They Love Her, They Love Me not!

1241 Words
Sa Cebu City, sa bahay nila Billy Papa: Lintik na Belinda na yan, napaka-sutil talaga! Hindi man lang ba nya naisip na pwede akong ipapatay ni Mayor dahil sa ginawa nyang kahihiyan? Mama: Papa, alam naman natin pareho na mali ang gusto mong mangyari. Papa: isa ka pa Marcela, bakit ba pinalaki mong napaka-tigas ng ulo ang anak mong yan? Mama: wag mong ibunton sa akin ang lahat ng sisi. Kasalanan natin pareho kung bakit lumaki ng ganyan si Belinda. Puro sugal ang inaatupag mo mula noon, tapos ang ipambabayad utang mo ay ang kaligayahan ng mga anak mo. Sinampal si Mr. Garcia ang asawa nya. Papa: wag mong halukayin ang galit ko Marcela, dahil baka pati ang kaligayahan mo ay ipambayad-utang ko. Mama: ganon ba? wala ka ng ibebenta Arsenio, wala na si Belinda, tulala na si Anita. Wag ka na ring mag-alala dahil aalis na kami dito ni Anita para wala ka ng ibang iintindihin maliban sa pagsusugal mo. Papa: sige, lumayas kayo, kayo ang malas sa buhay ko, simula ng dumating kayo sa buhay ko minalas na ako. Sige, lumayas kayo nyang tulala mong anak. Mama: hindi mo na kami kailangang ipagtabuyan dahil kusa kaming aalis dito. Hindi na ako magtataka kapag nalaman ko isang araw na lumulutang ang bangkay mo sa ilog o kaya naman ay taong grasa ka na. Papa: lumayas ka na sa harapan ko Marcela. Eh pagkasama-sama naman pala talaga ng ugali ng ama ni Billy. Eh baka kung ako ang anak ng halimaw na sugarol na toh eh nag-hire na ako ng assassin at pinapaslang ko na to, ng hindi na dumami ang lahi nya. Imagine, pati kaligayahan ng pamilya nya ay handa nyang gawing pambayad sa mga utang nya makapag-sugal lang, MAY GAAAWWWDDD… Pasensya na readers at hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin. Pero diba, GAGO talaga ang Papa ni Billy? Balik na nga lang tayo sa Glorious Mall, kila Nathan, Billy, Gio, Monina at Ran. Masyado kasing INTENSE ang eksena sa bahay ng mga Garcia eh, nakaka-sira ng ganda. Nasa isang amusement park sina Gio, Monina at Ran sa mall kung nasaan kami. Kaming dalawa ni Billy? Heto, naka-upo sa isang bench habang tinatanaw nya ang alaga nya. Nathan: you know what Billy, I find you so interesting. Ha? Ano daw? Interesting? Ano naman ang interesting sa akin? Ah, baka dahil wala syang alam sa kung anong klaseng buhay meron ako, kung saang lupalop ba ako nagmula. Billy: ha? Kumain ka lang ng ice cream kung ano-ano na yang pinagsasabi mo jan. May drugs ba yung ice cream na kinain mo? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa babaeng to oh maiinis eh. Muka ba akong nagbibiro? Nathan: ikaw, lasing ka ba? May alcohol content ba yang ice cream na kinain mo? Billy: wala, pero hindi naman ako nawawalan ng alcohol sa katawan. Ano daw? Tomador ang isang babaeng katulad nya? Kay liit na babae mahilig uminom ng alak, tapos sya pa ang yaya ng kapatid ko. Billy: ano namang klaseng reaksyon yan? Joke lang yon noh, hindi ka naman mabiro jan. Hindi mo ba alam na ayon sa isang survey, mabilis tumatanda ang isang tao na masyadong seryoso. Nathan: saan mo naman narinig ang survey aming? Billy: sa news. Saka kahit naman walang mga ganong survey, obvious naman na mauunang tumanda ang isang katulad mo kesa sa akin. Nathan: huh! iba ka talagang babae ka. Ran: Nanny, gusto ko maglaro nun. Laro tayo! Billy: basketball? Game! Let’s go Ran. Monina: ate Billy, I don’t have tokens na. Billy: ask your Kuya Nathan to buy some more. I don’t have my purse with me. Gio: Ate Billy, anong lalaruin nyo ni Ran? Sali naman ako jan. Ran: we’ll play basketball Kuya Gio. Gio: can I join? Hay, sana madami din akong kapatid, at sana din hindi katulad ni Papa ang naging Papa ko. Given a chance lang talaga na pumili ng magulang, hinding-hindi ko talaga sila pipiliin. Sana yung pamilya na meron kami ni Ate Annie katulad lang din nung kila Gio, simple at masaya. Monina: ate Billy, laro tayo dun. Billy: walang magbabantay kay Ran. Nathan: ako ng bahala kay Ran, sige na, samahan mo na yang prinsesa aming. Ano ba naman tong kumag na to, bigla-bigla na lang sumusulpot. Kung may sakit ako sa puso inatake na ako. Monina: ayun naman pala ate eh, lets go. Ano pa bang magagawa ko, eh hinihila na ako ng prinsesa ng mansion na pinapasukan ko. Billy: ano bang lalaruin natin Mons? Manina: dance revo. Beat me Ate Billy. Huh, ok tong prinsesa na to ah, ako pa ang hinamon sa dance revo. Hindi ba nya alam na isa ito sa favorite past time ko noong nasa Cebu pa ako? Billy: I’m the one you should beat Mons. Monina: let’s get it on Ate Billy! Billy: you choose what music you want. Abah! Magaling din pala talaga tong si Monina ah, adik lang? Syempre naman hindi ako magpapatalo kahit ba ang tagal ko ng hindi nakakapag-laro nito. Para sa akin, ito ang outlet ko ng lahat ng stress at galit ko sa mundo. Naalala ko tuloy bigla si Ate, kasi nung hindi pa kasi sya tulala madalas din kaming mag-computer games sa bahay, pero mula ng mangayari lahat ng iyon, wala na akong kalaro, ako na lang laging mag-isa. Sa kaka-muni-muni ko, hindi ko namalayan na madami na palang tao ang nanonood sa aming dalawa ni Mons. But I don’tgive a d**n,nag e-enjoy ako eh, bakit ba! Pati si Monina wala ring pakelam sa paligid nya, basta nag e-enjoy sya! Ran: kuya, where’s my Nanny? I want to play with her. Nathan: she’s with Monina right now and they are playing. You don’t want to play with Kuya Nathan? Ran: where are they? I want to watch what they were playing. Nathan: ok, let’s look for them. Gio tara, hanapin na natin ang Nanny nitong si Ran. Gio: ok! Ito talagang si Ran, ayaw na ayaw mawawala sa paningin ang bago nyang Nanny! Ran: of course, I love her eh. Ano bang pina-kain o kaya ginawa ni Billy para maging ganito sa kanya si Ran? Asan amin ang dalawang babae na yon, saan kaya sila nagsuot? Teka, anong kaguluhan ang meron doon at ang daming tao? Baka nandon yung dalawa ah. Nathan: Gio, pumunta tayo doon sa nagkaka-g**o, baka nandoon yung dalawa, baka nakiki-usyoso. Kaya pumunta na kami doon ni Gio habang buhat-buhat ko naman si Ran. Naks, kuyang-kuya ang dating ah, parang tunay. Hindi nga ako nagkamali na nandon ang dalawang bata, yup, parang bata lang si Billy habang naglalaro ng dance revo. Silang dalawa pala ni Monina ang pinagkaka-guluhan ng mga tao, eh bakit eh naglalaro lang naman yung dalawa diba? Pumunta ako sa likod ng dalawa, at nakita ko kung bakit sila pinagkaka-guluhan, PERFECT! Wala yatang aming magpatalo sa dalawa, nakaka-ilang round na kaya sila? Pawis na kasi silang dalawa, pero halata naman na enjoy na enjoy sila sa pinag-gagagawa nila. Ran: go Nanny, beat ate Monina. Alangyang Ran na toh ah, dapat ang ate nya ang chini-cheer eh yung yaya pa nya. Gio: go Ate Billy! Eto pang isa, ano bang nangyare at gusting-gusto nila si Billy? Para mas gusto pa nga nila si Billy kesa sa akin eh. Nathan: Go Princess Monina! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD