Chapter 05
Nakalayo na si Hilda sa airport. Wala ng mga humahabol sa kaniya ngunit hindi niya maiwasan mag-alala sa dalawang babae na naiwan sa airport.
Hinanap niya ang police station malapit sa airport. Nag tingin tingin ang babae sa paligid hanggang sa may isang matandang italiano ang lumapit.
"Ti sei perso? dov'è il tuo passaporto?"
Natakot si Hilda dahil nilapitan siya ng isang matandang italiano at hinaharangan siya. Inisip ng babae na may masamang balak sa kaniya ang matanda dahil sa tiyura niya.
"No! No! Don't!"
Takot na takot ang babae at nagtangka tumakbo ngunit agad siya hinarangan ng matanda.
"Di dove sei? passaporto!"
May isa pa na lumapit na lalaki at naka-uniform. Nakita niya sa tv ang mga ganoon na uniform.
"Police?" natatakot na sambit ni Hilda. Pinakita ng traffic officer ang id niya.
"You have a passport? Where are you from?"
Napatigil si Hilda. Wala siyang passport either mga documents. Napaatras si Hilda.
Tiningnan siya ng dalawang lalaki na may pagtatakha. Either ipatawag ng mga ito si Mr Truson or ibalik siya ng mga ito sa pilipinas.
Sakto may dumaan na truck. Sandali nawala ang atensyon sa kaniya ng dalawang lalaki.
Tumakbo si Hilda palayo at agad siya hinabol ng dalawang lalaki.
Tumawid ang babae sa kalsada then may nakita siya truck ng mga gulay. Lumingon si Hilda sa mag pulis na patawid din ng kalsada. Sumampa si Hilda sa truck ng mga gulay at nagtago sa pagitan ng mga malalaking basket.
"Dov'è lei? ha perso velocità."
Narinig ni Hilda na sambit ng pulis na ngayon ay nasa gilid ng truck at tinitingnan ang ilalim. Napatakip ng bibig si Hilda pumikit ng mansion.
Hindi alam ni Hilda ang gagawin lalo na at kahit mga pulis ay hindi makakatulong sa kaniya.
Napatigil si Hilda dahil biglang umandar ang truck. Napatayo si Hilda at doon nakita siya ng mga pulis. Hinabol ng mga ito ang truck.
Damang-dama ngayon ni Hilda ang hampas ng malamig na hangin sa pisngi at katawan niya. Naiiyak na tumingala si Hilda sa madilim na kalangitan.
"Nanny, mom— kayo na bahala sa akin."
Inalis ng babae ang wig at inilapad iyon ng hangin.
—
Hindi alam ni Hilda kung nasaan na siya. Madilim na kasi ang paligid at paunti-unti na din nawawala ang mga bahay kaya 'nong huminto ang truck ay agad tumalon si Hilda pababa ng truck before pa makababa ang driver.
Tumungo si Hilda sa dalampasigan. Pakagat na din ang dilim at talagang nagugutom na siya.
"Tapos ano na gagawin ko?" ani ni Hilda. Natatakot na lumingon si Hilda at wala siyang nakikita na tao sa lugar na iyon.
Nilalamig at nakapaa si Hilda na nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may makita siya maliit na kubo hindi kalayuan sa dalampasigan.
Dahan-dahan lumapit doon si Hilda. May nakita siya na ilaw at may naaamoy na cup noodles.
Nanlalamig na kumatok si Hilda sa pinto. Agad naman iyon bumukas at may bumungad sa kaniya na mag-asawang matanda.
Nagulat pa mga ito after siya makita. Halata sa babae na hindi ito italiana at dayo lang ito doon.
Napalunok ang babae after makita mga pagkain na nasa table.
"Are you hungry?" tanong ng matanda. Kaunti lang naiintindihan ni Hilda na english ngunit nagpapasalamat siya dahil kahit kakaunti ay may naiintindihan siya na simpleng words.
Tumango-tango si Hilda. Naawa ang dalawang matanda at pinapasok ito sa maliit nila na kubo.
Pinaupo nila si Hilda at binigyan ng plato. Sunod-sunod na nag-thank you si Hilda sa dalawang matanda.
Kita ng dalawang matanda kung gaano kagutom ang babae kaya naman mas binigyan pa nila ito ng pagkain at maiinom.
Hindi nila ito kinausap hangga't hindi sila tapos sa pagkain. Una ay nahihiya si Hilda ngunit dahil sa gutom ay agad niya iyon nakalimutan at hindi 'man lang nakapagpakilala sa dalawang matanda.
Nauna tumayo ang matandang babae at naghalungkat ng masusuot sa luma nitong cabinet para kay Hilda.
"What's your name?" tanong ng matanda. Uminom ng tubig si Hilda at tiningnan ang matandang italiano.
"Hi-Hilda," bulong ng babae. Nagdadasal na lang ang babae na hindi din ng mga ito hingin ang passport niya.
Nakikita ng dalawang matanda na hindi maganda ang lagay ng dalagita, may ilang galos din ito at nakapaa. Hindi na sila nag-abala pa na magtanong at after kumain ng dalagita ay inaya na ito ng dalawang matanda na magpahinga.
"You have an address? Or home so we can call your family to inform them that you're here?" tanong ng matandang lalaki kay Hilda na nakaupo sa sahig at may hawak na kumot.
"No—no family," sagot ni Hilda. Tapos nag-act siya na may malaking tao na kumuha sa kaniya at humahabol sa kaniya.
"Bad guys— take me," ani ni Hilda. Halata naman na nahihirapan si Hilda mag-english at kung paano i-explain iyon sa dalawang matanda.
"You want to call police?" tanong matandang babae. Agad na umiling si Hilda. Natatakot siya ibalik siya sa pilipinas at kuhanin ulit ng ama niya.
"Stay here as long as you want. Feel at home. Not so many people come here to visit or stay in this area and no one will recognize you either," ani ng matanda. Agad na lumiwanag ang mukha ni Hilda at nag-thank you sa mga ito.
Pinatulog na siya ng dalawang matanda sa tabi nila. Likas na mabait ang dalawang matanda katulad ng sinabi nito hinayaan nila si Hilda mag-stay doon. Binigyan ng makakain, matutulungan at masusuot kaya naman ginagawa ni Hilda lahat ng best niya para makatulong.
Naglilinis ng bahay, inaayos ang ilang butas ng dingding, kumukuha ng mga kahoy panggatong at minsan tinutulungan niya sa paglalaba ang matandang babae.
Tuwang-tuwa ang dalawang matanda kay Hilda dahil sa likas na masiyahin ito at masipag. Nauuna pa sa kanila ito magising minsan para magsimulang magpulot ng mga basura na nasa beach na iniwan ng ilang mga guest.
Iniipon niya iyon sa ganoon ay maibenta nga ng matandang lalaki at may dagdag mapagkikitaan.
Biglang nagkaroon ng magulang si Hilda dahil sa dalawang matanda. Lumipas ang tatlong araw may ilang mga pulis ang napadaan sa area.
Sa kalayuan nila nakita si Hilda na kausap ang matandang babae. Isa sa mga ito ang kinuha agad ang phone niya.
"We found her."
Nakangiti si Hilda na inaabot ang timba sa matandang lalaki. Noong araw na din iyon maraming foreigner ang dumating at guest.
Tuwang-tuwa ang dalawang matanda dahil malaki ang kikitain nila at balak nila bilhan ng masarap na ulam ang dalaga.
Kasalukuyang nagdadampot ng basura si Hilda at nakaupo sa buhanginan nang maraming pares ng sapatos ang huminto sa harapan niya.
Nanlamig si Hilda at dahan-dahan inangat ang paningin. Dalawang tao lang ang naisip ni Hilda magpadala ng mga malalaking tao na iyon para kaladkarin na naman siya paalis.
Napatayo si Hilda at nabitawan ang hawak na garbage bag.
"Come with us quietly," may pagbabanta at malamig na sambit ng isa sa mga lalaking hinawakan na lang siya sa braso.
Nakita ni Hilda ang dalawang matanda na may dalang itak at mukhang susugurin nito mga taong kumukuha sa kaniya.
Agad na umiling si Hilda at naiiyak na ang mga ito na tiningnan. Parang sinasabi nito na huwag ng lumapit. Ayaw niya mapahamak ang dalawang matanda.
Napatigil ang dalawang matanda at sinundan na lang ng tingin si Hilda na tahimik na sumunod sa mga lalaki papasok ng sasakyan.
Bago pumasok sa loob ng sasakyan nilingon niya ang dalawang matanda na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti lang ng kaunti si Hilda bago siya sapilitan pinapasok ng malaking lalaki sa loob ng sasakyan.
Sa isip ni Hilda atleast sa maiksing panahon naranasan niya magkaroon ng isang pamilya. May dalawa pang tao na nag-alaga sa kaniya at tinuring siyang anak bukod sa nanny niya.
Nakayuko si Hilda sa backseat habang napaggigitnaan ng dalawang lalaki na nakumpirma niya na mga tauhan ni Mr Truson since narinig niya ang pangalan ni Mr Truson sa lalaking nasa passenger seat na may hawak na phone.
"Don't worry Mr. Truson. We are going there now with the woman you are looking for. She's safe and sound."
Nakaramdam ng panlalamig si Hilda at kakaibang takot na bumalot sa buong katawan niya after maramdaman ang paraan ng pagtingin sa kaniya ng apat na lalaki na nasa loob ng kotse.