Chapter 3 : Wild Contract

1438 Words
MAHIGPIT akong napahawak sa mesa habang pinapanood siyang ilagay ang dala nitong apples. Tahimik pa rin siya at wala man lang kahit konting expression ang mukha nito. "What's wrong?" nagharumentado ang puso ko ng ibaling nito ang paningin sakin kasabay ng tanong niya. Agad namang binalot ng kaba ang puso ko, bumalik agad sakin lahat ng mga nangyari bago ako hinimatay dahil sa contract binding na ginawa niya. Naaalala ko na ang lahat ng nangyari bago ako napunta ng ospital. "Can I ask for your name m-mas-ter?" nautal pa ako sa huling salitang idinagdag ko sa tanong ko rito. He just stared at me saka nito inalis ang suot niyang jacket. Nagulat ako ng bigla niya itong hinagis sakin. "Chase." tipid na sagot nito. "Chase what?" skeptic kong tanong. Agad naman niya akong tinitigan ng masama, as if he wants to possess me again. "Sorry, what is your last name master?" mahinahon kong tanong dito. Sa totoo lang parang ang sakit talaga sa lalamunan ko na tawagin kong master ang lalaking ito. As far as I know, he's just a vampire cop and he molested my everything using that kiss. Pero sino namang maniniwala sakin kapag sinabi kong inangkin niya ang buong pagkatao sa pamamagitan ng isang simpleng halik di'ba? Isa pa, niligtas niya ang buhay ko, kinailangan ko ding gawin ito kapalit ang kalayaan ko at para makauwi ako sa kapatid ko. "You should go to my office tomorrow. Wear that jacket and tell them that you're looking for Chase Arazano. May ipapagawa ako sa'yo." lalong dumilim ang buong paligid dahil sa napakaseryo ng pagkakasabi niya. Tumango naman ako dito. As if! Kapag nakabalik ako ng hospital ay itatapon ko itong jacket na pinahiram niya. Sinong kriminal ang maglalakas loob na pumasok sa Metropolitan Police Station di'ba? Baka mamaya palabas lang nito ang lahat at ikukulong agad ako kapag pinuntahan ko siya sa lugar na 'yon. "I know what you're thinking. Don't think about not showing up or else your dead." Tiningnan ko lang ito na kasalukuyan ng nakapamulsa sa gilid. Nilalaro na nito ang posas na nasa kamay ko kanina lang. "And to complete our contract, we need to bind it." nagulat na lamang ako ng kinuha nito ang kwintas mula sa bulsa niya. Ibig sabihin pala ay kinuha niya pa rin agad ito mula kay Mr. Clayton. He smirked. "You're a wise woman indeed. Dahil kinuha mo ang kwintas na ito mula sakin ay gumawa ka na ng temporary contract para maging alipin ko kanina lamang. Hindi ko aakalaing ikaw pa mismo ang lalapit sakin para gawin ito. You're just my target, dapat kanina pa ay pinatay na kita kung hindi mo lang ninakaw ito." napatameme ako habang nakikinig sa kanya. Wala man lang akong naintindihan sa sinabi nito, sobra ata akong na-overwhelm dahil ito ang unang pagkakataong nagsalita siya ng napakahaba. "Anong kinalaman ng kwintas sa contract? Anong ipapagawa mo sakin? Anong ibig sabihin ng contract binding?" napakamot ako ng ulo. Tangina, sunod sunod ang naging tanong ko sa kanya. "Tss. You cunning woman!" Pagkatapos ng sigaw niya sakin ay tuluyan ng nandilim ang paningin ko. Tama! Mabilis kong inangat ang kanang kamay ko, please tell me that it was just an illusion. Agad kong binaon ang mukha ko sa kama ni Niccolo dahil sa frustration na naramdaman ko. Hindi illusion ang lahat dahil totoong mayroong marka ng krus niyang naiwan sa kamay ko. It wasn't bleeding at hindi din ito tulad ng isang simpleng tattoo. Nakakainis naman. I'm just a thief. At the age of 24 ay nagawa ko ng mapagipunan ang surgery ng kapatid ko. Kung kelan akala ko ay matatahimik na ang buhay namin dalawa, napilitan naman akong sumang ayon sa isang kontratang wala man lang kahit anong detalye. Starting tomorrow, I Crimson Monteverde will be the slave of a half-vampire cop, Chase Arazano. "CHIEF! YOU WON'T BELIEVE THIS, MAY NAGHAHANAP SA LONER MONG BABYBOY!" Napamura ako sa isipan ko. Gustuhin ko mang gawin sekreto ang paghahanap ko sa taong 'yon ay impossible dahil sa malakas na sigaw ng female cop na ito. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan ko siya pero mukhang totoo ngang maraming namamatay sa maling akala. Hindi ko mapigilang hindi mapanganga habang sinusundan ko siya ng tingin habang papalayo sakin. Napakaganda nito at napaka-elegante sa suot niyang black uniform pero dahil sa kanya pinagtitinginan na ako ng lahat ng taong nasa loob ng silid. Halos hindi ako nakatulog sa pag-iisip kung tutuloy ba ako sa pagpunta dito, kung hindi lang dahil sa sinabi ni Niccolo sakin ay hindi ako mapapapadpad sa Special Investigation Unit ng Metropolitan Police Station. Napabuntong hininga na lamang ako habang naghihintay na may lumabas na Chase sa silid na pinuntahan ng tinatawag nilang Chief. "Impossible! Girlfriend ba siya ni Chase? I gave up on him dahil akala ko impossible dahil sa napakacold nito." "He's a vampire and she's just a weak human." Grabe naman kung makapagsalita ang mga babaeng nakaupo sa harapan ng mga desktop computer sa gawing kanan. Hindi ba nila alam na naririnig ko lahat ng sinasabi nila? Baliw lang talaga ang taong bumubulong pero napakalakas naman ng boses. "Pero may dala siyang lunch box." maiksi namang sambit ng kausap nito. Napadumog nalang ako sa kahihiyan at napahigpit ang hawak ko sa lunch box. Kung hindi lang dahil kay Niccolo ay hindi ako magdadala ng ganito. Kasama kasi sa naging request niya na dalhan ko ng sliced apples ang lalaking 'yon. "Why are you not wearing my jacket?!" Napatingala ako sa kinauupuan ko at nakita ang isang lalaking nakasuot ng black uniform at may suot na black eyeglasses. Napakaformal nitong tingnan at sadyang nakaka-intimidate ang presensya nito. Pakiramdam ko anong mang oras ay pwede akong matunaw dahil lang sa simpleng titig nito. "Huh?!" Sinamaan niya ako ng tingin. I heard him curse. Napaikot naman ang paningin ko sa buong paligid, lahat sila ay nagtatakang nakatingin sakin. "Sorry, ang hinahanap ko po ay si Chase Arazano." napalunok ako sa sobrang nerbyos. Bakit ba nila ako pinagtitinginan at sino ang taong kaharap ko ngayon? "Tss." singhal nito. Gusto ko pa sanang siyang tanungin ng bigla nitong hinablot ang kanang braso ko dahilan para mabitiwan ko ang lunch box na hawak hawak ko. Mabilis ako nitong kinaladkad papunta sa opisinang pagmamay-ari ni Chase. "Secretary ka ba niya?" tanong ko ng makapasok na kami sa loob ng silid. Pabagsak naman nitong sinarado ang pinto at humarap sakin. Galit na galit ako nitong tinitigan ng taas baba. Ano bang problema at inis na inis sakin ang taong 'to? Pasalamat siya hinahanap ko ang bampirang 'yon kaya wala akong balak pumatol sa kahit sino. "You are stupid." singhal nito pagkatapos maupo sa isang swivel chair ng mesang nasa gitna ng silid. Hindi man lang ako inalok nito na maupo man lang. Napakasama ng ugali niya. Konting konti nalang talaga at mapupuno na ako sa ginagawa ng lalaking ito. "Don't you recognize me stupid woman?!" hinagis nito ang suot na eyeglasses kaya nireveal nito ang itim niyang mga mata. Napangiti lang ako dito sabay iling. Siguro kung wala lang akong problema sa buhay ko ay magugustuhan ko ang lalaking ito. Napakagwapo niya, formal, malinis, matalinong magsalita kahit sobrang sungit. "s**t! You're unbelievable." napamura na naman siya. Saglit akong natahimik habang pinapanood itong guluhin ang buhok niya. Ilang minuto din ang ginugol nito bago muling humarap sakin. Napakagat labi na lamang ako ng makita ang kanang mata niya, kulay pula na ito. Mabilis niya naman itong tinakpan ng mahabang buhok niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. Dahan dahan na nitong tinanggal ang dalawang butones ng suot na uniporme. Nakita ko ang kwintas na suot niya at ang itaas na parte ng katawan nito. Gosh! "Wait! Tumigil ka na please. Okay na master alam kong ikaw yan." Napalunok ako habang tinatakpan ang mata ko. Ayokong makita ang katawan niya dahil hindi ako makapaniwalang ang taong nakita ko kanina at siya ay iisa. Naging kalmado na ako sa pagkakataong ito, magkaharap na kami sa table niya at mayroon siyang inilapag na documents sa harapan ko. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng office nito, sa tingin ko ay nakakatanggap siya ng special treatment mula sa chief niya dahil nakahiwalay ito mula sa ibang mga kasamahan niya, kompleto din lahat ng gamit sa silid nito at may pangalan at titulo siya sa harapan ng mesa niya. CHASE ARAZANO VICE CHIEF Special Investigation Unit "I want you to scan this documents for me stupid thief. Bring me coffee every 4 hours. You'll be my slave and secretary starting today."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD