonight. At siya ang babaeng dadalhin nito kay Marshall!
"T-Tiya, bakit ako? Hindi ko ho kayang gawin 'to," sunod-sunod na pag-iling ang kanyang ginawa habang halos mangilid na ang kanyang mga luha.
"Wala na akong pagpipilian, Bria. Hanggang ngayong gabi lang ang binigay sa akin ni Marshall para makapagdala sa kanila ng babae. Kung hindi ko 'to gagawin ay papatay!n niya ako, maging si Kristy na rin."
Akmang magbubuka pa sana siya ng kanyang bibig upang magsalita nang bigla ay dumating ang ilang kalalakihan sakay ng isang itim na van. Agad na bumaba ang sa tingin niya ay ang pinaka-boss ng grupo na iyon.
"Iyan na ba ang babae, Nimfa?" agad nitong bungad sa tiyahin niya.
The man must be on his early fifties. Nakasuklay patalikod ang buhok nito na halos sumasayad na sa kwelyo ng suot nito polo. May katabaan din ang lalaki at halos malaki ang tiyan. He looked like a goon to Bria.
And she can't help but to feel scared as his eyes roamed all over her body. Pakiramdam niya ba ay hubad siya kung pasadahan nito ng tingin.
"S-Siya... Siya nga, Marshall," narinig niyang sabi ng kanyang tiyahin. "Marshall, walang---"
Agad na nahinto sa pagsasalita si Nimfa nang kunin ni Marshall ang iniabot ng isa pang kasama nito. Isa iyong sobre na kahit hindi niya pa nasisilip ang laman ay alam na niya kung ano ang nasa loob.
Marshall handed it to Nimfa. Isang ngisi pa ang iginawad nito sa kanyang tiyahin kasabay ng muling pagsulyap sa kanya.
"Sabi ko naman sa iyo, may dagdag ka kung maganda ang maibibigay mo sa akin," wika nito sa malisyosong tinig bago binalingan ang ilang kasamahan nito. "Isakay niyo na siya sa sasakyan."
Agad na naalarma si Brianna kasabay ng kanyang paghakbang paatras. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay agad na siyang nahawakan ng dalawang lalaki sa magkabila niyang braso.
"Bitiwan niyo ako! Bitiwan niyo ako!" paulit-ulit niyang sigaw habang marahas na nagpupumiglas. Pilit na siyang inaakay ng dalawang lalaki palapit sa van ng mga ito nang lumingon siya sa kanyang tiyahin. "Tiya! Tiya, please, huwag mong gawin 'to."
Fear crept into her when all of a sudden, the man on her right side got something from his pocket. Isa iyong panyo at bago pa man niya mahulaan kung ano ang gagawin nito ay agad nang itinapat ng lalaki ang maliit na tela sa kanyang ilong.
Sinubukan niyang manlaban ngunit ilang saglit lang ay unti-unti nang bumibigat ang mga talukap ng kanyang mga mata. Bago pa man siya tuluyang maipasok sa loob ng sasakyan ay nawalan na siya ng malay.
*****
INISANG LAGOK ni Alejandro ang alak na nasa kopitang hawak niya bago iyon ibinaba sa mesang nasa kanyang harapan. Hinamig niya muna ang kanyang sarili saka nagsimulang maglakad. His eyes were roaming around the place as he started to walk.
Mas marami ang tao ngayon kumpara sa mga nakalipas na gabi. Hindi niya pa maiwasang mapangisi dahil sa kaisipan na iyon.
He is now thirty years old. At nitong taon lang din ipinasa sa kanya ng ama ang posisyon nito sa organisasyong mayroon sila. At thirty, he is now the mafia boss.
Hawak niya na rin ang mga naglalakihang transaksiyon sa mga illegal nilang negosyo. Walang pasya na hindi siya ang nasusunod. Everyone was respecting and, at the same time, was afraid of him.
He was more strict and dominant than his father. At a young age, Alejandro was able to increase their sale, not only on their company, but most especially, on their illegal businesses.
At ang gabing ito ang isa sa mga patunay na maayos ang pamamalakad niya sa kanilang mga negosyo. Kasalukuyan silang nasa yate kung saan mangyayari ang panibagong bidding para sa mga babaeng hawak nila.
Naroon na ang ilan sa mga parokyano nila na nag-aabang sa mga ilalabas nilang bagong recruit.
"Boss, maayos na ho ang lahat. Nakahanda na ang mga babae," lapit sa kanya ni Arthur, ang kanyang kanang kamay. Sa lahat ng miyembro ng kanilang organisasyon ay ito ang pinakapinagkakatiwalaan niya.
"Where is Uncle Dimitri and Konstantin?"
Ang Konstantin na tinutukoy niya ay ang kanyang half-brother. Anak ito ng kanyang ama sa pangalawa nitong asawa.
Ang kanyang ina ay namatay nang apat na taong gulang pa lamang siya. Isang aksidente sa daan ang naging dahilan ng pagpanaw nito. At hindi pa man nakakabawi sa pagkawala ng ina ay iniuwi na ng kanyang amang si Alexei si Nadia na noon ay buntis na kay Konstantin.
Limang taon ang tanda niya sa kanyang kapatid. And just like him, Konstantin is now a member of their Mafia organization. Growing up, they were never close to each other. Mas malapit pa nga ang kanyang kapatid sa tiyuhin nilang si Dimitri kaysa sa kanya.
