INSTANT BOYFRIEND (CHAPTER 6)

3373 Words
CHAPTER 6   Mabilis ang pagdaan ng araw. Namimiss ko na si Bruce. Hindi ko nga alam kung seryoso siya sa mga sinabi niya noong graduation naming pero binigyan ako no’n ng pag-asa. Pag-asa na siyang nagpa-excite sa akin na sana pasukan na. Gusto ko na siyang makitang muli. First day noon, nang first year college na ako ay pumili ako ng mauupuan sa likod at malapit sa pintuan. Mahiyain kasi talaga ako kaya iniwasan kong umupo sa harap. Bakante pa ang katabi kong upuan sa kanan noon. Nang dumating ang aming instructor ay tumahimik ang lahat. May hawak siyang classcards naming. “I will be calling one by one and when I call on your name, please stand and introduce yourself, okey?” “Yes, ma’am.” Sabay-sabay na sagot ng aking mga kaklase. Hindi ko man lang nagawang ibuka ang aking labi. Inisa-isa niyang tinawag ang mga pangalan.Tumayo ang natawag. Nagpakilala at nagtanong ng ilang impormasyon. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako. Ito kasi yung ayaw ko. Yung nagpapakilala at tinitignan ng karamihan. Yung nagiging sentro ang atensiyon. Ngunit wala naman akong magagawa kundi ang sumunod. Kailangang makilala ako ng instructor namin at nang aking mga magiging kaklase. Natigilan ako nang tinawag ang pangalang Bruce Cruz. "Here ma'am." Boses malapit sa pintuan. Napalingon ako. Nakita ko siya. Ibig sabihin seryoso siya sa sinabi niya noong Graduation. Biglang bumilis na naman ang t***k ng aking puso. Hindi ako makahinga. Sa higit dalawang buwan naming hindi pagkikita ay parang lalo siyang nagkalaman. Lumaki ng bahagya ang katawan at mas umangat ang kanyang kapogian. Nagtama ang aming mga paningin. Ngumiti siya. Lumabas ang mga malalalim niyang biloy at ang mapuputi niyang pantay na ngipin. Kumindat siya sa akin. Ngumiti lang ako. Noon alam kong may kasangga na ako. May bubuo na sa bawat araw ko. May inpirasyon na ako sa pagpasok ng maaga. "Ayos at umabot pa." Pahabol niya na nadinig ng iba naming kaklase kaya sila natawa. Umupo siya sa tabi ko. "Kita mo? Magkaklase tayo di ba?" bulong niya sa akin. Kinikilabutan ako lalo pa't naamoy ko ang kaniyang pabango. Ni hindi ko siya malingon sa nararamdaman kong nerbiyos.   Dahil first day namin ay sinabihan kami ng instructor namin na bibigyan kami ng 15 minutes to ask question sa kaniya o sa mga kaklase namin para kahit papaano ay magkakapalagayang loob kaming lahat. Nagsimulang umingay ang buong klase.   "Kumusta ang bakasyon Jinx." Pamamasag niya sa katahimikan ko. "Ayos lang. Ikaw?” “Eto, nag-gym. Ayos ba?” inilabas pa niya ang bicep niya. Tipid ang aking ngiti.  “Kumusta na kayo ni Jane?" "Jane?” “Oo, si Jane. Yung…” “Ah si Jane,” hindi na niya pinatapos ang dapat ay sasabihin ko pa sana. “Yung ex ko. Wala na kami just before our graduation." “Talaga? Anong nangyari?" "Hindi ko pala talaga siya mahal.” “Hmmn, okey kaya mo siya hiniwalayan?” “Nope. Siya ang nakipaghiwalay. Sabi niya, she deserves better.” “Hindi ka nasaktan?” “Honestly? Hindi. Siguro kasi, may gusto akong iba kaso mukhang kumplikado e."   "Pa’nong naging kumplikado?" "Wala lang. Matagal ko nang crush 'yun. Siguro, first year high school pa lang kami." "Puppy love?” “No, I really belive that he’s my true love.” “He? You mean…” “Yes, nabigla ka ba?” “I didn’t expect it.” “Well alam kong hindi mo talaga expect kasi nga I was dating Jane then.” “Kilala ko ba siya?" "May kilala ka bang initial na J.R." Naalala ko yung nabasa kong isinulat niya slum book. "Kung initial lang na JR, marami.” “At sure ako na kilala mo siya.” “Talaga, sino?” Ngumiti lang siya. Huminga ng malalim. "Pinalipat ako ni Mama ng school nang 2nd year high school hanggang third year high school dahil nga nalipat siya ng trabaho.” “Ah okey, that explains kung bakit ka biglang nawala.” “Oo. Nawala ko pero hindi natanggal sa isip ko yung crush ko na si JR kaya lumipat at bumalik uli ako sa school natin.” Tumango ako. Nagdadasal na sana ako ang binalikan niya pero naging sila ni Jane na JR din naman ang initials. “Si Jane ang binalikan mo, hindi ba?” “Of course not kasi kung siya talaga, hindi dapat ako hiniwalayan. Naging kami lang naman ni Jane dala ng kantiyaw ng mga pinsan ko. Lahat kasi sila may mga girlfriend na at ako na lang ang wala. Dahil sa madalas naming nakakasama si Jane sa mga jamming namin kaya naisipan nilang ipareha siya sa akin. Hayon to make it official, niligawan ko siya bago ang pasukan noong 4th year tayo. But it was indeed a mistake, I never love her. Kahit turuan ko ang puso ko, wala talaga." "Niligawan mo at shinota ta's hindi mo naman pala mahal. Kawawa naman 'yung tao." “Exactly, kawawa siya pero I never ever let her feel that way. Dahil nga sa sobrang ingat ko na mahalata niyang hindi ko siya mahal, nasobrahan ko siyang beybihin hanggang lumaki ang ulo, masyadong nang mahirap pang i-handle. Gano’n pala ‘yon ano. Kung di mo mahal ang tao, you won’t able to give your best. Yung parang ang hirap gawin kahit mga simpleng demands lang niya. Hanggang sa siguro siya na rin ang nakahalatang di talaga kami swak.” “Basta ka na lang ba hiniwalayan?” “No naman. Siya actually ang unang nagluko. Kaya ako nagkaroon ng dahilan na hiwalayan na lang siya dalawang araw bago graduation natin. Saka alam ko, si JR talaga ang gusto ko.” “Sino kasi talaga yung JR na ‘yan?” “Mailap. Laging naiwas. Pero kahit anong gawin kong isipin na ayaw niya sa akin kasi hindi ako makaporma, siya pa rin talaga ang gusto ko. Hindi na nga lang gusto e, alam kong mahal ko na siya.” Tumingin siya sa instructor namin na nakababa ang salamin sa may ilong niya na nakikipag-usap din sa iba naming mga kaklase. Saka siya muling tumitig sa akin. “Alam mo bang yung si JR panay ang iwas pero panay din lang ang tingin sa akin. Lagi ko kayang nahuhuli na nakatingin sa akin kaso umiiwas lang talaga siya kapag nilalapitan ko at iyon ang hindi ko talaga alam kung bakit." Napalunok ako. Alam kong ako na ang binabanggit niya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanyang na diretso. "May pagkakataon na sana magkakilala kami at maging magkaibigan kung hindi lang dumating si Jane. Nakita ko na siya noon sa canteen kaya gumawa ako ng paraan para may rason na magkakilala kami. Nasobrahan kong ibinunggo ang tray sa kaniya pero siya din pala ay kumilos palapit sa akin kaya hindi ko nakontrol ang pagtapon ng coke sa akin. Sayang ang plano. Dapat no'n siya ang matatapunan ng coke dahil nagkataong may dala akong reserbang uniform na ipapahiram ko sana sa kaniya. At kung sana hindi dumating si Jane. Nagmiryenda na lang sana kami sa malapit na fastfood sa school para kunyari pambawi niya sa kasalanan niya sa akin. Pulido na sana ang planong yun 'eh! Kaso pumalpak!" Hindi ko alam ang magiging reaction ko no'n. Ni hindi ko siya kayang tignan habang nagsasalita siya. Torpe lang talaga ako. Ngunit masaya ako na naririnig siya ako pala talaga ang tinutukoy niya. “Pero bakit umuwi ka kung may dala ka naman palang reserbang uniform?” “Hindi naman talaga ako umuwi no’n. Nagpalit lang ako sa CR.” “Talaga? Ibig sabihin ako talaga ang gusto mo?” Tumango siya. "Bakit ba ang ilap mo? Lagi kang umiiwas sa akin?” “Nahihiya ako. Isa pa, kayo na ni Jane. Ayaw kong makagulo ng relasyon.” “Bakit? Pwede naman sana tayong maging magkaibigan hindi ba? Sobra yung ginagawa mong pag-iwas na parang may sakit akong nakakahawa. Alam mo bang naisip ko no’n na baka naiilang ka dahil kay Jane o maari ding nagkamali ako ng hinala na may gusto ka din sa akin. Pero alam ko, ramdam kong iba yung lagkit ng mga panakaw mong sulyap at titig sa akin." Sasagot na sana ako pero nagsalita na muli ang instructor namin. Tapos na daw ang 15 minutes. Naisip ko, 15 minutes na agad 'yun? Hindi ba pwedeng humingi ng kahit isang minuto lang para masabi ko rin sa kanya ang niloloob ko? Umayos siya ng upo. Inilabas na niya ang kanyang notebook. Hindi ko na siya kinausap pa nang tahimik siyang nagsusula. Hanggang narinig ko na lamang ang ginawa niyang pagpunit sa page ng notebook niya. Nilagay niya sa ibabaw ng notebook ko ang natuping papel. "Ano 'to?" bulong ko. "Basahin mo. Para sa'yo" Binuksan ko at binasa ko ang sulat niya sa akin. "Alam kong gusto mo rin ako. Hindi lang kita crush Jinx. Gusto kita. Mahal kita. Kaya ako sumunod sa'yo hanggang dito. Apat na taon na akong nagtitimpi. Apat na taon na akong nahihirapan. Kung hindi mo talaga ako gusto, ibalik mo sa akin ang note na ‘to na may word na “ NO” at pangakong titigilan kita. . Nahihirapan na kasi ako sa ganito e. Hindi ko na kaya yung pag-iiwas mo. Sana naman this time magpakatotoo ka kasi I deserve you. I know, we really into each other." Para akong himatayin sa nabasa ko. Alam kong iba ang mga titig niya sa akin noon ngunit pinilit kong paglabanan dahil nahihiya ako. Ako man din ay hindi sigurado kung ano ba ako sa kanya. Siguro dahil din sa natatakot ako kay tatay dahil sa pauli-ulit niyang pangaral sa amin na dapat kung ano ang kasarian namin nang ipinanganak ay dapat ganoon kami paglaki. Bawal ang bakla sa bahay. Ngunit kinikilig ako sa nabasa ko. Inipit ko iyon sa akin notebook. Hindi ko maitago ang saya sa aking labi. Nakangiti akong nakatingin sa pisara. "Ano? Sagutin mo naman ako," bulong niya sa akin. Muli kong kinuha ang note na ibinigay niya sa akin. Nanginginig ang kamay kong nagsulat. Parang hindi ko kayang isulat ang maikli kong sagot. "YES." Maikli kong sagot. Nanginginig ang kamay kong inilagay ang papel sa ibabaw ng kaniyang notebook. Hindi ko siya magawang tignan sa mukha. Nanlalamig na naman ang mga daliri ko. "YES?" pabulong. “Anong yes?” Napalingon ang mga kaklase namin. Ako man din ay nagulat. Ang instructor namin na abala sa pagsusulat sa whiteboard ay napalingon sa amin. "Sorry ma'am." Paghingi niya ng paumanhin. "Do you want to share it with us Mr..." "Mr. Cruz po...” “Okey, share with the class. What is the good news na napasigaw ka pa ng yes?” “Wala ma'am. Papansin lang po.” “Are you using your phone in my class?” “No ma’am.” “I suggest you keep your mouth shut. I gave you 15 minutes na para mag-ingay and I only have…” tinignan niya ang orasan niya. “I only have 23 minutes left kaya manahimik ok? “Pasensiya na po. Masyado kasing tahimik ang klase ma’am." "In that case, I will be assigning you as the first reporter next week." “Seryoso po?” “Mukha ba akong nagbibiro?” “Mukha ka pong magandang mataray ma’am.” Nagtawanan ang mga kaklase naming. Pati ang teacher namin ay kinilig din. Sa gwapo ni Bruce, sino naman ang hindi kikiligin. “Okey, after my class, kunin mo sa akin ang topic mo, okey?” “Patay!" bulong niya. "Nandito ako, kaya natin 'yan." Bulong ko. Kinindatan niya ako. Sinuklian ko ng matamis kong ngiti. “Ano nga yung yes?” pangungulit niya. “Yes, gusto kita.” Sobrang hinang bulong ko dahil baka marinig ng iba naming kaklase. “Ano?” “Akin na yung papel.” Mabilis niyang inabot sa akin ang note niya sa akin. Dinagdagan ko ang isinulat kong “YES” ng “MAHAL DIN KITA”. Napasuntok siya sa kanyang upuan. Napalingon na naman lahat at ibinaba ng instructor naming ang kanyang salamin. “You, doon ka sa likod.” Itinuro niya ang mataba at matangkad naming kaklase. “Mr. Cruz, I want you to seat here in front. Hanggang ako ang teacher mo, dito ka hanggang matapos ang semester, okey? “Luh si ma’am. Bawal maging masaya?” “Bawal maingay.” “Ma’am naman. Please, promise, hindi na ako mag-iingay.” “Okey, warning na ‘yan sa’yo or else, ikaw ang pauupuin ko dito sa harap.” “Promise ma’am , hinding hindi na po ako mag-iingay.”   Pagkatapos ng aming klase ay niyaya niya agad ako sa canteen. Nahihiya ako sa kanya. Ni hindi ko kayang iharap ang aking mukha. “Wait me here ako na ang bibili ng pagkain natin. Anong gusto mo?” “Sama na lang ako, hindi ako sanay na ako ang binibilhan ng miryenda.” “E, di sanayin mo ang sarili mo? Ano ngang gusto mo?” “Spaghetti, turon at coke.” “Okey, sige. Reserve this seat for me.” Tumango lang ako. Parang ipinaghehele ako ng mga oras na iyon. Sinong hindi mapa-proud na magkaroon ng karelasyon na kagaya ni Bruce. Gwapo, matangkad, may kasosyalang magsalita at kumilos. Ilang sandali pa ay bumalik na siya dala ang mga gusto kong kainin. Hinalo na muna niya ang sauce at cheese ng spaghetti ko bago niya ibinigay sa akin. Naalangan ako. Nagawa ko pang lumingon sa iba at baka nahalata nila ang ginawa niyang iyon. “Why?” tanong niya nang palingon-lingon ako. “Nahihiya kasi ako, baka kung anong isipin nila.” “Mahalaga pa ba ‘yon? Hayaan mong isipin lang nila ang gusto nilang isipin. We have each other at hindi sila kasama sa buhay natin. They have their own business and life to attend to?” “Bakit nga pala ganyan ka magsalita? Ang hilig mong mag-english?” “Lumaki ako sa Dubai. Umuwi lang kami rito noong First year ako kaya siguro medyo hindi ko kayang magtagalog ng dire-diretso but still, I am trying.” “Kaya pala.” “Yes, can I ask something too?” “Ano ‘yon?” “Bakit ang ilap mo noon?” “Nahihiya ako. Saka may girl friend ka, sa tingin mo, makikigulo pa ako?” “Pero tama hindi ba? Gusto mo rin ako kahit noong first year pa lang tayo?” Tumango ako. “See? I knew it!” Sumubo siya sa sandwich na binili niya. Sumubo din ako sa spaghetti ko. “Opps wait.” Inilabas niya ang kanyang putting panyo. “Why?’ “May sauce ka sa baba at gilid ng labi mo.” Tumawa siya. Pinunasan niya iyon. Nataranta ako. “Napaka-messy mo kumain ng spag. Okey. Here you go.” Ipinakita niya sa akin ang panyong may bahid nang sace. “Hindi k aba nahihiya?” “Why should I?” “Kasi… basta.” Huminga ako ng malalim. Natatakot ako nab aka makita ako ng kapatid kong nasa High School Department lang. “Natatakot ka ba?” “Oo e.” “Kanino?” Hindi ko alam kung kailangan kong i-open sa kanya ang tungkol kay tatay. Pero sa tingin ko, kailangan niyang malaman ngayon pa lang. “May magiging problema ba tayo?” “Ayaw kasi ni tatay yung ganito?” “Yung magkarelasyong kapwa lalaki?” “Oo. Sundalo kasi siya at hindi niya gustong may babakla-bakla sa mga anak niya. At alam kong hindi niya magugustuhan kung malaman niya ang tungkol sa atin.” “Okey. Hanggang kailan natin itatago?” “Parang hindi pa yata pwede?” “Hindi pwedeng alin?” “Yung ganitong set-up? Yung tayo na agad?” “Kung ang problema mo ay tungkol sa hindi tayo maintindihan ng tatay mo, pwede naman nating itago.” “Paano? Hindi mas madali kung mag-aral na lang muna tayo?” Nagulat siya. Nawala yung ngiti sa labi niya. “Magbe-break na ba tayo agad?” tumingin siya sa orasan niya. “Hindi man lang tumagal ng isang oras?” “I’m sorry.” “I think you don’t love me that much para ipaglaban yung sa atin.” “You don’t understand.” “Then tell me something kung bakit tama ang desisyon mong hindi pwedeng maging tayo.” “Hindi ko naman sinasabing hindi tayo pwede, baka lang kasi pwedeng i-postpone na lang muna?” “Then tell me untill when?” “Hanggang kaya na natin?” “Kaya nating ano?” “Tumayo sa sarili nating mga paa. Na kahit palayasin tayo, kaya na natin mabuhay.” “Do you think gagawin ng tatay mo iyon sa’yo?” “Hindi ko alam pero sa tingin ko, kaya niya.” “Gano’n siya kagalit sa kagaya natin.” “Maybe, kaya pwede bang friends na lang tayo?” “Friends? Alam mo ba kung gaano kahirap ang hinihingi mo? We’ve been strangers for four years. Four long years ang nawala sa atin at ngayon gusto mong magkaibigan na lang tayo?” “Kung yun ang makakatulong para mas matagal yung pagsasama natin.” “I don’t understand. Lagi ba natin makasasama ang tatay mo?” “Hindi naman…” “Exactly. Kung kaya ng iba na straight diyan na itago ang kung anong meron sila for several years habang nag-aaral, tayo pa kaya na di naman halata?” “Hindi naman talaga tayo halata, sana… pero yung…” “I get it, you don’t want me to be obvious. Ayaw mo yung ganito, yung tulad ng ginawa ko kanina.” Tumango ako. “Then, I’ll stop.” “Salamat.” “So, okey na tayo? We can be lovers but in private, right?” “Thank you.” Huminga siya ng malalim. “I don’t wanna lose you. Kung kaya natin ayusin at pag-usapan please ayusin natin. Break up is not always the best solution kaya sana lagi tayong ganito.” “Promise. Ayaw ko lang kasi na mabibigla ka na lang sa ipapakita sa’yo ng tatay ko kung sakali mang mabuking tayo.” “Okey lang sa akin mapagalitan, huwag mo lang akong i-give up.” “I won’t.” “Talaga?” natawa siya. “Bakit ka natatawa?” “You almost did. Tapos sasabihin mo sa akin na you won’t” Ngumiti ako. “Basta ha, huwag mo nang ulitin yung pagpapaka-sweet kanina kasi baka makita kita ng kapatid kong dito lang din nag-aaral.” “May kapatid ka din pala rito?” Tumango lang ako. “Lalaki?” “Oo pero masahol pa siya sa babae kung pakialaman ako at pagsabihan.” “Older than you?” “Mas bata.” “Pero hawak ka niya sa leeg?” “Hindi naman hawak sa leeg. Paborito lang siguro siya ni Tatay.” “Ah okey. I see your point.” “Tara bilisan na nating kumain dahil mahuhuli na tayo sa next class natin.” “Sige.” Ngumiti ako. “Huh! Kinabahan ako do’n ha? Don’t do it again please?” “Hindi na, pangako.”   Pagkatapos ng klase naming iyon at pumasok kami sa susunod naming subject ay parang nagugulat pa din ako. Naaasiwa? Siguro. Inspired? Pwede. Kilig much? Sigurado. Hindi ko masalubong ang kaniyang mga titig sa akin. Tuloy walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ng mga instructor namin. "Bakit ba ayaw mong tumingin sa akin kapag tinitignan kita?" bulong niya sa akin sabay siko habang hinihintay namin ang instructor namin sa huling subject namin sa araw na iyon. "Nahihiya ako." "Bakit kailangan mong mahiya.” “Basta.” “Dapat nga ako ang mahiya sa'yo kasi mas guwapo ka pa sa akin.” “Hindi ah.” “Tignan mo ako, ta's ngumiti ka." “Ayaw ko." Pag-iinarte ko. Hindi pala sa nag-iinarte, hiyang-hiya ako. "Sige na. Isang tingin at ngiti lang.” “Kulit, ayaw ko nga.” “Nakaka-inlab kaya ngiti mo. Sige na!" pangungulit niya. Nilongon ko siya saka isang pilt na ngiti. "Wow! Sarap!" "Ulol!" bulong ko. Napangiti ako sa kilig. "Tama. Nauulol na ako sa pagmamahal ko sa'yo." "Korni mo ha!" "Ganun talaga kapag inlab." Unang date namin ay nangyari kinagabihan pagkatapos naming nagka-aminan sa matagal naming kinimkim na pagkakagustuhan. Limited lang ang allowance namin at hindi napaghandaan kaya sa Mc Do ang lang ang nakayanan. "Ah! Nganga ka baby ko!" "Bakit?" nagkunyari lang na di ko alam. May hawak siyang French fries. Siyempre susubuan niya ako. "Sige na! Ibuka mo lang ang bibig mo." "Huwag baka makita tayo.” “O sige ako na lang, susubuan mo ako. Ahhhh" nakanganga na siya. "Ano ba makita nga tayo." "Asan ang makakakita e nakatalikod sila sa atin at nasa dulo tayo. Sige ka, hindi ko na ito isasara pa, ahhhhhhhh!" Lumingon-lingon ako at nang sigurado akong walang nakatingin sa akin ay mabilis kong isinubo ang mainit-init na fries. "Aray!" reklamo niya. "Sorry!" nahihiya kong bawi. Dahil sa kamamadali ay sa ilong niya pumasok ang mainit-init na French fries. "Lang hiya naman baby! Sa ilong talaga isaksak e' anluwang ng bunganga kong nakanganga. Sa pangong ilong ko talaga?" Dinaan na lang naming sa tawanan. Dahil maaga pa ay nagyaya siyang manood kami ng sine. Dahil sa nerbiyos ay hindi ko maintindihan ang pinanonood namin. Kumakabog ang dibdib ko at parang hindi talaga ako mapakali. Panay ang lingon niya sa akin. Nang naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko ay mabilis kong binawi at luminga sa mga katabi namin. Natatakot akong baka makita nilang magkahawak kami ng kamay. "Makita tayo, ano ka ba!" bulong ko. "Ilagay mo yung kamay mo dito sa ilalim ng patungan ng kamay, bilis na!" bulong niya. Lumingon ako. Ipinatong ko ang backbag ko sa aking kamay para hindi halatang nakasuksok ito sa ilalim ng kamay ng upuan namin. "Bakit ka nanlalamig at nanginginig?" tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay. Nakatulong iyon para mabawasan ang tensiyon at nerbiyos kong nararamdaman. "Sorry, hindi lang sanay." "First time mo ba makipaghawakan ng kamay?" paanas niyang binulong sa tainga ko. Para akong kinuryente sa sensasyon lalo na nang halos maidampi na niya ang labi niya. Tumayo ang balahibo ko. "First time ko lahat ng ito. Ninenerbiyos ako." Nang nagtagal ay naramdaman kong nakikipagpisilan na din lang ako sa kaniya ng kamay. Para akong nasa langit at hindi ko na lang pilit intindihin ang pinapanood namin. Ang importante ay katabi ko ang mahal ko at hawak niya ang aking palad. Masaya na ako doon. "CR tayo?" bulong niya. "Hindi ako, naiihi." Sagot ko. "Samahan mo ako." Tumayo kami. May mga katabi kasi kami kaya medyo tipid ang galaw namin. Walang tao sa CR nang pumasok kami. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti din naman ako pero mabilis kong ibinaling ang tingin ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Halika, bilis!" niyakag niya ako. "Saan?" tanong ko pero alam kong sa cubicle niya ako ipinapapasok. "Halla ka! Baka may makakita sa atin." Reklamo ko nang nasa loob na kami ng cubicle. Hinawakan niya ang kamay ko. Nanginginig na naman ako. "Tumingin ka sa akin, please?" Pakiusap niya. Tumingin ako pero sadyang hindi ko matagalan. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapikit na ako. Sobrang kabog ng dibdib ko at parang nagsitayuan ang mga balbon ko sa kamay. Handa na ba akong sumabak sa isang relasyon o masyado pang maaga at ito ag pagsisihan ko habang buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD