Chapter 5

2328 Words
Part 5 " Ma'am, According to the wikepedia, Physics is the knowledge of nature, the natural science that involves the study of matter and its motion through space and time, along with related concepts such as energy and force." Sagot ni Karldrick sa katanungan ng aming guro. Ito na kasi ang pagsisimula ng aming klase at sa tingin ko ay mauubos ang dugo ko sa asignaturang ito. Physics...oh physics..bakit ka ba kasi maisilang? Hindi mo ba alam na marami kang nasasaktan? Hindi mo ba alam na maraming nagagalit sayo? Sa mga nakakabobong mga problem solving na iyong dala, sa mga salita na ang sakit sa mga mata, hindi ka ba naaawa sa amin? " Very good Karldrick, so pass your assignments now!" Utos sa amin ng aming guro. Assignment namin talaga yung sinagot ni Karldrick kanina. Hindi ko nga maintindihan kung bakit tinatanong pa ng aming guro ang parehong assignment na ibinigay nila eh babasahin lang namin kapag ganun. Nang maipasa namin ang aming mga papel, nagsimula ng magsasalita ang gurong nasa harapan. Kahit anong gawin ko ay parang walang pumapasok sa aking utak. Parang pumapasok ito sa kanang tainga ko at lumalabas din sa kabila. Ganun! Ganun kapag ayaw ko ang asignaturang pinag-aaralan ko. Napatingin na lang ako sa lalaking nasa aking tabi. Abala siyang nakatingin sa harapan at nakikinig sa pinagsasabi ng freak naming guro. Mas gusto ko pang pagmasdan na lang ang napakaamong mukha ng lalaking to kaysa sa makinig. Meron pa akong napapala kasi napapangiti ako. Napabuntong hininga na lang ako sa aking kinauupoan at sa hindi ko malamang dahilan ay nadaanan ng aking paningin ang mukha ng isang demonyo. Napaayos ako ng upo ng makita kong nakatitig siya sa akin. Yung mg mata niyang umaapoy sa hindi ko alam na dahilan. Matatapos na ang unang linggo ng klase pero wala pa siyang ginagawa sa akin. Araw-araw kong pinaghahandaan ang kanyang pananakot sa akin noon pero ano? wala naman nangyayari sa akin. Siguro tinatakot lang niya ako at hindi niya talaga kayang gawin sa akin yun dahil may gusto na siya sa akin. Ano raw!? Ano ba tong pinag-iisip ko! Hindi siya magkakagusto sa akin at hinding hindi ako magkakagusto sa anak ng Demonyong yan! Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at inirapan na nagsasabing hindi ako natatakot sa kanya. Kahit na ano pa yang plano niya kung meron man laman ang utak niya ay hindi ko uurungan at lalabanan ko siya! Ako kaya ang reyna ng mga serena! Kaya ko siyang ipatangay sa mga alon ng dagat..kaya ko siyang itapon sa malayo gamit ang kapangyarihan ko kaya huwag na huwag siyang magkakamaling hawakan nya kahit isang hibla lang ng aking buhok! Makalipas ang mahigit isa't kalahating oras na klase namin sa science na kahit isang salita ay wala akong naintindihan, tinawag ko na lang si Karldrick para sabay kaming magmeryenda. Ang kinaiinis ko lang ngayon ay kasa-kasama na namin ang demonyo niyang kambal. Gusto ko sanang sabihin na ayaw ko siyang kasama pero sino ba naman ako? kambal niya yun at ako ay bestfriend lang naman. Pagpasok namin dito sa loob ng canteen, inutusan ng demonyo si Karldrick para bumili ng aming kakainin. Napatayo rin ako dahil sa inaasta ng demonyo. " Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin ng akmang magsisimula na akong maglakad. Napatingin ako sa kanya ng matalim. " Tutulungan ko Karldrick!" Naiinis kong sagot sa kanya. Napangiti lang siya na sinabayan pa ng pag-iling. Parang hindi ko gusto ang mga kinikilos ng lalaking to. Para bang nang-iinsulto ng pagkatao? Iba na talaga ang anak ng demonyo. " Kaya niya yun. Dito ka na lang at mag-uusap tayo." Sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa aking beautiful body at napasunod ako sa kanyang sinabi. Nakakainis din ang kapangyarihan ng demonyong to..napapasunod niya ang mga tao dahil sa napakaganda niyang boses. " Siguro nagtataka ka kung bakit wala pa akong ginagawa sayo,eh no? Huwag kang mag-alala, naplano ko na lahat at magsisimula ako sa hindi mo inaasahang oras o araw." Sambit niya sa akin. " Ano ba talaga ang problema mo sa akin? Tungkol pa rin ba sa halik noon? naku naman oh..ano bang gusto mong gawin ko para mawala na yan sa isip mo!?" Naiinis kong mga tanong sa kanya. Nakangisi lamang siya sa akin. Minsan gusto ko nang bigwasin ang kanyang mukha kasi..kasi..parang nanghihina rin ako kapag nakikita ko ang kanyang napakaaliwalas na mukha kahit na demonyo pa siya. " Hindi na mawawala sa isip ko yung nangyari, alam mo ba na ikaw ang first kiss ko? Sa dami ng babaeng naikama ko kahit isa ay wala akong pinagbigyan ng mala dyamante kong labi tapos nanakawin mo lang? Hindi pwedeng mangyari yun Flue,dapat pagbayaran mo yun." Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Parang narinig ko na noon na sinabi niya sa akin na yun daw ang first kiss niya pero hindi ko naman akalain na totoo pala yun. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa pagmumukha niyang yan? Sabihin na nating gwapo siya pero.. gwapo lang siya!! Hindi makapagkakatiwalaan ang gaya niya. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Karldrick dala dala ang mga pagkain na kanyang binili. Nagpatulong pa siya para ihatid ang iba pang binili niya. Ito kasing demonyong to eh hindi man lang niya tinulungan ang kambal niya. Pagkalapag nila ng mga pagkain, tahimik kaming kumain. Walang nagsasalita sa aming  tatlo. Si Karldrick na may hawak na libro habang sumusubo ng pagkain at ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Kung pwede lang na siya na lang ang kainin ko ay ginawa ko na pero hindi pwede eh...magpapakasal pa kami bago ko siya kainin. "Punasan mo ang laway mo..nakakahiya." Nanindig ang balahibo ko nang may bumulong sa akin. Napatingin ako sa bumulong at napalunok ako ng aking laway nang halos mahalikan ko na naman ang demonyo. Bigla akong nataranta dahil sa aming pwesto kaya naitulak ko siya ng hindi sinasadya. " Anong meron,Flue?" Nagtatakang tanong ni Karldrick sa akin.   " Wa..wala. May nahulog kasing butiki sa harapan ko kaya ganun." Sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti sa akin si Karldrick bago niya binalk ang kanyang mga mata sa kanyang binabasa. Sa simpleng ngiti niyang yun ay para akong nakarating sa kalangitan. " Kumain na nga kayo diyan!" Epal ng isang demonyo sa gilid gilid. Walangyang nilalang na ginawa ng Maykapal! Panira ng magandang moment eh! Pagkatapos naming magmeryenda, sabay pa rin kaming tatlo na naglakad paputa sa susunod naming klase. Nauna kami ni Karldrick na maglakad habang ang demonyo ay nasa likod naming na sumusunod. Tama lang ang kanyang ginagawa. Bagay lang sa kanya na maging body guard ng dalawang taong nagmamahalan ng lubos. Napapangiti na lang habang iniisip ko yan. " May pupuntahan ka ba bukas Flue?" Nawindang ako sa katanungan ni Karldrick sa akin. Napatigil ako sa aking paglalakad habang nakatingin ako sa likod ni Karldrick na naglalakad. " Ano Flue..." Narinig ko pang sambit niya. Nang makita niyang hindi na ako nakasunod sa kanya, lumingon siya sa akin na nakangiti. Lumapit siya sa akin at muling tinanong ang parehong tanong niya kanina. " Wa..wala naman. Ba..bakit mo natanong?" Hindi ko mapigilin ang mapautal sa pagsagot sa kanya. " Ah..good! Yayayahin sana kitang lumabas bukas." Sabi niya sa akin. Sa kanyang sinabi, parang nagdiwang ang mga paru-paro sa aking tiyan, ang mga ibon ay nag-awitan sa kapaligiran at parang naglakbay ako sa kalangitan. " Flue..bakit ka nakatulala diyan?" Pagbabalik ni Karldrick sa aking katinuhan. " Ah..eh..anong oras ang labas natin?" Sabi ko na lang sa kanya. " Itetext na lang kita bukas. Susunduin kita sa inyo." Sagot niya sa akin. Alam kasi niya kung saan ako nakatira. Pumupunta kasi siya sa bahay kung may mga projects kami noon. Noon nga gusto ko sa bahay nila kami gumawa pero ang palaging rason niya ay boring daw dun kasi mag-isa lang siya. Kilala siya ng aking mga magulang at syempre alam din nila na patay na patay ako sa kanya. " Malelate na tayo! Kung ano- ano pa ang pinag-uusapan!" Pagsabat muli ng demonyo sa aming usapan. Kung wala lang si Karldrick ngayon dito, inilabas ko na ang kanyon na nasa aking bag at pinasabugan ang lalaking walang ginawa kundi ang guluhin ang buhay ko! " Huwag mo na lang pansinin yun, talagang ganun lang talaga siya." Sabi na lang ni Karldrick sa akin.  Napabuntong hininga lang dahil sa kanyang sinabi. " Tara na." Dagdag pa niya. Nagsimula na kaming maglakad na dalawa dahil mas nauna na yung demonyong pumasok sa aming silid. Lumipas pa ang mga oras at ilang pang mga asignatura na aming inaral ngayong araw ay tapos na rin sa wakas. " Kita na lang tayo bukas, Flue." Paalam sa akin ni Karldrick nang makarating kami dito sa parking area. Mas naunang lumabas ang kambal kaysa sa akin dahil hinihintay ko pa ang magaling kong kuya na sunduin niya ako. Habang nakaupo ako dito sa may lilim ng puno sa malapit, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Saan kaya kami pupunta bukas? Ano kaya ang gagawin naming? Maituturing ko bang date ang mangyayari bukas? O baka naman sasamahan ko lang siya sa pagbibili ng kanyang pinakamamahal na libro pero ok lang yun, basta makasama ko lang ang lalaking pangarap ko, ang lalaking pinakamamahal ko ay masaya na ako. Minsan naisip ko, kuntento na ako kung anong meron sa amin ni Karldrick. Yun bang magkasama kami palagi, nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Yan lang mga yan ay napapasaya na ako, napapangiti at kumukompleto ng araw ko.  Ewan ko nga kung ano ang pumasok sa makitid kong utak noon na magtapat sa kanya ng nararamdaman ko eh kaya ayun, gumulo ang buhay ko. " Tara na Bakla!!" Biglang sigaw ng isang lalaki sa akin. Napalngon ako sa sumigaw at pinanlisikan ko na lamang siya ng aking mata. Walangyang lalaking to! Kung makasigaw ng "Bakla" eh parang nasa bahay lang kami. Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at pumunta kung nasaan ang aking magaling na kuya. Pagkalapit ko sa kanya, agad ko siyang binatukan. " Para saan yun!?" inis na tanong niya sa akin. " Para sa pagsigaw mo sa akin ng "Bakla!" Sagot ko sa kanya. " Bakit? Totoo naman ah!" Dahilan pa niya. Kung hindi ko lang kuya tong lalaking to eh napatay ko na rin. " Nasa labas po tayo at sa pagkakatanda ko ay alam mong walang nakakaalam ng tunay kong kasarian." Sarkastiko kong sagot sa kanya. Hindi ko na lang hinintay ang kanyang sagot at sumakay na lang ako sa motor. " Huwag mo akong tyatyansingan ha. Kumapit ka na lang sa likod, huwag sa katawan ko." Bilin niya sa akin. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to. As if naman na magsasayang ako ng oras para tyansingan siya no. Kay Karldrick lang tong mga kamay ko no! Nang magsimula na kaming magbyahe, kumapit na lang ako sa likod ng motor gaya ng sinabi niya. Halos maihiwalay naman ang aking kaluluwa dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni kuya kaya wala rin akong nagawa kundi ang mapakapit sa kanyang katawan. Hindi ko naman maitatanggi na maganda ang katawan ni kuya kasi alaga yan sa gym. Pero huwag kayo ha..hindi ko siya pinapantasya. Wala pang halos 20 minutes ay nakauwi na kami. Dali dali naming pumasok si kuya sa loob ng bahay. Masakit yata ang tiyan niya kaya ganun na lang ang pagpapatakbo niya. Napabuntong hininga na lang muna ako bago pumasok ng aming bahay. Pagpasok ko ng bahay, nagtungo ako sa aking kwarto para makapagpalit ng damit. Pagkatapos makapagpalit ay binagsak ko muna ang aking katawan sa aking kama para makapagpahinga. Dahil wala akong magawa, kinuha ko muna ang aking cellphone at binuksan ang aking w*****d Account para libangin ang aking sarili. Hindi ko naman talaga hilig ang magbasa ng mga libro pero pagdating dito ay napagtyatyagaan ko. Makalipas ang halos dalawang oras, tinawag na nila akong maghapunan. Agad akong lumabas sa aking kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita ko sina mama at papa na nakaupo na sa harap ng hapag habang si kuya ay abala sa pagbutingting ng kanyang cellphone na sinabayan pa niya ng pangiti ngiti. Siguro may nabubula na naman syang babae kaya ganyan yan. Umupo na lang dn ako at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami, nagpaalam na rin ako sa kanila na lalabas ako bukas kasama si Karldrick. Hindi naman sila tutol kasi alam naman nilang nasa mabuti akong kamay kapag sya ang kasama ko. Pagkatapos naming kumain, agad akong bumalik sa aking kwarto para mapaghandaan ko ang susuutin ko bukas. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko paghahandaan ang magiging date naming ni Karldrick bukas kaya dapat ay kapag nakita niya ako ay mapapanganga siya sa kagandahan ko. Dahil sa hirap na hirap akong pumili ng damit na aking susuutin, umabot ako ng halos tatlong oras. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagdesisyonan ko kung ano ang susuotin ko. Inayos ko na muli ang aking mga damit at inilagay sa aking cabinet at pagkataapos ay humiga na ako sa aking kama. Kinabukasan Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Bwisit na alarm clock! Kay ganda ng tulog ko eh isturbuhin niya lang ako. Kinapa ko na lang kung nasaan ang aking cellphone at dali dali ko itong pinatay. Sa pagpatay ko ng alarm ko, nakita ko ang oras, 6:31 pa lang ng umaga. Ilalapag ko na sana ang aking cellphone ng makita ko na may mensahe palang nagpadala. " 7: 30 kita susunduin. Kita na lang tayo bukas." Nabasa kong mensahe. Agad akong napatayo sa aking kama dahil sa aking nabasa na text ni Karldrick sa akin kagabi. ............................................... An: Hello po.. Alam ko pong natatagalan ako sa pag-update. Ano po ang masasabi niyo sa chapter na ito? Ang lame no? walang kwenta? Kasi magsisimula na po ang kwento sa susunod. Ano kaya ang mangyayari sa susunod? Saan kaya pupunta sina Karldrick at Flue? Ano kaya ang nasa isip ng demonyong si Karldren? Comments po sana kayo..salamat..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD