06

2004 Words
Chapter 06 Nakahinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada dahil sa traffic. Napatitig na lang ako sa mga taong dumadaan sa labas ng bintana at sa iba't ibang ilaw na nakikita ko sa paligid. Hindi ko maiwasan ma-amaze habang nakatingin sa mga ilaw at sa dami ng tao sa araw na iyon. Bigla ko naalala si nanny 'nong dini-describe niya ang mga lugar sa labas ng mansion. Kung i-describe na iyon sa akin para bang napakaganda ng lugar na iyon. Tahimik, lahat masaya tapos walang takot ngunit ngayon nasa labas na ako ng mansion. Masasabi ko na hindi siya ganoon kaganda katulad ng iniisip ko at hindi siya nakaka-enjoy. Napakalaki ng mundo, maraming tao at higit sa lahat— tiningnan ko ang mga tao na nasa sasakyan. Madaming masamang tao na katulad ng dad ko. "Pwede ba maawa na kayo? Palayain niyo na ako," bulong ko at nagmamakaawa na tininingnan ang dalawang malaking tao sa magkabilang gilid ko na para bang hindi nila ako narinig. Umandar na ulit ang sasakyan at habang pahaba ng pahaba ang biyahe paunti-unti na din nawawala ang mga tao at mga bahay sa paligid. Katapusan ko na ba talaga? Napalunok ako. Sa mga oras na iyon lahat na yata ng santo tinawag ko lalo na 'nong pumasok kami sa isang tunnel at sobrang dilim doon. "Ahhh!" Napatili ako nang bigla na lang may pumutok. Napahawak ako sa tenga ko. Napahinto ang sasakyan at narinig ko napamura ang mga tauhan ni Mr Truson. Bumaba ang lalaki sa driver seat pati iyong nasa kaliwa ko pero dahil opportunity na iyon hindi ko iyon pinalampas. Malakas ko sinipa iyong lalaki na iyon palabas ng sasakyan. Nakalimutan ko may tao pa pala sa kanan ko na bigla ako hinawakan sa leeg. Dahil sa talagang dedikasyon ko makatakas inuntog ko siya at tumalon palabas ng sasakyan. Wala ako makita as in ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo palayo sa sasakyan. Narinig ko din sigawan ng mga humahabol sa akin at ang tunog ng sasakyan. Agad ko nakita ang bukana ng tunnel tapos sa gilid ng kalsada ay maraming puni. Agad ko na nilingon ang mga tauhan ni Mr Truson na nakasakay ngayon sa sasakyan. Pagkalabas ko ng tunnel nauna sila sa akin pero dahil nasa unahan ko na sila wala ako choice. Tumakbo ako patungo sa mga puno at nagtago sa matataas ng talahib. Kahit medyo huli pa ako sa pagkakauntog ko kanina ay hindi ako tumigil sa pagtakbo. "Ouch!" Sumabit ang paa ko sa ugat ng puno at bumagsak ako sa mga tuyo na damo. Naiiyak na tumayo ako sa magkasamang takot at sakit. Takot na takot ako sa dilim at naalala ko na 'nong buhay pa nanny ko hindi ako pumapayag na mag-isa lang ako sa room ko kasi takot ako and ito ako ngayon— tumingin ako sa maraming puno na nasa unahan ko. Wala ako makita ngayon kung hindi kadiliman na tanging liwanag na lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa gubat. "Natatakot ako," bulong ko at naiiyak na tumayo. Hila-hila ko ang mga paa ko habang patuloy na naglalakad. Sa kalayuan kasi naririnig ko na ang boses mga italiano na naghahabol sa akin. Napatigil ako after makakita ng kalsada agad ako na tumungo doon sa pag-asa na may dumadaan na sasakyan at may makatulong sa akin. Umakyat ako sa mataas na bahagi 'non at may nakita nga ako na ilaw ng sasakyan na patungo sa direksyon na iyon. Agad ako na humarang at napaluhod. Huminto ang sasakyan at doon may mga bumaba na lalaki. Napatulala ako. Paanong hindi? Mga armado din ito at talagang malalaking tao. "Jusko lord! Ayoko pa mamatay! Marami pa ako pangarap sa buhay! Hindi pa ako nakakain ng fried chicken at umiikot na baboy!" Pinagkiskisan ko ang mga palad ko at nagmamakaawa na huwag ako patayin. Nasaan na ba ako? Nasa loob ba ako mg comics or fictional action-drama? For god's sake bakit lahat na lang ng nakakarap ko may mga baril? Legal ba iyon dito sa bansa? Napalingon ako 'nong may dumating na sasakyan at— bumaba doon mga tauhan ni Mr Truson. "Nicastro?" "Triad?" Napatigil ako, Anong Triad? Nicastro? Surename ba iyon. Napatingala ako sa mga lalaki na masa harapan ko. "I hope that your group are know whose territory you are treading on." Isa sa mga big guy na nasa harapan ko ang nagsalita. Nanlaki ang mata ko at agad na napasigaw after magpaputok ng baril iyong mga lalaki kanina. Paglingon ko agad ako na naghilakbot. Nagkalat ang maraming katawan sa sahig at duguan. Hindi ko na narinig pa usapan ng mga lalaki kanina dahil sa sobrang takot ko. Bumalik lang ang senses ko 'nong makita na paalis na ang mga lalaki kanina na tumulong sa akin. Nakita ko na lang ang sarili ko na yakap ang hita ng mukhang pinaka-boss nila. Takot ako sa multo. "Wag niyo ako iwan dito! Takot ako sa multo!" "f**k," mura ng lalaki at hinilot ang sentido sa sobrang pagkairita. Hindi ko inalis pagkakahawak sa mga hita niya. Natatakot ako. "Put her in the compartment, make sure she won't make any noise and won't cause trouble later," ani niya at iyon na lang ang narinig ko before ako biglang hilahin ng mga tauhan niya. Saan ako dadalhin? Hindi ko alam. Bago pa ako mapatili 'nong buksan nila ang compartment sa isang sasakyan at ipasok na lang ako doon may naglagay ng duct tape sa bibig ko at tinalian ako. Malaki naman ang loob pero shet! Paano kung i-salvage na lang nila ako rape-in. "Shhh, hindi mananakit ng babae ang boss namin. Just stay quiet here baka bigla na lang magbago isip ng boss namin itapon ka sa dagat." Napatigil ako dahil bigla na lang nagtagalog iyong lalaki na naglagay ng duct tape sa bibig ko. Isinara niya ang compartment after may something na itapon sa akin. Pagkasara 'non nagkaroon ng liwanag sa loob. Napatingin ako sa maliit na bola na tinapon sa akin ng guy kanina. Naglalabas iyon ng puting ilaw. Hinilig ko ang ulo ko sa mukhang rubber bag na nasa loob habang nanatiling nakatali ang kamay at paa ko. Doon sa idea na hindi nanakit ng babae iyong guy na nakita ko kanina at dinampot nila ako 'nong iiwan nila ako doon— medyo kampante ako na hindi ko pa magiging katapusan sa araw na iyon. "Nagugutom na ako," bulong ko. Iyon ang mga salitang nabanggit bago unti-unti ko pinikit ang mga mata ko para matulog. Bigla kasi ako inantok dahil sa pagot ko emotionally and physically. — Pagkababa ng sasakyan bahagya lumingon si Arthur sa kabilang sasakyan at napako ang mga mata nito sa compartment. Maya-maya may dumating na lalaki. May mahaba itong buhok at kulay tsokolate na mga mata. Nakasuot ito ng suit at may karga na rifle at nakapatong sa balikat. "Padrino,we're glad you're here. All the contents of the cargo ship fell into the sea. We are currently sending people into the sea to search for the boxes containing weapons and exotic fruits," ani ng lalaki na kinatingin sa kaniya ni Arthur. "What do you want me to do Abott? Did you call me just to tell me that the our f*cking cargo ship fell due to the negligence of your people? Do I look like I'm joke to you and have a time with this damn things?" Kalmado ang boses ni Arthur ngunit nandoon ang diin sa boses nito at banta sa expression nito. Alanganin na napataas ng kamay ang lalaki at agad na nag-sorry. Sinabi nito na may ipapakita siya sa boss niya kaya pinatawag ito ng lalaki. Sumunod si Arthur sa tauhan after niya utusan ang ilang tauhan niya na maiwan na doon para bantayan ang paligid. Napakunot ang noo ni Arthur habang nakatingin sa mga fish tank na nasa loob ng isang container. "What is it?" Isa sa mga tauhan nila ang lumapit at may hawak na isang isda na mukhang patay. "There's is something inside the fish," ani ng isa sa mga tauhan tapos may kinuha ito na kutsilyo then hiniwa ang katawan ng isda. May pinakita itong maliit ba plastic ss katawan ng isda. Plastic iyon na may laman na puting liquid na sigurado sila isang drugs. "We examined this earlier. We found out that it contains high class drugs." "This is f*cking trap!" Lumingon si Arthur 'nong makarinig sila ng sirena ng mga pulis kasunod 'non ang putukan ng mga baril. Isa iyon ambush. Agad na binunot ni Arthur ang baril at naghanda ang mga tauhan nito sa atake. Kalaunan sa loob ng compartment ng sasakyan nagising si Hilda sa ingay 'nong may gumapang sa hita niya. Napasigaw si Hilda at nagpapasag sa takot na ipis iyon or kung ano na insekto. Nakagawa ng ingay si Hilda sa loob ng compartment dahil sa pagpapasag niya. May mga kalaban ngayon ang palapit sa sasakyan kung saan nila narinig ang ingay after nila barilin ang mga nakabantay sa sasakyan. Napatigil si Hilda after makarinig ng mga putukan at sirena ng pulis. Nakaramdam ng takot ang babae lalo na nang makarinig ng ibang boses sa labas ng sasakyan. Napasiksik si Hilda sa kabilang side at pagbukas ng sasakyan nakakita siya ng dalawang lalaki na ngayon ay may hawak na baril. Ngumisi pa mga ito bago itinutok sa kaniya ang baril. Napadasal si Hilda at napapikit. Bago pa maikasa ang baril ay bigla na lamang ang mga ito bumagsak pagkatapos may tumamang bala sa leeg ng mga ito. Napatigil si Hilda at naimulat ang mata. Nawala iyong dalawang guy na nasa harap niya kanina. Nakita niya ulit iyong lalaki na nakasuot ng sumbrero which is ang pinaka-boss ng tumulong sa kaniya. Bigla nito sinara ang compartment after siya nito tingnan ng malamig. "Let's go back," malamig na sambit ng mafia boss bago naglakad palayo sa compartment. Kapag umalis sila sa port ng hindi nahahanap ang cargo ship malaking pera ang mawawala sa kanila pero kung nagtagal sila doon sigurado malaking gulo at problema. Maraming pulis ang patungo sa area na iyon at may isang grupo ang tinangka sila i-ambush. Agad na sumakay sa sasakyan ang mga tauhan ni Arthur. May nagbukas ng pinto kay Arthur at agad naman sumakay doon ang lalaki. Kumuha siya ng alak at agad naman na iniinom iyon. Kailangan niya ngayon umisip ng paraan para mabawi ang cargo ship. May mga item kasi na mahalaga na nandoon at kapag napunta iyon sa mga hindi mabubuting kamay mas malaking problema ang haharapin nila. "List and report of all the item inside those damn cargo ship. Give them to me tommorow," iritable na sambit ni Arthur. Malakas ang kutob niya na hindi aksidente ang pagkakahulog ng cargo ship at isa lang ang naiisip niya na tao na may lakas ng loob na gumawa 'non. "What are we going to do with the drugs we get from the fish tank?" tanong ng lalaki na nasa passenger seat at nakatingin sa rare view mirror. Inilagay ni Arthur ang isang daliri sa labi at nag-isip kung anong maari nila gawin sa drugs na iyon. "Let's return them and make sure you return it those item with gratitude. Don't forget to give him a gift," ani ni Arthur. Napataas ng gilid ng labi ang lalaki at sinabi na masusunod iyon. "Anyway, i saw a woman inside those compartment? Who she is?" tanong ng lalaki. Napa-pokerface si Arthur. "You have so much time to meddle in my business, Abott. How about you go to Africa to handle our shipments and future business," ani ni Arthur. Napamura ang lalaki sinabi na titigil na siya sa pagtatanong. Tumawa iyong kasalukuyang driver. Wala sa kanila gusto pumunta sa Africa dahil sa klima doon. "I didn't ask you." Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang lalaki dahil sa new mission na napunta sa kaniya. "I heard there are many beautiful women in Africa. Don't forget to bring at least one for us," ani ng lalaki na nakaupo sa driver seat. Bumulong ang lalaki na nakaupo sa passenger seat at sinabihan ito ng f*ck off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD