Kabanata 18

1706 Words
Kabanata 17 Napakakulit ng kanyang Uncle Hendrick habang nagmi-meryenda sila. Samantalang dati ay hinding-hindi niya makita ang ganoong side nito. Kadalasan dati, tahimik lang ito habang kumakain at kahit ang iba nilang kamag-anak ay bilang ang galaw kapag kumakain na kasabay ang kanyang Uncle. Pero sa buong pagkain nila ng meryenda ay ibang iba talaga ito, sobrang makulit at pinaparamdam sa kanya na hindi siya itsawera at mahalaga siya kaya pinag-aaksayahan siya nito ng panahon. Nakakapanibago pero aaminin niyang masarap talaga sa pakiramdam. Samantalang ang kanyang mga magulang ay hindi man lamang magawa ang bagay na iyon sa kanya, wala nga siyang natatandaan na nakausap niya ng matino ang mga magulang. Matapos nilang mag meryenda ay nagpaalam na siya kay Hendrick na magtutungo sa kanyang silid, natanaw na kasi niya ang kotse ng kanyang mga magulang. Ayaw niyang makausap ang mga ito. Alam naman niya na hindi na ito magtatangkang kausapin siya kapag sinabi ng kanyang Uncle na masama ang kanyang pakiramdam. At saka ang pakay lamang naman ng kanyang mga magulang ay pirma ni Hendrick. Baka nga pagkatapos na pagkatapos na pirmahan ni Hendrick ang dala-dalang papeles ng mga ito ay umalis na para waldasin ang perang nahuthot nito sa lalaki. Agad namang pumayag si Hendrick dahil natanaw na rin nito ang paparating na kotse ng mga magulang niya. Matapos nitong sabihin na ito na ang bahala ay minabuti niya na magtungo na sa kanyang silid. Hindi siya nagbukas ng kanyang cellphone pero minabuti niya na gamitin ang kanyang laptop kung saan siya gumagawa ng mga story. Sikreto lamang ang hilig niya na iyon dahil ng malaman iyon ng kanyang mga magulang ay agad-agad siyang pinatigil ng mga ito dahil wala daw patutunguhan ang kinahihiligan niya. Hindi daw iyon nagbibigay sa kanya ng malaking pera. Iyon ang masakit para sa kanya dahil isa iyon sa mga naging kasangga niya sa malungkot na buhay niya sa piling ng kanyang mga magulang. Kapag nagsusulat kasi siya, pakiramdam niya ay hawak niya ang mundo siya lang ang may karapatang masunod at sa kwento ay nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto. Feeling niya siya ang bida sa lahat ng sinusulat niya, doon lang niya nararamdaman ang pagmamahal ng mga magulang. Na kahit alam naman niya na nilikha lamang ang mga character don, at siya mismo ang lumikha pero damang damahan niya ang bawat scene. Parang totoo lahat sa kanya, lalo na doon sa mga story na nagsisisi ang mga magulang dahil sa mga masamang nagawa ng mga ito sa anak. Talagang hilam ang kanyang luha kapag nagsusulat ng fanoong scene. Inilalagay kasi niya ang buong pagkatao niya sa story. Kaya kahit na pinagbawal iyon ng kanyang mga magulang ay pinagpatuloy pa rin niya. May lihim siyang writing app na doon siya nagpa-publish ng kanyang mga akda. Kumikita din siya kahit papano kaya lang hindi kasi niya ginagawang career ang pagsusulat. Kapag nalulungkot lamang siya at kapag nasa mood lamang siya saka sya nagsusulat. Habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop ay biglang nagningning ang kanyang mga mata. Parang nais niyang gumawa ng love story, at ang naiisip niyang lalaking bida ay ang kanyang Uncle Hendrick. Alam niyang mali pero nangingibabaw sa kanyang puso na nais talaga niyang isulat ang story na iyon. Kaya naman natagpuan niya ang kanyang sarili na nagtitipa na ng keyboard. Kadalasan ang kanyang mga sinusulat ay mga inspirational stories, bihirang-bihira siyang sumulat ng love story. Pero ngayon, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Ang daming dumadaloy na idea sa kanyang isipan at hindi siya matatahimik hangga't hindi niya iyon naisusulat. Kaya naman tuloy-tuloy lamang siya sa pagtipa, nagsimula siya sa kasal nilang dalawa. Iyong pagkagulat niya naramdaman, lalo na noong magkalapat na ang kanilang mga labi. Iyong takot sa natuklasan niyang kasamaan ang kanyang mga magulang at masamang balak ng mga ito sa kanyang uncle. Mukhang ang bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib dahil sa panlilinlang nila sa kanya Uncle ay magiging magaan din dahil sa kwentong iyon siguradong masasabi nila lahat-lahat. Maging ang masamang balak ng kanyang Mama sa kayamanan ng lalaki ay maipagtatapat din niya, sa story nga lang. Tuloy-tuloy siya sa pagtipa, ramdam din niya na bawat pagtipa niya ng kataga ay napakahalaga sa kanya detalyado ang bawat scene. Lalo na iyong nangyari kagabi, mas lalo siyang nag-enjoy sa pagsusulat. At kapag gano'n, nagkakaroon siya ng sariling mundo. Iyon bang wala na siyang pakialam pa sa ibang bagay sa paligid. Kaya naman hindi niya narinig ang mahihinang pagkatok sa kanyang pintuan. Maya-maya ay papalakas na ng papalakas iyon at tila gigil na gigil na. Kaya naman naagaw na niyon ang kanyang pansin, agad siyang kinabahan. Agad niyang ini-off ang kanyang laptop, mahirap na baka malaman na naman ng kanyang Mama na ipinagpatuloy niya ang hilig baka tuluyan na sa kanyang ipabura lahat iyon. "Bubuksan mo ba ito o hindi?!" Halata ang galit sa boses ng kanyang Mama. Gigil na gigil ito pero kapansin-pansin ang halos paanas na boses nito. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagpasya na buksan ang pinto ng silid, mukhang mananakit na naman ang kanyang buong katawan dahil sa pambubugbog nito na nakasanayan na rin naman niya. Pagpihit niya ng senadora ay agad na kusang nagbukas iyon dahil mismo ang kanyang mama na ang tumulak. "M-Ma...." wika niya na 'di na natapos dahil isang malakas na sampal ang iginawad nito sa kanyang kanang pisngi at kasunod naman ang kaliwang pisngi. Halos mabingi siya dahil sa napakalakas na pagsampal nito na natamaan pa nga ang bandang ilalim ng kanyang tenga kaya parang may sounds sa kanyang tenga ngayon. Na naging sanhi para panandalian siyang mabingi. Pero hindi pa nasiyahan ang kanyang mama agad na hiniklas nito ang kanyang buhok at mariin siya nitong sinabunutan. Kasabay ang mga salita nitong halos hindi na niya makain. Pinagmumura siya nito ng husto habang ang kamay nito ay patuloy sa pagsampal sa kanyang mukha. Pagsabunot sa kanyang buhok at kinukurot pa siya nito ng paulit-ulit sa bawat parte ng kanyang katawan na madantayan ng kamay nito. Hindi siya sumagot o anuman pero lumuluha lamang siya hindi na rin siya nagmamakaawa pa dahil kahit na magmakaawa siya ay mas lalo lamang itong manggagalaiti sa kanya. Mas matutuwa pa itong saktan siya dahil para bang tuwang-tuwa ito kapag nakikita siyang nahihirapan. "Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Pinapatayan mo na ako ngayon ng phone ha! Sinabi ko pa lang sa'yo kanina pero ginawa mo ulit tonta ka! Wala ka na ngang silbi, dami mo pang reklamo! Ayusin mo iyang pag-uugali mo na 'yan ha dahil hindi lamang iyan ang aabutin mo! Pasalamat ka na nandiyan si Hendrick. Pinalabas lamang saglit ng iyong papa pero kung wala siya siguradong mata mo lang ang walang latay tang*na ka! Ang lakas ng loob mo na bastusin ako pagkatapos kitang palamunin, pagkatapos kitang palakihin!" sunud-sunod na pagtutungayaw nito at hindi pa nagkasya sa mga pinagsasabi nito dinuraan pa siya. Siya naman at patuloy lamang sa pag-iyak ng tahimik habang nakahandusay sa sahig. Masakit ang parte ng kanyang balat na tinamaan ng palad nito. Maging ang kanyang anit ay pakiramdam niya matutuklap na. Gulo-gulo din ang kanyang buhok, ganon lang kadali pero siguradong magpapasa-pasa na naman ang kanyang katawan sa pambubugbog nito. "Sabi ko sayo, h'wag mo akong galitin ng husto dahil kahit na nandito ka sa poder ni Hendrick, hindi ka pa rin ligtas! Ang daming beses na kitang nasaktan hindi ka pa rin nadadalang walang hiya ka!" Galit na galit na wika pa sa kanya ng kanyang Mama pero mahina pa rin ang bosea nito. Halatang takot pa rin na marinig ito ng kanyang Uncle. "Pagtataguan mo pa akong walang hiya ka! Masama ang pakiramdam! Pwe! Huwag mo akong artehan, ngayon kung ako sayo isakatuparan mo na lang ang nais namin ng Papa mo baka matuwa-tuwa pa kami sayo! Nang may pakinabang ka naman kahit papano, puro ka lang kadramahan sa buhay!" Galit pa rin na wika nito habang nakataas ang kilay. Siya naman ay patuloy sa pag-iyak ni hindi magawang sumagot sa ina. Basta nanginginig ng bahagya ang kanyang katawan. "Makalabas na nga! Aalis na kami ng Papa mo! Huwag ka ng mag inarte diyan, kapag makita ka ni Hendrick diyan makikita mo tatamaan ka na naman saking babae ka!" Singhal pa nito sa kanya at akmang hahablutin na naman nito ang buhok niya. "Ma, t-tama na poooo..." umiiyak na pakiusap na niya dito. Sinamaan lang siya nito ng tingin tsaka padaskol na binuksan na ang pinto ng silid at tuluyan ng lumabas doon. Noon lang siya nakahinga ng maluwag pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ilang sandali pa at narinig na niya ang papalayong tunog ng sasakyan na tiyak niyang sasakyan ng kanyang Papa. Mas lalo siyang naiyak dahil pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Pero narinig niyang tinawag siya ng kanyang Uncle Hendrick kaya inot-inot siyang bumangon mula sa pagkakasalampak sa sahig at inayos ang sarili. Para kung pumasok man ito ay hindi mahalatang may dinaramdam siya. "Honey, okey ka lang ba?" Narinig niyang wika nito pero hindi binubuksan ang pinto. Napahagulhol ulit siya ng mahina, agad din niyang tinakpan ang bibig para hindi nito marinig. Nakakataba lang ng puso na may isang tao nagtatanong kung okey lang siya. Hindi nito maaaring malaman na sinaktan siya ng kanyang Mama. "Okey lang ako Hendrick. Umalis na ba sina Mama? Hindi na ako lumabas kasi medyo inaantok ako eh." Wika niya dito sa normal na boses. Sinikap niyang maging normal ang boses niya para hindi nito mahalata. "Ah gano'n ba? Sigurado bang okey ka lang? Nakita ko kasi si Mama na galing dito sa silid mo. " Wika muli nito na tila tinitiyak pa kung okey lang siya. "Okey lang ako Hendrick, nag-usap lang kami ni Mama. H-Humingi ako ng tawad, alam mo na g-gaya ng sabi mo." Wika ulit niya na pilit na iniiwasang hindi pumiyok ang boses. "Ahh, mas mainam iyon. Sige na honey ko, hindi na kita gagambalain magpahinga ka na diyan." Wika ng lalaki na lalong nagpaiyak sa kanya. Pero hinamig agad niya ang sarili, baka mahalata nitong umiiyak siya. "Sige Hendrick, salamat." Pasasalamat niya dito. Hanggang sa naramdaman niya ang papalayo nitong mga yabag. Siya naman ay tuluyan ng napabunghalit ulit ng iyak. ITUTULOY

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD