Chapter 5

1575 Words
Chapter 5 Hindi napansin ni Zabina ang isang malaking bato. Natapakan niya 'yon kaya nadapa siya at nabitawan siya ng lalaking kahawak kamay niya lang kanina. Napalingon siya sa mga humahabol sa kanila at malapit na silang maabutan no'n. Sinubukan niyang tumayo pero hirap siya dahil natanggal pa ang sintas ng sneakers niya. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang umangat mula sa malamig na sahig. Binuhat na pala siya ng lalaking kasama niyang tumatakas. "Hindi ito ang panahon para mag-emote," seryosong sabi pa sa kanya ng lalaki. "Hindi ako nag-e-emote! Nadapa ako! Ibaba mo 'ko!" Paglilinaw pa ni Zabina sa lalaki. "Kapag ibinaba kita, maaabutan na nila tayo," mabilis na tugon nito. Zabina was amazed that this man can still run fast while carrying her? Parang hindi nga nito iniinda na may bitbit habang tumatakbo eh. Wala na rin namang nagawa pa si Zabina kundi ang kumapit na lang nang mahigpit sa mga braso ng lalaki. Halos ilang minuto rin silang tumatakbo. "Nasusuka ako," deklara pa ni Zabina. "What?! You can't do that now!" Kontra naman kaagad ng lalaki sa kanya. "Eh, sa nasusuka na nga ako!" Reklamo ni Zabina. The man immediately stopped. Hinayaan niya si Zabina na yumuko at sumuka sa gilid. Pero hindi pa man ito tapos ay kaagad na niya itong hinila at binuhat muli. "Damn! Maaabutan na nila tayo!" Sigaw pa ng lalaki "f**k! Nalunok ko 'yong suka ko! Kadiri! Bakit ayaw nila tayong tantanan?!" Reklamo pa rin ni Zabina. Hindi naman na kumibo pa ang lalaki hanggang sa mapadpad sila sa isang madilim na lugar. "We will hide, so keep quiet. Or else, we're going to run away from them until the sun is up," bilin pa nito habang inilalapag siya at hinihila na magtago sa mga damuhan. "I'll keep my mouth shut, don't worry," nakairap na tugon naman ni Zabina. Walang pakundangan siyang humiga sa damuhan. Tinitigan lang naman siya ng lalaki at tila hindi makapaniwala na parang kumportable pa siya sa pagkakahiga niya ngayon. - "Hey, don't snore. If the policemen are around they would hear you. Hey!" Pabulong na gising ng lalaki kay Zabina. "Ano ba?!" Reklamo ni Zabina. Kaagad namang tinakpan ng lalaki ang bibig niya dahil sa ginawa nitong pagsigaw. Nakaidlip na kasi si Zabina at bahagyang humihilik na kahit sa damuhan lang nakahiga. Bigla naman itong bumangon. "What do you want?!" Tanong pa nito habang nakapikit. Bumangon ito mula sa pagkakahiga pero mukhang inaantok pa rin. "Ang bilis mong makatulog. You even started snoring. Madali tayong mahahanap ng mga pulis dahil sa hilik mo eh," reklamo pa nito sa kanya. "Wala naman na yata sila. Balikan na natin sa bar ang bag at kotse ko," disoriented na sabi pa ni Zabina. "Are you crazy? Matapos nating tumakas, gusto mong bumalik tayo sa bar? They will know that you left your belongings in that room. So, kung gusto mong mahuli, sa presinto ka na lang dumiretso," sagot pa kaagad ng lalaki sa kanya. Tila nagising naman si Zabina nang bahagya. May punto nga ang lalaking ito. Ibig sabihin, hindi muna niya mababawi ang mga naiwang gamit. Mas delikado pa kung nakuha nga ng mga pulis ang bag niya. Baka matunton siya kahit na nakatakas naman na siya. Sa mga IDs pa lang niya sa wallet niya, madali na kaagad matutunton ang address ng bahay nila eh. Napalunok siya ng laway. "Naku, hindi pwedeng makuha ng pulis ang bag ko," bulong ni Zabina. Naramdaman niyang tinignan naman siya ng lalaki. "Hihintayin muna nating sumikat ang araw bago tayo bumalik sa bar. Nandoon din ang kotse ko kaya kailangan ko ring bumalik, pero hindi pa ngayon. Malamang nandoon pa sila at nakabantay. O 'di kaya ay nasa malapit lang. Let's stay here for a while," sabi pa ng lalaki. "Safe ba rito? Hindi kaya may bigla na lang tumuklaw sa leeg ko?" Tanong pa ni Zabina. "Ngayon mo pa natanong kung safe? Eh nakaidlip ka nga kaagad kanina pagdating natin dito," sarkastikong komento pa sa kanya ng lalaki. "I was just drunk that's why it's easy for me to fall asleep. Ano ba ang pangalan mo? Sumama ako sa'yo pero hindi ko man lang alam kung sino ka," tanong pa ni Zabina. "Yeah, right. You don't even know my name and yet, you sold me out earlier," patuloy na sagot pa rin ng lalaki sa kanya. "Hindi ako magso-sorry. I just did what I need to do. Kahit hindi ikaw ang naroon, gagawin ko pa rin 'yon sa iba," mabilis na sagot naman ni Zabina. "I'm Judas. What's your name?" Tanong naman nito. Napatitig naman nang seryoso si Zabina. "Call me Maria," seryosong tugon naman ni Zabina. She doesn't want to give her real name to this man. Para saan pa? Eh, matapos nito, hindi naman na sila magkikita pang muli. "Why didn't you call me after that night, Maria?" Tanong naman bigla ng lalaki. Napasimangot naman si Zabina. Nagpipigil siya ng tawa dahil mukhang naniwala nga ang Ugok sa binigay niyang pangalan. Hindi man lang ito nakahalata? "Hindi ako 'yong tipo ng babae na sumusunod sa sinabi ng lalaki. At isa pa? Hindi kita type. Not interested," diretsahang sagot naman kaagad ni Zabina. "I doubt that. Nagpapakipot ka lang," kontra naman kaagad ng lalaki sa kanya. "Believe what you want to believe. Walang kaso ro'n. Come on, give yourself some false hope," hamon pa ni Zabina. Natawa lang naman ang lalaki sa kanya at napa-iling pa. Akala pa yata nito ay nagbibiro siya. Hindi siya nagbibiro, seryoso siya. She doesn't want to get involved on anyone. Na-gwapuhan siya rito nang unang beses na makita niya. Pero nainis na siya rito nang halikan na siya nito nang totoo. "Why are you in the bar and playing card games?" Pag-iba naman ni Judas sa usapan. Nagkibit-balikat naman si Zabina. Bakit nga ba? Because she enjoys doing it? She was just there for fun. She wanted to remind herself how she should be living her life. "Just a past time. Kung hindi inom ng alak, minsan ay sugal naman. Bakit? Turn off ka na ba?" Pang-aasar pa ni Zabina. "Not really. I was just curious," tugon naman kaagad ni Judas sa kanya. Napairap naman si Zabina. Susungitan pa sana niya ang lalaking si Judas nang makarinig siya bigla ng tunog ng palaka sa hindi kalayuan. "f**k. Wala ngang ahas, pero mayroon namang palaka," pigil na sigaw pa ni Zabina. Namalayan na lamang niya na nakakandong na siya kay Judas at nakayakap nang mahigpit sa leeg nito. "Are you okay?" Tanong naman kaagad ni Judas sa kanya. "Siyempre, hindi. Pakitaan mo na ako ng ahas, o kung anuman, pero huwag namang palaka. Tangina naman, kadiri," reklamo pa ni Zabina habang nakapikit at nagsusumiksik pa rin kay Judas. "Wala pa naman. Baka nasa malayo lang 'yon," tugon naman ni Judas sa kanya. "Hindi, nasa malapit 'yon. Rinig ko, malakas eh. Malapit sa atin. Ayan, putangina! May tumalon!" Gulat na sabi na naman ni Zabina. Palihim na napapangiti si Judas dahil sa reaksyon ni Zabina. Madilim ang paligid pero naaaninag niya ang mukha nito at talagang takot nga ito sa palaka. "Kung may lumapit man na palaka, itataboy ko kaagad. Don't worry," assurance pa ni Judas sa kanya. "Just please, don't touch them. Kamumuhian talaga kita," banta pa ni Zabina. "Okay, I won't," pagsang-ayon naman kaagad ni Judas sa kanya. Sandali silang nakiramdaman sa buong paligid. Napakatahimik lang kasi at tanging ingay ng palaka lamang ang maririnig." "Putangina! Ano 'yon! May tumalon! Nasa dibdib ko! Oh my God!!!!!" Nagtatarantang sigaw ni Zabina habang nangingisay sa sobrang gulat. "f**k!" Sigaw naman ni Judas nang makitang may maliit na palaka sa bandang dibdib niya. "Ano'ng f**k ka riyan?! Alisin mo! Putangina, alisin mo!" Sigaw pa rin ni Zabina. "Sabi mo huwag akong hahawak ng palaka?" Tanong pa ni Judas. "Pinapayagan na kita ngayon! Humawak ka na. Alisin mo 'to sa dibdib ko! Waaaah!" Natatarantang sabi pa ni Zabina. Kaagad namang umaksyon si Judas. Dinakma niya kaagad ang palaka na nasa dibdib ni Zabina. "Gago! Hindi 'yan 'yong palaka! Dibdib ko 'yan!" Sigaw pa ni Zabina. Kaagad namang inalis ni Judas ang kamay niya at muling hinuli ang palaka. Kaagad naman niya iwinasiwas ang kamay niya para maitapon sa malayo ang palaka. "Hayop na palaka?!" Halos hinang-hina na sabi ni Zabina. Gusto niyang mahimatay, pero hindi niya gagawin. Baka pagpiyestahan pa siya ng maraming palaka kapag mawalan siya ng malay ngayon sa damuhan. Isisumpa niya na ang araw na ngayon nang dahil sa dami ng pinagdaanan niya. Ano ba ang kasalanan niya para maparusahan nang ganito? Bigla ring napahinto sa pagda-drama si Zabina nang maalala niyang kakasugal nga lang pala niya kanina ay tumakas pa sa nanghuhuling pulis. Marami nga pala siyang kasalanan. Kaya hindi na siya magtatanong pa. "Ayos ka lang ba?" Tanong na naman ni Judas "Hindi pa rin! At hindi ako nakakalimot na dinakma mo ang dede ko!" Singhal naman ni Zabina. "It was just an accident! Gumalaw ka kasi kaya iba ang nahawakan ko," paliwanag naman ni Judas. Umirap na lang si Zabina. Ano pa ba ang magagawa niya? Eh nangyari na? Hindi rin naman niya kayang humawak ng palaka. Maaga yata siyang tatanda sa mga nararanasan niya kapag nakikita niya si Judas. May balat siguro ito sa puwit eh. Kaya minamalas siya. Nauna nang nawala sa kanya ang first kiss niya, ngayon muntik na nga siyang mahuli, nakipag-face to face pa siya sa palaka! What a nice life!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD