Chapter 6

856 Words
Ellen: "Lewis?" muling tawag ng babaeng nasa tapat ko na kanina lamang kasama nito. "What?" Malamig na tugon ni Reid. "Ahm hindi mo lang ba ako ipapakilala sakanya?" Sabi nito. Tumingin sakin si Reid at nagsalita. "She's my childhood friend Scarlett." Sabi nito sakin. "Hi Ellen! I'm Scarlett grabe you look so pretty naman." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Ahehe hi Scarlett nako hindi naman, mas maganda ka." Sabi ko. "Thank you Ellen. I'm so happy finally pinakilala kana sakin nitong si Lewis. Ahm Lewis? Pwede ko bang mahiram saglit ang fiance mo?" Sabi nito. Nagkrus lamang ang mga kilay ni Reid nakasimangot ito at nagiisip. "Sure, take care of her." Sabi nito. "I will." Masayang sabi nito. Hinila na niya ako sa may malaking veranda ng bahay ni Reid. Ng makarating kami dito ay kagad siyang pumikit at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. "Hmmmm.. Haaay ang sarap ng hangin dito sa labas noh." Paninimula nito. Kaagad naman akong sumang-ayon. "Oo sariwa talaga at maaliwalas pa." "Anyway Ellen I like Lewis so much." dineretso na niya ako. "I mean no, because I love him." Sabi muli nito. Hindi ako makapag salita at gusto ko lamang makinig. Mukha namang mabait na tao si Scarlett. "Take care of him Ellen." Sabi muli nito. Naalala ko ang sinabi kanina nung babaeng nag ayos saakin. Boto siya kay Reid at Scarlett. Bakit kaya hindi ko tulungan si Scarlett kay Reid? I mean wala akong nararamdaman para dito. Kaya kung mapupunta siya kay Scarlett alam kong gigising din ang natutulog na damdamin ni Reid para dito. "Ahm Scarlett?" "Yes?" Sagot nito. "Sa totoo lang, wala akong nararamdaman para kay Reid." Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "W-what?" Tila hindi siya makapaniwala. Tumango tango ako. "Wala akong gusto sakanya." Ulit ko. "Why? I mean he really love you. He owe you so much." Sabi nito. "Oo gwapo siya. Oo mayaman siya. Oo nasa kanya na ang lahat. Pero hindi, hindi niya nakuha ang puso ko." Sabi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit nahihirapan akong sabihin ang mga salitang yun? Bumakas ang labis na tuwa at kaligayahan sa mga mata ni Scarlett. "Tulungan mo ako Ellen." Kagad niyang kinuha ang mga kamay ko at inilapat sa mga kamay niyang nananabik. Masayang masaya siya. "Huh?" Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. "You said that you don't love him right? So let me Ellen, let me love him for the rest of his life." Buong pusong sabi nito. "P-pano?" Naguguluhan kong tanong. "Say no Ellen. I know this celebration is for your wedding day. Balak ni Lewis magpropropose sayo ngayong gabi." sabi nito. Sa gulat ko ay napanganga ako. Hindi ko aakalain na seseryosohin niya ang panunuyo sakin para magpakasal. Pero bakit? Bakit ako? "Deal?" Muling sabi ni Scarlett. Natigilan pa ako. "Ellen?" Pag aalalang tawag niya sakin. "Are you with me?" Sabi niya. Ng matauhan ako... "Oo, hindi ko gusto si Reid Scarlett tutulungan kita. Hindi ako magpapakasal sakanya." "Talaga? Thank you thank you Ellen! Hulog ka talaga ng langit." Niyakap niya ako ng mahigpit sa galak. "Tara na sa loob?" Aya sakin ni Scarlett na sobrang saya. Pumasok na kami at nag tinginan ang mga tao ngunit para bang nagiba. Yumuyuko sila mismo kada dadaan ako. Hindi ko maintindihan. Biglang namatay ang ilaw at tanging dim light lamang ang ilaw namin. Narinig ko ang tunog ng piano, isang musika na masarap sa tenga. Nakita kong papalapit saakin si Reid. "Kanina pa kita hinihintay." bulong nito sakin. Hindi ko naiwasang mapatingin sa magaganda niyang mga mata na kahit katabi ko lamang si Scarlett ay para bang nawawala ako sa katinuan. "Ellen Garcia, will you be my wife?" Dire'diretso, walang karoma'romantic niyang sabi. Halata sakanya na hindi pa niya ito nagagawa noon pa man. Ayoko mag feeling pero bakit nakakaramdam ako ng mga paru paru sa aking tiyan? Kinikilig ako? Bakit? Sobrang simple lang ng proposal niya at walang kaeffort effort pero bakit? Ang lakas ng tama sakin ng bawat katagang binitawan niya. Hindi na ako makapag salita bakit tila umurong ang dila ko? "Ellen." Mahina lamang ngunit narinig ko. Narinig ko ang pagtawag ni Scarlett sa pangalan ko na siyang nagbalik sakin sa katinuan. Lumingon ako dito. Bakas ang malungkot niyang mga mata. Naalala ko na oo nga pala, mahal niya si Reid. Mahal na mahal niya si Reid. "I'm sorry." kaagad na sagot ko kay Reid. Bumakas ang pagkagulat sa mga mata niya. Dumilim ang mukha nito na kanina lamang ay napaka gandang tignan. Para bang binagsakan siya ng langit at lupa. Pero bakit ganto? Hindi ba dapat ay wala akong pake? Bakit ako naaawa sakanya? Ano ba Ellen. Binitawan niya ang kamay ko. Walang ano ano ay naglakad lamang siya palayo sakin na madilim ang mukha. Umiiwas ang bawat taong nadadaanan niya. Wala akong magawa kundi ang panoorin siya papalayo saakin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit para bang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Wala ni sino man ang humarang sa daanan nito. "Reid." Mahinang tawag ko dito. Wala na siya, tuluyan na siyang umalis at nawala sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD