Chapter 3
Zabina continued drinking together with her former classmates. She can feel that there are set of eyes who is watching her from afar. Pero wala siyang pakialam. Tinawag pa siya ni Renz dahil siya ang napiling ka-love shot nito para sa dare.
"Ikaw, Renz, ha? Si Zabina pala ang gusto mong ka-love shot? Dati pa ba 'yan? Ano 'yan? One-sided love?" Pang-aasar pa ng mga kaklase nila habang pinagko-cross nila Zabina at Renz ang braso nila at dahan-dahang umiinom.
"One-sided? Kinasal kami niyan ni Renz sa marriage booth noong 2nd year. Di'ba, husband?" Natatawang sagot pa ni Zabina.
Tahimik namang napangiti si Renz kaya lalo tuloy nagkantyawan ang mga kasama nila. Napairap na lang naman si Zabina at muling tumungga ng alak habang papabalik na sa pwesto niya.
They decided to call it a night around two in the morning. Hilo lang si Zabina, pero kaya pa naman niyang magdrive. Mas late pa nga minsan ang uwi niya at mas lasing pa, pero buhay naman siyang nakakarating sa bahay nila. Minsan nga lang hindi na siya nakaka-abot pa sa kwarto niya. Sa pinto palang tulog na siya dahil sa kalasingan.
She decided to text her Ate Zara that she is coming home. Malamang kasi ay nag-aalala 'yon. Mabait ang Ate niyang 'yon. Sadyang magkaiba lang talaga sila at 'yon ang kinakainisan niya. Their differences that slowly turned like an illness of her.
Papalapit pa lang siya sa kotse niya na nakapark sa dulo nang biglang may bumusina sa kanya. Napa-igtad tuloy siya sa gulat at napaupo sa kalsada.
"Gago! Hindi sa'yo ang kalsada!" Sigaw pa ni Zabina sa driver ng Red Nissan.
Tatayo pa lamang sana siya nang biglang may dalawang kamay ang umalalay sa magkabilaang braso niya at tinulungan siyang makatayo.
"Salamat.. Ikaw na naman?! Sinusundan mo ba ako?" Gulat na sambit ni Zabina nang makita kung sino ang lalaki sa harapan.
"No. Papunta ako sa kotse ko nang makita kitang nakaupo sa sahig. So, I was being kind enough to help you get up. Anyway, you are welcome," nakangiting sagot naman nito sa kanya sabay lagpas na nito.
Nagtungo na rin si Zabina sa kotse niya. Kaagad siyang sumakay sa driver's seat. Binuksan pa nga niya muna ang bintana ng kotse niya at sumandal. Saglit din niyang ipinikit ang mga mata niya para ipahinga.
"You should go home and rest," biglang may nagsalita sa gilid niya.
Napadilat siyang muli at nakita na naman ang lalaki sa gilid ng kotse niya.
"I will. So, don't mind me and just go," tugon lang naman niya.
"Call me when you're sober. Let's talk and grab something to eat," nakangiting sabi pa ng lalaki habang inaabot sa kanya ang tila calling card.
Tinitigan lamang niya 'yon. At nang hindi niya inaabot ‘yon ay pinilit siya nito na tanggapin ang ibinibigay na calling card.
"I will wait for your call. See you soon," sabi pa nito habang lumalakad paatras.
Nakatulala lang siya sa papalayong bulto ng lalaki. Tinignan niya ang card na inabot sa kanya. Hindi niya mabasa ang nakalagay ro'n dahil nanglalabo na ang paningin niya. Ipinatong na lamang niya 'yon sa dashboard ng kotse niya. Inistart na niya ang makina at halos isang minuto munang naghintay bago niya tuluyang paandarin ang kotse at umuwi na.
-
Nagpatuloy ang ordinaryong buhay ni Zabina. She became jobless for two weeks. Sa online lang siya nagpapasa ng mga job applications niya. Panay initial interview pa rin naman ang natatanggap niya kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang gumala at magpunta sa kung saan-saan nang mag-isa. Kakagaling lang niya sa Tagaytay para mag-unwind. Kumain siya ng isang buko pie habang nakatambay sa Sky Ranch at nakatulala sa Taal Volcano.
Hindi siya mapakali lang sa bahay, at parang laging sinisilihan, kaya gustung-gusto niyang naglilibot. Kahit mag-isa lang siya at walang ibang kasama. Sanay na sanay naman kasi siya. At mas gusto nga niya na wala siyang ibang iniintindi kundi ang sarili lang niya. Minsan kasi ay papakisamahan mo pa ang isasama mo, mabuti sana kung kaibigan niya. Ang kaso, wala naman kasi talaga siyang matatawag na tunay na kaibigan niya. Ang Ate niya, hindi naman niya maaya dahil abala 'yon sa trabaho sa negosyo ng kanilang ina. Hindi niya 'yon basta-basta mahihila para magpunta sa kung saan-saan. At baka mapagalitan din siya ng Mommy nila. Masyadong overprotective ang Mom nila sa Ate niya eh. Kaya para walang g**o, madalas ay mag-isa na lang siya.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang makarinig siya ng tunog mula sa cellphone niya. An unregistered number is calling her. Sinagot naman niya 'yon kaagad. It was a call from HR asking her if she's available for a final interview today. Pumayag siya. Kaya tatawagan siyang muli ng interviewer after 30 minutes.
She was able to answer all of the interviewer's questions. Hindi naman gano'n kahirap ang mga tanong nito. More on her job experiences lang. She can market herself well. Kahit panay reklamo siya sa trabaho. Hindi siya kasing talino ng Ate Zara niya, pero mabilis siyang maka-catch up kung ano man ang ibigay sa kanya. At isa pa, one of her strength is her mouth. She can communicate well. She can express and explain what others can't. 'Yon ang lamang niya sa karamihan. Minsan naso-sobrahan na nga. Palagi siyang pinapaalalahanan ng Ate Zara niya na magkaroon naman daw siya ng kaba o nerbyos sa katawan bago magsalita. Pero wala, hindi 'yon uso sa kanya.
Namili siya ng pasalubong na buko pie para sa bahay nila bago siya umuwi. Kumakanta-kanta pa siya habang nagmamaneho. When she's alone, she doesn't need to pretend that she's okay. Okay lang na may mga bagay na hindi siya kayang gawin. Ayos lang na hindi niya kayang ma-solve ang math problems nang mabilis. Ayos lang kung hindi niya maintindihan kung ano ba ang mayroon sa iba't-ibang branches ng Science at hindi niya kabisado ang periodic table dahil sobrang nakakalito naman kasi 'yon. Walang ibang huhusga sa kanya kapag mag-isa lang siya.
Natutunan niya kasi habang lumalaki siya, na wala siyang ibang aasahan at wala siyang ibang magiging kakampi kundi ang sarili lamang niya. Kung hindi siya maintindihan ng iba, siya ang iintindi at uunawa sa sarili niya. And that's okay.
"I got you self," nakangiting sabi pa ni Zabina habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.