"Magkasama ho sila kanina---"
Iwinasiwas niya ang kanyang isang kamay tanda ng pagpapatigil sa pagsasalita nito. "There they are," aniya sabay turo sa dalawa. "Magsimula na kayo sa bidding."
"Yes, boss."
Naglakad siya palapit sa dalawa na ngayon ay kasalukuyang nakatayo malapit sa may railing ng yate. Sa hindi malamang dahilan ay nagdikit ang mga kilay niya nang makita ang mga ito.
"Are you sure that everything is fine?" naabutan niya pang tanong ng kanyang kapatid sa tiyuhin nila. "Hindi ba mabubulilyaso ang lahat?"
"Don't you trust me, Konstantin? I made sure that---"
Agad na naawat sa pagsasalita si Dmitri nang mapansin ang presensiya niya. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-ilap ng mga mata nito.
"Alejandro..." baling nito sa kanya.
"Ano ang hindi dapat mabulilyaso? What were the two of you talking about?"
Nagpalitan pa muna ng tingin ang mga ito bago siya sinagot ni Dmitri. "We were talking about the bidding tonight. Marami ang bago," anito sabay kibit ng mga balikat. "We just want to make sure that everything will go smoothly. Baka kasi may pumalag."
Pinaglipat-lipat niya ang kanyang mga mata sa dalawa at halos hindi pa kumbinsido sa mga sinabi nito. Ngunit ano mang sasabihin niya pa ay naawat na nang marinig na nila ang tinig ng isa nilang tauhan na sinisimulan na ang bidding para sa mga babaeng hawak nila.
"Let us go. They are now starting," akay na sa kanila ni Dmitri.
Agad niyang itinaboy sa kanyang isipan ang naabutang usapan nina Dmitri at Konstantin. Ang dalawa ay naglakad na patungo sa isang mesa at nakihalubilo sa ilang banyagang naroon.
While Alejandro chose to just roam his eyes around the place. Tumayo siya hindi kalayuan sa pwesto kung saan naabutan niyang nag-uusap sina Dmitri at Konstantin. Agad pa siyang nilapitan ni Arthur kasabay ng pag-abot nito sa kanya ng bagong kopita ng alak.
The bidding started. Ang ilan nga sa mga babaeng iniharap sa kanilang mga parokyano ay bago sa kanyang paningin. Halos mapuno ng ingay ang lugar na kinaroroonan nila habang nagpapataasan ng pusta ang mga naroon.
Dumaan na ang ilang babae nang mayamaya ay natagalan sa pagsampa ang susunod na tinawag. A gap was made because of that. Hanggang sa lumitaw na lang ang isang tao nila habang hawak sa braso ang isang babaeng nagpupumiglas pa.
"Bitiwan mo ako!" sigaw nito na halos masubsob pa sa lapag nang mabitawan ng tauhan nila.
His eyebrows furrowed and looked at Arthur angrily. "Ni hindi niyo man lang ba na-orient ang isang ito?" wika niya sa mapanganib na tinig.
"S-Si Marshall ho ang may dala sa kanya, boss."
"Fvck!" he hissed. Ito marahil ang tinutukoy ng kanyang kapatid at tiyuhin.
Muli niyang ibinalik ang kanyang mga mata sa gitna ng bulwagan. The woman was standing there with tears on her face. Marahan nitong hinihila pababa ang napakaikling damit na wala na rin namang halos natatakpan sa katawan nito.
She was still young. Must be seventeen or eighteen. At kung saan man ito nakuha ni Marshall ay wala siyang ideya. Nevertheless, the woman was exquisitely beautiful. Simula pa kanina ay masasabi niyang ito ang pinakamalakas ang dating sa mga babaeng inilabas nila.
Ang paglakas pa ng ingay ng mga taong naroon ang patunay na ang babaeng ito ang mas nakakuha ng atensyon ng lahat. He can't blame them. The woman, though still young, has the curves on the right places. Maganda na ang hubog ng katawan nito na mas lumitaw pa dahil sa damit na suot.
Hindi ito kaputian ngunit may makinis na balat. Ang mukha nito ay nagsusumigaw ng kagandahan na kahit sinong lalaki ay mapapalingon. And her aura showed so much innocence. Ang pag-iyak pa lang nito sa gitna ng bulwagan ang isang patunay na kulang o baka sadyang wala pa itong karanasan.
And because of that thought, the crowd went wilder. Hindi magkandamayaw ang ilan sa pagtaas ng pusta ng mga ito, bagay iyon na mas nagbigay ng sindak sa babae.
"Twenty thousand for one night!" sigaw ng isang banyaga.
"Fifty thousand!"
"I'll go for a hundred thousand just give me that woman!"
Mas tumaas pa ang pustahan na halos magpaangat ng isang kilay ni Alejandro. Sa mga nakalipas na taon ay iisang babae pa lang ang natatandaan niyang kinabaliwan nang ganoon ng kanilang mga parokyano.
It was Anastasia--- ang babaeng nasaksihan niyang pinatay ng tiyuhin niya!
"Two hundred thousand pesos!" sigaw pa ng isa.
"Arthur," baling niya sa kanyang katabi.
"Yes, boss?"
He looked at him and gave him an instruction. Ang iniutos niya dito ay nagpangyari upang magulat ang kanyang kanang-kamay.
Nagtataka man sa kanyang mga sinabi ay sumunod naman ito. Agad na itong nagpaalam sa kanya bago humakbang patungo sa unahan at kinausap ang lalaking nagsasalita roon.