Chapter 1
"Zabina, bakit hindi mo pa raw tapos 'yong binagay na task sa'yo kahapon sabi ni Boss?" Tanong ng isa sa mga ka-trabaho niya.
Napairap naman si Zabina sa narinig niya. Tambak ang gawain niya ngayon. Hindi pa nga niya tapos ang ibinigay na trabaho noong isang araw sa kanya pero tinambakan na naman siya ngayon. Graduate siya ng Information Technology. Umiwas siya noon sa kahit na ano pang klase ng kurso na may kinalaman sa Business. Pero ang hindi niya alam, ang babagsakan niya rin palang trabaho ay kailangang alamin ang mga business process ng iti-test niya. She is currently a Software Test Specialist. Ang mga natatapos na proyekto ng mga Software Developers ay dumadaan sa kanya.
At hindi siya natutuwa sa pamamalakad ng kasalukuyang kumpanya niya ngayon na akala mo ay simpleng paggawa lang ng hotcake ang trabaho niya. Pagkabigay ng mga ito, ini-expect kaagad ng mga ito na tapos na dapat niya ang trabaho kinabukasan o sa susunod na araw. Hindi 'yon gano'n.
"Pakisabi na lang na ang inuuna ko pa lang na gawin ang 'yong binigay sa akin noong nakaraan. Hindi ko pa nasimulan 'yong binigay sa akin kahapon. Isa lang ang katawan at utak ko, Maria," tugon naman ni Zabina.
"Hindi ko pwedeng sabihin kay Boss 'yang sinabi mo. Ako ang mabubugahan ng apoy, Zabina!" Tila natatarantang sagot naman nito sa kanya.
"Hindi mo kaya? Sige, ako na lang ang pupunta at magpapaliwanag. Just save your a*s," inis na sagot niya rito sabay tayo at talikod na.
Naiinis na siya sa Team Lead niya na walang ibang alam kundi ang tambakan siya ng trabaho dahil panay 'Oo' lang lagi ang isinasagot nito sa Boss nila. Palibhasa ay hindi naman ito ang gagawa kaya hindi nito iniisip kung makatarungan pa ba ang pagtanggap nito ng trabaho? Walang matinong timeline. Walang matinong pamamalakad. She is so tired of this.
Dumiretso siya sa opisina ng Project Manager nila.
"Come in," tugon nito matapos niyang kumatok sa pinto ng opisina nito.
Dumiretso naman siya nang pasok nang marinig ang tugon nito.
"Oh, Zabina. What brought you here?" Tanong naman ng babaeng Boss niya sa IT Department.
"I'm here to give you this letter," poker face na sagot naman niya.
"What letter?" Kunot noong tanong pa nito.
"My resignation letter. I am resigning from this company, effective immediately. Hindi ko masikmura ang ginagawa ninyo sa mga tao. Nagta-trabaho kami para mabuhay. Hindi kami nabubuhay para lang magtrabaho. Give us a break," seryosong sabi ni Zabina.
Tumalikod siya kaagad matapos niyang iabot sa Boss niya ang resignation letter na nakahanda na no'ng nakaraang linggo pa. Bumalik siya sa table niya at tila naka-abang naman sa kanya ang Team Lead niyang sipsip at wala namang alam.
"Ano ang sabi ni Boss sa'yo? At ano ang sinabi mo sa kanya?" Tila nag-aalalang tanong nito.
"I just gave her what she's looking for. Someone should step up and voice out. I'm speaking in behalf of the employees. Majority of them are so worn out, but they can't speak up. They are afraid of losing their job. So, I'm out. Bye," nakangiting sabi pa ni Zabina habang nililigpit ang mga gamit niya at nilalagay 'yon sa shoulder bag niyang Christian Dior.
Tatlong buwan pa lang siya sa kumpanyang 'yon. On probation pa lang siya, pero wala siyang pakialam. May karapatan siyang magreklamo at umayaw. Wala siyang masyadong gamit na iuuwi. Hindi naman kasi siya nagdala noon ng mga kung anu-ano. Para mas madali ring mag-alsabalutan anytime. That's her. Madali siyang matanggap sa trabaho, pero mabilis din siyang umayaw. Why is she working when her Mom owns a business? Simply because, she doesn't want to live under the shadow of her Mom and sister. Bakit niya isisiksik ang sarili kung saan alam niyang hindi naman siya magiging masaya? She will continue to live with comparison if she will work under her Mom's business. It will be the death of her.
Paglabas niya ng building ay kaagad niyang tinawagan ang Ate Zara niya.
"Hello, Ate. I'm back to being jobless again," masayang anunsyo pa niya sa kapatid.
"What have you done this time? May inaway ka na naman ba? May sinampal kang ka-opisina?" Nag-aalalang tanong ng kapatid niya.
"Hoy, grabe ka naman, Ate? Wala, papatayin nila ang mga empleyado nila. Bugbog sa trabaho, but unappreciated? No, thanks, bye," kwento pa niya rito.
"Nasaan ka? Let's meet at the Square Cup Café," aya pa ng kapatid niya.
"Your treat? Okay, I will be there in 10 minutes. See you," tugon naman niya kaagad sa kapatid niya.
Her Ate Zara is currently working under her Mom's company. Halos pitong taon na itong nagta-trabaho roon. Ito kasi ang magiging tagapagmana ng mga negosyo ng kanilang ina pagdating ng tamang panahon. Siyempre, the best daughter gets to claim what the mother has. Nagdadamdam ba siya? Hindi niya alam. Basta ang gusto lang niya ay buwisitin ang Mommy at Ate niya.
"Bunso? Ano 'yong sinabi ng Teacher mo na may sinaksak ka raw ng lapis na kaklase mo? Pinapapunta niya ako sa school niyo bukas!" Malayo pa lang ay rinig na kaagad ni Zabina ang malakas na boses ng kanilang ina na kakababa pa lamang sa kotse nito mula sa opisina.
Kaagad naman siyang sumalubong sa ina para magmano. She's currently in Grade 5.
"Mommy, kinwelyuhan po ako no'ng Michael at sinabihan na tomboy," paliwanag naman kaagad ni Zabina.
"Tinawag kang Tomboy tapos sinaksak mo na ng lapis sa braso? Anak naman, nurse ka ba? Bakit nagbabakuna ka gamit ang lapis mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ina.
Yumuko at lumuhod pa ito para maging magkalevel ang mga mukha nila.
"Marami pa siyang ginawa at sinabi, Mom. Naipon lang po 'yong galit ko kanina. He always steal my lunch. Pinunit din po niya noon ang assignment ko. Hirap na hirap kaya akong tapusin 'yon. Kaya kanina, binigay ko na sa kanya ang hinahanap niya. Sakit ng katawan. Ikaw na po ang bahalang magpaliwanag sa Guidance Counsellor, Mommy," paliwanag pa ni Zabina sa ina.
"Noong nakaraan, pinatawag din ako kasi natutulog ka raw sa hallway sabi ng Math teacher mo. Ngayon naman may sinaksak ka ng lapis. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Bunso," umiiling na sagot naman ng kanyang ina.
"Paluin mo nalang po ako sa pwet, Mommy. Kukunin ko lang po 'yong belt," suhestiyon pa ni Zabina sa ina.
At dahil hindi makita ni Zabina ang belt na madalas na pamalo sa kanila ng Ate Zara niya, walis tambo na lang ang kinuha niya.
"Mommy, ito na po," sabi pa niya habang inaabot sa ina ang walis tambo.
"Hindi na. Bukas tayo magkakaalaman kung mapapalo ka ba o hindi, pagkatapos kong kausapin ang teacher mo at ang Guidance Counsellor," tugon naman ng ina.
Kinuha na nito sa kanya ang dala niyang walis tambo at binalik na sa lagayan. Maya-maya pa ay dumating naman ang Ate Zara niya.
"Mi, pinapapunta ka po ni Teacher Helen bukas sa school. Kakausapin po yata kayo," sabi rin nito sa ina.
Tila nag-alala rin naman ang itsura ng ina sa narinig na sinabi ng Ate Zara niya.
"Bakit, anak? May naka-away ka rin ba?" Tanong ng kanyang ina sa kapatid.
"Kaaway? Wala naman po, Mommy. May meeting daw po ang parents bukas para sa mga students with honor," paliwanag pa ng Ate Zara niya.
"Ah, meeting lang? Mabuti naman. Nasa honor ka ulit this Quarter?" Tanong pa ng Mommy nila.
"Opo, 1st honor po," tugon naman kaagad ng Ate Zara niya.
"Nice. Okay, sige. Sa school mo muna ako bukas, saka ako pupunta sa school ni Bunso," sagot din ng kanilang ina.
-
Kinabukasan, naghintay si Zabina hanggang hapon pero wala kahit na anino ng kanilang ina na nagpakita sa school niya. Hanggang sa sinundo na lamang siya ng driver nila at umuwi siya sa bahay. Pati ang Ate Zara niya ay wala pa rin sa bahay. Mukhang natagalan ang meeting ng mga ito sa school ng kapatid niya. Napabuntung-hininga siya.
"Ang hirap namang magpapansin kung wala namang pakialam sa'yo," bulong na lamang ni Zabina sa sarili niya habang nagbibihis siya sa kwarto.
Nilabas na lamang niya ang sketch pad niya at nagsimulang magdrawing. Everytime she feels down, she let it all out in her sketch pad. Madaldal siya, pero minsan alam niyang wala naman siyang mapapala sa mga sasabihin niya. She would still never be the priority.
Bata pa lang siya noon, pero alam na niya ang agwat nila ng Ate Zara niya pagdating sa pagmamahal at atensyon ng kanilang ina. Zabina would always need to do so much effort just to get her Mom's attention. While her Ate Zara doesn't need to do that much, she will always have their Mom's favor no matter what.