Part 8 Nakasakay ako sa taxi pauwi ng aming bahay. Iniwan ko na lang si Karldrick sa Mall matapos kaming lumabas ng sinehan. Hindi ko kasi alam kung ano itong nararamdaman ko matapos niyang sabihin sa akin ang mga salitang hindi ko inaasahan. Kung ganun pala ang gusto niya, bakit ganun ang naging trato niya sa akin na para bang boyfriend ko siya? Bakit niya ako hinalikan na para bang isang mapagmahal na kasintahan? Hindi ko napapansin, muli na namang tumulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Masakit...oo masakit dahil umasa ako na pareho kami ng nararamdaman. Umasa ako na napamahal na rin siya sa akin hindi bilang kaibigan kundi kung ano ako..kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko naman magawang magalit sa kanya. Ewan ko kung bakit. Siguro ay wala naman siyang kasalanan. Tanging a