Kabanata 10

1186 Words
Kabanata 10 "Ah!" tili ko nang tumapat ito mismo sa akin. "Jeorgie..." sambit nito at tila ba'y kinilabutan ako sa boses nito. "Diyan ka lang!" wika ko pa. Itinago naman nito sa likuran niya ang punyal na hawak at tumitig sa akin. May bandana pa ring nakatakip sa kanyang mukha at tanging mapupulang mga mata lang nito ang nakikita ko. Humakbang ito palapit ng husto sa akin habang ako naman ay panay ang pag-atras. "Diyan ka lang sabi! Ikaw na manyak ka!" singhal ko pa. "Tila yata'y kalapastanganan ang tawagin mo ako sa ganyang pangalan," aniya. Napalunok ako at pilit na pinakakalma ang aking sarili. "Binusohan mo ako kagabi! Hindi ba manyakis ang tawag doon!" depensa ko pa. Panay ang pag-alsa ng tono ko upang pigilan ang huwag mautal dito. Humakbang itong muli. "Amore, hindi masamang pagmasdan ang tanawing isang gaya mo." Napalunok akong muli. "Wala kang karapatan! Hindi kita nobyo!" Malutong itong napatawa at parang musika ito sa aking pandinig. Kabaliwan! "Simula nang magkaroon ka ng marka sa kamay mo'y pag-aari na kita Jeorgie." Kumunot ang aking noo at itinago sa aking likuran ang aking kanang kamay. "A-anong marka!? Wala akong ganoon!" pagtanggi ko pa kahit na ang totoo'y tama siya. May marka nga ang kanang kamay ko pero binale-wala ko lang din naman ito. "Ibinigay ka sa akin ng buwan at hindi ito dapat tanggihan," aniya. "Baliw! Adik ka lang!" Mariin kong nakagat ang aking labi. Para na yata akong baliw dahil 'di ko yata magawang huminahon. Kinakabahan ako ng matindi dahil sa mga titig niya. Malutong itong napatawa muli. Diyos ko, mahabaging langit! "Adik? Nakaka-adik naman talaga ako lalo na't kapag natikman mo ako." Pilyo itong napatawa ulit at mas lalo akong tinitigan. "May karampatang parusa ang pagpasok mo sa lugar na ito. Sino ang hinahanap mo rito, Jeorgie?" Napakuyom ako ng aking mga kamao. Pakiramdam ko'y parang nababasa niya ang mga nasa utak ko. "Ang señorito Zairan ang sadya ko rito at hindi ikaw 'yon!" Muntik pa akong pumiyok nang sabihin ko 'yon. "Talaga?" Sa isang kisap ng aking mga mata ay nakalapit na ito sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mga bisig nitong nakapulupot sa aking baywang. Mas lalo niya pa akong idiniin sa makisig nitong katawan at aminado akong naistatwa sa ginawa niya. Nakasentro lamang ang mga mata ko sa maaalab nitong mga mata na kulay pula. Napalunok ako at nakaramdam ng panlulumo ngunit sapat na ang puwersa ng mga bisig nito upang huwag akong mabuwal sa pagkakatayo. "Balikan mo ako rito sa susunod na araw. Pagkasunduan natin ang plano mong hanapin ang pumatay kay Beth." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Paano niya nalaman ang bagay na 'yon!? Mariin akong napapikit. Ganoon na lang ang gulat ko nang sakupin nito ang aking mga labi. Nasugatan pa ito dala nang pagkasagi sa matalim nitong ngipin at para bang sinipsip pa niya ito. Sa isang pitik ng kamay nito'y bigla akong nawalan ng ulirat. NAGISING ako sa malutong na halik na dumampi sa aking pisngi. Nang mapadilat ako'y ang kyut na mukha ni Ericka ang nasilayan ako. Sa gulat ko'y awtomatiko akong nahulog sa kama ko. Kama ko? Napatayo ako agad at napaayos ng aking sarili. "Magandang umaga ate Jeorgie! Tinapay at gatas po? Gusto niyo?" Napaawang ang aking bibig at napakurap ng maraming beses. "Ericka?" sambit ko. "Po? May problema ka ba ate?" Agad naman akong napailing at kinuha ang kanyang dala. Nagulat lamang ako kanina nang makita ko siya. Ni hindi ko nga napansin ang pagdating nila. Mukhang napasarap ako sa pagtulog. Hindi ko nga rin namalayan kung paano ako nakarating sa silid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang tagpong nangyari kagabi. Diretso akong napalabas ng aking silid at nahinto sa tapat ng hagdan. "Ate Jeorgie!" Narinig ko pang tawag sa akin ni Ericka. Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon lang ang mga mata ko sa itaas ng hagdan kung saan nakatapat ang pinto ng silid ng señorito Zairan. "Oh Jeorgie, magandang umaga sa iyo." Narinig ko pang bati ni aling Lucinda sa akin ngunit hindi ko ito tinapunan nang tingin man lang. Panay naman ang paghila ni Ericka sa laylayan ng aking suot na bestida. "Ang señorito?" ani ko. "Si señorito ba kamo? Aba'y kalalabas lang. Sayang nga at hindi kita naipakilala sa kanya. Ayaw din naman niyang gisingin ka." Kumunot ang aking noo nang bumaling ako kay aling Lucinda. "Saan po siya natulog?" Nagsalubong naman ang dalawang kilay nito. "Siyempre sa kanyang silid Jeorgie. Nako bata ka, ano ba ang nangyayari sa iyo at parang kakaiba ka yata ngayon." Tumawa pa ito ng bahagya at naiiling na napasulyap sa akin. Napahawak ako sa aking batok. Naguguluhan na ako. Wala sa sarili akong napatakbo pabalik sa aking silid. Buong puwersa ng aking katawan ang nasandal ko sa pinto ng aking silid. Mariin akong napapikit. Paano ko ba ilalarawan itong mga nangyayari sa akin. Ang señorito Zairan ay naroon sa kanyang silid, ngunit bakit naroon din ang aking taga pagligtas gayong silid naman 'yon ng señorito Zairan. Kung gano'n ay kaanu-ano ng señorito Zairan ang binatang 'yon? Napaharap ako sa pinto at naisandal ang aking ulo rito. Parang gusto ko yatang i-untog ang aking ulo sa pinto dahil parang pinaglalaruan yata ako ng mga nakikita ko. At ang silid na 'yon? Totoo nga bang gano'n talaga ito? Parang ayaw kong maniwala pero 'yon talaga ang nakita ko. Napahawak ako sa aking suot na kuwintas at napapikit ng mariin. Napapitlag ako ako nang biglang bumukas ang bintana at pumasok ang malakas na hangin. Muntik pang mawalis ang palda ko dahil sa lakas nito. "Ate Jeorgie! Kakain na po tayo!" Narinig kong tawag ni Ericka sa akin. "Palabas na!" sagot ko. Dali-dali kong isinarado ang bintana at ikinandado ito. Lumapit din naman ako agad sa pinto at lumabas sa aking silid. Nakatayo sa gitna ng pasilyo si Ericka habang ito ay nakayuko at nakaharap sa dingding. "Ericka," pukaw ko rito. Nilingon naman nito ako at nang makalapit ako'y bigla na lamang niya akong hinawakan sa aking kanang pulsuhan. "Huwag mong kalimutan ang usapan ninyo ate," aniya. Yumukod ako at lumuhod upang magpantay kaming dalawa. "Anong pinagsasabi mo Ericka?" Ngumiti naman ito. "Si kuya, binisita ako kagabi. Ipaalala ko raw sa iyo ang usapan ninyong dalawa." Sumenyas pa ito na huwag akong maingay at inilapat sa labi ko ang maliit nitong hintuturo. Inalis din naman niya ito agad at tumakbo papuntang kusina. Napatayo ako at napasunod sa kanya. Habang humahakbang ako'y 'di ko maiwasang alalahanin ang naging kasunduan kuno namin ng lalaking 'yon. "Maupo ka na Jeorgie," ani aling Lucinda sa akin. Lumapit ako at naghila ng isang silya. Lutang pa rin ang utak ko at 'di ko ito kayang itago. "Jeorgie, ayos ka lang ba? Namumutla ka," anito. Nag-angat ako ng aking ulo. "Po?" Tumawa naman ito ng marahan. "Namamahay ka siguro kagabi kaya wala kang maayos na tulog," anito. Yumuko ako at pinaglaruan ang gulay na nasa aking plato. "Baka nga po," sang-ayon ko kunwari at bahagyang sumulyap kay Ericka. Matamis na ngiti lang ang ibinalik nito sa akin. Kasundaan... Kamatayan ni Beth... Beth...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD