Chapter 2 : Pain Inside

1365 Words
"AREN'T you afraid? I can kill you right now." Malamig na boses na sabi nito. Tinulak ko siya ng malakas kaya naman nakawala ako sa bisig nito. Tulad ng lalaking muntik ng pumatay sakin kanina ay isa ring bampira ang lalaking ito. Kanang mata lamang nito ang kulay pula kaya naman hindi talaga mapapansin kapag natatakpan na ito ng buhok niya. Napakacold niyang magsalita at maging ang mga galaw niya ay parang walang gana. Why did he save me? Balak din ba nitong pagsawaan ang dugo ko? "Hindi ako natatakot sa'yo. Wala akong kinakatakutan." walang takot na bulyaw ko sa kanya pero mabilis nitong hinablot ang kanang kamay ko. Napakakalmado pa rin ng mukha nito. Wala man lang expressiong makikita mula sa mga mata niya. "Bitawan mo ako please. Hindi ko naman sinabing iligtas mo ako di'ba? Ikaw naman 'tong biglang pumasok sa eksena para iligtas ako." "Do you think I'll be here if not instructed? I'm a vampire, I am born to suck your blood and not to save you." napakaprangka nitong magsalita. Hindi ko maipaliwanang pero sa tuwing nagsasalita siya ay parang mas lalong lumalamig ang hangin sa paligid namin. Ilang metro nalang ay mararating ko na ang ospital, alam kong sa mga oras na ito ay nag-aalala na sakin ni Niccolo. I'm always on time, I didn't made him worry, not even once because I am aware of the result. Tinutupad ko palagi ang pangako ko sa kanya, kahit pa minsan ay hinahabol ako ng mga ninanakawan ko ay maaga pa rin akong nakakauwi sa kapatid ko. Gustuhin ko mang magsungit at manlaban sa lalaking ito ay mas maigi pang makiusap na lamang ako sa kanya. Tutal mukhang tahimik din naman ang personality nito. "Please bitiwan mo ako." Mahinang boses na sabi ko sa kanya. "Kelangan kong puntahan ang kapatid ko." Napailing ito at biglang may inilabas mula sa bulsa ng jacket niya. Iniharap nito sakin ang isang tsapa ng pulis. Hindi maari. "You need to pay me first. Remember what you did to my necklace? Ninakaw mo ito." he said with a cold voice. "P-please kelangan ko nang makauwi sa kapatid ko. Please l-let me go." Nauutal kong sabi at sa bawat sigundong lumilipas mas lalong nadadagdagan ang takot at nerbyos sa aking dibdib. Blankong titig muli ang ibinigay niya sakin. Akala ko nakaligtas na ako mula sa kamatayan pero mukhang mas malala pa pala ang nasa harapan ko. Pero hindi pwedeng makulong ako, lalo na't hawak ko na ang kulang para sa surgery ni Niccolo. "Pay me first." ibinalik nito ang tsapang hawak hawak at may inilabas na posas. Saglit na napataas ang kilay nito, tila tinatanong ko ano ang magiging desisyon ko. "P-please." pilit kong inaalis ang kanyang kamay na naka hawak sakin pero hindi ko magawa dahil mas malakas siya kumpara sakin. Tuluyan ng tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Natatakot ako, hindi dahil sa makukulong ako kung hindi dahil alam kong mawawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan ko kapag nakulong ako. Napayuko na lamang ako habang humihigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kanang kamay ko. Parang tinutusok at pinipiga ang puso ko dahil para siyang bingi, parang wala siyang naririnig sa pagmamakaawa at pag iyak ko. "I will detain you for being a theft. Are you not aware of your crimes?" Napahikbi ako habang nilalagay nito ang posas sa isang kamay ko. "Please ginawa ko lang lahat ng 'yon para mailigtas ang kapatid ko. Please." "I'll make you pay." deretsong sabi nito. Tiningala ko siya. Umiiyak pa rin ako pero alam kong bakas na dito ang galit mula sa mga mata ko. Wala siyang konsensya. "Kunsabagay wala ka nga namang puso dahil wala kang pamilya. Isa kang bampira at ang gawain niyo lang ay pahirapan kaming mga tao! Mga mamatay-tao kayo!" "I am..." nanlaki ang mga mata ko dahil hindi na nito nagawang tapusin ang sasabihin. Hinila niya ako papalapit sa kanya at mabilis na inangkin ang labi ko. He's eyes looks terrified and he's hand is trembling. Ramdam ko ang panginginig nito habang hawak hawak niya ang mukha ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niya, sinubukan kong itulak siya pero lalo pang lumalim ang halik nito. I can feel his tongue inside. Mula dito ay nalasahan ko ang kakaibang lasa mula sa bibig ko, lasang dugo. Impossible. Saan ito nanggaling? Possible kayang nasugatan ang labi ko kanina habang sinigawan ko siya? He's sucking everything on me, exploring every single inch of my senses. Ibang iba na din ang pattern ng paghinga nito. Muli ko siyang itinulak pero mas lalo ako nitong inangkin. Napakasensual ng halik niya at parang hinihigop nito lahat ng lakas mula katawan ko. Gustuhin ko mang itulak siyang muli nawalan na ako ng lakas ng loob. Halik lang ang ginawa ng lalaking ito ngunit tila inangkin na din nito ang buong pagkatao ko. "Ate maganda ba sa langit?" Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang maiksing tanong ni Niccolo. Hindi ko ito sinagot at nagpatuloy nalang ako sa pagbubukas ng orange sa harapan niya. "Makakapaglaro na ba ako kapag napunta nako dun?" tumingin ito sakin at napangiti. Kita ang excitement mula sa mga mata nito. Napakagat labi na lamang ako para pigilan ang luha ko. Wala akong maisip na dapat isagot sa kapatid ko. "Makakapagpahinga ka na ba sa trabaho kapag nandun na ako?" Mabilis ko siyang niyakap hindi ko na nagawang pigilan ang luha ko. "Wag ka ngang magsalita ng ganyan Niccolo. Mas maganda pa rin dito sa lupa dahil makakasama mo ako. Kapag gumaling ka na, dadalhin kita sa kahit saang pasyalang gusto mo. Hindi na din ako mapapagod sa trabaho dahil may ipon na tayo." "Ayaw mo bang pumunta ng langit ate?" umiling ako ng paulit-ulit sabay hikbi. "Ayaw mo bang makasama sina mama at papa?" Limang taong gulang palang ito ng mamatay ang mga magulang namin mula sa isang aksidente. Alam kong mayron siyang kaonting ala-ala sa kanila pero maliit lamang ito. "Napanaginipan ko kasi kagabi ate na yakap yakap na daw ako ni papa. Magkasama na daw kaming dalawa at tuwang tuwa siya ng makita ako ulit." lalong napuno ng takot ang puso ko sa sinabi ni Niccolo. "M-my God! P-please Niccolo wag kang magsasalita ng ganyan." nauutal kong sabi habang lalong humigpit ang pagkakayakap ko dito. "Pero ate..." Parang sasabog na sa sakit ang puso ko. Namamawis na din ang mga kamay ko dahil sa sobrang nerbyos. "Gagaling ka ha. Nakapagipon nako para sa surgery mo, bukas na bukas din darating na ang doktor para pagalingin ka." Lumuhod ako sa harapan nito at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Please, mangako ka sakin wag mong iiwan ang ate." "Kasi ate gusto..." Tiningnan niya ako sa mga mata. Napakamakasarili ko dahil hindi ko naiisip na nahihirapan na din si Niccolo dahil sakin. Gustuhin ko mang lumuha ng lumuha sa harapan niya ay hindi ko magawa. I forced myself to show him a smile. "Please mangako ka sakin Niccolo. Ikaw nalang ang mayron ako." Hinalikan ko ang maliliit na kamay nito. "Ikaw nalang ang rason kung bakit ako nabubuhay." "Pero ate may mag-aalaga na sa'yo." "Stop it Niccolo." di ko alam na napataas na pala ang boses ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang dami niyang naiisip, marahil ay dahil sa takot na naramdaman niya kanina. Maging ako ay hindi din mawala ang takot dahil hindi ko din alam kung paano ako nakarating sa kwarto ni Niccolo. Nagising na lamang ako dahil sa paghawak ng kapatid ko sa kamay ko. "Siya ang mag-aalaga sa'yo ate." Natigilan ako sa sinabing iyon ni Niccolo. Napakagat-labi na lamang ako dahil mayron siyang tinuro sa likuran ko. "Mister pwede niyo po bang alagaan ang ate ko? Alam ko medyo masungit siya at matigas ang ulo pero mabait po ang ate ko, mapagmahal at hindi po siya madamot." Nanginginig man ang sistema ko ay pinilit kong lingonin ang taong nginingitian ng kapatid ko. It was him. Tahimik itong nakasandal pader habang nakacross arms. Hindi ko man lang napansin ang presensya nito simula kanina. Nakatingin lang siya saming magkapatid habang hawak hawak ang isang supot ng apples.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD