Kabanata 12

1126 Words
Kabanata 12 "Jeorgie, 'di ba?" aniya. Napatango ako at binawi ang aking kamay sa paraang hindi naman nakakabastos. "Opo," sagot ko. "Madalas kang banggitin ni Yana sa akin. Ikaw ang matalik niyang kaibigan 'di ba?" Napatango naman ako. "Ikinagagalak kong makilala ka." Nagulat na lamang ako nang yakapin nito akong bigla. "Maging bukas ka sa lahat ng tatahakin mong landas, Jeorgie. Mag-isip kang mabuti at huwag kang magpadalos-dalos dahil hindi lahat nang napupuna mo ay bibigyan mo agad ng masamang kahulugan," bulong nito at agad na kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Nag-iwan po ako ng minatamis na inomin, 'nay Lucinda," anito pa. Walang paalam pa itong umakyat na sa hagdan at pumasok sa loob ng silid ng señorito Zairan. Naiwan kaming dalawa ni aling Lucinda, lalo na ako na napatanga sa ibinulong nito. "Jeorgie, ayos ka lang ba?" Nilingon ko si aling Lucinda. "Ho? O-opo..." Diretso ako agad sa kuwarto ko at 'di na nag-atubili pang magpaalam kay aling Lucinda. Nang makapasok ako sa silid ko'y diretso akong bumagsak sa sahig at niyakap ang mga tuhod ko. Hindi ko siya maintindihan! Bakit parang lahat sila ay kilala ako gayong unang pagkikita pa lang naman namin ito. Makahulugan ang binitawang mga salita sa akin kanina ng senyorita Catherine pero siya na rin ang nagsabi na huwag kong bigyan ng masamang kahulugan ang mga napupuna ko. Napatayo ako at aligagang nagpabalik-balik nang lakad. Parang gusto ko yatang bumalik sa sikiyatriya ko upang magpasuring muli dahil parang mababaliw ako nito sa kaiisip. Naupo ako sa kama ko at ibinagsak ang aking katawan sa malambot na kama. "Amore..." bulong ng hangin sa akin. Parang hinagod ng manipis na hangin ang aking buong mukha, hanggang bumaba sa aking leeg at dibdib. Napadilat ako at kay lakas ng hangin na pumapasok sa loob ng bintana ko. Bumangon ako at bumaba sa aking kama. Hindi ko pala namalayang nakatulog ako. Isinara ko na ang bintana at hinagod ang aking batok hanggang umabot ang kanang palad ko sa aking dibdib. Napatungo ako dahil sa gulat nang mapuna kong pigtas na ang tatlong butones ng aking bestida. Napatuon ang mga mata ko sa sahig at hinanap ang mga butones pero wala akong nakita. Maayos pa naman ito kanina at 'di naman ito sira. Napakamot na lamang ako sa aking ulo at lumabas ng aking silid. Dali-dali kong tinungo ang kusina dahil sa narinig kong pagkabasag ng isang bagay. Nang mahinto ako sa tapat ng kusina ay dali-dali kong tinulungan si aling Lucinda sa pagdampot ng mga bubog. "Patawad po aling– " "Nanay Lucinda, Jeorgie," sabat nito. Alanganin akong napangiti. "Patawad po talaga, 'nay Lucinda. Nakatulog po ako at 'di ko namalayan ang oras, gawain ko po dapat ito e," paumanhin ko. Nailing naman ito. "Malinis naman ang bahay kaya ayos lang, isa pa'y sa kusina naman talaga ako nakatoka lagi kaya wala ka dapat ipag-alala," anito. Nakahinga ako ng maluwag, matapos ay ako na mismo ang nagtapon ng mga basag na plato. "Magandang hapon sa iyo Jeorgie," bati ni Kanor sa akin. "Magandang hapon din," balik kong bati rito. Itinapon ko na sa basurahan ang hawak kong supot. "Aalis ka na ba, si Ericka? Nasaan siya?" Napalinga-linga pa ako sa likuran nito para hanapin si Ericka. "Nasa loob na Jeorgie..." Mataman ko siyang tinitigan dahil parang may gusto pa siyang idugtong sa kanyang sinabi. "Sige," tipid ko na lamang na sagot at tumalikod na. Nagulat na lamang ako nang pigilan niya ako. "Puwede ba kitang anyayahan sa baylehan ngayong darating na linggo?" Bakas sa mukha nito ang hiya at alinlangan. "Huwebes pa ngayon 'di ba? Titingnan ko kung bakante ako sa araw na 'yan. Narito ka naman araw-araw 'di ba?" Ngumiti naman ito ng kay tamis. "Salamat Jeorgie!" Agad itong napatakbo palayo at naiwan akong napailing na lamang. Tumalikod na ako ngunit bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko sa hagdan papasok sa kusina ay bigla na lamang akong kinilabutan. Bigla kasing sumagitsit ang pinto ng bodega. Nang lingonin ko ito'y nakaawang na ito. Napaatras ako at humakbang palapit. Itinulak ko ang pinto upang sumara ito ngunit laking gulat ko nang may biglang humila sa akin papasok at naisandal ako sa pinto. Napaawang ang bibig ko nang makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon. Siya na naman! Ang lakaking taga pagligtas ko na nagkukubli sa bandanang nasa kanyang mukha. Mariin kong nakagat ang aking labi dahil sa tindi ng ginaw. Naghahalo ang kaba, takot at matinding lamig ang aking nararamdaman ngayon. Sa bawat hiningang ibinubuga ko'y umuusok na ito dahil sa tindi ng lamig. Nayakap ko ang aking sarili ngunit nanatiling nakatuon ang aking atensyon sa aking harapan. Humakbang ito palapit sa akin at para bang nakaramdam ako ng pananabik. "Diyan k-ka... L-lang," nauutal kong utas gayong taliwas naman ito sa gusto ng katawan ko. Nakakabaliw man ngunit nanabik ako sa kanya. Humakbang pa ito palapit sa akin at sa isang kisap lang ay nakakulong na ang baywang ko sa kanyang mga bisig. Nabitin sa ere ang paghugot ko ng aking hininga. "Lumayo ka sa kanya," maawtoridad nitong utos sa akin. Napalunok ako at 'di maiwasang mapatitig sa mga mata nitong kulay pula. "A-ayoko! Hindi kita nobyo at walang ginagawang masama si Kanor sa akin," protesta ko. "Naagawan na ako ng dalawang beses, Jeorgie. Hindi ko na hahayaang mangyari pa 'yon ngayon," aniya. Kumunot ang aking noo. Ang ibig niya bang sabihin ay ang babaeng iniibig niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot dito sa aking dibdib. "Hindi kita..." Napatigil ako nang maramdaman ko ang kanang kamay nito sa aking hita at para bang gusto nitong pumaloob sa suot kong panti. Kaasar! Itinukod ko ang mga palad ko sa matipuno nitong dibdib. "Umaabuso ka na sa pangmamanyak mo sa akin!" Malutong naman itong napatawa. "Ito ba ang tinutukoy mo?" Ipinakita niya sa akin ang tatlong butones na nawala sa bestida ko. Agad na namilog ang mga mata ko at awtomatikong lumapat ang kanang kamay ko sa pisngi niya. "Bastos!" singhal ko. Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa sama nang pagkakatitig nito sa akin. Napalunok ako, hindi lang isang beses kundi sunud-sunod pa! Bigla naman nito akong hinapit ng todo at mas lalo akong kinabahan. Ang matinding lamig na nararamdaman ko'y napalitan ng kakaibang init. "Mahal, masiyado kang matapang. Hinahamon mo ako, puwes hindi kita pagbibigyan sa kagustuhan mong mahanap ang pumatay kay Beth," aniya at biglang sinakop ang aking mga labi. Laking gulat ko pa nang maramdaman ko ang katas ng ubas na nanggagaling mismo sa kanyang bibig. Hindi ko maiwasang mapapikit at mapakapit sa kanang braso nito. Halos sakupin nito ang buong dila ko. Diyos ko! Bakit ang sarap niyang humalik? Nang magdilat ako'y wala na ito sa aking harapan. Natauhan ako sa huling mga salitang binitiwan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD