Kabanata 15
Parang biglang natuyo ang aking lalamunan. Nang humiwalay ito sa leeg ko'y damang-dama ko ang pag-agos ng aking dugo. Parang pakiramdam ko'y naputulan ako ng litid sa leeg. Inilapat ko ang kanang palad ko sa aking leeg kung saan niya ako kinagat. Nang tingnan ko ang kamay ko'y napuno ito ng malapot kong dugo. Nanlalabo na rin ang aking paningin.
"Papatayin mo ba ako," mahinang wika ko at napapikit.
Narinig ko ang malutong nitong pagtawa at mas lalo akong hinapit ng husto sa aking baywang.
"Ngayong nahanap mo na ako Jeorgie, handa ka bang maging akin ng pang habambuhay?" Umungol ako at napatungo sa balikat nito. Dinilaan naman nito ang aking leeg na may sugat.
"Pilitin mo muna ako," pilya kong sagot at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung bakit pero nanglalanta ang buo kong katawan. Gumalaw naman ang katawan nito at dahan-dahan akong binayo. Agad na gumapang ulit sa akin ang kakaibang init at kakaibang pagnanasa.
"Ah!" daing ko. Bumilis ang pagbayo nito sa akin hanggang sa sabay naming naabot ang sukdulan. Muli nitong kinagat ang aking leeg at para bang sinisipsip nito ang dugo ko.
"Ano ka ba talaga?" Siniil naman ako nito sa aking labi. Nalasahan ko tuloy ang sarili kong dugo.
"Ano sa tingin mo?" anito. Napakurap ako ng ilang beses.
"Isa kang... Bampira..."
Kinaumagahan...
"Ay bampira!" sigaw ko no'n nang magdilat ako ay siya ring pagkahulog ko sa aking kama.
"Aw!" daing ko at napahawak sa aking balakang. Kumapit ako sa kutson para humugot ng puwersa upang makatayo. Nag-unat pa ako ng mga braso ko at minasahe ang aking batok. Grabe! Ang sama yata ng panaginip ko at talagang gano'n pa ang nangyari.
"Ilusyunada ka Jeorgie, nakipagsiping ka sa manyakis na iyon at sinabi mo pang bampira siya. Ang gaga!" talak ko sa sarili ko.
Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding at mukhang napaaga nga ako nang gising dahil alas quatro y medya pa lang ng madaling araw. Lumabas ako ng aking silid at tinungo ang kusina. Bahagya ko pang pinagpipisil ang mga hita ko dahil parang sumasakit ito, maging ang gitna ko.
"Oh Jeorgie, kay aga mo naman yatang nagising at ang ganda mo yata ngayon Jeorgie. Bumagay sa iyo ang iyong buhok," anang inay Lucinda sa akin.
Napatanga ako sa sinabi nito. Buhok ko? Inangat ko ang ilang hibla ng aking buhok upang makita ko ito. Laking gulat ko't kulay pula na may pagka-lila ang kulay ng aking buhok. Dali-dali akong napaatras at napabalik sa aking silid upang tingnan sa salamin ang aking itsura. Natutop ko ang aking bibig dahil sa aking nakita. Umawang naman ang pinto ng aking silid at iniluwa nito ang inay Lucinda.
"Jeorgie, may problema ka ba?" Napalunok ako at nasapo ang aking dibdib.
"Pangkulay po ng buhok, mayroon kayo?" Kumunot naman ang noo nito.
"Bakit Jeorgie? Ayaw mo ba 'yang kulay na 'yan?" Napatanga ako ulit sa tanong nito at napalunok ulit.
"A-ano p-po, nagbago ang isip ko. Kasi... Ano kagabi... Maling kulay po ang nailagay ko... Ano... Ahm dapat---" Sumenyas ito na tumigil ako.
"Itim na kulay ba? Mayroon akong naitabi sa aking silid. Sandali lang," anito at lumabas ng aking silid.
Nanginginig ang aking mga tuhod nang makaupo ako sa aking kama. Naguguluhan ako. Hindi naman ako nagkulay ng aking buhok. Hindi kaya si Ericka at pinaglaruan ako habang ako'y tulog.
"Ate," ani Ericka at sinilip pa ako bago tuluyang pumasok.
"May kailangan ka?" Nailing naman ito at may iniabot sa akin na maliit na bote.
"Pangkulay po ng buhok ate," aniya. Kinuha ko ito at itinabi.
"Ericka, pinaglaruan mo ba ang buhok ko kagabi?" Nailing naman ito.
"Itim lang po na kulay ang mayroon si inay at saka 'di naman po ako marunong gumamit niyan ate," sagot pa niya. Napabunto-hininga ako at nasuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.
"Kay kuya po 'yang tsaketa ate, bakit suot niyo po?" Tsaketa!? Nang tumungo ako'y gano'n na lang din ang pagkagulat ko.
Ngayon ko lang napuna na tsaketa pala ang suot ko at hindi ang aking bestida.
"Ha? Sa kanya?" Napaawang ang aking bibig at kinapa ang aking sarili. Wala akong panloob na saplot sa katawan.
"Ate?" Napalunok ako at inakay si Ericka palabas ng aking silid.
"Maghanda ka na, 'di ba maaga kayong aalis? Sige na."
Humalik ako sa kanyang noo at pumasok din naman agad pabalik sa aking silid. Mariin kong nakagat ang aking labi at inumpog ang aking sarili sa pinto.
"Ang tanga mo Jeorgie! May nangyari sa inyo kagabi!" talak ko pa sa aking sarili at muling inumpog ang aking sarili. Nagulat na lamang ako nang biglang may kamay na lumapat sa aking noo upang sumalag sa pag-umpog ko rito sa pader.
"Amore," bulong nito sa aking punong tainga.
Gumapang ang isa pang kamay nito sa aking baywang. Natigilan pa ako nang pumaloob ang isang kamay nito sa loob ng suot kong tsaketa. Napasinghap ako nang dumapo sa puson ko ang palad nito. Napakurap ako ng maraming beses bago tuluyang humarap sa kanya. Ang mga mata nami'y agad na nagsalubong at ang mga labi nito'y agad na lumapat sa aking mga labi upang ko'y hagkan. Natulala ako saglit at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Magandang umaga," bati niya pa nang humiwalay ang mga labi nito sa akin. Napalunok ako ng mariin at nakaramdam ako ng panlulumo. Napaigtad pa ako nang biglang may kumatok sa pinto ng aking silid.
"Jeorgie! Nariyan ka ba? Paalis na kami. Nag-iwan ako ng pera at listahan ng bibilhin mo sa palengke mamaya! Babalik kami bukas!" sigaw pa ng inay Lucinda mula sa labas ng aking silid.
"O-opo!" Iyan lang ang tanging nasagot ko.
"Oh siya! Aalis na kami!" Hindi na ako nakasagot kay inay Lucinda dahil parang tinutunaw na ako ng lalaking 'to dahil sa mga malalagkit niyang pagtitig sa akin. Umarko ang kilay nito at hinarangan ako ng dalawa niyang braso.
"May... May nangyari sa atin," tigalgal kong sambit.
Mas inilapit pa nito sa akin ang mukha niya. Wala na itong balabal na nagsisilbing takip sa kanyang mukha. Ngayon ay kitang-kita ko na ang angking kaguwapuhan nito. Lumitaw naman sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti at pag-ismid sa akin.
"Ano ang ginawa mo sa akin? Bakit ganito ang kulay ng buhok ko?" Hinagkan naman nito ang aking noo.
"Ginawa ko ang dapat at gagawin ko rin ang kahilingan mo," aniya at hinawakan ang kuwintas na suot ko.
"Hahanapin ko ang pumaslang kay Beth kung 'yon ang ikapapanatag ng loob mo pero mahal ko, hindi 'yon magiging madali."
Lumiwanag ang mukha ko sa naging pahayag nito at aminado akong nabuhayan ako ng loob dahil mabibigyan ko na rin ng hustisya ang pagkamatay ni Beth.