Chapter 04
"Nanny!"
Natutuwang lumapit ang isang batang babae na may hawak na bulaklak at inabot iyon sa isang matanda na nakaupo sa isang upuan na kahoy at may tinatahi na damit.
"Hilda, saan mo naman nakuha iyan. Binunot mo na naman ba nga bulaklak sa garden?" ani ng matanda after ibaba ang sewing kita at damit na tinatahi niya.
Napatigil ang bata dahil may nahulog na picture galing sa nanny at agad niya kinuha iyon.
"Nanny, sino 'yong bata?" tanong ng batang babae. Nakita niya ang nanny niya tapos may kasama itong bata na nasa 6 years old.
"He's my son. Ang pogi niya hindi ba?" nakangiti na tanong ng nanny. Agad na tumango-tango ang bata.
"Nasaan siya nanny? Bakit hindi mo kasama?" tanong ng batang babae at inabot ang picture sa matanda.
"Nasa malayo siya ngayon."
Iyon lang sinabi ng matanda. Inosente siya tiningnan ng batang si Hilda dahil nakikita ng bata na nalulungkot ang matanda. Wala din sinabi pa ang ginang about sa anak.
"Ija, sinabi ko na wag ka pupunta sa main mansion. Paano kapag makita ka ni Mr Alegre," ani ng matanda na ngayon ay hawak sa balikat ang batang babae.
"Hindi ba nanny sabi mo daddy ko siya? Bakit hindi ko siya pwede makita?" tanong ng batang babae. Napatigil ang ginang.
Paano niya kasi sasabihin sa batang si Hilda na 'nong baby pa lang si Hilda ay tinangka na siya patayin ng sarili nitong ama. Sukdulan ang galit ng matandang Alegre kay Hilda dahil sa sinisisi ito ng matanda sa pagkawala ng pinakamamahal nitong asawa.
Napabuga ng hangin ang matanda at bahagya lumuhod sa harapan ng batang si Hilda.
Nagpapasalamat na lang ang matanda dahil sa halos limang taon na din 'nong umalis ang matandang Alegre para magbakasyon. Hindi nito nakikita ang batang si Hilda. Bahagya ngumiti ang matanda.
"Balang araw malalaman mo na din pero gusto ko kapag nangyari iyon— huwag na huwag ka magpapaapekto at magpaktatag ka. Tandaan mo palagi na—"
Hinawakan ng matanda ang ulo ng batang babae at bahagya hinaplos ang mahaba nito na buhok.
"Mahal na mahal ka ng ina mo. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa iyo dahil mahal ka niya. Hindi mapapantayan ang pagmamahal ng ina mo sa iyo na hindi maiintindihan ng sarili mong ama."
Nakatitig lang ang matanda sa batang si Hilda.
Nagising si Hilda 'nong may nagsalita sa speaker na nasa itaas lang ng inuupuan niya. Napaayos siya ng upo at napasapo sa noo. Ini-anunsyo na palapag na ang eroplano sa italy. Bahagya ni Hilda iginala ang paningin sa paligid.
"Ngayon ko na lang ulit napanaginipan si nanny," bulong ni Hilda. Bahagya lumambot ang expression ni Hilda.
Naaalala niya na tuwing napapanaginipan niya ang nanny niya may magandang nangyayari.
Huminga ng malalim si Hilda at tumingin sa labas ng bintana ng eroplano. Birthday niya 'nong araw na iyon at palihim siya nagdasal na sana sa kaarawan niya na iyon ibigay naman sa kaniya ang kalayaan na nais niya.
Makaisip siya ng paraan para makatakas sa tauhan ng matandang Truson.
Nilingon ni Hilda ang matandang Truson na humihilik sa tabi niya. Sa kabilang bahagi ng upuan nandoon ang dalawa pa nito na tauhan na kasalukuyang nakatitig sa kaniya.
Napaigtad ang babae sa takot at yumuko. Mahigpit ang pagbabantay ng mga ito sa kaniya at wala din siya pagkakataon na humingi ng tulong dahil mukhang inakupahan ng matandang truson ang buong area na iyon.
