Chapter 4
Nagsimula na muli si Zabina sa isa pang kumpanya. Isang linggo pa lang siya. At so far, okay pa naman siya. Nagsisimula pa lamang siyang mag-adjust at kakatapos lamang niyang i-set up ang lahat ng kailangan niya sa laptop. Na-meet na niya kanina ang mga Software Developers na makakatrabaho niya. Mukhang mababait naman ang mga ito. Huwag lang magkaproblema sa mga deliverables nila sa projects.
Kasalukuyang nagmi-merienda nang mag-isa si Zabina nang makatanggap siya ng text mula sa dati niyang ka-trabaho.
"Want to play card games while drinking later?" Sabi sa text ni Marina.
Napaisip muna siya saglit. Nagawa na nila ito noon eh. Nagsugal sila sa isang private room na sa bar. Masaya naman na may kaunting kaba sa dibdib. Umuwi pa nga siya na malaki ang panalo. Napangiti siya at kaagad naman na nagreply.
"See you later. I will win big tonight. Ready your money," sabi pa ni Zabina sa reply niya.
Ginanahan tuloy siyang kumain. Matapos niyang maubos ang takoyaki na binili niya sa Cafeteria ay bumili pa siya ng burger. Na-excite siyang makipaglaro mamaya. Ramdam niyang mananalo na naman siya. Tamang-tama at Biyernes naman na ngayon. Mabuti na lamang talaga at palagi siyang may baon na extrang damit sa kotse niya. Monday to Friday kasi ay required na nakasuot sila ng formal attire. May extra siyang t-shirt, jeans at sneakers sa kotse niya para sa mga biglaang events kagaya nito.
Eksaktong 5PM ay nag-out na kaagad si Zabina mula sa opisina. Wala pa namang nagre-require na mag-extend or overtime siya. So, sasamantalahin na muna niya.
Sandaling huminto si Zabina sa isang coffee shop para makapagpalit ng damit doon at bumili na rin ng kape niya para siguradong mulat siya at hindi aantukin mamaya.
Ang usapan nila ay ala siete ang magiging oras ng kitaan nila. Pero 6:30PM pa lang ay nasa labas na ng bar si Zabina. Ganyan dapat kaagad kapag pakiramdam mo ay mananalo ka ngayong gabi. Maagap at huwag magpapatagal. Baka magtampo ang grasya sa kanya. Eksaktong 7PM din naman ay dumating ang mga makakalaro niya. Tatlo sa mga ito ay mula sa unang kumpanya na pinagtrabahuan niya noon. Ang dalawa naman ay mga katrabaho na ng mga ito ngayon.
Kaagad silang nagbook ng isang private room sa bar. Nag-advance order na rin sila ng pulutan para maluto na kaagad. Nang makapasok sila sa loob ay kaagad naman silang pumwesto at nagsimula na.
"Oh, 2 tables, ha? Tatlo-tatlo 'yan, walang labis, wala ring kulang," sabi ni Marina.
Abala pa ito sa pag-aayos ng table at inilalapag ang tag isang set ng cards. Pumwesto na si Zabina sa isang table at kaagad na inilapag ang panibagong kape na kakabili lang ulit niya kanina.
"Bilis, simulan na natin kaagad!" Maganang aya pa ni Zabina sa mga kasama.
"Tara na, upo na kaagad!" Tugon din naman ni Marina
Nakangiti pa itong umupo sa tabi ni Zabina. Tumabi rin sa kanila ang isa pang lalaki. Ayon kay Marina, Felix daw ang pangalan nito.
"Huwag mong galingan, Felix," nakatawang sabi pa ni Zabina.
"Tignan natin. Baka nasa akin ang swerte ngayon," nakangiting tugon lang din naman nito sa kanya.
"Aagawin ko ang swerte kung nakanino man 'yan ngayong gabi," tugon pa ni Zabina.
"Oh, bilisan niyo na. 'Yong maghahatid na waiter mamaya, huwag kayong mag-alala, ka-tropa natin 'yon. Walang magsusumbong, kaya chill lang kayo," nakangiting deklara naman kaagad ni Marina sa kanila.
"Ayon naman pala eh. Kahit hanggang magdamag pa tayong lahat dito," tugon din naman ni Felix.
Nagsimula nang magbalasa ng baraha si Felix. Nagsimula na ring maglaro ng tong-its ang tatlong lalaki mula sa kabilang table. Ang ingay na nila, nagbibigay pa lang ng cards, wala pa man. Naglagay na rin sila ng kanya-kanyang pera sa gitna bilang taya.
"Ay, naku. Mukhang maalat," komento pa ni Zabina habang tinitignan ang mga baraha niya.
Maya-maya lang ay hinatid na ang in-order nilang cocktail drinks, red horse, nachos, barbeque at fried tokwa.
Bumubunot naman ng card si Zabina habang umiinom pa ng cocktail drinks. Nasilip pa lang niya na King of Hearts ang nabunot niya ay napangiwi na siya kaagad. Masyadong malaking puntos ang card na 'yon kapag maiwan sa kanya kung magkataon.
"Hoy, bakit nakikisilip kayo sa card ko?" Pabiro pang tanong ni Zabina sa dalawang kalaban niya.
"Hindi kami sa card mo sumisilip. Si Felix sa cleavage mo nakatingin," natatawang sagot pa ni Marina sa kanya.
Napayuko naman si Zabina para tignan ang dibdib niya. Nakasuot naman siya ng t-shirt at wala namang kita sa katawan niya. Nahampas niya tuloy si Marina dahil sa kalokohan nito.
"Huwag kang maniwala kay Marina. Kung kani-kanino na ako binibenta niyan," natatawang sabi rin naman ni Felix sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Hindi kita bibilhin kahit ibenta ka pa nang bagsak presyo sa akin. Not interested with a relationship yet," komento din naman ni Zabina
Seryosong-seryoso pa na nakatingin si Zabina sa cards niya at inaayos pa ang mga 'yon.
"Oh, 7, 8 and 9 na hearts! Bongga!" Anunsyo naman bigla ni Marina na naglahad ng cards niya.
Nabuhayan naman ng loob si Zabina.
"Ay, sheref! Ito pa. 5, 6 and 10 na hearts. Yummy!" Natatawang sabi pa ni Zabina.
Nagpatuloy pa sila sa paglalaro habang umiinom. Ilang beses na ngang nahulugan ang damit ni Zabina ng sarsa ng barbeque dahil nagmamadali itong kumain bago bumunot ng card niya.
Nagsawa na si Zabina sa iniinom niyang cocktail drinks. Pakiramdam niya ay sumasakit ang tiyan niya sa hinalo ro'n kaya red horse na lamang ang ininom niya habang naglalaro. Nakaraming panalo na rin siya kanina. Enjoy na enjoy nga niya eh. Iba talaga kapag nananalo ka sa laro.
Nagrequest pa siya ng lasagna niya kanina kasi bigla siyang nagutom. Inalok pa nga niya ang mga kasama sa room pero busog raw ang mga ito. Mabilisan tuloy siyang kumain bago sila magsimula ulit ng panibagong laro. Nagyosi naman muna sa labas ang dalawang kalaban niya sa tongits. Saktong pagbalik ng mga ito ay nagpaalam siyang magba-banyo muna saglit para tuluy-tuloy na ang maging laro nila mamaya.
Bago siya lumabas ay sinilip muna niya ang cellphone at tinignan niya kung may missed call or text ba sa kanya. Wala naman. Mukhang abala ang Ate Zara niya kaya hindi siya nakakamusta nito ngayon. Ayos na rin 'yon, para mas ma-enjoy niya ang gabi ng panalo niya ngayon. Ibinalik na niya ang cellphone sa bag at saka dumiretso sa labas para makapagbanyo. Nag-aayos siya ng tali ng buhok niya sa CR nang makarinig siya ng tila ingay mula sa labas. Dali-dali naman siyang sumilip at nakita niyang nagkakagulo ang mga tao at tila tumatakbo.
"Ate, ano'ng mayroon? Bakit may kaguluhan?" Tanong niya sa isang babae.
"Biglang may pumasok na mga pulis sa loob ng bar. May nagsusugal daw rito sa loob. Naku, mahirap nang madampot. Baka mapagbintangan pa kami," nagmamadaling paliwanag naman nito.
Nanglaki naman kaagad ang mga mata ni Zabina sa narinig niya. Sila yata ang tinutukoy na nagsusugal daw. Naku, hindi pwede. Patakbo siyang bumalik sa room nila habang nagkakagulo ang mga nakakasalubong niya. Sarado ang pinto ng private room kung nasaan sila kaya akala niya ay wala namang problema. Pero bigla 'yong bumukas at bumungad sa kanya ang dalawang pulis. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Pinagpawisan din siya nang malamig. Sinubukan niyang lumunok ng laway pero bumara 'yon sa lalamunan niya.
"Ikaw? Kasamahan ka ba ng mga nasa loob?" Seryosong tanong kaagad ng Pulis kay Zabina.
"Po? Hindi po. Napadaan lang ako." Mariing tanggi niya kaagad habang lumalakad pa nang paatras.
Saktong nakita niya ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na papalapit sa kanya. Ito ang lalaking nakahalikan niya noon sa bar! Tamang-tama ang biglang dating nito.
"Siya po! Siya po 'yong kasama ng mga nasa loob. Nakita ko po siya kanina. Damputin niyo po siya," sumbong pa ni bigla Zabina.
Tuluyan na siyang paatras na lumakad papalayo sa dalawang pulis at sa lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. Tila takang-taka ito sa nangyayari at nagulat na lamang ito nang bigla itong lagyan ng posas sa kanang kamay. Napasinghap si Zabina. Mukhang talagang seryosong dadamputin nga siya ng mga pulis kung magkataon!
Napatakbo siya papalabas ng bar. Ang inaalala niya, naiwan 'yong maliit niyang shoulder bag sa loob ng private room! Nandoon ang wallet at susi ng kotse niya. Wala siyang kahit na ano'ng dala kaninang pagpunta niya sa confort room. Ni piso ay wala siya sa bulsa. Paano na siya makakauwi nito?
Napabuntung-hininga siya nang malakas habang dahan-dahan na naglalakad papalayo sa bar. Hindi niya alam kung nahuli nga ba ang mga kasama niya sa loob. Pero hindi siya pwedeng makulong kasama ng mga ito.
"Don't you think it's not right to just sell me out like that to them?" Biglang may nagsalita sa likuran niya.
Nang lingunin niya ito, nakita niyang ito ang lalaking ipinagkanulo niya kanina! Nanglaki ang mga mata niya.
"Bakit narito ka? Hindi ba pinosasan ka ng Pulis kanina?" Gulat na tanong ni Zabina.
Itinaas naman nito ang kanang kamay na may posas na naging dahilan ng mas lalo pang paglaki ng mata ni Zabina. Lalo pa nang makarinig sila ng malakas na sigaw.
"Ayon sila! Tumatakas! Habulin ninyo!" Sigaw ng isang Pulis.
Kasunod no'n ay biglang may tumakbong dalawang lalaki patungo sa direksyon nila.
"Run!" Deklara ng lalaking kausap niya lang kanina.
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila na siya nito papatakbo mula sa dalawang humahabol sa kanila.
"f**k!" Sigaw naman ni Zabina.
They are both running for their lives. Hindi siya pwedeng mahuli ng mga Pulis. Hindi siya pwedeng makulong dahil sa ginawa niyang pagsusugal. Siguradong mananagot na talaga siya sa kanyang ina sa pagkakataong ito. Baka hayaan siya nitong mabulok sa kulungan. Hindi bagay ang ganda niya sa loob ng malamig na rehas.
Mabuti na lamang at nakasuot siya ng sneaker ngayon kaya madali para sa kanya ang tumakbo. Kumapit siya nang mahigpit sa lalaki. Hindi pwedeng mahuli ang kahit na sino sa kanila ngayon, dahil idadamay niya ulit talaga ang lalaking 'to! Hindi pwedeng siya lang ang makulong kung magkagipitan man.
"Don't worry, I will lure them for you," seryosong sabi pa ng lalaki sa kanya habang tumatakbo sila.