Chapter 2

1696 Words
Chapter 2 Nagkayayaan si Zabina at ang mga dati nitong kaklase noong kolehiyo na magkitaan at magbar. She's always game when it comes to drinking. Wala siyang uurungan. Kaya niyang makipagsunugan ng atay nang magdamagan. Wala siyang problema ro'n, kahit gumagapang na siyang makauwi sa bahay nila.  "Ano na ang nangyari sa'yo matapos ng isang taon, Zab?" Tanong ni Maye, isa sa mga kaklase niya noon. "Wala naman. Nothing really special. I recently resigned. So, I'm a jobless b*tch right now," tugon din naman kaagad ni Zabina. She doesn't like pretending. She's like an open book. Whatever you want to know, she will tell you immediately. Wala siyang pakialam kung i-chismis man 'yon sa iba. Hindi naman kasi niya hawak ang isip ng ibang tao. "Pang-ilang resign mo na 'yan, ah? Hindi ka yata mapakali," tanong pa rin ng isa pa sa kanya. Nagkibit-balikat lang din naman siya. Hindi niya kasi masabi kung bakit nga ba hindi rin siya makatagal. Hindi kasi siya matiisin na tao. Kapag may nakita siyang hindi tama, magsasalita siya. Taklesa siya, kaya madalas na marami ang may ayaw sa kanya dahil sa mga inilalabas ng bibig niya.  "Hindi pa ba kayo sanay sa akin? Change topic na. Wala namang interesante sa buhay ko. I'm still the same Zabina ever since the world began," tugon naman ni Zabina. Patuloy lamang siyang umiinom ng beer kasama ang labinglima pa niyang mga dating kaklase. Nasa isang mahabang table sila sa bar. Napaka-ingay nga ng grupo nila. Naglalaro rin kasi sila ng truth or dare. Tumapat sa kanya ang boteng inikot.  "Oh, Zabina! Truth or Dare?" Tanong sa kanya ni Alex. "Kahit ano. Kung saan kayo masaya," tugon naman kaagad niya. "Oh, sige truth na lang muna. Totoo ba na may namagitan sa inyo noon no'n ni Henry? 'Yong Suma Cumlaude sa BSBA?" Tanong din naman ni Alex. "Henry? Ah? 'Yong kulot na payatot? Pass! He asked me out, but I don't want a stress in my life. Masyado siyang matalino. Too boring," tugon pa niya rito. "Eh, bakit may kumalat na balita noon na may nangyari raw sa inyo? Palagi raw kasing may dalang c****m 'yon si Henry noon at ipinagyayabang pa sa mga kaklase niya dati?" Kumpirma pa ng isang lalaki sa kanya. "Aba, malay ko sa putangina na 'yon? Baka ginagawa niyang medyas habang nag-aaral? Hindi ko nga maatim na tignan ang mukha niya dati, makipagsex pa kaya? Duh," seryosong tugon naman ni Zabina habang mukhang diring-diri pa. "Isang truth lang dapat ah? Huwag niyong dumugin ng tanong si Zabina. Ikot na kaagad ng bote," sabi pa ni Jason. "Oo nga, next na," komento pa ng ibang babae sa mga kaklase nila. Nagfocus na siya sa pag-inom at pagpapak ng pulutan. Nakikinig at nakikitawa lang din siya sa mga usapan ng iba. Nang matapat na naman sa kanya ang tutok ng bote, napahinto siya kaagad sa iniinom niya. "Dare na 'yan!" Suggest pa ng isa sa mga babae. "Oh, sige. Dare lang pala eh," kampanteng tugon din naman ni Zabina dahil sa inis. "Oh, game naman pala eh. I dare you to choose any handsome guy from the nearby tables and kiss him torridly," sabi pa ng babae.  Hindi niya maalala ang name nito. Maicha yata? Pero alam niyang noon palang parang irita na 'to sa kanya eh. "Easy peasy. Wait," nakairap na tugon pa ni Zabina rito sabay tayo na at palingon-lingon pa. Nagpunta siya sa kabilang table na nasa kaliwa. She spotted a fine looking man. Mag-isa lang itong nag-iinom sa table, kaya mukhang madaling gawin ang dare sa kanya. Mabuti na rin lang at medyo nakainom na siya kaya malakas na ang loob niya.  Pakembot-kembot pa siyang lumalakad papalapit sa lalaki at dahan-dahang pumwesto sa harapan nito. "Are you alone?" Poker face na tanong niya rito. Tumango lang naman ito. Ohh, a shy one? Interesting. 'Yon pa kaagad ang naisip ni Zabina. Kaagad siyang umupo pakandong sa lalaki. Wala nang hiya-hiya pa. "Some of my colleagues are on the other table. They want me to kiss you torridly as a dare. I know this is such a childish game. Pero pwede ka bang maki-ride at magpanggap? Don’t worry, hindi naman talaga kita hahalikan if you don’t want. Ako na ang bahala," bulong pa niya rito. "What will I get in the end?" Tanong pa nito sa kanya. "I will treat you some drinks," tugon pa niya rito. "Okay, game," tugon nito. Kaagad niyang hinawakan ang magkabilaang pisngi nito at sinadyang tumalikod mula sa mga kasama niya para hindi nila makita nang maayos ang mga labi nila. Hindi niya idinikit ang mga labi niya rito. Pero tila nagsusukatan sila ng tingin ng estrangherong lalaking ito ngayon. She is starting to feel awkward. Nagulat na lang si Zabina nang hapitin siya nito sa batok at kinabig siya papalapit. Hinalikan siya nito. Mulat na mulat ang mata ni Zabina sa gulat. This man is kissing her torridly. Iniharap pa nito ang mga mukha nila sa kung saan makikita sila ng mga kaklase niya mula sa kabilang table. Sa gulat niya ay napanganga siya na mas naging dahilan pa para palalimin ng lalaki ang halik nito sa kanya. Sinubukan niya itong itulak ngunit mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. She tapped out when she felt like she was out of breathe. Hingal na hingal siya habang masama ang tingin sa estrangherong lalaki.  Kaagad namang tumayo si Zabina at lumayo sa lalaki. Mukhang mali ang judgement niya rito. She thought it was a harmless guy, but it was the other way around. Damn. Mabilis siyang bumalik sa table nila ang kaagad na nagmumog ng alak sa bibig.  "That was hot! Baka naman boyfriend mo pala 'yong lalaki, ha? Very intimate ng kiss eh," tanong pa sa kanya ni Maye. "No, I just saw him earlier. I'm still single but not available. Come on, let's continue the game," sabi naman niya kaagad sa mga ito. Nakatatlong tungga kaagad siya ng alak. It was just a kiss. Wala siyang pakialam. It was only part of the game. "Tangina, first kiss ko," bulong pa ni Zabina sa sarili niya. Sa tinagal-tagal? Talagang ngayon pa niya nagawang humalik ng lalaki? At sa bar pa? She was disgusted at everyone else. Her lips are only good at talking. Pero nabahiran na ito ngayon.  She received a call from her Ate Zara. At dahil masyadong maingay sa loob ng bar, she decided to go outside. "Yes, Ate? Nasa bar pa ako. Bakit?" Tanong naman nito kaagad. "Nagbar ka na naman? Hindi pa naman friday ngayon, ah? Huwag kang masyadong magtagal. Tinanong lang kasi ako ni Mommy kung bakit hindi ka pa raw umuuwi. Eh hindi ka nagreply sa text message ko. Sige na, mag-ingat ka mamaya sa pagdrive mo pauwi," bilin pa nito sa kanya. "Okay, bye," simpleng tugon lang naman niya.  She was about to go back to the bar but someone suddenly touched her bottom. "What a nice a*s?" Rinig niyang sabi ng lalaki. Kaagad naman niyang hinarap ang lalaking humawak sa puwitan niya. "Yes. it's a nice a*s but it doesn't mean you can touch it whenever you want. Asshole!" Sigaw niya kaagad dito. "Easy, Miss. Huwag ka namang madamot. I was just admiring your assets," nakangising sabi pa nito sabay nakipagngitian sa isa pang kasama. Humakbang si Zabina papalapit sa lalaki para bigyan ito ng mag-asawang sampal. Tila nagulat naman ito sa ginawa niya dahilan para magalit ito at akmang susugurin siya. "Ang arte nitong babae na 'to? Talagang gusto mong masaktan?" Sigaw nito sabay sugod sa kanya. Nakahanda na sana si Zabina na makipagsakitan sa mga ito ngunit bigla na lang may lumipad na bote mula sa kung saan at tumama iyon sa ulo ng lalaking kaharap ngayon. Napasigaw pa si Zabina dahil nakita niyang dumugo ang noo nito. Umatras naman siya kaagad. "Sino ang siraulong nangbato na 'yon?!" Galit na sigaw ng lalaki. "That was my bottle. It slipped thru my hands. Sorry," pag-amin naman ng isang lalaki habang humahakbang mula sa hindi kalayuan. Humihithit pa ito ng sigarilyo habang papalapit sa kanila. Napatalikod naman si Zabina nang mamukhaan niya kung sino ang lalaking paparating. 'Yon din ang lalaking kahalikan niya lang kanina. Napatakip kaagad siya ng mukha gamit ang buhok niya nang makalapit na ito. "Naghahanap ka ba ng g**o?!" Singhal ng lalaking bastos. "Not really. I just went out to check her. She really looked wasted," tugon ng lalaking lumapit sa kanila. Nang silipin niya ito ay nakita niyang siya pala ang itinuturo nito. "Bakit? Trip mo rin siya? Pasensya ka na, Pare. She's mine tonight," deklara pa ng bastos na lalaki.  Sasagot pa lang sana si Zabina nang bigla namang sumabat ang lalaking nakatingin pa rin sa kanya. "Oh, you mean, she is mine tonight? We're about to continue making out now. Bye, guys," anunsyo lang nito na akala mo naman talaga ay totoo. Nagulat na lamang siya nang akbayan siya nito at igiya na lumakad na papasok. "What are you doing? Hindi ako sasama sa'yo," reklamo ni Zabina sabay subok na alisin ang kamay ng lalaking naka-akbay sa kanya. "You don't want to come with me, so you will come with them?" Tanong din naman ng lalaki at akmang aalisin na nga nito ang kamay na naka-akbay kay Zabina. Nang lingunin naman niya ang dalawang lalaking iniwan nila ay nakita niyang nakatingin pa rin ang mga ito sa direksyon nila. Kaagad naman niyang pinigilan ang kamay ng lalaki sa pag-alis. Ibinalik niya ulit 'yon paakbay sa kanya. "Good choice. Akala ko mas gusto mo pang makipagbasagan muna ako sa kanila ng mukha bago ka sumama sa akin eh," nakangiting tugon naman nito sa kanya. Inirapan niya lang ito. "Sorry, I don't talk to strangers," masungit na tugon lang ni Zabina. "You don't talk to strangers? You just kiss them? Is that it?" Tanong pa nito. Nang makapasok na sila sa loob ng bar ay kaagad na humiwalay si Zabina sa lalaki. "Don't get me wrong. I don't kiss anyone and make friends with them. So, don't act like we're close now, because we are not. Bye," paglilinaw naman ni Zabina sabay walk out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD