Chapter 7

3096 Words
Part 7 Nakatingin lang ako kay Karldrick matapos niyang sabihin sa akin ang mga katagang nagpagulat sa akin sistema. "Hoy! Kumain ka na,mamasyal pa tayo at manonood ng sine." Napabalik ako sa realidad dahil sa kanyang sinabi. "Huwag mo munang pansinin yung sinabi ko, marami pa naman tayong oras para pag-usapan yan eh at ngayon mag-eenjoy muna tayo." Pilit akong ngumiti sa kanya bilang sagot at nagpatuloy na kami sa pagkain. Kahit na sinabi pa niyang huwag ko munang isipin ang bagay na yun, hindi ko maiwasang bumalik balik ang mga salitang binitawan niya kanina. Nang matapos kaming kumain, agad kaming umalis sa Foodcourt at nagsimula na namang maglakad lakad sa mga tindahan ng kung ano ano. Bawat tindahan na madaanan namin ay pumasok kami. Sa mga damit,sapatos,sa mga gadgets at pati na rin sa mga laruan ay pinasok namin. At ngayon nga ay nandito kami sa isang jewelry shop. Magkasama kaming tumitingin sa mga naggagandahan at nagkikislapang mga alahas pati na rin ang mga nakakaluhang mga presyo nila. "Flue...tignan mo ito oh...ang ganda hindi ba?" Napatingin ako kay Karldrick dahil sa kanyang sinabi. Nakangiti lamang siya habang pinagmamasdan ang itinuturo niyang alahas. Napatingin ako sa kanyang tinuturo kaya nakita ko ang nagpapamangha sa kanya. Tama nga siya ang ganda ng alahas. Ito ay mga kulay ginto na bracelet na may nakakabit na kulay ginto rin na hugis puso sa bawat isa. Parang sinadya ang dalawang bracelet na para sa mga magsing-irog ang mga ito. Dahil sa pagkamangha, pinakuha niya sa isang saleslady ang alahas at masinsinan niya tinignan. Nakangiti pa siya habang hawak hawak ang ang mga ito. Ilang saglit pa, tinanong niya kung magkano ang pares ng hawak niya. Agad namang sumagot ang saleslady. Napalunok na lamang ako ng banggitin ng saleslady ang presyo nito. 13,999 pesos ang isang pares!? Parang hindi kapani-paniwala ang presyo nito. Nagulat na lamang ako ng sabihin ni Karldrick na bibilhin niya ito. "Pwede po nating palagyan ng mga pangalan ang mga puso kung gusto niyo?" Sabi ng tindera kay Karldrick. Unti unti namang lumapit si Karldrick sa tindera at may binulong. "Ah...ganun po ba? Sige, hintayin niyo na lang saglit." Ani ng saleslady kay Karldrick. Ngumiti si Karldrick sa babae at kitang kita ko ang pagkindat niya dito. Napataas na lang ako ng aking kilay dahil sa ginawa niya. Parang gusto ko namang maglabas ng Nuclear Bomb ng makita ko ang saleslady na parang kinikilig dahil sa ginawa ni Karldrick. Ilang segundo pa ang nagdaan, niyaya niya akong maupo muna para hintayin ang bracelet na binili niya. Tahimik naman akong sunod sa kanya at nang umupo siya ay tinabihan ko na lamang. Sa ilang minuto naming paghihintay, dumating din ang saleslady na may hawak hawak na maliit na paper bag. Ibinigay niya ito kay Karldrick na agad naman niyang kinuha. Nagpasalamat ang saleslady sa amin na nginitian na lamang ni Karldrick. Binuksan ni Karldrick ito at kinuha ang laman. Isang maliit na kulay pulang kahon ito. Dahan dahan niyang binuksan ito at kinuha ang mga laman ng kahon. Nang makuha niya ang mga bracelet, isinara niya muli ang pulang kahon at ibinalik ito sa paper bag. Nakangiti siya habang hawak hawak ang dalawang bracelet sa magkabila niyang kamay. Sinuri niya ang mga ito na para bang may tinitignan. Ilang saglit pa ay ibinigay niya sa akin ang isa. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi pero wala natakong nagawa ng kinuha niya ang aking kanang kamay at isinuot ito sa akin. Habang isinusuot niya ang bracelet sa aking kamay, hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya. Napapangiti na lang ang aking labi habang nasisilayan ko ang kanyang mga ngiti. Ang kanyang mga mata na para bang isang bituwing nagniningning. "Huwag na huwag mo itong iwawala ha...kapag nawala ito parang nawala na rin ako sa buhay mo kasi nakaukit diyan ang pangalan ko."ani niya sa akin. Bigla naman akong napatingin sa brace sa bandang hugis puso nito at nakita ang dalawang letra. "KD" ang sa tingin ko ay "KarlDrick" ang ibig sabihin. "Ang pangalan mo rin ang nakalagay dito sa akin." Sabi niya sabay pakita nito sa akin. Napangiti na lamang ako ng makita ko ang aking palayaw na "Flue". "...pero alam mo naman na hindi ako mahilig magsuot ng mga ganito kaya itatago ko ito para hindi ka mawala sa piling ko." Dagdag pa niya. "Hu...huwag kang mag-alala, iingatan ko ito na parang sa buhay ko." Sagot ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ngumiti siya sa akin. Para akong nasilaw sa kanyang mapuputing mga ngipin, sa kanyang napakaaliwalas na mukha na nagsasabing pinagkakatiwalahan niya ako kung ano ang aking sinabi. Lumabas na kami sa jewelry store at nagsimula ng maglakad. Para naman ako nakureyente na akbayan niya ako. Nakaramdam ako ng hiya sa ganitong posisyon namin. Palingon lingon ako sa paligid at napalunok na lamang ako ng makita ko ang mga tao na nakatingin sa amin. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Karldrick sa akin habang kami ay naglalakad. "Ka...Karldrick, pwede bang pakitanggal yang kamay mo? Nakakahiya kasi eh." Imbes na sagutin ang tanong niya ay yan ang nasabi ko. "Bakit? Ikinahihiya mo ba ako? Ako na bestfriend mo? Ako na nagmamahal ng lubos sayo...bilang kaibigan mo?" Napalunok ako sa kanyang sinabi. Bigla akong nakaramdam ng pagkaguilty dahil sa kanyang sinabi. Wala naman talagang masama ang pagkakaakbay niya sa akin pero parang naaasiwa ako eh.  "Hindi naman sa ganun pero..." Hindi ko natuloy ang aking sasabi "Huwag mong pansinin yang mga tao na nasa paligid...hindi naman sila ang nagpapasaya sa atin kaya pabayahan mo na lang..naiinggit lang sila." Sabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi at nagpatuloy na lang sa paglalakad. "Gutom na ako." Biglang sambit niya. Napatingin naman ako sa oras at nagulat na lang ako magtatanghali na pala. Ibig sabihin, halos dalawang oras kami naglakad lakad dito sa mall? Niyaya niya akong kumain saglit bago raw kami manood ng sine. Pumayag na lang ako sa kanyang alok kasi medyo ramdam ko na rin na nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Dinala niya ako sa isang kainan na hindi pamilyar sa akin. Kakaunti lamang ang mga tao na kumakain dito. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong parang nasa bahay lang kami ng mga hapon. Dito ko napagtantong isang Japanese Restorant ito. Si Karldrick ang nag order ng aming pagkain. Wala akong pakialam kung ano man ang inorder niya kasi kahit siya lang ay solve na ako. Ilang saglit pa ay dumating na ang aming pagkain. Tig-isa kami ng malaking bowl. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero mukhang masarap. Isang bowl ng pansit ang nakahanda na lumalangoy sa sabaw. Meron ding mga topping na nakapatong dito gaya na lang apat na slice ng karne, mga dahon na hindi ko alam ang tawag at may shomai rin. Napapikit na lang ako ng bigla kong maamoy ang napakabango at kakaibang aroma nito. Hindi ko napigilan ang aking kamay at kinuha ko ang kutsarang nasa tabi at agad ko itong tinikman. Para akong nakarating sa ibang dimensyon nang matikman ko ito! Ang sarap! Ang lasa ng baka ay nanunuot sa aking lalamunan. "Ang sarap!" Hindi ko maiwasan ang pagkumento sa pagkain. "Mabuti naman at nagustuhan mo." Sagot naman ni Karldrick sa akin. Napatingin ako sa kanya.n Nakangiti lamang siya habang pinagmamasdan niya ako. Ganito na naman kanina sa Fastfood. