Chapter 6

2421 Words
Part 6 Para akong isang pusa na hindi makaanak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko matapos kong mabasa ang text ni Karldrick sa akin. Tumigil muna ako sa kakaikot dito sa aking kwarto at huminga ng malalim. Ok..ang una kong gagawin ay maligo at pagkatapos magpapaganda na ako. Sisiguraduhin kong mapapanganga si Karldrick kapag nakita niya ako. Yun bang maglalaway siya sa aking kagandahan tapos hihilain niya ako tapos pupunta kami sa motel tapos maglalaro kami ng kaba-kabayo tapos mabubuntis ako at magiging happy ending na ang kwento namin? Napapangiti na lamang ako dahil sa aking mga naiisip. Alam kong nangangarap na naman ako pero wala naman masama eh. Naglakad ako papunta sa aking kama at kinuha ang aking cellphone. Pagkakita ko ng oras, para akong nakainom ng dalawang energy drink. 6:54 na! Kaya dali dali akong nagtungo sa aking banyo para maligo. Minadali ko na lang ang pagliligo ko. Buti na lang may shower ako kaya hindi na ako napagod. Sabon,shampoo lang ang ginawa ko. Mahirap na baka biglang dumating si Karldrick at hindi pa ako nakakapag-ayos. Paglabas ko ng aking banyo, agad kong kinuha ang hinanda kong damit kagabi. Habang nag-aayos ako ng sarili, biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. "Anak...nandiyan na ang Prince Charming mo! Bilisan mo raw." Narinig kong sigaw ni mama mula sa labas. Dahil sa aking narinig, binilisan ko na ang pag-aayos sa aking sarili. Humarap sa salamin at sumigaw ng "Darna!". Ang ganda mo talaga Flue! Paglabas ko ng aking kwarto, agad akong bumaba. Pagbaba ko ay agad kong nakita ang likod ng aking mahal na Hari. Napangiti na lang ako sabay lapit sa kanya kung saan siya nakaupo. "Ano tara na?" Tanong ko sa kanya mula sa kanyang likod. Napatayo naman siya sa pagkakaupo at dahang dahang humarap sa akin. Napanganga ako sa aking nakikita sa aking harapan. Ngayon ko lang nakita si Karldrick na ganyang ang itsura. Ang kanyang buhok na dati rati ay parang Jose Rizal pero ngayon ay para na siyang isang Koreano. Ang malaking salamin sa kanyang mata ay napalitan na ng mas maliit na nagpatingkad pa sa kanyang kagwapohan. Kapit na kapit din ang suot niyang damit na kitang kita ko ang magandang hulma ng kanyang katawan. Kung ganyan lang siya mag-ayos araw-araw baka pilitin ko na siyang pakasalan ako. "Hoy! Ano na? Para kang timang diyan." Bumalik ako sa realidad ng dahil sa kanyang pambubulabog sa aking magandang imagination. "Ah...eh...o...oo. Ano nga ba yun?" Nauutal kong tanong sa kanya. Nakita ko naman na napangisi siya sa aking inaasta. "Ang sabi ko...aalis na tayo." Sabi niya sa akin. Ngumiti na lamang ako. Bago kami lumabas ng bahay, nagpaalam muna ako kay mama. Wala kasi ang kuya ko at si papa naman ay baka pumasok na sa trabaho. "Kain muna kayo ng agahan bago kayo umalis." Anyaya sa amin ni mama. Si Karldrick na ang sumagot sa kanya na kakain na lang kami mamaya sa isang fastfood kasi may hinahabol daw kaming napakaimportanteng bagay. "Sige...kung yang ang gusto niyo basta gumamit kayo ng proteksyon ha!" Napalaki ako ng aking mga mata dahil sa sinabi ni mama. "Ma naman oh! Anong pinagsasabi mo!?" Naiirita kong tugon kay mama. "Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Proteksyon..helmet! Proteksyon niyo sa byahe." Palusot niya. Alam ko naman ang gusto niyang sabihin eh. Anong akala niya sa akin? Basta basta na lang nakukuha ng mga lalake? No way! Its a big NO! pero..uhm..excepted na lang si Karldrick, kung yayahin niya ako, eh di go! Go! Go! Mahal ko naman siya eh. "Ikaw yata ang demonyo mag-isip eh..pangiti-ngiti ka pa! Siguro naiimagine niyo na ang gagawin niyo no?" Biglang may bumulong sa aking taenga. Bigla akong nabalikwas dahil dun. Agad akong napatingin sa direksyon kung saan nakatayo si Karldrick. Para akong natutunaw sa kanyang mga titig na sinabayan pa niya ng isang ngiting nagpapahina sa aking tuhod. "Aray!" Daing ko nang biglang may bumatok sa aking ulo. Napalingon ako sa aking likod at nakita ko si mama na nakangisi. Napataas ako ng aking kilay dahil sa ginawa ng mahal kong ina. "Ano ang problema mo ma? Meron ka ba ngayon!?" Naiinis kong sambit sa kanya.  "Alis na nga kayo! Baka kung ano pa ang magawa ko sayo!" Pagtataboy sa amin ni mama. Sinimangotan ko na lamang siya at nagtungo sa kinalalagyan ni Karldrick. "Tara na nga Karldrick! Baka makalimutan ko pang may mama ako!" Sinadya ko talagang lakasan ang aking boses para marinig iyon ni mama. Ngumiti lamang si Karldrick sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa may pinto. Pagbukas ni Karldrick ng pinto, lumingon muna ako saglit kay mama at muling nagpaalam. "Sige mga anak...Karldrick ha...iuwi mo ang anak ko na maayos ang tayo! Mag-ingat sa pagmamaneho at baka hindi na makalakad pa si Flue!" Pahabol pa ni mama. "Huwag kayong mag-alala tita, iingatan ko po tong anak niyo. Magdahan dahan po ako." Napataas ako ng aking kilay dahil sa sagot ni Karldrick. Pagkatapos ng paalaman, tuluyan na kaming lumabas ni Karldrick at sumakay sa kanyang motor. "Kumapit ka ng mabuti Flue...dadalhin kita sa langit ngayon." Dahil sa kanyang sinabi, uminit ang aking buong sistema dahil ang pumasok sa isip ko nang sabihin niya yun sa akin ay masasarapan at liligaya ako sa aming pupuntahan. Hindi ako nakasagot sa kanya at kumapit na lang ako sa kanyang katawan. Ramdam ko naman na parang nagbago ang kanyang katawan kasi biglang tumigas ito at parang may nakakapa akong mga pandesal. Hindi naman ganito ang katawan dati ni Karldrick ha! Siguro naggy-gym na rin ito gaya ng kambal niyang demonyo na si Karldren! "Hinay hinay lang sa paghimas Flue...nakakahalata na ako." Bigla akong napabitiw sa kanyang sinabi. Kahit na hindi ko nakikita ang kanyang mukha, alam kong nakangisi siya. Napahawak nalang ako sa likod ng motor dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Nang nagsimula na kaming magbyahe, hindi ko rin maiwasan ang hindi mapakapit sa kanya dahil binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Gaya nga ng sinabi niya kanina, dumaan muna kami sa isang Fastfood para mag-agahan. Pinahanap niya ako ng mauupuan at siya naman ay bumili ng aming kakainin. Nang makahanap ako ng lamesa, agad akong umupo at hinintay ang pagdating ni Karldrick. Habang nakaupo ako, hindi ko maiwasan ang mapaisip. Ano kaya ang gagawin namin ngayon? Saan kaya kami pupunta? Yan ang mga nabuong tanong sa aking isipan. Ilang minuto rin na paghihintay ay dumating na rin siya na may dalang tray at pagkain. Inilapag niya ito sa mesa at ibinigay sa aking ang aking kakainin. Parehong pancake ang binili niya na may kasama pang tsokolate at ang sa kanya ay kape. Naiisip ako ng makita ko ang kape kasi sa pagkakaalam ko ay hindi mahilig sa kape si Karldrick. "Nagkakape ka na pala ngayon?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Napatigil siya sa pagtinidor ng pancake at tumingin sa akin. "Ah...eh...kwan...gusto ko lang tikman ang kape kung mapait nga ba talaga." Sagot niya sa akin. Napakunot ako ng aking nuo dahil sa kanyang sagot. Saan ba tayo makakatikim ng kape na hindi mapait? Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimula ng kumain. Habang abala ako sa pagkain, naramdaman ko na lang na may tumititig sa akin. Dahan dahan akong napaangat ng aking ulo at nakita ko si Karldrick na nakangiti habang pinagmamasdan ako. "Ba...bakit? May dumi ba ako sa aking mukha?" Nagtataka kong tanong sa kanya sabay subo ng pancake. "Wala lang...ang cute mo kasing kumain." Dahil sa kanyang naging sagot, bigla akong nabilaukan! Agad kong kinuha ang tsokolate na nasa harap ko at agad na uminom. Dahil sa hindi ko paggamit ng aking isip, nakalimutan kong mainit pala! Kaya ang ginawa ko ay lakas loob ko na lang na linunok ito imbes na ibuga ko sa hapan ni Karldrick. "Waiter! Water please!" Pagtawag niya ng atensyon sa isang waiter na abala sa pagpupunas ng mesa. "Ok ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Gusto ko sana siyang sagutin na "Sino ang magiging ok kung pinapakilig mo ako habang kumakain!?" Pero imbes na yan ang isagot ko, napatango na lang ako. Nang dumating ang tubig ay agad akong uminom dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng napaso kong dila. Nang maibsan na ng kaunti ang sakit, pinagpatuloy na naming ang pagkain. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng makalabas kami sa Fastfood. "Mamasyal lang tayo na magkasama sa mall." Sagot niya sa akin. Tama ba ang narinig ko? Mamasyal lang kami? Hindi kami pupunta sa Bookstore para bumili ng libro? "Tara na! Para marami tayo magawa at mapuntahan." Anyaya niya sa akin. Sumunod na lamang ako sa kanya papunta sa kanyang motor. Nang makasakay na kaming dalawa, agad niya itong pinaandar papunta sa mall. Makalipas ng ilang minuto, nakarating din kami sa mall. Sabay kaming naglakad papasok dito. Napatingin ako sa kanya at muling nagtanong. "Oh? Saan na tayo ngayong?" Ngumiti lamang siya sa aking tanong. "Mag-ikot-ikot muna tayo." Sagot niya sa akin at ganun nga ang nangyari. Nagsimula na kaming maglakad. Wala naman akong magagawa kaya sumunod na lamang ako sa kanya. Habang naglalakad kami, nag-aayos pa ang ilang mga tindahan. Ang aga aga kasi dito niya maisipan magpunta. Nagkakasabay lang kami na naglalakad na tahimik. Walang salita ang nanggagaling mula sa aming dalawa hanggang sa bigla siyang huminto. "Maglaro na lang muna tayo sa Timezone?" Sabi niya sa akin na agad ko namang sinagot ng pagtango. Nagtungo nga kami sa Timezone at swerte naman namin na may nagpapalit na ng token. Binilinan niya akong hintayin ko na lamang siya at siya na lang bahala na magpapalit. Pumayag na lang ako sa kanyang sinabi. Ilang saglit pa ay bumalik na siya habang hawak hawak niya ang mga token. "Saan tayo unang maglalaro?" Tanong niya sa akin. Sinabinahan ko na lang na siya na ang bahala kaya sumunod na lang ako kung saan siya pupunta. Tumigil kami sa harap ng malaking video game. May nakakabit dito na dalawang parang baril na kulay dilaw at asul. Kinuha niya ang asul na baril kaya ang dilaw ang para sa akin. Naghulog siya ng isang Token sa machine at nagsimula na ang laro. "Ano ang gagawin ko dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganitong mga laro kaya hindi ko alam kung ano at paano ang gagawin. "Simple lang, barilin mo ang mga alien na makikita mo." Sagot niya sa akin. Nang mapatingin ako sa screen, meron na ngang mga alien na nagsulputan. Napatingin ako kay Karldrick na sobrang seryoso. Napangiti na lang ako ng aking mga labi dahil sa aking nakikita. Hindi ko akalain na may alam pala si Karldrick na ganito kasi sa halos limang taon kaming magkaibigan, mga libro lang ang hawak niya. "Flue! Patulong naman! Ang dami na nila oh!" Napatingin muli ako sa Screen at kitang kita ko ang paglapit ng mga Alien.Agad kong kinalabit ang baril habang nakatutok ito sa mga alien. Kitang kita ko naman na napapatumba ang kalaban at ramdam kong unti unti na akong nag-eenjoy! "Mamatay kayong mga p*tang ina niyong Alien!" Sigaw ni Karldrick na kinagulat ko. Parang ngayon ko lang narinig na magsalita siya ng pinagbabawal na salita. Siguro dahil nag-eenjoy na rin siya kaya hindi na niya iniintindi ang mga sinasabi niya. Ilang minuto pa ang pagbabaril namin, natapos din ang oras. Sabay kaming napabuntong hininga at sabay kaming napatawa. "Ang saya nito! Ulitin natin!" Sabi niya sa akin. Hindi na ako tumanggi pa kaya inulit namin ang laro. Nang mapagod ang aming mga mata at nagsawa sa mga itsura ng mga Alien, lumipat naman kami sa iba. Ang pangalawang pinaglaruan namin ay ang parang nagdadrive. Dalawa ang ginamit namin para tig-isa kami. Nagpaligsahan pa kaming dalawa kung sino ang mas mabilis na makatapos ng karera. Dahil hindi naman ako sanay sa ganito, ako ang natalo. Hindi ko matanggap ang pagkatalo ko kaya umulit pa kami ng umulit pero ganun pa rin. Talo pa rin ako. Ewan ko pero pansin ko kay Karldrick na parang sanay na sanay siya sa mga ganito. "Basketball naman tayo!" Anyaya niya sa akin. Kahit na alam kong hindi ako marunong, pumayag na rin ako. Gusto ko lang naman subukan kong makakashot ako. Sabay kaming naglakad na dalawa papunsa sa baskeball. Dalawang ring ang aming gagamitin dahil hinamon naman niya ako at ang matalo ay manlilibre raw ng miryenda. Gusto ko sanang tumanggi dahil alam kong matatalo ako pero parang magmumukha naman akong KJ kapag hindi ko siya pinagbigyan. Nang magsimula na kaming maglaro, para akong naturukan ng pampasigla dahil kapag nakahawak ako ng bola ay tinatapon ko agad sa ring. May mga ilan naman pumapasok pero karamihan ay hindi kaya ang hatol ay natalo ako. Dahil nga mahirap akong tumanggap ng pagkatalo ay umulit pa kami pero ganun pa rin ang resulta. Nang makaramdam na kami ng pagod kasabay din ng gutom, tumigil na kami sa paglalaro at bumaba kami papunta sa Foodcourd ng Mall. Gaya nga ng pustahan namin kanina, ako ang bumili ng pagkain namin. Nang makabili na ako ay agad din akong nagtungo sa lametra kung nasaan si Karldrick. Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami, nagkwekwentuhan kami at nagtatawanan. Paano naman kasi eh pinaalala niya ang mga larong natalo ako! Sinabihan pa niya akong "Weak"! Naging seryoso lamang ang aming paligid namin nang magtanong siya ng isang bagay na hindi ko inaasahan. "May nagpapatibok na ba ng puso mo?" Bumilis ang pintig ng aking puso dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "A...anong ibig mong sabihin?" Nauutal na nagtataka kong tanong sa kanya. "Alam mo na...yun bang may mahal ka na bang tao?" Ani niya sa akin. Napalunok ako ng aking laway dahil sa kanyang tanong. "Me...meron pero hindi pwede." Wala sa sarili kong tanong sa kanya. "Anong ibig mong sabihin na hindi pwede?" Nagtataka niyang tanong sa akin. Biglang gumulo ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Ka...kasi pinagbabawalan ako nina mama." Nauutal kong sagot sa kanya. "Paano kung ligawan kita? Siguro ok lang naman kina tita." Napaangat ako ng aking ulo dahil sa kanyang sinabi. Kitang kita ko sa mukha ni Karldrick na nakangisi. Pinagtritripan ba niya ako? Alam na ba niya ang lihim ko? Aminin ko man o hindi ay ramdam ko ang pag-init ng aking katawan. Sari sari ang nararamdaman ko. Hindi ko ito maipaliwanag. "Pwede ba Karldrick! Huwag mo akong pagtripan!" Naiinis kong sambit sa kanya. Hindi kasi ako naniniwala sa pinagsasabi niya. "Hindi ako nagbibiro Flue...paano kung tutuhanin ko ang sinabi ko? Papayag ka ba?" .............................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD