Wala na na talagang ibang paraan para maka-sundo ko ang mga kapatid ko? haaay! Akala ko matutulungan ako ni Billy, hindi naman pala.
Billy: Sir Nathan, diba bibili ka ng ice cream? Kasi itong si Ran gusto daw nya ng ice cream eh. Sana naman ma-gets mo ang gusto kong sabihin.
Ano bang pinag-sasabi nitong babae na toh? Kailan ko sinabi sa kanya na bibili kao ng ice cream?
Billy: diba Sir, sabi mo bibili ka? Hay, naku naman! Muka namang matalino tong si Nathan pero bakit ang bagal nyang pumik-up?
Nathan: ah, oo! I’ll buy some ice cream later, wanna come with me Ran?
Ran: yes. I want strawberry ice cream. But I’ll go with you basta kasama si Nanny.
Nathan: that is if your Nanny Billy wants to go with us.
Ran: Nanny, please?
Malamang sasama ako, eto na yung first step ni Nathan para mapalapit ulit sa bunso nyang kapatid pipigilan ko pa ba? saka diba, ako ang naka-isip nito, so malamang dapat panindigan ko.
Billy: ok, I’ll go with you. Sir Nathan, ask Monina if she also wants to go with us, Gio too. I think it’ll be nice kung kasama din sila.
Nathan: please ask them Billy to come with us?
Billy: why me?
Nathan: as if naman na papayag yung dalawa kapag ako ang umaya.
Billy: eh gano ka rin naman kasigurado na sasama sila kapag ako ang umaya sa kanila? Hay…naku naman!!! Billy, pigilan mo ang sarili mo, kaharap mo ang sweet mong alaga.
Ran: nag-aaway ba kayo Nanny?
Billy: no baby! Sige na Nathan, ikaw na ang umaya dun sa dalawa, mauna na kami ni Ran sa labas. Akala mo naman maiisahan mo ako,bhelat!
Ran: go kuya!
Ako pa talaga ang kailangan na umaya sa dalawa? Go Nathan, kaya mo yan!
Nathan: ahm, Monina, Gio lets go buy ice cream.
Monina: where?
Nathan: where do you want to buy?
Monina: sa Glorious Mall!
Nathan: ok, sa Glorious Mall tayo bibili. How about you Gio?
Gio: I’ll go with you!
Nathan: I also wanna say something sibs. I just want to say sorry, because I’ve never been a good kuya to all of you. Please give me another chance to show my love for you guys.
Monina: ang drama mo kuya, hindi bagay.
Tingnan mo tong si Monina, seryoso ako dito tapos sasabihan ako ng ganon, hay!
Gio: just promise us na hindi mo na ulit kami sisigawan at pagbubuntunan ng inis mo.
Madali naman palang kausap ang dalawang toh eh, ice cream lang pala ang katapat pinahirapan ko pa ang sarili ko. Itulad mo naman kasi sayo Nathan ang mga kapatid mo, ikaw ang matanda ikaw tong sira ulo.
Nathan: tara na, baka umiiyak na si Ran.
Gio: hindi ba pwedeng mamaya, tingnan mo nga kuya yung suot natin?
Nathan: ok naman ah, ayaw nyo ba non, hindi tayo mukang mayaman.
Monina: ok na to kuya Gio, bibili lang naman tayo ng ice cream eh.
Gio: ok, fine! Tara na!
Pagdating naming tatlo sa garahe, nakita ko na naglalaro si Billy at Ran ng basketball. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ni Billy kapag ngumingiti, ang ganda din pala nya kahit sa malayuan. Nathan, ano ka ba naman, pati yaya ng kapatid mo pinag-nanasahan mo na. May girlfriend ka na diba, si Trixie? Hindi ko kaya girlfriend yon, fling lang yon, flavor of the month ba.
Gio: ate Billy, tara na!
Billy: ha? Aalis na agad tayo? Teka lang, papalitan ko lang ng damit si Ran, basa na ng pawis eh.
Monina: bilisan nyo ate Billy.
Billy: ok Mons, let’s go upstairs Ran. Palit ka na ng damit mo, ang asim mo na naman.
Ran: ok.
After kong palitan ng damit si Ran, nagpalit na rin ako ng damit, kasi pinagpawisan din ako sa pakikipag-laro aming Ran. Pagbalik namin ni Ran sa garahe, nakita ko na nag-uusap yung tatlo, akalain mo yon, magkaka-sundo na agad sila. Hindi naman aming kailangan ng kumag na yon ang tulong ko eh, pinahirapan pa akong mag-isip ng paraan.
Ran: kuya Gio, kuya Nathan, Ate Mons, lets go. I want ice cream.
Billy: wag ka ng tumakbo Ran, pagpapawisan ka na naman nyan eh.
Ran: sorry Nanny.
Nathan: tara na.
Si Nathan ang driver, si Gio sa front seat at kaming tatlo naman ni Mons at Ran sa back seat. Bakit wala man lang nagsasalita sa kanila?
Billy: ahm, okay amin kayong magka-kapatid? Hindi ako maka-tiis eh, bakit ba!
Gio: yes Ate Billy! Nag-sorry na kasi si kuya, so okay na kami.
Billy: that’s nice to hear then.
Akalain mo yun, marunong palang mag-sorry si Nathan! Dapat noon pa sya natutong humingi ng tawad para naman hindi na nagtagal yung misunderstanding nila.
Nathan: nandito na tayo.
Gio: coffee flavor ang sa akin.
Monina: sa akin chocolate.
Ran: strawberry sa akin. Sayo Nanny, anong flavor?
Billy: walang dalang pera si Nanny, saka masyado pang maaga para kumain ng ice cream eh.
Gio: don’t worry, si Kuya naman ang magbabayad eh. Saka wag ka ng tumanggi, minsan lang naman to eh.
Monina: oo nga naman ate Billy, bawal ang KJ ngayon.
Billy: ok! Ano pa bang magagawa ko diba, pinag-tulungan nyo na ako.
Nathan: so, anong flavor sayo?
Billy: ahm…
Ran: nanny, strawberry na lang din sayo.
Nathan: Ran, let her decide ok.
Ran: ok!
Billy: mango flavor na lang.
Monina: yuck ate Billy, hindi kaya masarap yung mango flavor.
Gio: ano ka ba Mons, hindi naman ikaw ang kakain nun eh.
Monina: eh syempre manghihingi ako sa kanya, hindi ka naman kasi marunong mamigay kapag ice cream, para kang si Ran.
Billy: Coffee flavor na lang din ang sa akin.
Nathan: are you sure?
Billy: yeah!
Bakit ba kasi ang ganda-ganda ni Billy sa mata ko? Sana ako na lang si Ran. Grabe ka Nathan, pati sa kapatid mo naiinggit ka, malala na ang sakit mo sa utak, magpatingin ka na! Kailangan maka-isip ako ng paraan para masolo ko si Billy para maging mas close pa kami. Hindi na kayo magiging close, gago ka kasi eh, takutin mo ba naman at halikan! Oo nga pala, nahalikan ko sya kagabe. Sana maulit muli! MANYAK KA NATHAN!!! MANYAK!!! Hahaha! Pero seryoso, hindi ko alam kung bakit parang may iba akong nararamdaman kapag nakikita ko sya, at kapag malapit sya sa akin; bago lang sa akin ang pakiramdam na to kaya hindi ko ma-explain. Kayo, alam nyo ba kung ano tong nararamdaman ko?