Chapter 10 Jinx Point of View Kinabukasan, maaga akong nakarating sa park kung saan muna kami magkikita at mag-uusap. Sobrang excited kasi ako. Kagabi nga hindi na maayos ang tulog ko. Kahit nag-alarm ako, panay pa rin ang tingin ko sa oras sa cellphone ko. Malapit lang sa amin ang park na iyon sa harap ng University of Makati. May mga ilang estudiyante roon ang naabutan ko nang parang nagde-date rin. Umupo ako sa isang bench. Inayos ko ang buhok ko. Gusto ko kasi yung nakatayo sila na parang bagong gising lang. Inapuhap ko kung tama ang pagkakaayos ng kuwelyo ng aking itm na polo shirt na binagayan ko ng may kahipitang blue faded jeans. Itim din ang aking rubber shoes. Muli akong tumingin sa palid. Ilang minute na kasi akong naghihintay. Nakapag-text na rin ako nang p