Iisang stewardess lang ang mga dumadaan doon. Noong sinubukan ito ni Hilda tawagin ay sinamaan lang siya nito ng tingin at natatakot na umalis.
Napailing si Hilda. Hindi siya pwede mawalan ng pag-asa. May airport pa— may isa pa siyang pagkakataon para tumakas.
—
Noong nasa airport na sila nanlamig si Hilda dahil mas lalong dumami ang mga tauhan ng matandang Truson. Wala din siya maintindihan sa mga sinasabi nito.
"Mga alien ba sila?" bulong ni Hilda at hinawakan ang ulo niya. Wala siyang maintindihan na salita. Bukod sa tagalog at ingles wala ng familiar na salita sa kaniya.
Hindi ngayon alam ni Hilda kung anong gagawin at paano hihingi ng tulong.
"Take her back first," ani ng matandang Truson after lumapit ang isang matangkad pa na lalaki at may binulong ito sa matanda.
Nilingon mg matanda ang mga tauhan at nag-gesture na dalhin na ang babae palabas ng airport.
"Wait!" sigaw ni Hilda. Napatingin ang matanda at mga tauhan nito.
"Go restroom!"
Parang tanga na tinuro-turo ni Hilda ang daan pabalik sa loob ng airport. Nag-act ito na naiihi. Kumunot ang noo ng matanda then nagmura.
"Take her to the restroom and make sure she doesn't escape," utos ng matanda at naglakad paalis. Nagpapasalamat si Hilda dahil wala sa mga tauhan nito ang babae. Wala sa kaniya sasama sa loob ng restroom ng girls.
Nasabi sa kaniya minsan ng nanny niya na nasa na sa mga public restroom hiwalay ang girls sa boys. Kahit papaano nakatulong na naaalala niya ang iilan na tinuro sa kaniya ng nanny niya.
Napatigil si Hilda 'nong makita na magkaharapan ang pinto ng dalawang public restroom sa airport. Hindi niya alam kung saan doon ang para sa babae at lalaki. Hindi siya marunong magbasa.
Napatigil ang babae sa paglalakad ganoon din ang mga tauhan na nakasunod dito.
Sakto na may babae na lumabas sa isa sa mga pinto. Dumiretso ang babae sa pinto na iyon at pumasok. Namangha ang babae sa dahil iyon ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa isang public restroom at bumungad sa kaniya ang isang salamin ngunit ilang segundo lang iyon dahil naalala niya na nasa bingit pa din siya ng kamatayan.
Kailangan niya makaisip ng paraan tumakas. Walang tao sa loob ng restroom. Napakagat ng kuko ang babae. Kahit may pumasok sa restroom na iyon kung iba ang salita nito at hindi siya marunong magsalita ng ingles— walang chance na makahingi siya ng tulong.
Tiningnan ni Hilda ang salamin na nasa harapan niya at nakita niya ang sariling reflection.
Nakita niya ang batang siya na nakaupo sa sahig at umiiyak. Ganoon ang scenario 'nong bata pa siya tuwing sinasaktan siya ng step mother niya at pinababayaan siya ng sariling ama.
Kinulong sa sariling kwarto, inaalila at inalisan lahat ng karapatan kahit ang makapag-aral.
"Ayoko tanggapin na ganito na lang ako. Ayoko," bulong ni Hilda pero ano ba magagawa niya.
Hindi pwedeng manatili lang siya sa loob ng restroom dahil siguradong kakaladkarin siya ng mga tauhan ng matandang Truson.
Tinakpan ni Hilda ang bibig at naiiyak na umupo sa sahig.
"Please nanny, bigyan niyo ako ng sign na ituloy ko itong plano ko. Natatakot ako."
Naiiyak na sambit ni Hilda hanggang sa may nagbukas ng pinto. Napalingon si Hilda then may dalawang babae na pumasok. Maganda ang mga ito at mukhang mga modelo.
"Are you okay?"
Tumayo si Hilda. Tiningnan niya ang dalawang babae. Bumulong ito ng tulong. Natatakot na nilingon niya ang pinto.
"What do you mean, tulong?" tanong ng babaeng blond ang buhok at may asul na mga mata.
"Filipino ka? Anong nangyari? Mga bantay mo ba iyong nasa labas?" tanong ng babae na may itim na buhok at may napakaganda na mukha. Agad ba lumiwanag ang mukha ni Hilda sa idea na marunong ito ng salita niya.
"Kailangan ko makatakas. Tulungan niyo ako."
Nag-suggest ang babaeng blond ang buhok na tatawag siya ng pulis ngunit agad siya pinigilan ng babae na kasama nito.
"We can't, it looks like a big person is behind them. Even if we can give this woman to the police, this woman will also be end in the hands of those who took her, again," ani ng babae. Walang naiintindihan si Hilda ngunit mukhang pinag-uusapan ng mga ito na i-surrender siya sa police for safety niya pero— kung sakali na kuhanin siya ng police at mapatunayan na kidnapping iyon or human trafficking ibabalik siya sa pilipinas.
"No— no police," ani ni Hilda at umiling-iling.
"Please, hayaan niyo lang ako makalabas ng airport," dagdag ni Hilda at tiningnan ang dalawang babae.
"Wait! I have an idea," ani ng babaeng blonde ang buhok then lumapit sa harapan ng salamin at ibinaba ang itim na wig tapos may nilabas siya na dress then pinakita iyon sa babae.
"How about disguise?" tanong ng babae at pinakita iyon sa dalawang babae na nasa harapan niya.
"Kuhanin mo 'yan tapos magbihis ka na. Dalawa kami pumasok dito at kung lalabas ka kasama si Hannah hindi ka nila mapapansin," ani ng babae. Malaki ang gap ng height nila at figure ngunit kung wala naman sa kaniya ang atensyon ng mga tauhan kanina na nasa labas hindi mapapansin ng mga tao na iyon nagkapalit sila ni Hilda.
Nanginginig na kinuha iyon ni Hilda at nagpasalamat sa dalawang babae. Agad ang babae pumasok sa cubicle para magpalit.
"We will not go out to the restroom together. Are you okay to be left here?" tanong ng babae na blond ang buhok at nakatingin sa kaibigan na kasalukuyang inaalis ang wristwatch niya.
"We have no choice. Someone needs help. Don't worry, i can protect myself," ani ng babae at bahagya inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga at tiningnan ang sarili sa salamin.
Bumukas ang pinto ng cubicle then lumabas si Hilda na kasalukuyang pilit hinihila pababa ang dulo ng dress na suot niya.
"Mag-act ka ng normal kung gusto mo makatakas. Ayusin mo posture mo," ani ng babae at lumapit ito kay Hilda. Hinubad nito ang suot na heels then inutusan ito na suutin iyon.
Sinipa-sipa iyon ng babae palapit kay Hilda. Hinubad ni Hilda ang suot niya na sandals at sinuot ang heels ng babae.
Napatigil si Hilda 'nong ma-outbalance siya at before matumba ay agad siya sinalo ng babae.
"So-sorry," ani ni Hilda at umayos ng tayo. Napabuga ng hangin ang babae at lumuhod.
Nanlaki ang mata ng kasama nitong babae na blond after lumuhod ang babae para ayusin ang heels ni Hilda.
"Lumabas na kayo," utos ng babae after ayusin ang heels ni Hilda at tumayo ng maayos.
"Ms Alegre!"
Kumatok na ang mga tauhan ng matandang Truson. Naghilakbot si Hilda at agad na nabalutan ng takot dahil doon.
"Sa-sandali!" sigaw ni Hilda mula sa loob. Lumingon ang babae na may itim na buhok sa pinto at inutusan si Hilda na habang palabas sila ng blond mamaya mag-act ito na masakit ang tiyan para hindi ito gaano mapansin mamaya.
"We don't have so much time left. Let's leave now," ani ng babae na may blond na buhok at inaya na si Hilda palabas. Huminga ng malalim si Hilda at nanginginig na humawak sa braso ng blond ang buhok.
"Gosh, you look sick. Shall we go to the doctor?" nag-aalala na tanong ng blond na buhok habang nag-aalala na inalalayan si Hilda na nakayuko at nag-act na nanghihina.
Sinundan sila ng tingin ng mga tauhan ng mga matandang Truson hanggang sa napansin ng mga ito na hindi compatible iyong heels ng isa sa mga babae sa paa nito.
"Wait!"
May nagbukas ng pinto ng women's room at ibang babae na nga ang nandoon. Napamura ang babae na kasama ni Hilda.
"Run!"
Sumigaw ang babae at hinila si Hilda palayo doon. Agad sila hinabol ng mga tauhan ng matandang Truson.
"Run! you go first! get out of here," ani ng babae at binitawan si Hilda 'nong nasa labas na sila ng airport.
Umiiyak na nag-thank you si Hilda. Hinubad ng babae ang heels niya at tumakbo palayo.
Noong mawala sa paningin ng babae si Hilda naiinis na inalis ng babae na iyon ang suot niya na heels at— ang suot nito na wig.
"I just came here for vacation. I haven't been back for less than 30 minutes and I have a new mess need to be fixed."
Nag-iba ang boses ng babae. Naging mababa iyon at malagong. Nagulat ang mga tauhan ng matandang Truson after sila atakihin nito.
Kalaunan sa hallway patungo sa restroom maraming babae ang nagtilian after may makitang mga katawan sa hallway na ngayon ay mga walang buhay.
Naglalakad palayo ang isang babae na kasalukuyang may hawak na paper bag at walang emosyon na kinuha ang phone niya.
"I'm at the airport. send my car here and let's proceed to the next mission," ani ng babae na paisa-isa inaalis ang suot na accessories.
Noong makalabas siya ng airport agad na may dumating na sasakyan at huminto sa harapan niya. May bumaba na isang lalaki at pinagbuksan siya ng pinto.
Noong makaupo ang babae sa backseat ay inalis na din nito ang suot na wig. Ganoon din ang suot na kwintas niya at tinapon iyon sa upuan.
"How many art we sold this past 2 days?" bored na tanong ni— Aron Nicastro. 22 years old— kasalukuyang director ng Trocas Foundation. Foundation ito kung saan nangongolekta ang lalaki ng mga painting then binebenta ito sa mataas na halaga.
Ngunit as a art collector para kumita ng billion euro sa isang araw ay imposible. Siyempre hindi legal iyon hindi dahil sa nga art kung hindi dahil sa mga bagay na nakatago sa loob ng painting.
"No, who bought my paintings," bawi ng lalaki na ngayon ay nakangisi at nakatingin sa secretary niya na nasa driver seat.
"One of the buyer is Mr. Nicastro, he bought 2 painting same day after we send him your birthday gift for him. I think he found out that you are the owner of the foundation... to make sure he bought the painting,"sagot ng secretary. Napangisi na lang si Aron after marinig iyon.
"Thanks to him we were able to sell two of the paintings," ani ni Aron at nag-cross arm. Maya-maya napatigil ang lalaki matapos niya maaalala iyong babae sa restroom.
"Did she get escape from the airport?" tanong ni Aron na nilingon iyong kasama niya kanina sa restroom na babae which is iyong kaibigan niya na nasa passenger seat.
"I knock those man to sleep before i let her go," sagot ng lalaki na ngayon ay tinatanggal ang makapal na make up sa mukha.
Gumamit sila ng ibang identity at mukha sa gayon ay makapasok sila sa italy ng hindi nakakatunog ang triad at mga taong naghahanap sa kanila. Then nakita nga nila iyong babae sa restroom tapos humingi ng tulong.
"Anyway, Aron why did you help her? you are not that generous to randomly help someone," ani ng lalaki dahilan para mapatingin ang lalaki na nasa backseat sa kaibigan.
Tumingin ang lalaki sa bintana at tumingin sa iba't ibang kulay ng ilaw na nadadaan ng sasakyan nila.
"It's just— i remember her to someone i know."