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip ng lalaking to pero parang gusto ko yang tingin niyang ganyan sa akin. Sabay na kaming kaming kumain. Ginamit ko ang kutsara habang siya ay nakahawak ng dalawang stick. "Kumain ka na para mahabol natin ang palabas mamaya." Utos niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan at nakatingin lamang ako sa kanya. "Gusto mo gumamit ng chopstick?" Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Gamitin mo na lang ang nasa may Bowl. Alangan naman ang ginagamit ko ang gamitin mo?" Napatingin ako sa gilid at nakita ko nga ang nakaplastic pang chopstick. Kinuha ko ito a binuksan. Pinaghiwalay ko ang mga chopstick kasi nakadikit pa sila kanina. Tinignan ko lang si Kardrick kung paano niya gamitin ang mga ito. Parang madali lang naman kaya sinubukan ko. Kukunin ko sana ang isang shomai pero hindi ko ito makuha. Nahuhulog lang siya. "Hindi ka ba marunong gumamit niyan?" Biglang tanong niya sa akin. Siguro napansin niyang nahihirapan akong kumain. "Gusto mo, turuan kita?" "Talaga? Sige sige!" At yun nga ang nangyari. Tumayo siya saglit at hinawakan niya ang aking kamay. Sa paglapat ng aming mga kamay ay nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Iwinaglit ko na lamang ito at itinuon ko ang aking pansin sa pagtuturo niya sa akin. "Ano? Kuha mo na?" Sabi niya sa matapos niyang ipaliwanag sa akin kung paano gamitin ang chopstick. "Oo...susubukan ko naman mag-isa." Sagot ko sa kanya. Sinubukan ko naman talagang gamitin ang chopstick pero..langya! Ang hirap pala! Napabuntong hininga na lang ako at binitawan ang dalawang nakakainis na stick. Magkukutsara at tinidor na lamang ako para mas madali. Pagkapos naming kumain, nagpahinga muna kami saglit habang nagkwekwentuhan. Ilang minuto pa ang nagdaan, inaya na niya akong lumabas sa kainan papunta sa sinehan. Gusto ko sanang kanya kanya na lang ang bayad ngunit tumanggi siya. "Ako na lang...date natin to eh." Sambit niya sa akin na nagpainit ng aking katawan. Tama ba ang narinig ko? Date namin ito? Date namin ng pinakamamahal ko? Parang gusto kong mahimatay dahil sa aking narinig! Sa unang pagkakataon ay naranasan ko rin ang makipagdate at sa taong pinapangarap ko! Nang pumasok kami sa loob ng sinehan, hindi ko alintana ang lamig dahil sa init ng aking katawan. Naglakad kami papunta sa may pinakadulong upuan at naghintay na magsimula ang palabas. Nang makaupo kaming dalawa, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya. Kahit na medyo madilim, kitang kita ko pa rin ang napakaaliwalas niyang mukha. Kung ganitong mukha lang ang makikita ko ay wala na akong pakialam sa papanuorin namin. Siya pa lang ay solve na ako! Kinikilig na nga ako, kinukompleto pa niya ang pangarap ko. Nang magsimula na ang palabas, napatingin ako sa harapan. (Ito yung pinapanood nila) Sa music pa lang ay halata ng isang Romantic Movie ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang title ng palabas ngayon basta kung ano ang pinili ni Karldrick ay yun na lang. Habang abala ako sa panonood, hindi ko maiwasan ang mainlove sa napakagwapong bidang lalake. Naiinlove din ako sa kanyang role na isang happy-go-lucky na guy. May pagkabastos ang lalaki at makulit. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Sa kalagitnaan ng palabas, mas lalo akong kinilig habang nililigawan niya ang hindi kagandahang babae. Nililigawan niya ito dahil sa isang Bet ng pinsan niya. Kung mapapasagot niya ang babae ay tutulungan niya ito para sa babaeng tunay niyang nagugustuhan. Hindi naman naging madali ang panliligaw ng lalake dahil may prinsipyo ang babae na ayaw niyang pumasok sa isang relasyon o kahit ano pa man na magiging sagabal sa kanyang pag-aaral pero hindi sumuko ang lalake. Nagpatuloy pa rin siya sa panliligaw dito. Hindi nga makapaniwala ang lalaki kung bakit hindi siya magustuhan ng babae kasi gwapo,mayaman,maganda katawan at pinagkakaguluhan siya ng lahat pero sa babae para lang siyang isang hangin na hindi nakikita. Ginawa na niya ang lahat para mapasagot ang babae pero wala pa rin. Hanggang sa dumating ang araw at gabi na ang babae na lang ang nasa isip ng lalake. Habang inaalala niya ang mga ginawa niya sa babae na napapangiti na lang siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya pero nachachalenge siya sa babae. Ang sumunod na scene ay nasa paaralan ang lalake at hinahanap niya ang babae pero hindi niya ito mahanap. Pumunta na siya sa lahat lahat pero wala pa rin hanggang sa napagdesisyonan na niyang pumasok sa kanyang klase. Parang nanlulumo ang mukha ng lalaki dahil hindi niya nakita ang babae. Matapos ang klase ng lalaki, nakipagkita siya sa pinsan niya para pilitin na ilakad na siya sa babaeng gusto niya pero tumanggi siya. Dapat daw ay mapasagot niya muna ang babae bago siya pumayag. Nakasimangot ang lalaki na umalis sa harap ng pinsan niya at sa paglalakad niya nakita niya ang babae. Dali dali siyang naglakad para sundan ang babae at nang maabutan niya ito ay hinila niya papunta sa isang silid na walang tao. Pagpasok nila, agad na siniil ng lalaki ang babae ng mapusok na halik. Pilit na kumakawala ang babae ngunit hindi niya ito magawa. Ilang saglit pa ay nakaisip ang babae ng paraan. Bigla niyang dinakma ang pribadong parte ng lalake kaya napahiwalay ito sa paghalik sa kanya. Tudo sigaw at suntok ng babae sa lalaki dahil sa kanyang ginawa. "Ano ba ang mali sa akin!? Gwapo,mayaman,hinahabol ng karamihan! Bakit ikaw na hindi naman kagandahan ay hindi mo ako magustuhan!" Naiinis na tanong ng lalaki sa babae na umiiyak na. "Alam mo ba kung bakit? Kasi isa kang lalaking walang kwenta! Sabihin na nating gwapo ka,mayaman at maraming nagkakandarapa sa pero..yang ugali mo! Ugaling hindi makatao! Kung gusto mong mahanap ang tunay na pagmamahal, pumunta ka sa Mars! Baka sakaling nandun ang hinahanap mo! "Sagot naman ng babae. Natulala ang lalaki sa mga sinabi ng babae. Iniwan siya ng babae mag-isa sa loob ng silid habang ang lalaki ay nakatulala. Hindi makapaniwala sa mga mangyari at parang naliwanagan pa siya. Dumaan pa ang mga ilang scenes na parang naguguluhan ang lalaki. Lahat ng sinabi ng babae ay paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip hanggang sa mapagdesisyonan niyang humingi dito ng tawad. Hinanap muli ng lalaki ang babae ngunit hindi niya ito makita. Buong maghapon itong hinanap. Nagtanong tanong na rin siya sa kanyang mga kaklase pero wala siyang nakuhang kasagutan. Nang makita niya ang bestfriend ng babae, agad niya itong nilapitan at nagtanong kung saan nakatira ang babae pero parang ang bestfriend ng babae ay galit sa kanya. Hindi siya sinagot ng bestfriend ng babae. Lumuhod ang lalaki sa harap ng bestfriend niya at nagmakaawa. "Parang awa mo na...kailangan ko siyang makausap, kailangan kong makahingi ng tawad." Pagmamakaawa ng lalaki. "Bakit ko naman papayagan na kausapin mo siya? Hindi mo ba alam na nasaktan mo siya? Hindi mo ba alam ng dahil sayo ay lilipat na siya ng paaralan?" Sagot naman ng bestfriend ng babae sa lalaki. "Gusto ko lang sabihin sa kanya na pinagsisisihan ko na ang ginawa ko at sabihin sa kanya kung paano niya binigyan ng liwanag ang mga pananaw ko dahil...dahil mahal ko na siya." Nagulat ang bestfriend ng babae sa sinabi ng lalaki. Sa huli ay sinabi niya kung saan matatagpuan ang babae dahil na rin siguro sa awa at senseridad na pahayag ng lalaki. Tumayo ang lalaki at biglang niyakap ang bestfriend ng babae. Dali dali siyang pumunta sa lugar kung saan ang sinabi ng bestfriend ng babae pero pagdating niya ay wala siyang naabutan. May nakakita sa lalaki na isang ginang at nagtanong kung sino ang hinahanap niya. Sumagot naman ang lalaki. "Wala sila diyan ngayon, nasa ospital sila dahil isinugod ang anak na dalaga ng mag-asawa." Sagot ng ginang sa kanya. Agad niyang tinanong kung saang hospital sila nagpunta at sinabi naman ang ginang. Dali daling pumunta ang lalaki sa hospital. Pagdating niya dito ay agad niyang hinanap ang babae sa information area ang hospital. Agad naman niyang nalaman ang kwarto kung saan ang babae at dali dali niya itong pinuntahan. Pagpasok niya sa kwarto, agad niyang nakita ang babae na nakaratay sa kama at ang pamilya ng babaee. May mga nakakabit sa kanyang mga katawan at sa kanyang ilong. Agad na nagpunta ang lalake sa tabi ng babae at hinawakan ang kanyang kamay. Dahang dahang dumilat ang mata ng babae at nang makita niya ang lalake ay pinilit niya ngumiti. "Patawarin mo ako sa aking mga nagawa, sa aking mga pinaranas sayo. Pasensya na kung isa akong walang kwentang tao, pasensya na kung hindi makatao ang ugali ko pero...pero ang taong yun ay minahal ka na niya. Pa...patawarin mo ako." Naluluhang sambit ng lalake sa babae. Lumuluha na rin ang babae habang nakahiga. "O...ok na...yun. Pi...pina...patawad na ki...ta." Pilit na sagot ng babae sa lalaki sabay ngiti. Hinalik halikan ng lalake ang kamay ng babae at ilang saglit pa ay pumikit na ang babae. Nang maramdaman ng lalaki na bumagsak ang kamay ng babae, tumayo ang lalaki at nagsisigaw, naghinagpis na umiiyak. (gawa gawa ko lang po ito ha.) Hindi ko maiwasan ang mapaluha dahil sa ending ng palabas. Kung kailan napagtanto ng lalaki na mahal na niya ang babae eh huli na ang lahat. Ganyan yata talaga ang buhay, saka mulang alam ang halaga ng isang tao kung wala na siya sa tabi mo. Habang pinupunas ko ang aking mga luha, biglang may nag-abot ng panyo sa akin. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko Karldrick na hawak hawak ang panyo. Agad ko naman itong kinuha at pinunasan ang aking mga mata. Pagkatapos kong punasan ang aking mata, agad ko naman binalik ang panyo sa kanya. Sa hindi ko inaasahan, bigla niyang hinawakan ng buo ang aking kamay. Hindi ko alam kung bakit pero parang nawalan ako ng malay. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang na may dumampi sa aking labi. Hindi ako makagalaw dahil sa nanyayari. Hinahalikan ako ni Karldrick! Naramdaman ko na lang na gumagalaw ang kanyang halik. Napabuka ako ng bibig ng bigla niyang kagatin ang akin lower lip. Ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bunganga. Hindi ko alam pero parang ganito rin ang halik ng kambal niyang si Karldren. Dahil siguro sa kambal sila kaya pareho sila kasarap humalik. Ilang saglit pa ay bumitaw din siya sa paghalik sa akin. Nakatitig lang siya sa akin. "Mahal mo ba talaga ako?" Bigla niyang tanong sa akin. Dahan dahan na lamang ako napatango sa kanyang tanong. "Alam mo ba kung saan pupunta ang pagmamahal mo sa akin?" Tanong niya ulit sa akin. Dahil hindi ako makapagsalita, umiling na lamang ako dahil hindi ko alam ang sagot. "Kung ganun, mas mabuti pang magkaibigan na lang tayo. Kalimutan mo na ang pagmamahal mo sa akin dahil pangarap kong bumuo ng masayang pamilya. May asawa at mga anak. Pasensya ka na Flue..sana maintindihan mo ako." Para akong nasabugan ng isang milyong nuclear bomb dahil sa kanyang sinabi. Parang nawalan ako ng hangin sa aking katawan, parang may bumara sa aking lalamunan! Kung ganyan pala ang nais niya, bakit niya nagawang halikan ako? Bakit niya sinabing date namin ito? Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan! ................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD