Kabanata 19

1555 Words
Kabanata 19 Matapos ang masayang agahan at masusing paglilinis ng bahay ay napagpasyahan kong mamalagi sa silid-aklatan. Habang nagbabasa ay 'di ko maiwasang mapasulyap sa labas ng pinto. Hindi na kasi muling lumabas si Zairan sa kanyang silid. Alanganin din naman kung papasok ako sa kanyang silid, tiyak na magtataka ang inay Lucinda kapag nahuli niya ako. "Señorita Shaurine, wala po talaga rito ang señorito Zairan." Narinig ko pang wika ng inay Lucinda mula sa ibaba. Itinabi ko ang hawak kong libro at pumanaog. "Sino ka!?" duro pa nito sa akin nang makita ako. Dali-dali akong tumabi kay inay Lucinda. "Bagong katulong po ng señorito," sagot naman ng inay Lucinda. Lumapit naman ito sa akin at mataman akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. "Señorita Shaurine wala po talaga ang señorito rito." "Manahimik ka!" singhal pa nito kay inay Lucinda na ikinaigting ng aking panga. "Mawalang galang na po señorita Shaurine pero wala po kayong karapatan na pagtaasan ng boses ang inay Lucinda," matapang kong wika. Ito naman ang naigting ang panga. "Katulong ka lang 'di ba? Matuto kang lumugar!" Malakas pa nito akong itinulak dahilan para bumasak ako sa sahig. Inirapan pa nito ako at diretsong napaakyat ng hagdan at walang paalam pa na pumasok sa kuwarto ni Zairan. "Hindi mo na sana pa ginawa 'yon," anas ng inay at tinulungan akong makatayo. "Ayos lang ako inay," sagot ko. "Pagpasensiyahan mo na ang señorita Shaurine, Jeorgie. Magaspang lang talaga ang pag-uugali no'n." Nailing ako. "Kahit na po inay, kung makaasta naman po siya ay parang may karapatan po siya rito." Napangiti naman ito at kumuha ng isang basong tubig. "Nako Jeorgie, 'di malabong mangyari 'yon kasi ang alam ko, nakatakdang ipakasal ang dalawang iyan sa oras na bumalik na ang señorito Mattheaus galing sa bakasyon. Malaking kasalan iyon panigurado at masuwerte siya dahil magiging Shaurine Salvan Zoldic ito kapag nagkataong matuloy iyon, magandang pangalan 'di ba?" Agad kong kinuha ang baso na hawak ng inay Lucinda at ininom lahat ng laman nito nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Sandali lang po," paalam ko at diretsong napatakbo sa aking silid. Hindi ako makahinga dahil sa mga nalaman ko. Paano niya ito nagawa sa akin? Akala ko ba'y mahal niya ako, ngunit bakit siya magpapakasal sa ibang babae. Bakit!? Nanlulumo akong umupo sa sahig at napahagulhol ng matindi. Bakit ganito ako? Bakit ako nasasaktan ng ganito katindi? Alam ko, wala pa rin ako sa lugar dahil kung tutuusin ay parang ginagamit ko lang din naman siya upang matulungan ako patungkol kay Beth. Pero pareho naman kaming dalawa na nakinabang do'n! Ibinigay ko ang buong pagkatao ko sa kanya. Nagtiwala ako ng buong puso sa kanya ngunit bakit nagawa niyang maglihim sa akin. Mas masakit pa ito kumpara sa pagkamatay ni Beth! "Bakit Zairan!? Bakit!?" Napaigtad ako nang biglang may kumatok sa pinto ng aking silid. "Jeorgie, sasamahan ko muna si Kanor sa kanila. Nagpapatulong kasi ito sa akin para sa gaganaping baylehan bukas ng gabi." Agad akong napatayo at pinahiran ang mga luha ko. Binuksan ko ang pinto. "Puwede po bang ako na lang?" hiling ko pa. Bahagya namang natigilan ang inay Lucinda at napatango. "Magbibihis lang po ako," paalam ko at muling isinarado ang pinto. Naigting ang panga ko at mariing napakuyom ng aking mga kamao. "Kung malala siyang magalit puwes mas malalang magalit ang isang Jeorgie Micaela Baguisa!" Nagpalit ako agad ng pang-alis ng bahay at kaagad din naman na lumabas ng aking silid. "Mag-ingat ka mamaya sa pag-uwi Jeorgie," habilin pa ng inay Lucinda. "Opo!" sagot ko. Nang makalabas ako ng bahay ay agad ko rin namang nabungaran si Kanor. May kasama siyang isang itim na kabayo. "Jeorgie?" Tila gulat pa ito nang makita ako. "Ako ang sasama sa iyo, 'yon ay kung ayos lang din naman sa iyo," nakangiti ko pang ani. Lumiwanag naman ang mukha nito at agad na sumilay sa kanyang mga labi ang matamis na ngiti. "Ikinagagalak ko Jeorgie!" Inilahad pa nito ang kanyang kamay at inalalayan akong makasakay sa kabayo. Sumunod din naman ito sa pagsakay at pumuwesto sa aking harapan. "Humawak ka ng mabuti Jeorgie," anito. Hindi lang hawak ang ginawa ko dahil talagang yumakap ako sa baywang nito. Ito kasi ang unang beses na sasakay ako sa kabayo at aminado akong natatakot do'n. Tahimik kami buong biyahe papunta sa bahay nila Kanor. May kalayuan din ang bahay nila mula sa rancho ni Zairan. Napairap ako at 'di ko maiwasang mainis sa tuwing naiisip ko siya at ang kataksilan niya. Nang matapat kami sa isang bahay ay agad na pinahinto ni Kanor ang kabayo. Umuna siyang bumaba at inalalayan ako. "Ano ba'ng mayro'n?" tanong ko pa rito. "Paghahanda para sa baylehan Jeorgie." Hinila naman niya ako paikot sa bahay at gano'n na lang ang pagkamangha ko. Talagang pinaghandaan nila ang baylehan na magaganap bukas ng gabi. Maraming mga kabataan akong nakita na tumutulong sa paglalagay ng mga dekorasyon. "Ang ganda naman," manghang kumento ko. "Talagang taon-taon ay may nagaganap na ganitong kasiyahan dito sa amin Jeorgie," ani Kanor. Napatango lang din naman ako at 'di maiwasang mapangiti. "Kanor! Ang ganda naman ng nobya mo Kanor!" sigaw pa no'ng isang binata at patakbong lumapit sa amin. "Loko Ben! Hindi ko pa nobya si Jeorgie," ani Kanor. "Sus! Ikinagagalak kitang makilala Jeorgie," ani Ben at inilahad sa akin ang kanyang kamay upang makipagkamay sa akin. Inabot ko rin naman ito saka bumitiw agad. "Tara na Kanor, marami pa tayong gagawin," ani Ben. Bumaling sa akin si Kanor. "Ayos lang ba kung iwan muna kita rito?" Ngumiti lang din naman ako at napatango. Lumakad ito kasama si Ben at naiwan ako. Umupo na lamang ako sa silyang gawa sa kahoy. Marahas ang naging pagbuga ko ng hangin. Mabuti na rin itong makalayo ako sa lugar na iyon dahil sa tuwing naalala ko ang mga nalaman ko'y nasasaktan ako. Kumikirot itong dibdib ko at hindi ako makahinga. "May problema po ba kayo?" Bumaling ako sa dalagang tumabi sa akin. "Wala naman," sagot ko. "Mahirap po talaga itago ang problema lalo na't mababakas naman sa mukha." Muli akong bumuntong-hininga. "Halata ba?" Malutong naman itong napatawa. "Angelika Capoquian nga po pala ate," pagpapakilala niya sa akin. "Jeorgie," tipid kong sagot. "Pamilyar ang pangalan mo," dagdag ko pa. "Baka po kilala niyo ang inay Lucinda ko," aniya. "Oh? Tama! Ikaw nga ang anak niyang nabanggit sa akin minsan no'ng nakitulog ako sa bahay niyo. Katrabaho ko ang inay mo sa malaking bahay ng isa sa mga Zoldic." "Kumusta po ang inay at ang kapatid kong si Ericka?" "Mabuti sila Angelika," nakangiti kong sagot. "Ikumusta niyo na lang po ako sa kanila ate," aniya at napatayo na. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at biglang namutla. "Kailangan ko na po'ng umalis," aniya at diretso lang sa paglakad hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. May problema kaya ang batang 'yon? Humahangos naman na napatakbo sa akin si Kanor. "J-jeorgie..." anas nito habang hinabol ang kanyang paghinga. Napatayo naman ako at hinagod ang likuran nito. "Ayos ka lang ba?" Ngumiti naman ito at sumenyas na maayos siya. "Pasensya ka na ha at medyo nanabik lang ako. Gusto ko kasing masubukan mo rito 'yong tulay. Maganda ang tanawin doon sa itaas kapag papalubog na ang araw, 'yon ay kung gusto mo." "Talaga? Tara!" Sa sobrang pananabik ko'y ako na mismo ang humila kay Kanor. Napatakbo kami sa bukana at sumuot sa makipot na daan, sa gitna ng niyogan. At tama nga si Kanor, may tulay nga pero kakaiba siya dahil nakasabit ito sa pagitan ng dalawang matayog na puno ng niyog. Hindi naman siya mukhang nakakatakot dahil makikita naman sa tibay nang pagkakatali ng mga lubid. Lumapit ako agad sa hagdan at umakyat sa itaas. "Dahan-dahan sa paghakbang Jeorgie," ani Kanor. Hindi ako umimik dahil talagang natuwa ako ng husto rito sa kakaiba nilang atraksyon. Nang tuluyang makaapak ang mga paa ko sa tulay na gawa sa lubid at kahoy ay 'di ko maiwasang mapangiti sa mga nakikita ko. Nakikita ko mula rito ang lawak ng karagatan sa may 'di kalayuan at ang pinakamagandang tanawin ay ang ang paglubog ng araw. Napapikit ako at masuyong dinama ang haplos ng hangin. "Amore," narinig ko bigla kaya awtomatiko akong napalingon sa aking likuran dahilan para mawalan ako ng balanse. Ngunit nasa tabi ko naman si Kanor kaya maagap niya akong nasalo at 'di sinasadyang mapayakap siya sa akin. Agad akong humiwalay at humingi ng paumanhin. Isang matamis na ngiti lang din naman ang itinugon nito sa akin. Muli kong pinagmasdan ang paglubog ng araw. Mariin akong napakapit sa lubid at napahawak sa aking suot na kuwintas. Ganitong-ganito 'yong eksena namin ni Beth dati. Papalubog na ang araw no'ng nagliwaliw kami at biglang naglaho ang lahat. "Hindi ka ba nagugutom Jeorgie? Hindi ka raw nagtanghalian kanina sabi ng inay Lucinda," ani Kanor. "Hindi pa naman Kanor. Maari bang dumito muna ako? Puwedeng pagkatapos na ng baylehan ako umuwi?" pakiusap ko pa. "Oo naman Jeorgie. Walang problema sa akin 'yon. Masaya nga ako't nakasama kita." Tipid akong ngumiti at agad na nag-iwas ng aking paningin. Hindi ko maiwasang mainis! Bakit ba bigla na lamang nito akong tinawag na amore. May gana pa siyang lambingin ako matapos niya akong pagtaksilan! "Nakakagago," naibulong ko. "May sinasabi ka Jeorgie?" Napabaling ako kay Kanor. "Wala!" sagot ko. Bahala siya sa buhay niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD