Ellen:
"Kailangan ko ba talagang isuot to? Ano ba kasing meron bakit may pagdiriwang?" Madami kong tanong sa babaeng inaayusan ako.
"Hindi ko po alam Mam ang bilin lang ni Lord ay ihanda kayo para sa pagsasalo mamaya." tugon nito.
Habang abala sila sa pag aayos saakin ay hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahang nakikita ko sa malaking salamin. Ako ba to? Ang ganda, ang ganda ganda. Iyon na lamang ang bukod tanging sumasagi sa isipan ko.
"Darating na pala si Miss Scarlett yung kababata ni Lord Ford, grabe ang ganda talaga nun noh bagay na bagay sila ni Lord." Sabi ng isang babae habang inihahanda ang damit ko.
Napansin ata nito na napatingin ako sakanya, hindi ako nagseselos dahil wala naman akong pakialam sa Reid na yun. Nacurious lang talaga ako na ang Mafia Lord na kinatatakutan ng lahat ay may kababatang babae pala.
"Hehe Mam pasensiya na po kayo sa pagkamadaldal ko, Idol ko lang po talaga si Mam Scarlett. Model po kasi yun at sobrang ganda niya po talaga." Sabi nito.
"Mas maganda si Mam Ellen para sakin. Simple lang hindi na kailangan pang magpinta sa mukha." Sabi naman ng isang nag aayos ng buhok ko na siyang ikinatawa ko dahil hindi naman palamanagan yon.
"Alam niyo ba Mam Ellen mas boto po ako sainyo para kay lord." Dagdag pa nito.
"Ayy nako ikaw talaga, wala namang kami eh." kagad na response ko dito. Nagkatinginan ang dalawa.
"Ah Mam diba wala naman kayong gusto kay lord? So okay lang sainyo na gustuhin kong magkatuluyan sila ni Mam Scarlett?" Sabi naman ng isa.
"Oo naman noh. Nako tulungan pa kita boto din ako kay Scarlett para kay Reid." Sabi ko. Wala naman kasi akong pakialam. Ang gusto ko lamang ay makaalis na sa lugar nato.
"Sayang naman Mam Ellen, gusto pa naman kita para kay Lord. Alam mo ba na ikaw lang ang babaeng inuwi non dito? At ikaw lang ang babaeng nilapitan non." Sabi naman ng isa.
Kaagad akong napaisip sa sinabi nito. Bakit naman? Anong kailangan niya sakin? Ngayon ay kailangan kong mas mag ingat pa.
"Ayan tapos na!"
Sa lalim ng pagiisip ko ay hindi ko man lang napansin na tapos na pala akong ayusan.
"Ang ganda ganda niyo talaga Mam Ellen Nako tiyak na kayo ang pinaka maganda mamaya."
"Uy Jeni pupunta din si Mam Scarlett mamaya noh kaya parehas sila ni Mam Ellen na lilingunin ng mga kalalakihan at kaiingitan ng mga kababaihan mamaya." Sabi naman ng isa.
Nagtawanan na lamang kaming tatlo.
Kinuha na ng isang babae ang gown na susuotin ko.
"Teka? Teka sandali lang." Awat ko dito habang isinusuot na niya ito sakin.
"Kitang kita naman ata ang kaluluwa ko sa damit na yan." Sabi ko. Pano naman kasi isang malalim na neck line na makikita na talaga ang mga pisnge ng dibdib ko at isang mahabang slit sa litaw na litaw ang right leg ko.
"Nako Mam magpasalamat pa nga kayo sa may kapal na biniyayaan kayo ng ganyang kay gandang katawan. Kung ako lang ang meron niyan ipagmamalaki ko pa." Sabi nito.
Hindi naman sa pagmamayabang ay sadyang natural na maganda ang hubog ng katawan ko.
Hindi na ako nag alinlangan pa at isinuot ko na ang red gown ko.
Ng ito'y? Masuot ko ay natulala na lamang sila at napanganga.
"Grabe Mam Ellen iba kayo."
"Wow amazing! See? Ang ganda ganda niyo Mam Ellen. Kaya hindi na kami magtataka kung paano nainlove sainyo si Lord." Sabi naman ng isa.
Kahit ako ay hindi nakilala ang sarili. Hindi padin nag si sink in sa isipan ko ang lahat ng ito.
"7pm na pala! Nako tara na at ihatid na natin si Mam Ellen sa baba. Malamang ay magsisimula na."
Sumunod lang ako sakanila kahit na naguguluhan ang isip ko kung ano bang meron ngayon?
Binaybay namin ang mala palasyong hagdan ni Reid at para akong nasa eksena sa isang pelikula ng makita kong nasaakin lahat ng mga mata habang ako ay bumababa.
Kinakabahan ako. Wala akong ibang maramdaman kundi kaba. Iisa lang ang taong gusto Kong makita ang taong hinahanap hanap ko dahil natatakot ako. Si Reid.
Hindi ako sanay. Para akong may kasalanan dahil sa mga matang saakin lamang nakatitig. Reid asan kaba? Tanong ko sa isip ko.
Napayuko na lamang ako ng may lumapit saakin.
"Hi bakit ka nagiisa?" Bati nito kaya naman ay kaagad akong nag angat ng tingin.
Isang lalaking matipuno ito. Napakagwapo niya, at hindi mo maiaakalang isa itong pinoy dahil sa magagandang asul na mga mata nito.
"Hi." tipid na sagot ko.
"Here." Sabay abot sakin ng alak.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Let's drink." Sabi nito.
"Hindi ako umiinom." Sabi ko.
"Oww I'm sorry." Sabi nito sabay balik ng alak sa may mesa.
"Ngayon lang kita nakita, bago ka? I mean hindi kita nakikita sa mga ganitong celebration before." Sabi nito.
Hindi ako umimik.
"Okay I think you're new one."
"By the way I'm Felix."
Sabay abot ng kamay.
"Ellen." Sagot ko at nagkamayan kami.
Wala pang isang segundo ay bumagsak na sa sahig si Felix.
"Oh my god!!!" Sigaw ng isang magandang babae.
Isang suntok...
Oo sinuntok ni Reid si Felix at napalakas ata kaya nawalan ito ng malay.
Ang lahat ay nagsipag yukuan at takot makialam.
Hinila ako ni Reid at tinitigan sa mga mata ko. Maya maya pa ay idinikit niya ang mga labi niya sa labi ko.
Hinalikan niya ako. Isang mainit na halik. Halik ng isang Ford.
Pagkatapos niya akong halikan ay nagsalita ito.
"She's my Fiance Ellen Garcia. Soon to be my wife. Kung sino man ang lalaking hahawak sakanya papatayin ko." Sabi nito.
Tahimik ang lahat.
Ang kasamang babae ni Reid ay nagsalita na.
"Lewis?" Banggit nito na may halong kalungkutan ang mga mata.
Mahigpit lamang ang pagkakahawak ni Reid sa bewang ko. Inilapat niya ang mga labi niya sa tenga ko na para bang walang ibang sa paligid. Habang magkatapat naman kami ng kasama nitong babae at magkatitigan lamang mata sa mata. Siya nga ba si Scarlett? Tanong ko sa sarili ko. Ngunit napawi ang lahat ng yun ng marinig ko ng bumulong sakin si Reid.
"Wala kang kawala, akin ka."