Kabanata 2

1276 Words
Kabanata 2 Nang makauwi kami ng bahay ay agad akong pumasok sa aking silid at nag-impake. Isinilid ko lahat ang mga kakailanganin ko. "Anak, ngayon ka ba luluwas ng Maynila?" wika ni inay sa aking likuran, dahilan para mahinto ako sa aking ginagawa. "Opo 'nay e. Pasensiya na ho talaga. Kailangan na kailangan ko po talagang lumuwas ngayon," pagdadahilan ko. May kirot man sa aking dibdib ngunit kailangan ko itong gawin. "Oh siya. Heto't may sulat ka. Kanina pa raw 'yan, iniwan lang sa pinto," sabi naman ni inay. Kunot-noo ko namang kinuha ito. Ngumiti lang naman din ang inay at iniwan na ako. Napatitig naman ako sa hawak kong sulat. Walang nakasulat kung sino man ang nagpadala at pangalan ko lang ang mayroon. Maumbok pa ang sobre at wala sa sarili kong inalog ito. Kumikit-balikat na lamang ako at pinunit ang dulo ng sobre. Laking gulat ko pa nang mahulog ang limang bugkos ng pera, na sa palagay ko'y bawat bugkos nito'y nasa isang daang libong piso. Dali-dali kong kinuha ang papel na kasamang nahulog din sa sahig. Sinipa ko naman ng marahan ang pera sa ilalim ng kama. Napalunok pa ako at nanlaki ang mga mata dahil sa nabasa ko. 'Mahal kong Jeorgie, Patawarin mo sana ako kung ngayon lang ako nakasulat sa 'yo. Masyado akong abala sa maraming bagay. Lubos akong nangungulila sa iyo, lalo na kay ama. Kung nakita mo ang pera'y maari bang pakibigay mo ito kay ama. Ang dalawang daang libo naman ay para sa iyo Jeorgie. Tulong at pasasalamat ko 'yan sa iyo. Huwag mo sana itong tanggihan. At kung nag-aalala ka sa kalagayan ko'y maayos ako. Gusto ko sanang dalawin mo ako rito sa islang tinitirhan ko, ang isla Bakunawa. Maghihintay ako sa iyo Jeorgie. Nagmamahal, Ayesha Yana Darvin May patak ng luha ko ang papel na aking hawak. 'Di ko na kasi napigilan ang aking sarili na maging emosyonal. Nangulila ako at nag-alala ng lubos sa kalagayan niya. Kaya't pauunlakan ko ang kahilingan nitong mapuntahan siya. Itinabi ko ang sulat at kinuha ang mga pera sa ilalim ng aking kama. Pupuntahan ko pa ang itay ni Yana para ibigay itong perang nakalaan para sa kanya. Napapaisip din ako. Marahil ay nakakaangat na siguro sa buhay ngayon si Yana dahil sa laki nang naipadala nitong pera. Isinilid ko na lahat ang mga gamit ko at pinunasan ang aking mga luha sa aking pisngi. Nagpalit din naman ako ulit ng damit at agad din namang lumabas sa aking silid. Sakto nang pagkalabas ko'y naabutan ko ang itay at inay. Nakayakap ito sa isa't isa at tila ba umiiyak ang aking inay. Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking dibdib. Alam kong masasaktan ko sila dahil sa pag-alis kong ito ngunit mas mabubuang ako sa kaiisip kung paano ko mahahanap ang pumaslang sa aking pinsang si Beth. Nabitiwan ko ang maleta ko at dumulog sa aking ina. Nang mapuna niya ako'y agad niya akong niyakap at tuluyan nang kumawala sa bibig nito ang pagpipigil na umungol. "Inay, tahan na ho." Umayos ako sa pagkakayakap sa kanya. Ang itay nama'y nakuntento na lang sa paghaplos ng aking balikat. "Inay naman, uuwi naman po ako," paniniguro ko pa. Napailing naman ang ulo nito. "Anak naman, huwag ka na lamang umalis. Hindi ka pa maayos, 'di ba?" Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi. Mas mahihirapan ako lalo kapag nagtagal pa ako rito. Kumalas ako sa pagkakayakap kay inay at kinuha ang malaking sobre. "Hindi ko alam kung kailan ako makakuuwi inay pero heto, pagkaingatan niyo po sana." Pagkabigay ko ng sobre na may lamang pera ay agad akong napatayo at walang paalam na umalis. Kaagad na kumawala sa pisngi ko ang aking mga luha. Kanina ko pa gustong humagulhol ngunit pinipigilan ko lamang. Nakasalubong ko naman si Cora at kitang-kita ko sa mukha nito ang lungkot. "Ate, sigurado ka na ba rito?" Walang pag-alinlangan akong napatango. "Gustohin ko mang huwag umalis ngunit 'di ako matatahimik Cora," sagot ko at kinuha ang isa pang sobre para kay mang Berting. Ibinigay ko ito kay Cora. "Kumpleto ang detalye niyan sa loob. Tawagan mo muna at kumpermahin kung siya nga si mang Berting. Ibigay mo sa kanya ang pera ngunit kung 'di ka sigurado ay puntahan mo siya mismo sa dati nilang tirahan ni Yana. Kumuha ka ng pera diyan upang may panggastos ka at matitira ay ibigay mo sa kanya," mahaba kong paliwanag at niyakap siya. Narinig ko ang biglaan niyang paghikbi kaya kumalas ako. "Ate, huwag ka na lang umalis. Wala namang kasiguraduhan 'yang mga haka-haka mo, 'di ba?" Mapait akong napangiti. "Mag-iingat ka Cora," tanging sagot ko at lumakad na. Patawarin mo ako Cora ngunit walang barikada ang makapipigil sa akin. Nilakad ko ang sakayan ng mga dyip at tinungo ang distinasyon ng pantalan. Habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe ay napuna kong kanina pa nakasunod ang uwak sa amin o mas tamang sabihin na sa akin ito nakasunod. Kay tayog nang lipad nito at laking pagtataka ko ay kung bakit naaabutan nito ang sinasakyan kong dyip. Wala sa sarili akong napakamot sa aking kanang kamay. Yumuko ako upang tingnan ito. Kumorte itong matinik na tangkay. Pakiramdam ko'y parang buhay ito ngunit 'di ko na lamang ininda. Nagsalubong ang aking mga kilay at muling napatanaw sa kalangitan. Nariyan pa rin ang uwak na nakasunod sa dyip na sinasakyan ko. Hanggang sa makababa ako ng dyip ay nahinto rin ito at dumapo sa isang poste ng ilaw. Pumulot ako ng isang maliit na bato at ibinato sa uwak. Sa gulat ay umalis ito. "Aray!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at agad akong napatalikod. "Lintek! Sino ang bumato sa akin!? Ikaw ba Gido! Aba'y gago ka ha!" Napalunok ako. Nang lingonin ko ang tindahan ay nagrambolan na ang mga ito. Patay! Dali-dali kong hinila ang maleta ko at napatakbo sa sakayan ng mga bangka. "Manong, saan dito ang sakayan papuntang isla Bakunawa?" agad na tanong ko pagkadaong ng isang bangkero. "Po? Bakunawa ba, ineng? Aba'y walang ganyang isla rito a." Napatawa pa ito. "Ho? Eh, 'yan po ang sabi ng kaibigan ko," sabi ko pa. Pino itong napatawa ulit. "Nako ineng, sa bente unong taon ko ba namang pamamangka rito ay halos naikot ko na ang mga isla rito sa Palawan." Napanganga ako sa narinig ko. "Pero—" 'Di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil biglang may sumingit na isa pang bangkero. "Dito ang sakayan papunta d'yan," anito at napakadilim pa ng anyo nito. Alanganin akong napalapit sa bangka nito. "Ano ang sadya mo isla?" tanong nito. Pero bago pa man bumuka ang aking bibig ay bigla namang dumapo sa bangka ang uwak, na kanina lang ay binato ko pa. "Sho!" bugaw ko rito ngunit 'di man lang natinag ang ibon. Nakapagtataka na talaga ang pagsunod nito sa akin. Parang gusto ko na ang maniwala kay Cora patungkol sa uwak na ito. "Sakay." Narinig kong utos nito. Awtomatiko kong inisakay agad sa bangka ang mga bagahe ko. Ni hindi man lang ako tinulungan na makasakay no'ng bangkero kaya muntik pa akong masagi sa kawayan na matulis. Napairap ako nang makasakay sa bangka at tinanaw ang karagatan. "Ilang oras po ang biyahe?" Tinitigan lang nito ako. Eh 'di mananahimik. Ilang oras din ang biyahe pero 'di ko pa rin nakikita ang isla na sinasabi ni Yana. Napahalukipkip ako at napatanaw sa kalangitan. Ala singko na ng hapon base sa relong suot ko at mukhang kanina pa kami sa laot. Napatalikod ako at pilit na tinatanaw ang mga isla ngunit napakalayo na namin. "Manong—" sambit ko nang may biglang humataw sa batok ko dahilan para magdilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD