CHAPTER 9 JINX POINT OF VIEW Kinagabihan, lalo akong nalungkot. Umasa kasi akong ganoon lang siya kadaling suyuin. Na kung magso-sorry ako at magpapakumbaba ay maging ayos na uli kami. Hindi pala ganoon iyon at hindi ko alam kung paano ko pa siya lalapitan uli. Nahihiya na akong kausapin pa siya. Doble na yung sakit na nararamdaman ko. Hindi kasi madali sa akin ang magbaba n pride pero ginawa ko. Nilulon ko ng buum-buo kaso napahiya lang din ako. Nang sinubukan kong buksan ang f*******: ko at nagbakasakaling tignan ang account niya ay nagulat ako. Hindi na ako naka-block pa. Nakikita ko na ang mga public posts niya. Nagbigay iyon sa akin ng katiting na pag-asa. Hindi kaya gusto lang niya akong pahirapan? Hindi kaya kailangan ko lang rin iparamdaman muna sa kanya na hindi lang siya ga