Kabanata 17

1522 Words
Kabanata 17 Binitbit ko na ang malaking bayong at lumakad na. Sobrang dilim ng kalsada at wala pang poste ng mga ilaw. Takot yata sa tao itong si señorito Zairan at talagang halatang ayaw makihalubilo. Lumakad na ako at parang nagsisimula na akong makaramdam ng matinding kaba. Bigla namang may umihip na malakas na hangin at aminado akong kinilabutan do'n. Nagsisimula na ring manginig ang mga tuhod ko habang patuloy kong binabagtas ang daan. Napapadasal na rin ako Diyos, na sana'y makaabot ako sa bahay ng ligtas. Bigla naman akong nakarinig ng mga kaluskos sa aking likuran kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad. Napatigil ako ulit sa paglakad nang makarinig ako ng alulong ng isang aso. Aso ba talaga ang naririnig ko o baka naman ay... Nanigas ang buo kong katawan nang mapuna kong parang may nakatayo sa aking likuran. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bayong at dahan-dahan na lumingon sa aking likuran. Isang matandang lalaki ang nasa likuran ko, sa tantsa ko'y mga nasa kuwarenta pataas ang edad nito. "Hesus, Maria, Joseph! Ginulat niyo po ako," sabi ko pa habang sapo ang aking dibdib. "Masama mag-isa sa gabi, lalo na ngayon." Alanganin pa akong napangiti. "Ayos lang po," sagot ko lang naman din. "At masarap kang putahe." Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito at gano'n na lang ang pagkagimbal ko nang magbago ito ng anyo. Natulala akong saglit. Natauhan na lamang ako nang umangil ito at umalulong. Parang pakiramdam ko'y bumaon sa lupa ang mga paa ko. Ayaw gumalaw ng mga paa ko at ayaw pumasok sa utak ko ang aking nasaksikhan. Sa lakas ng kaba sa dibdib ko'y parang gusto ko nang mapatakbo pero 'di ko magawa. Nabitiwan ko ang mga dala ko at nanatiling nakatayo sa harapan nito. Kagaya niya ang pumatay kay Beth! Agad na nag-unahan sa pagtulo ang mg luha ko. Jeorgie... Takbo... Umalingawngaw sa utak ko ang mga salitang 'yon galing mismo kay Beth. Awtomatikong gumalaw ang mga paa ko at agad na napatakbo pero huli na ako. Nabalibag nito ako at bumagsak sa lupa. "Ah!" daing ko. Sa sobrang lakas nang pagkakabagsak ko'y parang may nabali akong buto sa katawan. "Ugh!" ungol ko at pilit na gumagapang. Hindi ako makatayo dahil sa sobrang sakit ng aking kanang hita. Umalulong ito ulit at muli akong sinugod. "Zairan!" biglang sigaw ko. Natigilan pa ako sa sinabi kong iyon pero ang mas lalong gumimbal sa akin ay ang pagtalsik ng mga dugo ng halimaw sa akin. Nang bumagsak ang halimaw sa harapan ko'y nakita kong nakatayo siya sa likuran nito, ang taga pagligtas ko. Hawak niya ang pusong dinukot niya mula sa halimaw. Napaawang ang bibig ko at para akong napipi. "Walang puwedeng manakit sa iyo, Jeorgie." Napahagulhol ako at niyakap ang aking sarili. Agad naman itong tumunghay sa aking harapan. Walang pagdadalawang-isip ko siyang niyakap ng mahigpit at napaiyak ng matindi. Ang akala ko'y magagaya ako kay Beth, namatay ito ng walang kalaban-laban. Ramdam ko naman ang pag-angat ko sa ere at sa isang iglap ay nakalublob na ako sa dagat. "Tahan na mahal ko," aniya habang inaalis ang mga dugo sa aking mukha. "Ano ka ba talaga? Sino ka ba talaga!? 'Yong... 'Yong halimaw na 'yon! Ano siya!?" Halos manginig na ang boses ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Ayaw ko nang bumalik sa sikiyatriya dahil parang mas lalo akong masisiraan ng bait. "Ano ba ako para sa iyo Jeorgie? Alam mo ang sagot pero pinapaniwala mo ang sarili mo na isa lamang itong ilusyon." Napatameme ako sa sinabi niya. Hinapit naman niya ako at ikinulong sa mga bisig niya. "Nasa mundo ka ng katotohanan Jeorgie. Hindi mo matatakasan ang kapalarang ginawa para sa iyo ni Luna." Mariin akong napapikit at humugot ng malalim na hininga. "Natakot ba kita kanina? Pasensya ka na mahal ko, sadyang madalas lang ako dalawin ng mga taong lobo." Nag-angat ako ng aking ulo. "Kabaliwan! At ano ka naman? Isang bampira? Ako ba'y pinagloloko mo?" Hindi ko mapigilang magalit. Ang daming bagay na inililihim sa akin at ayaw ko ng pinaglilihiman ako. "Gusto mo magpakagat?" Pilyo pa itong napatawa at kinabig ako upang halikan ng mariin. Sa sobrang pusok nito'y nagawa niyang masugatan ang aking labi dahilan para ito'y dumugo. Nang humiwalay ito sa akin ay nagkusa ang kanang kamay ko na ipasok ito sa kanyang bibig. Gusto kong malaman kung talagang may pangil siya at hindi nga ako nagkamali. Muli akong napaluha. Nasa pagitan nga ako ng mundo kung saan ang isang paa ko'y nakabaon na sa lupa. Humugot ako muli ng malalim na hininga at napalunok. "Ano ba ang ginawa mo sa akin? Bakit ganito ang kulay ng buhok ko?" Gumalaw naman ang kanang kamay nito upang alisin ang dugo sa aking dibdib. "Ginagawa ang dapat. Bagay sa iyo ang kulay na 'yan Jeorgie." Nagsalubong ang aking dalawang kilay at tinabig ko ang kanyang kamay. Napaatras ako at napatalikod sa kanya. "Zairan..." Natigilan ako sa sinabi niya at napaharap dito. "Hindi kita maintindihan," sagot ko. Matinding kaba'y biglang umusbong sa aking dibdib. "Zairan Jacob Zoldic, ako ang señorito mo." Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi nito at natutop ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala na siya ang amo ko. Nakakaloko akong napatawa. "Nagbibiro ka ba?!" Napasinghap ako nang lumitaw itong bigla sa aking harapan. "Hindi ako marunong magbiro," aniya na ikinalunok ko rin naman. "A-ano ba tayo?" nanginginig na boses kong tanong dito. "Isa lang ang sagot, akin ka lang." Kinabig nito ako at muling hinagkan. Mapusok at mainit na halik ang iginagawad nito sa akin. Napakagaga ko kung itatanggi ko na ayaw ko itong ginagawa niya. Gumapang ang mga halik niya sa leeg ko, pababa sa aking dibdib. Sa isang iglap lang ay nawasak ang suot kong bestida. Humiwalay ako sa pagkakahalik nito sa akin. "Bakit..." Halik pa rin ito nang halik sa akin. "Kailangan... Ganito," sa wakas ay nasabi ko rin. "Dahil kailangan," anito at nagsimula nang magbago ang kulay ng kanyang mga mata. Itinukod ko ang mga palad ko sa matipuno nitong dibdib at halos kapusin ako ng aking hininga. Baliw na nga yata talaga ako dahil nagagawa kong makipagsiping sa amo ko. Humiwalay ako sa mga labi nito at huminga ng malalim. "Hindi mo ako nobya," mapait kong wika. Muli niyang siniil ang aking mga labi. "Tama ka, dahil kabiyak kita," aniya at mas lalong pinagdikit ang aming mga katawan. Hindi man magkasing-init ang balat namin ngunit parang mas umaapoy ang kalamnan ko. Muli ay hinalikan niya pa ako hanggang sa pinuntirya niya na ang aking dibdib. "...ah!" Napasinghap ako nang kagatin nito ang aking dibdib. Napakapit ako sa magkabilang balikat niya. "...aah!" Hindi ko alam kung bakit pero kinilig ako sa sinabi niyang 'yon na asawa niya raw ako. Mariin kong kinagat ang aking labi. Iniangat naman niya ang dalawang hita ko para pumuwesto sa akin. Sa isang galaw lang ay naipasok na niya sa akin ang kanyang nangangalit na sandata. "...aah..." daing ko muli. Nagsimula itong bumayo nang dahan-dahan at parang alam ko na ang kasunod nito. Alam kong may binabanggit siyang ibang lengguwaheng hindi ko maintindihan at hindi ko gusto 'yon. Akmang aalis ako pero mas lalo nito akong hinapit sa aking baywang. "A-ayaw ko," protesta ko ngunit para itong bingi at mas lalo pa akong siniil ng halik sa aking mga labi. "Luna autem electi..." Mariin akong napapikit at napatungo sa balikat nito. Parang pakiramdam ko'y kinakain ako ng buwan. "Omnipotens Luna sentiat quod sentio." Para akong pinapatay dahil sa sobrang kirot at sakit ng buo kong kalamnan. "...ah!" Sarap at sakit ang lumulukob sa buo kong katawan. Hindi ko alam kung bakit ganito ito sa pakiramdam ko. Parang nagbabago ang mga litid sa loob ng aking katawan. "Sic esurio sensi quid sentiat sanguine," anas nito. "Zairan! Ah!" Kinuha niya ang dalawang kamay ko at inilapat sa matipuno nitong dibdib. Natigilan ako at nagulat nang gumapang sa akin ang ilang parte ng tatu niya sa kanyang likuran. "Hindi! Zairan! Ugh!" Napaluha na ako sa sobrang sakit ng aking likuran. Pinilit kong alisin ang mga kamay ko pero masiyado siyang malakas para pigilan ako. Panay na ang pag-iling ko ng aking ulo at pag-iyak. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit. Tinanggal naman nito bigla ang dalawa kong kamay at kinabig ako. Muli ito bumayo at bahagyang naibsan ang pananakit ng aking katawan. "Illa meus omnipotens Luna," muling sambit niya kasabay nang pagkabig sa akin at sabay naming naabot ang sukdulan. Muli'y naramdaman ko ang pagdiin ng pangil nito sa aking leeg at ang mainit na likidong umaagos sa aking leeg. Saksi ang buwan kung paano kami naging isa at kung paano niya ako ginagawang kakaiba. Kumapit ako sa batok nito at hinayaan siyang malunod sa matinding pagkauhaw sa akin. Humiwalay naman ang bibig nito sa aking leeg at niyakap ako. Banayad niya ring dinilaan ang aking leeg upang mahinto ang dugo ko sa pag-agos. Hindi naman ako mangmang para 'di malaman na delikado rin ito para sa akin. Maari kong ikamatay ang pagsipsip nito ng dugo sa akin ngunit alam ko namang kinukuntrol niya ang kanyang sarili. Nahilig ako sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD