Chapter 4

794 Words
Ellen: Nagising ako sa madilim at malamig na silid. "huh? Nasan ako? Nakatulog pala ako sa labis na pag-iyak kanina." kausap ko lang ang sarili ko. Nakasuot na ako ngayon ng damit pantulog. Long sleeve at pajama pero paano? Sino ang nagbihis sakin? Diyos ko hindi kaya? Takot na takot ako ng mga sandaling yun at nagmadali akong tumayo ng maramdaman kong nakatali ang kaliwang kamay ko. Kaagad na tumayo ang balahibo ko sa sobrang takot ng maaninag ko mula sa liwanag ng buwan ang anyo niya. Ang pinaka ayokong makita. Si Reid Lewis, Reid Lewis Ford. Nahihimbing ang kanyang tulog samantalang nakaposas ako sa kanya. Baliw na ba ang lalaking to at nakuha pa niyang iposas ako sakanya. Oo tama kayo ng nabasa, nakaposas ang kaliwa kong kamay sa kanang kamay nito. Pilit kong tinatanggal ang pagkakaposas ko ngunit nasasaktan lamang ako. Tumingin ako sa paligid, madilim ang buong kuwarto. Kailangan kong mahanap ang susi. Kailangan kong makatakas sa lalaking to. Hahanapin ko pa si Sari. Kailangan mong gumawa ng paraan Ellen. Sabi ko sa isip ko. Lumingon ako sa lalaking to at nagsimula na akong hanapin ang susi. Dahan dahan kong kinapa sa bulsa ng pantulog nito ang susi. Kailangan kong maging maingat kundi katapusan ko na. Kinakapa ko ito dahan dahan habang nahihimbing ang kanyang tulog. Hindi ko mahanap. Nasaan yun? Hindi pwedeng wala paano ako makakatakas? Sabi ko sa sarili ko. Mas lumiwanag pa ang sikat ng buwan at ngayon ay para kaming nasa spot light dahil nakatapat ito samin. Hindi ko naiwasang mapatingin sakanya. Diyos ko ano ba naman to? Napakagandang nilalang ng lalaking to. May maliit siyang pilat sa kanyang kanang mata, saan kaya galing yun? Sa isip isip ko. "Ang gwapo mo lalo na kapag tulog. Hindi ka nakakatakot." Hindi ko naiwasan. Talagang sinabi ko yun. Huli na ng maisip ko ang sinabi ko. Bigla na lamang itong nagbukas ng mata at ngayon ay seryoso lang itong nakatitig sakin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. May halong kaba at takot. "Hinahanap mo to?" tukoy niya sa maliit na susi na hawak niya sa kaliwa niyang kamay. Nanlaki lalo ang mga mata ko. Yun lang ang bagay na makakapagligtas sakin sa taong to. "A-akin na yan." Utal na sabi ko. Ngumiti ito. "Bakit ko naman ibibigay to? I told you you can't escape from me." Kinabahan ako lalo ng mga sandaling yun. Hindi ko namalayan na nakapatong na pala ako sakanya sa kagustuhan kong abutin ang susi. Hindi ko na inisip pa kung narinig din ba niya yung mga sinabi ko kanina. Ang tanging nasa isip ko ay makalayo sakanya. Pinilit kong abutin to ngunit huli na. Itinapon niya ito sa malayo. "Hindi maaari to." Natulala ako habang nasabi ko ang mga salitang yon. Kasabay non ang pagyakap ng kaliwang kamay niya sakin at nag lapit pa ang mga mukha namin. "What's the matter?" pagaalalang tanong nito. Hindi ako kumibo. "Ayaw mo bang makasama ako habang buhay?" tanong niya. Lalong nanikip ang dibdib ko. Paano ko masisikmurang makasama ang taong to. Ang taong kinatatakutan ng lahat. Ang taong kinamumihian ko at ayokong makita. Lumihis ako ng tingin sa iba. Nakatingin ako sa bintana Kung saan nang gagaling ang sinag ng buwan. Hinawakan niya ang mukha ko sa direksyon niya. "Look at me. Are you afraid of me?" Tanong nito. Malamang, sino ang hindi matatakot sayo? Maging ako ay walang kasiguraduhan na hindi mo ako papatayin. Dahil alam ko, kilala ko si Mr. Reid Lewis Ford. Ang Mafia Lord na walang awang pumapatay ng tao. Hindi alintana ang estado sa buhay, mapamayaman man o mahirap pinapatay ng walang pusong lalaking nasa harap ko ngayon. "I know, I can't blame you Ellen. Hindi ako santo o Diyos. Demonyo ako sa paningin ng lahat. Pero Iisa Lang ang sasabihin ko sayo, ikaw ang kahinaan ko. Takot akong mawala ka." "Hindi ako makahinga." Sabi ko. Sino bang hindi makakahinga e ang higpit ng yakap niya sakin. Hindi ako pwedeng maniwala sa taong to. Iisa lang ang totoo. Masama siyang tao, Masama. Niluwagan niya ang pagkakayakap. "Matulog kana. Wag kang mag alala bukas wala kanang posas." Hindi pa ako umiimik ngunit tila sumabay ang tiyan ko at ngayon ay nag iingay na sa gutom. "I see." Napatawa ito. Sa sobrang kahihiyan ay napatingin nalang ako sa iba. Alam niyang gutom ako at kagad itong nagpatawag ng maid para maghatid ng pagkain. Ng makarating ang pagkain ay kagad akong kumain kahit iisa nalang ang kamay ko. Nakatitig lamang ito sakin. "Wag kang tatakas." yun lang ang sinabi nito tsaka nagpakuha ng susi para kalagan ako. Ng makalas na ang posas ay hindi ko na inalintana ang sinabi nito at nagpatuloy lang ako sa pagkain ng madami habang siya ay titig na titig lang sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD